Wednesday, May 15, 2013

Jeepney Press May-June 2013

Jeepney Press May-June 2013
by Dennis Sun


An Interview With The Ambassador
 by Dennis Sun

His Excellency Manuel Moreno Lopez, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Republic of the Philippines in Japan, was born in Baguio City, Philippines on May 1942. He graduated with a degree of Bachelor of Science in Business Administration from the University of the East in 1967 and from Harvard Business School’s Program for Management Development  in 1970. He started his career at the Manila Electric Company (MERALCO), eventually becoming MERALCO’s Chairman and CEO from 2001 to May 2010. He arrived in Japan on January 2011 and presented his credentials as Philippine Ambassador to Japan to His Majesty Emperor Akihito on 07 April 2011. He is married to Madame Maria Teresa Lagdameo Lopez and has four children. 

Jeepney Press is deeply honored to have His Excellency the Philippine Ambassador to Japan grace its centerfold. It is our hope that through this interview, Filipinos in Japan would get to know more  and get closer to our dear ambassador.

Japan is home to about 250,000 Filipinos. When you were given the post to become ambassador of the Philippines in Japan, what was your reaction? And how did you prepare yourself for your first job as a public servant?
I welcomed the challenge given to me by the President since Japan is perhaps our second most important partner after the United States. I tried to learn as much as I could since I wanted to leave for Tokyo right after the New Year. The reading materials on Japan were voluminous, so you tried to absorb as much as you can and at the same time meet with friends who were posted in Japan one time or another. Up until this day I continue to learn something new about Japan.

What were your expectations on your role as ambassador for the Philippines?
Definitely to serve our countrymen in Japan the best way I can and at the same time bring everyone in the Embassy staff to instill the spirit of “malasakit” to all our kababayans. Together with the entire staff, both Tokyo and Osaka, we want to bring quality service to all our countrymen to the best of our abilities.

You were welcomed to Japan with one of the country's most tremendous disasters, the 3/11 earthquake. How did you tackle the experience?
It was perhaps a most challenging and daunting experience not only for me but the entire embassy since none of us have ever experienced a disaster of this magnitude. Yes, I have experienced calamities back in the country but they were mostly on typhoons and floods. But the disaster that hit Japan in March 11, 2011 made all of us work doubly hard, sacrificed personal safety and comforts to ensure that our kababayans in the Tohoku area were attended to. I thank the leaders of the Filipino communities in the stricken areas for also rising to the challenge by supporting our efforts. Everyone did their best to see to it that those most affected especially were taken cared of. We hope there will not be a next time, but should it happen again, we shall be better prepared.

In your 2 ½ years in Japan, what has been the most difficult task you have encountered?
To try and improve the image of the Filipino and the Philippines as an admired country in the international community and deserving of the respect and recognition of the Japanese people. Our jobs are made easier with the inspiration of President Benigno S. Aquino III who has made all Filipinos proud of their country due to his “matuwid na daan” policy. With the increase in Japanese visitors to the country the last few years and the level of trade and investments of Japanese companies to an all-time high, we feel rewarded by the new image of our country and definitely the best is yet to come.

How were your expectations and preconceptions of the Filipinos in Japan before you came different from your actual encounters and experiences so far?
In my 40 plus years in the private sector, I was always involved in dealing with our employees and the community we live in and so working with the Filipino community in Japan was not really a problem. Mrs. Lopez and I have vowed to make ourselves open to meeting with them and attending to their functions. We have become close to many of the community leaders especially those in Philippine Assistance Group (PAG) who have supported the Embassy’s initiatives. Maraming salamat sa kanilang lahat.

There are many social and community events that bring the Filipino community together in Japan, but not as many that help them assimilate with the Japanese society in terms of doing projects together, etc. Do you think there is a need for this interaction and what programs or projects can you conceive that can make this happen?
This is definitely a continuing work in progress, however, I am happy to note that many of our countrymen who live here have very well assimilated with the Japanese society. Their knowledge of the Japanese language and practices are very noteworthy and certainly has made them very much a part of the Japanese society. I am quite pleased with the way the majority have adopted to their new home away from home environment. Interaction and participation in local events and activities are certainly encouraged to gain better understanding and acceptance with the communities we all live in.

In assessing the Japanese language proficiency level of the average Filipinos in Japan, I think most of them are limited to speaking basic conversational Japanese only and have difficulty in reading and writing either formal or business Japanese. The language barrier has been a huge block to hindering the Filipinos succeed in the Japanese mainstream market. What motivational projects and programs can the embassy propose to develop the Japanese language ability of the Filipinos?
Learning to read, speak and write Japanese is very difficult and even those who have studied here in Japan can attest to that. However, this should not be a hindrance in succeeding in business or working here since the Japanese community has learned to accept migrant workers who have adopted themselves to understanding the Japanese way, the best way they can.

I have spoken to a number of Filipinos working in Japanese companies and they have somehow managed even if they are not very proficient with the local language. The Japanese labor market today is very different from before. Today, they welcome more and more overseas workers who are competent and willing to work hard for their companies. It is my hope that more of our nurses and caregivers will not only become proficient in Japanese language but also adopting well to Japanese healthcare requirements which is quite challenging I was told.

What are the things you would like to achieve for the Filipinos in Japan? What is your vision for the Filipinos? How do you envision the Filipinos in Japan to be by the end of your term?
I would like to see all Filipinos living and working in Japan to be held in high esteem by the community or their employers. I am pleased to note that our countrymen working for the many different emba-ssies based in Japan are very highly regarded not only by the Ambassadors but also by their fellow workers primarily because of their proficiency in English, work habits and “malasakit.”  I have yet to hear even a mild complaint from my ambassador colleagues here on any of their Filipino staff. As a matter of fact, they were very proud of the Filipinos especially during the March 11, 2011 earthquake where they did not leave their employers for their own personal safety.

When you took the role as an ambassador, what was your mission? What legacy would you like to leave in Japan when your term ends? How would you accomplish it?
When my posting ends, I would like to be remembered as having given the best I could in the service of all Filipinos irrespective of status. I also want to thank my entire staff, past and present, for giving their 100% support to our vision of providing our countrymen quality service to the best of our abilities and at the same time creating a positive image in Japan.

What message would you like to send to the Filipinos in Japan?
Sa mga kababayan kong minamahal, maraming salamat po sa inyong suporta at pang-unawa sa Philippine Embassy at sana lagi tayong magtulungan para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. Maasahan niyo lagi ang suporta ng buong kakayanan namin para makapaglingkod sa inyong lahat. Kung meron kayong mga hinaing, maari ninyong ipaalam sa amin at sisikapin naming matugunan ang lahat ng ito upang lalo pang mapaganda ang aming serbisyo sa inyong lahat.

Maraming marami pong salamat at mabuhay ang Pilipino!

Dennis Sun


Hindi biro ang magpalaki ng anak. At mas hindi biro ang magpalaki ng anak dito sa Japan. Kahit sabihin mo pang ga dosena pa ang mga anak ng isang pamilya sa Pinas, parang wala pa rin problema kay nanay at tatay. Siguro, meron na kasing taga-alaga, taga-luto, taga-linis, taga-tulog, taga-palengke at taga-laba. Eh paano naman kung walang “taga” si nanay na isang hamak na dukha lamang? Siguro, kaya ganyan na lamang dumarami ang mga street children sa atin. O kaya’y imbis na meron “taga” ay “maki” na lamang: maki kain, maki luto, maki linis, maki laba, maki tulog at kung anong maki pa.

Dito nga sa Japan, isang anak lamang ang meron pero grabe sa hirap ang mga nanay. Siguro, ang isang anak dito ay katumbas sa apat na anak sa Pinas. Buti nga sa Pinas, kahit ordinaryong tao, kaya pang kumuha ng katulong sa bahay. Ngunit dito sa Japan, kahit sabihin mo pang may kaya ka sa buhay, hindi mo pa rin kayang kumuha ng katulong. Pagdurusa ang sumpang nakuha sa pagsilang ng sanggol! Hayan si Mama Olive, habang nag bibisikleta, angkas niya ang tatlong anak. Isipin mo lang kung paano niya na ba-balanse ang bisikleta. Pwede na rin siyang sumali sa circus. Hindi porket marunong kang mag-bisikleta, OK na. Tatlong bata ang angkas mo. Eh, paano na lang kung may loko-lokong driver diyan?

Gusto kong ipakilala sa inyo ang isang nanay na Pilipina na taga-Ibaraki, si Bebelita Takayasu,  na tinaguriang “sumo mama” dahil ang kanyang anak ay isang sikat na sumo wrestler sa Japan. Gusto ko sanang interbiyuhin yung anak niya mismo pero alam naman ninyo, hindi basta-basta kadali ang mag-interbiyu ng mga sumo wrestlers. Marami kang pag dadaanan na butas. Pero ang nanay naman ay napaka-available tsaka visible sa lahat ng mga events. Para na rin siyang isang celebrity! Napag-isipan ko, baka pwede natin matanong kung paano siya nagpalaki ng isang sumo wrestler.

Nagkita kami sa Burger King isang gabi sa Roppongi, Tokyo. Dala niya ang kanyang BFF na si Ningning Tomiyama na presidente sa fans club ng kanyang anak. Tatlong oras kaming nagkwentuhan tungkol sa buhay ni Bebelita. Unang plano ko talaga ay ipokus ang kwento sa kanyang pagpapalaki ng anak. Subalit sa daloy ng kanyang kwento, natuklasan ko ang makulay at ma-dramang buhay ni Bebelita simula ng pagsilang niya hanggang ngayon. Hindi pa nga siya sinisilang, nagsimula na ang heavy drama! Imagine mo, iyak kami ng iyak ni Ningning sa mga kwento ni Bebelita. Buti na lang at libre at “tsukaihodai” ang paper napkin sa Burger King. Non-stop ang pagtulo ng aming luha. Mala-tele nobela ang buhay ni Bebelita. Kahit siguro 10 seasons ng tele-drama, kayang-kaya! Naka-tatlong balik na ako sa toilet at apat na hot coffee, hindi pa rin matapus-tapos ang kwento niya! Sasabihin ko na hindi sapat ang artikulong ito para bigyan buhay at katuwiran ang mga sangkap na karanasan na sumapo sa kanyang buhay.

Heto po ang ilan sa mga ulat na galing sa buhay ni Bebelita Takayasu mula sa kanyang mga natitirang makulay na alaala.

“Pinanganak ako na hindi kasal ang aking mga magulang dahil menor na edad sila. Mga kapatid ng nanay ko, mga uncle ko, against sila sa kasal. Matatapang. Ayaw nila. Ang masakit noon, hanggang ngayon, hindi ko pa nakita ang tatay ko. Kinuha ko ang apelyido ko sa lola. Ang nanay at lola ko ang nagpalaki sa akin.”

“Hindi ko kilala ang tatay ko. Sabi lang ng aking nanay, nalunod sa sabaw ang aking tatay. Ni isang letrato ng tatay, hindi ko nakita. Kaya hindi ko ma imagine kung anong mukha niya. Tinago lahat ni nanay. Masakit yata ang loob niya.”

“Three years ago ko lang nalaman ang whereabouts ng aking tatay, when I was 49 years old. Pinagtanong ko siya. Hinanap ko siya. Ngunit, wala pa rin. Ngunit salamat sa facebook, nagkaroon ako ng pag-asa!”

“Nag-iwan daw ng sulat ang tatay ko para kumuha ng bar exam sa Maynila. Kasi nasa Davao sila. Sabi niya, kapag nakapasa siya, babalikan niya ako. At pumunta siya doon para makapagtrabaho din sa Caltex sa Maynila. Kaso hindi na siya bumalik. Pero nadestino siya sa Hong Kong kaya hindi na niya kami mahanap. NPA (no permanent address) siya dahil kung saan-saan siya dinala ng amo niya.

“I was born in Davao. Grew up in Bohol and Cebu. Lola ko sa Bohol pero nanay ko, sa Cebu ang work niya. Pero every year, umuuwi pa rin kami sa Davao.”

“Noong hindi pa nag-asawa ang nanay, ang ganda-ganda ng buhay namin. Naalala ko noong 4-5 years old pa ako, ang dami kong magagandang damit. Pero nang nag-asawa ang nanay ko, parang naghirap kami. Kasi ang napangasawa ni nanay, isang mangingisda lamang. Pero, in fairness, napakabait ng step-father ko. Hindi ko lang siya matanggap bilang tatay kaya hindi ko siya tinawag na tatay. Noon lang na nag-asawa ako na tinawag ko siyang tatay. Sabi ko sa kanya nang kasal ko, ‘Tay, kain na tayo.’ Umiyak siya noon. First time ko siyang tinawag na tatay.”

“Pumunta ako sa Maynila, sa Labor Office noon para maghanap ng trabaho. Sabi sa akin meron daw opening sa canteen. Pagdating ko doon, wala naman available na work. Nandoon lang ako sa canteen at biglang dumating ang swerte sa akin. Isang secretary ng mataas na opisyal ang nakakita sa akin at nagtanong kung anong ginagawa ko at nagbigay ng trabaho sa akin. Binigyan ako ng Olympia typewriter kahit hindi ako marunong mag-type. Tinuruan nila ako. Sabi nila masasanay din ako. Kaya habang nagsasanay ako sa typewriter, dinala din ako sa photo lab para mag Xerox ng maraming dokumento at idala sa kabilang building. Dito ko na-experience na kahit wala pa akong na-abot noon, ang mga ka mingle ko ay mga abogado na. Dito ako natuto sa kanila. Hanggang naging assistant ako.”

“Paano ko nakita si mister? Actually, ang kwento diyan, naligaw siya. Niligaw siya ng taxi driver. Gusto niyang pumunta ng Ministry of Tourism pero dinala siya ng driver sa Labor. Nang malaman ng guard na Hapon siya, tinawagan nila ako dahil nag-aral ako ng konti ng Hapon sa libro na binigay sa akin. Ewan ko ba, at minememorize ko ang Japanese dictionary. Yung pinsan kong buo, nag-asawa ng Hapon. Binigyan niya ako ng jibiki na meron mga conversational Japanese lessons. So hayun, kinausap ko siya, Mr. Takayasu daw ang pangalan niya. Natuwa siya sa aking Japanese na medyo bara-bara pa. Sinabihan ko yung guard na kumuha ng taxi para dalhin siya sa Tourism.”

“Medyo makulit din si Mr. Takayasu at kinuha niya ang home address ko sa guard namin. Biglang dumating siya sa bahay. Nabulabog ang mga kapitbahay namin sapagkat ngayon lang sila nakakita ng Hapon. Gusto raw niya akong i-treat ng dinner. Pero sabi ko, kailangan isama yung 5 pinsan ko. So, ganoon na lang kasaya ang mga pinsan ko. Dumalaw na naman at gusto niya kaming i-treat sa karaoke. Pagkatapos, biglang bumili siya ng plane ticket para makapunta sa Davao kung saan ako isinilang. Binigay niya sa akin ang lahat ng pera, plane ticket at passport. Nag-enjoy siya sa Davao.”

“Bumalik siya sa Japan at buwan-buwan, pinapadalhan niya ako ng pera. Sarap ng buhay ko noon kaya lagi na lang akong nasa department store shopping at kumakain. Tatlong taon din niyang ginawa yon. Ang tagal nag ligaw. Hindi pa kami kasal at nakapagtayo ako ng bahay para sa nanay. Ang sarap ng buhay ko noon. Pero after three years, nag-propose na siya ng marriage sa akin.”

“Ayoko noong una kasi hindi ko naman siya mahal. Pero sabi ng mga tiyahin ko, isipin ko daw ang future ko so pakasalan ko na siya. Inisip ko na lang ang buhay ko, matulungan ang pamilya ko, at huminto na lang sa trabaho sa Labor. Imagine mo, 15 pesos per day, tiniis ko! Pumunta kami sa Davao para magpakasal. Hindi ako makakain at lagi akong nag-tatae. Hindi talaga ako sure kung bakit ako magpapakasal sa kanya.”

“Pagdating sa Davao, meron isang rebulto ng Virgin Mary. At doon, umiyak ako at nagdasal kung bakit ako ikakasal. Pinakasal kami sa civil wedding.  Marami pang extra sa perang dala niya para sa kasal kaya pinamigay ko na lang sa mga kapamilya at kaibigan. Sayang din yon kasi hindi na niya mai-uwi sa Japan kasi nasa pesos na raw.”

“Dumating ako sa Japan at noong 1987, nag negosyo ako ng Philippine store sa Saitama ken. Magaling ako sa PR kaya nag simula muna ako sa mga eki at nakipag-usap sa mga Pinoy na nagdaraan sa daan. Maganda ang kinahinatnan ng negosyo. Nakapag-open pa kami ng restaurant. Nakapag-open pa kami ng dalawang branch sa Ibaraki. Habang nagne-negosyo, nag aalaga din ng dalawang anak. Tumigil sa work ang asawa ko para tumulong na rin sa business. Hanggang sa lumaki na ang mga bata. Alam din nila yung pagdurusa ko. Minsan 3-4 oras lang ang tulog ko.”

“Dumating ang panahon na tumigil na ang pagpunta ng mga talent sa Japan. Humina ang business. Since sa negosyo lahat galing ang pera, minsan meron din tag-hirap at hindi na kayang ipasok sa school ang mga bata. Kulang sa pera. Wala rin trabaho si papa dahil sumusuporta rin siya sa business. Nadanasan ko yung puputulan ka ng kuryente dahil hindi nababayaran. Kaya sinabihan ko si Akira, ang pangalawang anak, na tumigil muna at patapusin na lang muna ang panganay na anak. Plano ko talaga ay siya sana ang tutulong sa kapatid niya pero siya pa ang maraming nagastos.”

“Minsan, pagbalik ni Akira sa bahay galing sa school, sinabihan siya ng teacher niya na pag-aralin na lang siya sa sumo. So dinala namin si Akira sa isang stable of sumo wrestlers. Hay naku, maliit pa yan, matataba na ang mga anak ko. Nagustuhan si Akira ng stable master. Doon, walang bayad at libre pa siya sa lahat.”

“15 years old si Akira ng pumasok siya sa sumo training. Lahat ng hirap at pagdurusa, nalasap niya doon. Ilang beses na rin niyang gustong huminto doon. Minsan sinasaktan din siya. Minsan tumatawag sa akin pero wala rin akong magagawa. Kailangan niya dapat maging matatag. Simula sa ilalim, umaakyat ng konti ang ranko niya. Sa bawat panalo, tumataas ang ranko. Ngayon, sa taong 23 anyos, professional wrestler na siya. Dinanas niya lahat ang hirap. Ngayon, marami na rin siyang mga assistants. Hindi na siya nagluluto, naglilinis at naglalaba. Masaya ako para sa kanya at sana ay tuluy-tuloy na ang pagiging yokozuna niya, ang pinakamataas na ranko sa sumo.”

“Minsan, nagtanong sa akin ang anak ko kung sino daw ang tatay ko, ang lolo niya. Wala akong masagot sapagkat hindi ko alam. Kasi ngayon nagging sumo celebrity na siya, tinatanong ang “root” o pinangga-lingan niya. Sabi ni Akira, hanapin ko daw ang tatay ko.”

“Alam ko yung tunay na pangalan ng tatay ko. So punta agad ako sa computer. Facebook! Type ko yung pangalan niya at kay daming lumabas na tao. Nagtanong ako sa lahat sa kanilang may tulad na apelyido at pook. Tinanong ko kung kilala nila ang tatay ko. Sabi ko, hinahanap ko ang tatay ko. Hayun at nagtanong din sila sa kanilang mga tatay at kamag-anak. Hanggang nakita ko siya.”

“Meron daw akong ibang kapatid dahil nag-asawa daw yung tatay ko sa ibang babae. Pero biyudo na siya at nakatira sa Canada. Lumipad bigla ako sa Pinas at kinausap ko ang nanay ko. Doon, nakuha namin ang telephone number ng aking tatay at tinawagan namin. First time kong nakausap ang aking tatay. Hindi ko alam kung magagalit ako o kung sasaya ako. Natuklasan ko na meron pa akong cool na cool na daddy! After 49 years, makikita ko na ang daddy ko. Ngayon, next plan ko ang pumunta ng Canada para makapag-bonding kami!”

Hayan ang buhay ni Bebelita, ang sumo mama. Nalasap niya ang napakaraming mabibigat na hirap sa buhay. Pero sa kabila ng pagdurusa, naging lalong mas matatag siya. At kung may malas man na dumating, parating pa rin ang swerte.

Dennis Sun



It’s May and as of this writing, tapos na ang mahiwagang Golden Week vacation natin sa Japan. I’m sure, marami ang umuwi sa atin who missed their family and friends and wanted to experience more fun in the Philippines.

Besides family and friends, of course, there are 3 other things that make it more fun in the Philippines. They are food, shopping and massage… the last one being the most important for me. I can settle for my mother’s cooking at home and go by without shopping. But don’t take away the massage from me. Siguro, it must be a sign of aging? When you are in your twenties, hindi mo pa kailangan ito. But when you double that age, it becomes a necessity already. What about when you triple that age? Sigaradong rehabilitation na ang kailangan!

It’s really fun to go back home. Why? Because it is so cheap! Tingnan mo lang kung magkano ang isang oras na massage sa Japan, about 6,000 yen. Pero sa Pinas, 600 yen lang per ora doon sa malapit sa bahay namin. Tsaka bigyan mo na rin ng konting tip pang konsuelo. Feeling rich, diba? Nandoon ka na rin, magpagupit ka ng buhok at kung kailangan, magpa-kulay ka na rin. O sige, sabayan mo na rin yan ng manicure at pedicure. At kung may extra datung ka, magpa-facial and body skin bleaching ka na rin. At kung super-dooper rich ka, derecho ka na lang kaya kay doktora para mapa-ayos mo yung ilong, mata at ano pang parte ng katawan mong gusto maretoke. Aba, tingnan lang natin at baka ma-deny kayo sa airport sa Japan kasi hindi mo na kamukha yung pikchur sa passport at residence card mo. Baka gusto mo na rin kayang palitan yung pangalan mo? How about Marilyn Monroe? Blonde and blue eyes ka na kasi, eh! Why not? Inday, tumahimik ka! Sa tanda mong iyan, mahigit singkwenta anyos ka na. Baka matakot lang ang immigration sa yo at mapagkamalian kang terorista at derecho ka sa kulungan!

Indeed, it’s going to be MORE than FUN in the Philippines as there is a national election this May. Ano kaya ang mangyayari at sinu-sino kaya ang mananalo? Siguro, by the time you are reading this article, alam niyo na kung sinu-sino sila. Just to let you know, kahit nandito tayo sa Japan, pwede tayong bumoto sa mga national elections sa Philippines. It’s called the Overseas Absentee Voting (OAV). Pero kailangan, mag-pa-register muna kayo sa Embassy o ibang konsulado ng embahada. Kaya sa susunod na eleksyon, exercise your right to vote by contacting the embassy about the voting procedures.

Sarap talagang bumiyahe. Last time I left Japan, I used Haneda International Airport as the port of embarkation. It was so beautiful, new, high-tech and of course, much nearer compared to Narita International Airport, if you are coming from central Tokyo. Haneda airport is perfect for me as it took less than an hour to get there as opposed to Narita where it takes about 2 hours. I just read in the newspaper that Haneda is now ranked as the 4th busiest airport in the world. Pero when I was there, hindi naman ganoon karami yung mga tao. Guess which airport is the world’s busiest? Siempre, China’s Beijing Capital International Airport. Sa kanila lang, punung-puno na siguro yung airport.

Pero last time I traveled abroad, medyo feeling poor na ako. Kasi bumaba ang value ng yen. Tumaas ang dolyar at pesos against the yen. Kaya yung 600 yen na massage ko, naging 800 yen na. Aray ko po! Huwag na lang kaya full body massage? Kasi mahal na. Wala pa yung tip doon. Foot massage na lang kaya para mas makamura?

Imagine po ninyo, during the 1970’s, yen was valued at around 300 yen to the dollar. Japanese products cost little compared to imported products which were so expensive. During the 1980’s, yen was pegged to about 200 yen to a dollar. By the 1990’s, yen went to the 100 yen mark to a dollar. Until last year, yen became so strong as it was pegged around 70 yen to a dollar. As of this writing, it already went back to the 100 yen mark to a dollar.

Maraming salamat po sa ating mahal na Philippine Ambassador Manuel Lopez, Minister Angie Escalona, Minister & Congen Joy, Consul Ryan, Agriculture Attache Doc Sam and Tourism Officer, Mr. Val Cabansag for supporting my art exhibition at the ASEAN Japan Centre in Tokyo last March 27 – April 5. Special hugs to DOT’s Jennifer Yamamoto who was there from the start coordinating the event, Joyce Ogawa for being a wonderful hostess, Abby Watabe for the fabulous gift of food for my birthday and closing party, Racquel Satuna for giving everyone physical relief with her relaxing hilot massage, Arlene Dinglasan for the technical help and all my friends who were there to share the fun!


Alma R. H. Reyes



“The ants go marching one by one
And they all go marching down, around,
and upside down.”    -The Ant’s Marching Song

Confucius said, “Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.” I wish I could say the same about the quotidian pattern of commuting every single day in Tokyo. We hear so many dark, horror stories about how Tokyo trains and train stations not only look graphically like a pack of sardines, but also feel unsettlingly like a pack of sardines, smell offensively (in summer?) like a pack of sardines, and breathe forcefully like a pack of sardines! I prefer to call them though, buzzing, complaisant ant colonies—for there is most certainly a stiff-faced “leader” or “leaders” among them diligently guiding the commuter ants on what to do, where to go, and how to go, just like those loud, repetitive train station announcements that basically blast the same, monotonous monologue.

For more than a decade, my life was at “considerable peace” when I maintained an up-and-down freelance job. Although I worked for long hours, sometimes more hours than the average Japanese salary man, I conveniently set my own time and place, and could work at home or in a cafĂ©, and take needed breaks whenever I wanted to. Simply put, I was my own “leader,” my own “follower,” my own “ant colony.” This time, I’m obligingly programmed to join the millions of crawling Tokyo train commuter ants to jump onto the train at 8:50 a.m. and again at 6:45 p.m. during the mind-blowing rush peak hours. Chaotic madness. Often, I think that I would start the day already breathlessly exasperated just by being inevitably subjected to the physical and mental confrontation with the swarming ant colonies, scurrying every corner of the escalators, staircases, platforms, going about their delegated duties, and unmindful of the other ant platoons around them. Bela Gulosi, the famous Dracula actor once said, “Like ants that are chained by monotony, afraid to think, clinging to certainties.”

Last March, the Fukutoshin line from Shibuya Station was extended to join the Toyoko line until Motomachi-Chukagai in Yokohama. This, of course, meant more scampering commuters herding into the stations and trains along this line. Unfortunately, I take this line everyday, and nonetheless, end up being so claustrophobically surrounded by station guards, maybe more than thirty of them, in just one train platform, lined up in front of the train doors like a battalion file, except without their M16 rifles, yelling profusely all at the same time, “This way to Ikebukuro…this way to Motomachi…take the escalator…take the stairs…watch your step…don’t cross the yellow line…fall in a single file…fall in double files…the doors are closing…the doors are opening…the train is coming…the train is leaving…this coach is for women only…be careful, be careful, be careful…” on and on like thousand crying chants in one minute! Really, do we intelligent humans need this entire hullabaloo early in the morning? To be engagingly spoon-fed by a constant overpour of directions, instructions, as though in fear that if one of the obedient ants go astray, the entire colony empire is to be blamed? Humans, after all, (should) function by instinct…or are we led to believe naively that Japanese are less sensitive to the natural order of things? Have we been unrightfully deprived of the human law to take responsibi-lity for our own actions?

The Japanese society functions with immeasurable ultra-efficiency because it has been groomed to depend relentlessly on a self-profiting system that hardly makes room for flexibi-lity, irregularity or failure. Once a single piece of domino chip drops out of the strictly defined file, the ground that supports it breaks into unmanageable rubble. The train ant colony is pretty much the same. Once some commuter ants step out of the “leaders’” commands, the colonies burst into madness. Observe how they look in the morning, and you will know what I mean. They are so flustered to chase desperately after a train whose doors are about to close, that they sadly overlook the one simple doctrine in life: WE HAVE A CHOICE. If you don’t want to be stressfully sandwiched flatter than a hot focaccia piece of bread, you have the choice to take the next train. If you don’t want to go up the escalator, you have the choice to take the staircase. Colony dictators are, after all, not perfect commanders; they are (supposedly) humans as well, and commit mistakes.

Yet, as I vainly stride along the cramped cues and crush off handedly with the impolite bumps and undesirable body contacts, do I not feel that every train passenger in the station has turned numb and passionless because the gravity of norms towers so heavily over any possible human logic? That is why I put a tiny grin on my face when I see all types of human struggles inside the trains: the frantic woman who MUST put on make-up while being squashed tactlessly by a curious elderly man looking over; the dignified 60-year old lady who throws sharp, stinging glances at a worldly teenager whose iPod sounds vibrate deafeningly from his ears; the overworked and underpaid salary man who murmurs humorously to himself like he was left in seventh heaven; the attractive Japanese girl who curls up on her gaijin (foreigner) boyfriend’s lap, while men and women are glancing suspiciously, yet carefully so as not to appear conspicuous. Every human soul has a story to tell inside the train, and he can freely express his world without being painfully barred by the harrowing notion that he is not “allowed” to do so because such a rule prevents him from being himself.

There could be freedom in the Japanese mind! But, for now, I glide obliviously along my own self-directed pace with the buzzing ant colonies, with my music earphones to my ears and my wishful thinking mind that such unnecessary madness lasts only until the exit gate…

Happy train hopping!

Dr. JB & Nelly Alinsod

Prayer for Productivity

Ama sa langit, sambahin ang banal mong pangalan. Dalangin ko na pagharian mo ang aking trabaho kung paanong ikaw ay naghahari sa langit. Alam ko na hiwalay sa iyo lahat ng aking tagumpay at kasaganaan ay walang kabuluhan.

Bigyan po ninyo ako ng kamalayan na para sa inyo ang aking hanap-buhay. Nais kong magawa ang lahat ng nais mong mangyari sa araw na ito. Bigyan mo ako ng lahat ng aking kailangan upang magampanan ko ang aking mga tungkulin at responsibilidad. Alam kong binigay mo itong trabahong ito upang ako ay maging ilaw at pag-asa sa aking mga kasama.

Diyos, bigyan nyo po ako ng direksyon at kasipagan kasama ng tiyaga at bukas ng kalooban sa araw na ito. Pagpalain nyo ako at gawin mabunga sa lahat ng bahagi ng aking gawain ngayon. Ipaalala nyo po sa akin na laging maging tapat at responsable. Magamit ko nawa ng lubos ang lahat ng aking kakayanan at husay para sa ikabubuti ng aking kapwa.

Iligtas po ninyo ako mula sa pagkatakot sa tao at kayabangan. Tulungan nyo po ako na bantayan ang aking sarili laban sa pagiging makasarili, inggit at selos. Punuin nyo ako ng paggalang sa aking mga pinuno at ka-trabaho. Maging payapa nawa at masaya ang mga taong nasasakupan ko.

Dalangin ko na maging kuntento ako sa aking trabaho at magamit ko ang lahat ng aking kakayanan sa lahat ng pagkakataong darating sa akin. Tulungan mo po akong magamit kong mabuti ang aking mga oras upang magampanan ko ang inaasahan sa akin at mapa-unlad ko ang aking buhay. Sagipin nyo po ako mula sa sobrang kapaguran ganun din sa katamaran.

Mahal na Diyos, tulungan nyo po akong hanapin ang inyong gantimpala sa isang maayos na pagtatrabaho sa bawat araw. Maibigay ko nawa ang isang araw na tapat na trabaho mula sa isang tapat na puso. Makamit ko nawa ang isang tunay na pinagpalang buhay na naging malaking tulong sa aking kapwa at kagamit-gamit para sa iyong kaluwalhatian. Ito ang dalangin ko sa ngalan ni Hesus, amen.

Marcial Caniones



Nasaan na kayo...?
Bakit iniwan mo ako?
O bayan, bakit mo ako ginanito?
Loleng mo…Huwag ka ng mag arte-arte, hindi ka baliw!
Nagbabaliw-baliw ka lang, gusto mo lang maging senti, mag-mukhang kawawa, magpalambing, maintindihan.
Sa tingin nga namin, ikaw ay isang BAYANI!
Dahil Philippine INDEPENDENCE DAY o dahil naghihintay na naman kami ng REMITTANCE?
Maybe, both?

Nung nandito ka pa, ni hindi natin alam kung saan tayo mangungutang para sa pang tuition ng mga bata;
Nung nagsisiksikan tayo sa bahay ni inang kasama ang ibang mga bayaw at sandamakmak na pamangkin;
Nung pumasok ka ng tindera kay aling Lucing para may pambaon ka sa iskul;
Nung nag traisikel driver ka  para may maihapag na ulam sa mga gutom mong mga anak;
Nung nag sales lady ka sa Mall na hindi ka man lang makaupo ng 1 minuto upang hindi mangawit;
Nung naglako ka ng miryenda sa mga kapit bahay para mapagamot si Inang;
Nung sinangla ninyo ang natitira ninyong mga ari-arian upang makabayad sa ospital;
Nung kinapalan mo ang mukha mo upang manghiram ng pera kina Auntie Bining pang bayad mo ng passport;
Nung lumapit ka kay konsehal at mayor upang mapagamot si jun-jun;
Nung magtitser ka at kasabay ang pagbenta mo ng mga candy at tsitsirya sa iyong mga estudyante.

Noon, kung dati nababaliw ka sa dami ng dapat mung ayusin at kung ano-ano pa, nuon ‘yun, nuon nakakabaliw nga di ba?

Ngayong nandiyan na kayo sa kinalalagyan ninyo, tangan lang mga buddies ko!

Sa dinami-dami ninyo ‘dyan sa Japan hindi mahirap ang magtayo ng Munting Bayan sa ibang bayan. Importante ang inyong pagkakaisa, ang bayanihan at ang damayan upang hindi kayo malugmok sa kalungkutan.
Ang mahalaga ay tangan ninyo ang mga pangarap nating umunlad bilang isang tao, isang pamilya at nagkakaisang sambayanan.

Kung nuon ay LUMAYA tayo sa mga Kastila, mga Amerikano, mga Hapon, at kung anong bansa pa man, ngayon ay tayo na ang nasa bansa nila upang mag- angkat ng yaman mula sa ating pagod, talento at pawis. Dahil na rin sa inyong kabayanihan, LUMAYA din tayo sa kagutuman, sa kamangmangan, sa walang kasiguruhan, at sa kahirapan.

Ang pagiging bayani ay kakambal din ang sakripisyo, gaya ng mga sundalo at gaya ng mga naunang mga rebolusyonaryo, buhay at panahon din ang kanilang tinaya upang makamit natin ang tinatamasa nating kasaganahan at kaunlaran ngayon. Tinaya rin nila ang kanilang buhay, nag-ambag ng galing at sipag. Ngayon heto na tayo! Ang PILIPINAS ay malaya, marahil mula sa direktang pakikialam ng ibang bansa ngunit sa kabuuan, nandiyan pa rin ang KAHIRAPAN ng nakakarami nating mga mamamayan.

Bilang isang bayan, hindi pa rin tayo MALAYA sa kawalan ng bahay, sa kakulangan ng silid aralan, ng walang kasiguruhan sa trabaho, ng walang puhunan sa negosyo, ng kawalan ng lupa, ng kakulangan sa mga industriya, at ng kabuuang katahimikan at seguridad ng ating bayan.

Kayong mga LAYAG NA BAYANI ng ating bayan, mga bayaning nakapalibot sa buong mundo na nasa sa Asia, Europa, Africa, America, at Australia kayo ang mga indibidwal na nakikipaglaban at nakikibaka sa PAGLAYA ng inyong mga PAMILYA mula sa lahat ng dulot ng sari-saring mukha ng kahirapan. At bilang kabuuan ng inyong mga paghihirap, ang padala ninyong mga iba’t-iba at makukulay na PERA ang siyang nagpapataas ng antas ng ating EKONOMIYA.

Kayong mga Layag na Bayani ay hindi na baril ang tangan ninyo kundi SIPAG at TIYAGA.

Kayong mga Layag na Bayani ay hindi na squadron ang inyong pormasyon kundi ang pakikipag BAYANIHAN sa kapwa OFWs.

Kayong mga Layag na Bayani ay hindi lang bandila ng Pilipinas ang iyong winawagayway kundi LARAWAN ng inyong mga mahal sa buhay.

Kayong mga Layag na Bayani ay hindi na sumisigaw ng mabuhay ang Pilipinas kundi – mabuhay ang PAMILYA para hindi na madagdagan ang hirap sa PILIPINAS!

Ang tunay na KALAYAAN ay hindi lang dahil sa dami ng ipon na kayamanan kundi sa PAYAPA at PANATAG na kaisipan.

Mabuhay po kayong lahat, aming mga BAYANI!      

Loleng Ramos


Tapik ni Lord

Kumusta Kapatid?  Sa pagsulat ko ng artikulong ito, ang mga bulaklak ng Sakura ay kasalakuyang namumukadkad, napakaganda.  Sa panahong ding ito,  ang pag-ulan ay ikinangi-ngiwi ng mga tao, ang ibig sabihin kase, malalagas ang mga dahon ng mga bulaklak na ito. Sayang naman, kung pwede lang huwag silang malanta o malagas. Paborito mo rin ba ang  season ng Pagsibol? Spring?  Di ba nakakasaya ang sikat ng araw ano? Ang pag-kanta muli ng mga ibong uguisu, ang tipong pag-kulay muli ng buong kapaligiran.   Minsan, sa aking pagtitig at pagmuni-muni sa lahat ng ito, naaalala ko ang istorya ni Persephone.  Sa Greek Mythology, siya ang napakagandang diyosa ng Tagsibol.  Minsan daw na naglalaro siya sa parang, siya ay dinukot ni Hades na siyang diyos sa mundo ng mga patay upang maging asawa.  Sa pagdadalamhati at galit ng kanyang ina na si Demeter, na siyang diyosa ng pagsasaka at trigo (wheat) ang buong mundo ay natuyot.  Ng matagpuan niyang muli ang anak niyang si Persephone, nakakain na ito ng buto ng prutas ng pomegranate o granada sa ilalim ng lupa  kaya hindi na siya maaring makabalik sa mundo ng mga buhay maliban sa isang bahagi ng bawat taon!  Sa kanya ngang pag-akyat sa liwanag, ang mga halaman ay nag-be-berdehan, ang mga bulaklak ay bumubukadkad, ang mga ibon ay nagka-kantahan at maraming hayup na nag-hibernate o natulog ng buong winter ay lumalabas na muli.   Sa aking pag-edad, paborito ko pa ring istorya ang tungkol sa mga diyos-diyosan ng mga unang Griyego, na-a-aliw at nama-mangha pa rin ako.  Ano ang mga paborito mong basahin?  Sanayin natin ang mga batang kilala natin na kahiligan ang pag-babasa upang lumaki silang malikhain at maraming nalalaman. (Sana pala nagbasa ako ng nagbasa noong bata pa ako).  Tayo rin, kahit matanda na, sa pagbabasa, marami tayong makukuhang impormasyon, at kaalaman, di ba kapatid?  Napakalaking pera ang ginugugol ngayon ng maraming magulang sa kanilang mga anak para sa mga video games, na maaring magpabilis sa mga reflexes  ng daliri sa pag-pindot subalit nakakapag-pabagal sa utak para mag-isip.  Libro na lang.

Mas malalim din para sa akin ang kahulugan ng Spring ngayong taon. Noon kaseng nagdaang Winter, isang taong malapit sa akin ay naging parang si Persephone (hindi nga lang maganda katulad niya – peace!)  na malayo sa mundo, nakakulong sa ospital.    Nagkaroon siya ng sakit na nakakahawa, dito sa Japan ang tawag ay Kekkaku, o Tuberculosis.  Nakakapagtaka lang kase halos buong taon yata siyang inu-ubo at marami ding beses siyang nakapag-patingin sa doctor pero kung hindi pa siya umubo ng dugo, hindi pa madidiskubre ang sakit niya. 

Ano ba ang TB (Tubercle Bacillus) o Tuberculosis?  Ito ay isang kagaw o bacteria (mycobacterium tuberculosis) na maaring umatake sa buto, utak, puso, sa iba pang organ sa katawan, pinaka-malimit ay sa baga, ang Pulmonary Tuberculosis.  Mahahawahan ka nito kapag nasalo mo ang kagaw mula sa isang taong nagtataglay nito sa kanyang pag-ubo, pag-bahing o paghinga.  Mara-ming tao kung hindi man higit pa sa kalahati ng populasyon ay nagtataglay nito pero para mabuhay sa loob ng katawan at ma-uwi sa TB ay dahil pa sa ibang kadahilanan. Ang panghihina ng immune system o panlaban o resistansya ng isang katawan ay karaniwang sanhi.  Ang pag-tanda, isang naunang sakit na nagpahina sa isang tao, hindi pag-kain ng tama o kakulangan sa masustansyang pagkain ay ilan sa mga dahilan para maging actibo ang tuberculosis sa loob ng katawan.

Ang karaniwang sintomas nito ay matagal na pag-ubo, paninikip ng dibdib, panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain, pag-papawis sa gabi, lagnat at sa pag-lala ay ang pag-ubo ng dugo.  Maaring makamatay ang Tuberculosis kapag hindi naagapan. Kapatid, kung meron kang napapansin sa iyong katawan na ilan sa mga nasaad na sintomas, magpa-tingin ka na agad at ikaw na ang magsabing may suspetsa ka na ikaw ay may TB.   

Ang sabi niya sa akin, siya raw ay parang tinapik ni Lord.  Naramdaman niya kung paano katakutan ng mga tao dahil sa taglay niyang sakit.  Naramdaman niya ang sakit ng malayo sa mga anak o makita man pero hindi niya malapitan dahil patakaran sa ospital na walang bata, o sa labas ng bintanang de salamin lang pwede makita.  Sa pag-iyak na wala siyang masabihan.  Sa kanyang pag-iisa, naisip niya ang kakulangan niya sa pagdarasal at pagbigay ng oras sa Mahal na Diyos.   Naisip niya rin ang mga bagay na kinalimutan na niyang gawin dahil hindi niya binibigyan ng oras ang kanyang sarili para gawin ito katulad ng pag-aalaga sa kanyang sarili o pag-sunod sa kanyang mga hilig gaya ng pagsusulat o pag-aaral ng mga bagay na kinagigiliwan niya.  Hindi niya rin alam kung papaano siya tatagal sa ospital ng sabihan siyang dalawa hanggang tatlong buwan siya sa loob.

Makalipas ang tatlong lingo, pina-uwi na siya.  Malinaw na ang kanyang x-ray. Nakapahinga siyang mabuti, naging magiliw sa kanya ang kanyang doctor at mga nurses sa hospital.  Taglay din niya ang saya dahil sa kanyang mga kaibigang nagpapadala sa kanya ng mensahe, ng libro, ng dasal.  Ang bilin lamang ay huwag na huwag niyang kakalimutan ang pag-inom ng gamot dahil ang mga pasyenteng umuulit sa sakit na ito ang iyong mga nagpabaya sa patuloy na pag-inom dahil ang akala nila ay magaling na sila.  Ang gamot ay dapat inumin hanggang sa masabihan ka na itigil na.

Kapatid, mag-ingat ka ha? Mahirap magka-sakit kapag malayo ka sa iyong pamilya. 

Karen Sanchez

 Mahirap Maging Mahirap

Ang Japan, isang bansang mahirap daw puntahan. Dito po ako napadpad ng di ko inaasahan. Dito ako lalong nahubog sa hamon ng buhay, sa pagtitiis at pagtitiyaga. May masasaya at malulungkot na naranasan. Masaya kasi dito po marami akong natutunan at nasilayan. Mga bagay na wala sa ating bansang pinang-galingan. Dito ko unang nakita ang gabundok na snow, magandang sakura, ang di mahulugang karayom at nagtatayugang mga gusali kung iyong titingnan, mga bundok na sagana sa likas na yaman at kanilang pilit na pinangangalagaan, mga iba’t-ibang klase ng kapistahan, festivals o matsuri na laging pinagha-handaan, ang makita at makasakay sa iba’t-ibang klase ng tren, ang makapagtrabaho at sumuweldo ng higit sa sinusweldo ko sa Pilipinas, ang makasama sa trabaho ang mga espesyal na tao special child, retarded o mga taong sa ibang bansa ay walang trabahong makukuha o alagain lamang, dito kanila itong binibigyan pansing mamuhay ng normal tulad natin, ang kumain ng masasarap at sagana sa araw-araw, ang magsimba linggo-linggo at mag-aral ng Nihonggo, ang makapamasyal sa iba’t-ibang lugar at makilala ang mga tao at yung iba ay naging kaibigan ko, ang sumayaw sa entablado at parke upang ipamalas ang katutubong sayaw natin sa mga Hapon, ang minsang maging modelo ng ating pambansang kasuotan na pakiramdam ko ay katuparan ng naudlot kong karera sa Pilipinas noong ako'y teenager pa lamang. Dito ko lubos naram- daman ang katupa- ran ng aking mga pangarap, ang maiangat ang antas ng buhay ng aking ina at mga kapatid. Masarap kung iyong iisipin ngunit sa kabila nito ay may lungkot ka ring mararamdaman sa kabila ng mga materyal na bagay na nasa iyong mga kamay, mapapansin mong ito ay kulang. Ito ay ang tunay na kaligayahang pansarili ang makasama ang minamahal sa buhay, ang aasahan mong maging katuwang sa lahat ng bagay, ang maituturing mong iyong-iyo,  makakasama sa pagtanda mo at bumuo ng sarili mong pamilya. Kung iisipin mo lang ang pinagsasabi ng ibang tao, mga paninira, panlilibak dahil lamang ikaw ay nasa Japan ay nakaka-stress. Mga sabi-sabing hindi kanais-nais. Mga panghuhusgang salita na walang sapat na basehan. Buhay nga naman. Ngunit sadyang ganun naman daw talaga ang buhay. Kailangan mong lumaban sa lungkot man o anupaman. At may mga bagay kang dapat isasakripisyo kapalit ng kaligayahan at makakabuti sa mas nakakarami. Kailangan lang talaga ay tibay ng dibdib, lakas ng loob at taimtimang dasal. At laging isa isip lahat ng sakripisyong nararanasan ay may hangganan at laging hingin sa Diyos na Nawa ay iiwas sa anumang karamdaman at di kaaya-ayang bagay para sa katuparan ng ating mga pangarap at sa mga mahal natin sa buhay.

           2008 unang nailathala ang kwento ng aking buhay sa isang magasin dito sa Japan at nakakatuwang isipin na hindi pala iyon lang ang katapusan bagkus iyon ay simula lamang.  Salamat sa Facebook at sa aking kalungkutan at napansin ang aking munting kakayahan. Mahirap man ang buhay minsan, maging matatag at magpakatotoo lamang at sa kapwa huwag manlamang. Sadyang may mga taong higit kang pagkakatiwalaan. At magkaiiba man ang mga mundong ginagalawan may mga taong tatanggap at magmamahal sayo maging ano ka man. Dito ko napagtanto ang kahalagahan ng pamilya. Alamin sa sarili ang unang prayoridad mo, alin ba ang mas ikakaligaya mo. At ang tinatawag na pangarap ay pinagtatrabahuhan, pinaghihirapan at hinde mapapasaiyo ng basta-basta lamang. Ang buhay ay swerte-swerte lang din naman at ito ay kung papaano mo ito aalagaan. Mahirap man maging mahirap ngunit  marami kang matututunan. Kahit bagyuhin ka man hindi ka na matitinag sapagkat tiwala sa sariling kakayahan at sa Diyos na may lalang iyo nang nasubukan. At laging iisipin anumang unos ang dumating, araw ay sisikat din. At lahat tayo ay may swerte at may mabubuting bagay ang Panginoon sa atin ay nakalaan.

Anita Sasaki


Pag-aralan na patawarin ang ating sarili :
Panahon na sa pagninilaynilay natin sa ating sarili. Panahon na para magpatawad sa mga kapamilya, kaibigan at iba pa. Ngunit minsan ang hirap magpatawad.

Sa sarili natin, di ba't madalas tayong nagkakasala.Tao lamang tayo, di po ba? Kaya minsan ang hirap paniwalaan na palagi na lamang tayong pinapatawad nang Dios. Napakabait Niya!

We have a hard time believing that God still forgives.  Sometimes we are so fed up with our sins that we figured He was fed up with us, too.  But He was not tired of forgiving us again and again.

For I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more. (Jeremiah 31:34)

Ultimately, it was this incredible love that healed us of our addiction.

Through the years, we meet many people who already asked for God’s forgiveness, but can’t seem to forgive themselves.

First, we seem to think that our sin is bigger than God’s love for us. That’s pride. God’s love is bigger than our sin.

And second, we seem to think that our moral standards are higher than God’s standards. That’s pride. Allow Him to love us in our brokenness. 

And third, let’s love ourselves.

Akala natin, gusto nang Dios na mamatay tayo sa hiya. Mali po. When we  focus on our sin, we’re not focusing on God. Focus on God. Focus on God’s love for us. Or we  fall into despair. Think of Judas and how despair killed him.

How do we fall?  Let me count the ways.

If you don’t forgive yourself, you may have these problems:
- You’ll have unresolved guilt nagging you.
- You’ll always be recalling past failures.
- You’ll be pessimistic and negative, or even suffer from chronic depression.
- You’ll be seeking revenge toward yourself at different times.
- You’ll manifest self-destructive behaviors.
- You’ll be disrespectful towards yourself.
- You’ll be indifferent toward yourself and your needs.
-You’ll be defensive and exhibit distant behavior towards others.
- You’ll be controlled by your fear of failure, rejection, and non - approval.
- You’ll have an emotional vacuum in which little or no emotions are shown.
- You’ll be suspicious about others’ motives when they’re accepting of you.
- You’ll experience chronic hostility, sarcasm, and cynicism.

It is a sad life!

Make a decision now to forgive yourself.
Before we even forgive ourselves - or even ask forgiveness from God—answer one question.  Have you really sinned against God?  Or have you just failed someone else’s standards?

tippi delarosa

tippi delarosa

Summer And The Sea

Looking at the clear night sky, I couldn’t help but marvel at how fast time flies. Wasn’t it just winter yesterday? Now, the smell of summer is here and together with it are beautiful memories of beaches and fine white sand.

I was a beach baby. I grew up in a place where part of the Pacific Ocean was just a 10-minute walk away. Weekends would be spent frolicking there. I didn’t learn to swim back home, but I remember being tossed into the water many times over as a child because I so loved it. Once, when the tide was low, I ventured into the mangroves by myself to check what was on the edge of the beach’s rocky part. I was trying to mentally calculate the depth of the blue waters when it suddenly rained hard and the waters rose so fast. I didn’t know how to swim, but must go back to dry land as quickly as possible.  The water was already waist-deep and the current strong when I realized I was in the danger of being swallowed by the sea without any witness. I waded to the shore as fast as I could, oblivious to the sharp rocks that were cutting my skin. It was only when I plopped down the beach that I felt the sting of my freshly-cut wounds. Then and there, I vowed to learn to swim properly, even if I had to do it in a chlorine-filled swimming pool.

My first major heartbreak saw me drowning my sorrows in the incessant howling of the angry waves. After alternately crying my eyes to oblivion and swimming till my muscles numbed, calm gradually took over. My pain seemed to anchor itself to the raging sea that when the waters stilled, it also ceased to exist.

The powerful lure of the sea shaped my love affair with Boracay, my annual refuge. For so many years, I would make it a point to visit Boracay to recharge. There, I would be a different person – happier, more relaxed and therefore, creative. I composed some of my best poems plopped down on its powdery white sand, facing the sunset. I wrote one of my most candid private essays while lounging on a hammock one afternoon.

When I finally learned how to swim, it was very liberating that it almost felt like learning how to breathe properly for the first time. Wait, I did not only learn to swim. I also joined swimming competitions. Not the major kind. But whenever I would garner a significant place, it would please me no end.

I am not scared of the vast and capricious sea. I love the waves as much as the water that splashes all over me whenever it decides to be furious. During one of the re-trainings of our office’s Search and Rescue Team of which I was a member, we were deployed to Fortune Island in Batangas to test if our rubber boats were still intact. I was probably the only one in my group who thought it fun that the rubber boat we were in almost capsized in the middle of the sea. We were wearing life-jackets but we couldn’t see any land mass, so had the worst happened, we would have been forced to swim to god-knows-where. Fortunately, we were able to repair the breakage and managed to go back to the island whole.

My love for the sea is so intense that just thinking about summer makes me want to hie-off to the nearest beach. Perhaps one of the more interesting adventures I’ve had was skinny-dipping in Bauang, La Union when I was 24. Having grown up beside the sea, swimming naked was not new to me. I probably had done it several times when I was small. But doing it publicly at 24 was something else. Looking back, I was probably brave because it was already dark and Villa Estrella, where I was billeted, was about 50 meters away. I was with my cousin Ariel at that time. We were walking along the shore, enjoying the music emanating from the open bars and restaurants when I felt this sudden urge to run into the water. Breaking into half-sprint, I tried to gain a considerable physical distance from him, stopped when I thought I was already safely covered by the shadows of the night, took off all my clothes, and ran into the open sea. When Ariel finally caught up with my mound of clothes, I was already in seventh heaven, so to speak.

Thinking about all these now makes me smile. They happened in another lifetime, in another world, when I was carefree. Perhaps someday I’ll go back to that world again. Then I shall be free.

Isabelita Manalastas - Watanabe

Take It Or Leave It!

Dear Tita Lita,
Meron po akong medyo personal question sa inyo. Namatay na po ang aking asawang Hapon noong nakaraang 5 taon na. Pagkatapos ng 3 taon, nagsimula po akong makipag-date sa ibang mga lalake. Nasa late 30’s na gulang po ako at ayoko  pong mag-isa. Ngayon, ito po ang aking tanong. Kapag nag date po kami, lagi na lang po ako ang nag-babayad. Tingin ko sa sarili ko, para akong sugar mommy nila. At first, sabi ko sa sarili ko, OK lang kasi pinagpala naman ako kesa sa kanila. Tsaka alam nila na mas mayaman ako sa kanila. Parang na gi-guilty ako kung pababayaan ko na sila pa ang magbayad. Ano ang palagay ninyo? Ano kaya ang magandang gawin?
Dear Mely:

Ang gusto kong malaman sana, ay kung anong nangyari sa inyong unang-unang date out.  Hindi ba siya nag-offer magbayad?  At dahil hindi, ikaw ang bumunot at nagbayad?  Kung ganito ang nangyari, posibleng tingin niya, OK sa iyo na ikaw palagi ang magbabayad.

Habang hindi pa huli, dapat siguro, i-set mo na straight ang “rules.” Sa next date ninyo, after kumain kayo, sabihan mo kaagad, “thank you for the nice dinner,” at huwag kang bubunot.  Kapag hindi pa nakahalata, sabihan mo ng derecho “maybe you can treat me out tonight?”

Kung hindi pa rin siya bumunot, ay palagay ko, mas mabuting maghanap ka ng ibang mamahalin. Kasi, baka iyan ang mapa-ngasawa mo, at magiging bitbitin mo siya habang buhay.  Gusto mo ba ng ganito?  Di-ba masarap naman na tayong mga babae ang sasandal sa ating mga asawa, hindi the other way around?

Tita Lita

Dear Tita Lita,
Natuklasan ko po na meron akong sakit na cancer of the uterus. Natanggap ko na po ito sa aking sarili pero wala pong nakaka-alam sa aking karamdaman. Hindi ko naman masabi sa aking asawang Hapon na naka destino sa ibang bansa. At hindi rin po maganda ang pagsasama namin. Yung mga magulang ko sa Pinas, parehong may malubhang sakit din at ayokong dagdagan pa ang pag alala nila sa akin. Wala rin po akong mga close-friends na maitutu-ring ko na pwede kong lapitan dito sa Japan. Lagi na lang po akong umiiyak araw-araw. Iniisip ko na doon sa Pinas na lang ako mag pa gamot kasi marami ang moral support mula sa pamilya at kaibigan. Kung dito naman po, hindi po ako dalubhasa sa wikang Hapon at walang dadalaw sa akin sa ospital. Ano po ang payo ninyo?

Dear Nena:

Ang pinakamahalagang bagay na iyong dapat i-consider, ay kung saan ka mas malaki ang posibilidad na ma-cure ang iyong sakit.  Hindi ko alam kung anong stage na iyan, pero kung stage 1 or 2 lang, laki ng posibilidad na magagamot ka. May alam  ako, stage 4 na nga, nag-respond pa sa cure.

Tama ka na may moral support kang makukuha mula sa pamilya at kaibigan mo sa Pilipinas.  Pero handa ka ba sa napakamahal na treatment doon sa atin, na wala ka namang health insurance?

Sa Japan, kung may health insurance ka, at least hindi ka na maglalaan ng napakalaking halaga for your treatment. At may mga hospital naman dito na may English speaking doctors/staff who can assist you.  Hindi ko alam kung saan ka nakatira sa Japan, pero kunwari, sa St. Luke’s hospital sa Tokyo, kahit hindi ka masyadong marunong mag-Hapon, may doctors na marunong mag-English, or may staff na tutulong sa iyo.

I-consider mong imbitahin pumunta sa Japan ang nanay mo or isang kapatid mo, para may makasama ka naman dito while you are undergoing treatment. 

At palagi kang lumapit sa Diyos, at magdasal.  Hindi ka Niya pababayaan, at hindi ka mag-iisa, kasi palagi mong kasama si Lord.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Lagi po akong nag papadala ng pera buwan-buwan sa aking pamilya sa Pinas. Meron po ba kayong paraan para mas makamenos kaming mga OFW sa pagpapadala ng pera sa Pinas?


Dear Marco:

Before April 2010, bago ma-implement ang Japan Payments Act, mga banko lamang ang maaaring mag-remit ng pera sa Pilipinas.  After April 2010, nag open-up ang bansang Hapon para bigyan ng remittance license kahit mga non-banks. As of this writing, 33 remittance companies na yata ang may lisensiya para mag-remit.  Dahil marami na ang may lisensiya, siyempre, nag-ko-contest ang mga ito sa pagalingan ng serbisyo, at saka best value for your money.  Good for the remittance client - marami ng choice.  Magtanong-tanong sa mga kaibigan or kakilala kung saan magandang magpadala. Kung gusto mo naman, pwedeng tumawag ka sa 080 4385 8040, para magtanong/ magpatulong.

Sa mga OFWs naman na may binabayaran regularly, tulad ng monthly payments sa kanilang biniling real estate property, best kung magbukas kayo ng inyong checking account. Tapos, mag-issue na lang kayo ng post-dated na tseke, payable doon sa real estate company ninyo kung saan kayo bumili ng property.  Make sure lang na may pondo ang tseke ninyo, by remitting periodically sa inyong checking account.  Hindi kailangang buwan-buwan mag-remit. Mag-remit lamang kapag mauubos na ang pondo sa checking account. Tandaan, kapag tumalbog ang tseke ninyo, pwera pa sa masisira ang iyong credit standing, may penalty pa ng mga PHP 2,000 para sa tumalbog na tseke.

Tita Lita

Sa readers ni Tita Lita:

May gusto ba sa inyong maging part-owner ng isa sa mga licensed remittance companies dito sa Japan? (Filipino owned ito, so atin talaga). Ibig sabihin ng maging part-owner, mag-i-invest kayo sa stock ng kumpanya na ito, at kung kikita na, kikita din kayo in the form of dividends. Pero tandaan, kahit anong investment, mayroong risk.  So i-weigh ninyo ang risk over the possibility to win naman, in terms of growing with the company. At hindi madalian ang returns sa investment – dapat munang lumago at kumita ng mabuti ang kumpanya, bago kayo maka-enjoy ng dibidendo.  Pwedeng tumawag sa 080 4384 2728 for more information.

Renaliza Rogers



"Baboy, baboy, baboy!" Yan ang nadinig ko mula sa tatlong mga chikiting habang kinakantyawan ang isang batang mataba. Humagulhol na lang at mistulang lumba-lumbang tumakbo ang bata na siya namang pinagtatawanan ng tatlong "bullies" sa kalye. Hindi natin siguro masisisi ang mga bata dahil sa kultura nating mga Pinoy ay okay lang na tawaging "tabatchoy" ang isang taong mataba o di kaya'y "negro" pag maitim dahil totoo naman ito. Sa ibang bansa, very offensive ang salitang "negro" pero sa Pilipinas, ordinaryong salita ito, pinangalanan pa nga natin ang isang probinsiya nating "Negros" dahil para sa atin, ang tanging meaning nito ay maitim. Minsan nga ay ang mga magulang pa mismo ang nagbibigay ng palayaw na "Nog-nog" pag maitim at kulot ang anak.

Sa mga Pinoy kasi, hindi gaanong mabigat ang issue ng stereotyping, racism at bullying, di tulad sa ibang bansa. Sa atin, pag maputi, "kano" na kaagad, kahit pa hindi naman ito Amerikano. Dito samin sa Bacolod, ang ninong ko ay si "Intsik" at ang tiyuhin ko ay si "Hapon" dahil sila'y singkit at ang traysikel driver ay si "Kano" dahil maputi. Well, it makes sense nga naman. Sating mga Pinoy, walang masama dito kapag tinawag ka depende sa looks mo dahil katuwaan lang ito at dapat ka nang masanay...ang magalit, pikon!

Pero minsan, ang sasama ng makukuha mong palayaw. Kapag mataba, palaging tinatawag na "tabatchoy",  "taba" o minsan nga'y "baboy" pa mismo ang ikakantyaw sa yo...hindi ba pwedeng "curvy" o "bootylicious" na lang? Nung bata ako ay medyo malusog ako. Okay, fine. Hindi medyo...malusog na malusog talaga! Kaya panay ang tukso sa akin ng mga kaklase at kalaro ko. Parang gusto kong magwala at manuntok kapag tinawag akong "Piglet." Pero ang totoo'y iiyak din lang naman ako at walang magawa. Tuwing dadaan ako sa kapitbahay kong binatang napilay sa pagmomotor, palagi niya akong sinisigawan ng "tabaaaaa!" Masakit para sa isang batang katulad ko dahil hindi ko naman kasalanan kung bakit ako mataba.

Ipinanganak kasi akong maliit at very un- acceptable iyon sa aking Lola kaya't ginawa niyang lahat para lang ako'y lumusog. At nung lumusog naman, aba'y sobra namang taba. Takot siyang pumayat ako at baka kung ano daw ang sabihin ng aking mga magulang na nasa Japan. Baka daw sabihing pinapagutuman ang anak nila. At saka daw cute ang batang mataba pag pinasasayaw.

Yung nga lang, ang childhood ko ay puno ng bullying (buti na lang lumaki akong stunning...gandang di mo inakala). Minsan nga mga matatanda pa mismo ang tumatawag sa aking "tabatchoy." Mga magulang mismo minsan ang nagtuturo sa mga anak nilang manukso ng kapwa. Pag hindi naman sadyang tinuturuan, ay naririnig mismo ng mga bata sa kanilang mga magulang ang mga hindi kanais-nais na mga salitang ito. Hindi magandang ehemplo.

Ito ang nakakalungkot isipin. Duling na nga, tatawagin mo pang "duling." Bengot na nga, tatawagin mo pang "ngo-ngo." Nakasaklay na nga, tatawagin mo pang "pilay." Maitim na nga, tatawagin pang "negro." Alam mo namang bakla, sisigawan mo pang "bakla!" Hindi pa ba sapat na makita mo ang kanilang kaanyu-an na kailangan mo pang ipamukha sa kanilang ganoon sila? At ano ba ang masama sa pagiging duling, mataba, maitim, pandak, pango, kuba, bakla o pangit? Wala. Walang masama sa kaanyuan ng isang tao. Ang importante, siya'y hindi nakaka-panakit ng iba.

Oo, masasabi kong masyado nang maarte ang mundo ngayon na konting pagkakamali mo lang ay racism na kaagad o bullying kahit wala ka namang masamang intensyon. Well, maarte na kung maarte ang mundo pero mas mainam na maging sensitive tayo sa ibang tao at maingat sa binibitawang salita. Okay lang kung magkaibigan kayo at close kayo dahil minsan "terms of endearment" lang ang mga ito o lambingan at tuksuhan. Pero pag hindi naman kayo close, wala kang karapatang i-bully ang isang tao.

Ang Pinoy nga naman, mahilig manukso lalo na pag obvious na obvious ang isang bagay. Ako, ingat na ingat akong hindi maka-offend kasi naranasan ko na kung gaano kasakit tuksuhin noon. Pero nang minsa'y tinawag uli akong "tabatchoy" ng aking kapitbahay, napuno na yata ang salop kasi lumingon ako't sumigaw ng "ampon kang pilay ka!" Na-hurt ata siya kasi medyo hindi pa niya alam.

Jasmin Vasquez

Ano Ne!

Pagpapahalaga sa Ating Ina

Dahil sa kahirapan sa Pilipinas, marami sa atin ang kinailangan lumayo sa pamilya at makipag sapalaran sa ibang bansa, upang mabigyan lalong-lalo na ang mga anak ng magandang kinabuksan.

    Nais kong ibahagi sa inyo ang isang kwento tungkol sa isang Ina na walang ginawa kundi magsikap at bigyan ng magandang buhay ang anak. At ng isang Anak na walang ginawa kundi mag pakasaya sa buhay.

    Si "Mina," simula ng nambabae ang kanyang asawa, binuhay nyang mag- isa ang kanilang anak.  Humanap sya ng trabaho sa Pinas ngunit hindi ito sasapat para sa pangangailangan nilang mag-ina.  Dahil si Mina ay may angking talento sa pag- awit, naisipan nyang mag audition sa isang agency. Dahil na rin siguro sa determinasyong makapag abroad, madali syang natanggap at nakapagtrabaho dito sa Japan.  Pinag-aral nya ang kanyang anak sa isang magandang school at ngayon nga ay nasa kolehiyo na ito. Trabaho sa araw at gabi maibigay lamang ang pangangailangan ng anak.  Bawal magkasakit at kung mangyari man yon kailangan pa rin pumasok para sa kinabukasan  ng anak.

    Si "Kikay,"  isang anak na pasaway, walang iniisip kundi ang puro kasiyahan. Mula pagkabata, parating bukang bibig, bili mo ko mommy ng ganito, ng ganyan lalo na kapag may nakita syang bago sa kaibigan nya.  Kapag mayroon na sya ng isang bagay na gusto nya o kailangan nya, ay masaya na sya. Hindi nya iniisip kung gaano kahirap kitain yung pera na pinambili nito kaya kapag nasira ito papabili na naman sya  ng bago.

    Ngayong nasa kolehiyo na si Kikay mas magastos at mas mahirap na ang kanilang pag aaral. Madalas kapag tumatawag si Mina kay Kikay hindi nya ito nakakausap at pag ganoon,  iniisip ng magulang na napagod siguro sa school kaya maaga nakatulog. O baka wala pa sa bahay dahil na traffic sa byahe. Hindi batid ni Mina na ang kanyang anak na si Kikay ay madalas nagkakasiyahan sa kanilang tahanan kasama ng mga barkada.  Na syang kabilin bilinan na wag gawing tambayan ang bahay lalo na at wala sya sa Pilipinas.

    Noong umuwi ng Pinas si Mina, nalaman nyang lahat ng ito at nagalit sya sa kanyang anak.  Sa halip na tanggapin ni Kikay at mag sorry sa kanyang kamalian, mas pinili nyang ipagtanggol at pagtakpan ang kanyang mga barkada. Kung ano-anong sumbat at masasakit na salita ang kanyang sinabi sa ina. Pagkatapos ay lumayas si Kikay sa kanilang bahay. Masakit man sa kalooban ng ina. Hindi nya ito pinigilan upang maisip ni Kikay kung gaano kahirap lumayo sa pamilya at magsimula ng walang wala kahit magkano. Na mahirap  mabuhay mag-isa lalo na walang ibang tutulong sayo.  Sa kabila ng kaba na baka may mangyaring masama sa kanya, nanalig sya sa Diyos na gabayan ang kanyang anak sa tamang landas. 

    Makalipas ang dalawang araw, umuwi si Kikay sa kanilang bahay. Marahil naisip nya ang kanyang kamalian kung kaya gumawa sya ng isang liham para sa kanyang ina. At ito ang nilalaman ng kanyang sulat:


            Sorry mommy. Sorry kung lagi ako nag mamatigas, sorry kung lagi kita sinasagot.  Di ko alam kung bakit ako ganito.  Hindi ko alam na may nahihirapan  pala at nasasaktan sa mga ginagawa ko.  Sorry kung lahat kayo pinag alala ko.  Hindi ko alam kung paano ako babawi sa inyo, pero sorry talaga.

Binigyan muli ng pagkakataon ni Mina ang kanyang anak at tinanggap ang sorry nito dahil bilang isang ina, mahirap talagang tiisin ang isang anak.

    Ibinahagi ko sa inyo ang story na ito upang maunawaan ng lahat na hindi biro ang makipagsapalaran dito sa Japan mabigyan lamang ng magandang buhay ang mga anak.  Napakasakit sa kalooban ng isang ina ang sumbatan na isang anak dahil lamang wala ito madalas sa kanilang tabi.  Maunawaan sana ng mga anak na kailangang magsakripisyo ng bawat isa para sa kanilang magandang kinabukasan.

    Bilang pasasalamat sa ating mga Dakilang Ina. Malapit na ang "Mother's Day".  Iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal at gaano sila kahalaga dahil utang natin sa kanila ang ating buhay.  Isang Ina na walang ginawa kundi bigyan tayo ng isang masaya, maayos at magandang buhay. Salamat sa ating mapagmahal na Ina.

    Muli, maraming salamat po sa mga taong tumatangkilik ng Jeepney Press at sa mga taong nakakabasa ng Ano Ne! Hanggang sa muli.

Muahhhh  :)

Farah Trofeo-Ishizawa


Here I am again, rushing to beat the deadline given by our ever patient Editor, Mr. Dennis Sun.  I am late but I have a very valid reason -- that is because I went home to the Philippines.
Sometime last week of March, I was surfing the net, planning to celebrate my birthday in Okinawa.  I was ready to book ourselves, my husband and I, at the Manza Beach Resort Luxury Hotel.  We were going to spend two days and a night at the beach.  Everything was a click away before confirmation.

So, I asked my husband, are you okay with my plans?  He looked at me, "since you are celebra-ting your Golden year, let us go home to your family."

At that moment, it struck me, he is very right.  My Y told me, that I spent more years in the Philippines with my family than my years with him, so we should go back.

How could I have missed that point in the first place?

I did not click on that confirmation for that luxurious hotel.  Instead, I went online and booked ourselves on a flight to Manila.  Tickets were very expensive to the Philippines.  Therefore, I opted for the one that stops over in Seoul, then proceeds to Manila. 

The next thing I did, was go on Skype, talked with my mom and my sister Patty.  We had less than a week to prepare for my party.  But thank God for the internet, Facebook and Skype, we were able to invite my family and friends.  

The Tourism slogan, "more fun in the Philippines" does apply too when it comes to celebrations and family affairs.

Lastly, please give me the chance to thank my papa and mama, for giving me my life, a very protected and well rounded environment which made me what I am today.  My being, my personhood, I am what I am because of my parents - they have given me the education, the home, the chance to travel and see the world - all these experiences that have molded my character.
I am truly grateful for having my family behind me all the way.

With all humility, I can say - I am blessed with my parents, brothers, sister, husband, cousins and friends. :)

Material possessions may come and go, but family and true friends who love you will always be there for you.

God bless you all, and may you be blessed too. 
Remember to count your blessings each day.  
God loves us and Mama Mary loves us !

Jeff Plantilla

 Isang Araw sa Ating Buhay

Maraming taon na ang lumipas nang makausap ko ang isang tindera sa isang shop sa loob ng hotel sa Beijing.  Nung malaman niya na ako ay Pilipino, sinabi niya na magaganda raw ang mga Pilipina.  Tinanong  ko kung bakit. Ang sagot: Imelda. Malamang na nakita niya ang mga litrato ni Imelda nung siya ay  ilang beses bumisita sa China mula nung mid-70s. Hindi pa lubusang bukas ang China sa mundo noon at hindi pa pumapasok ang mga European luxury shops. Kaya ang image ni Imelda ay kahanga-hanga dahil sa kanyang pananamit, kumpara sa kalagayan ng China noong panahong yon.

        Nakita niya  ang magagarang damit ni Imelda, na siguro ay mula pa sa Europe. Kasama na rin sigurong nakita niya ang ating tinatawag na mestiza dress. Tulad ng tinikling, kapag Philippine dress ang pag-uusapan, ang alam ng tao sa ibang bansa ay mestiza dress.

       Sa iba’t-ibang pagkakataon, kapag nagkukwento ang ilang Pilipinong matagal nang naninirahan sa Japan madalas ay napag-uusapan ang iba’t-ibang gawain na nagiging dahilan upang ang ating mga kababayan ay magsama-sama. Mukhang marami ang nagsimula ng mga gawaing ukol sa kultura - sayaw, damit, kanta at pagkain – upang matipon ang mga Pilipino. Ito siguro ang mga pagsasayaw ng tinikling o ang fashion show ng mga damit tulad ng iba’t-ibang uri ng mestiza dress. Maipagmamalaki nga naman ang barong dress na may telang jusi o ang katangi-tanging manggas na parang abaniko ng mestiza dress.

        Nguni’t sapat na ba ang fashion show, food festival at mga sayaw  (tinikling yata ang paborito) upang makabuo ng isang community o grupo ng maraming Pilipino sa Japan?

Pagsisimula ng Pagtitipon

Minsan, sa isang disco sa Madrid, nakasabay ko sa aking maskipops ang ilan may kabataang Pinoy at Pinay.  Sa Espanya sila nagtatrabaho. Nalaman ko sa kanila na may  simbahan sa Madrid na pinupuntahan ng mga Pilipino.  Tamang-tamang may Linggong parating, at kaya may pagkakataon akong makabisita sa simbahang tinukoy. Doon ko nakita ang maraming mga Pilipinong  sumisimba. May choir ng mga Pilipino, may mga Pilipinong tumutugtog, may Paring Pilipino na nagmimisa, may Madreng Pilipina na tumutulong, at may mga kantang Pilipino. Nakakatuwa na marinig ang mga kantang Pilipino habang ang misa ay halong salitang Kastila at Pilipino. Masaya ang mga Pilipino sa kani-kaniyang grupo.

       Sa Bangkok, sa simbahan ng St. John na malapit sa Lardprao street, pagkalipas ng maraming taong hindi pagbisita, nabigla ako na ang choir ay napalitan na ng mga Pilipino, pati ang lectors ay mga Pilipino na rin, at ang Pari ay Pilipino. Mula pa rin sa iba’t-ibang bansa kasama ng mga Thais ang mga dumadalo sa English mass doon. Pero hindi dating ganun karaming Pilipino ang nagsisilbi sa misa. Dumami na ang mga Pilipino sa Bangkok kaya mas marami ang sumisimba na may kakayahang magsilbi sa misa.

       Sa tabi ng simbahan ay may isang Pilipinang nagtitinda ng tinapay at cake.  Siya daw ay Thai na. May mga apo na siya na mga batang Thai. Isa siya siguro sa mga unang dating ng mga Pilipina na nakapag-asawa ng Thai. May ilang Thai na ang asawang Pilipina nung nag-aaral pa sila sa Pilipinas. Marami ding Pilipino sa Bangkok na may trabaho sa mga korporasyon, o sa international agencies (tulad ng United Nations agencies), o nagtuturo sa international schools. May mga Pilipino engineers na kasama sa paggawa ng mga mahahabang elevated highways at ibang projects sa Bangkok. Nung 2000s dumami ang mga professionals na Pilipino na pumunta sa Bangkok dahil sa trabaho sa mga companies tulad ng mga engineers at may teachers na rin para sa schools. May ilang teachers na nagtuturo ng Filipino language sa Thai elementary school, dahil sa programang pang-ASEAN. May napuntahan akong Pilipino teachers na nagtuturo sa isang Catholic school sa Chiangmai. Gamit nung isang teacher ang mathematics textbook mula sa Pilipinas.

        Pareho sa Madrid at Bangkok, ang simbahan ang lugar na pinagtitipunan ng mga Pilipino.  Kaya ang kasabihang kung gusto mo makakita ng Pilipino, simbahan ang dapat puntahan ay maaaring totoo. Sa anumang simbahan, Katoliko o anumang Christian church, sa alin mang malalaking siyudad sa maraming bansa sa buong mundo maaaring may isang Pilipino.

Pagsisimula ng Isang Komunidad

Relihiyon ang isang dahilan kung bakit nagtitipon ang mga Pilipino.  Kahit sa ngayon, ang mga simbahan sa Pilipinas ay napupuno ng  mga tao, samantalang  nangungulila ang mga simbahan sa Europe at America at mga matatanda na lamang ang natitira.

         Ito ang istorya ng pagsisimula ng Kyoto Pag-asa Filipino Community.  Nagkwento ang isang Franciscan priest (Fr Lukas Horstink, OFM) sa isang pagtitipon na nagsimula nung 1983 ang misa sa English para sa mga Pilipino. Ang misa ay ginaganap sa isang maliit na kwarto sa isang yochien sa likod ng Kyoto Catholic Cathedral. Simula sa maliit na kwartong yon, napalipat sa Saiin church. Nagkaroon na rin ng novena sa Francisco no Ie, bahay ng mga Franciscan priests sa Kyoto.  Sinabi ng Pari na nabuo ang grupo ng mga Pilipino sa Kyoto dahil sa misa at novena. Nguni’t may isa pang dahilan sa pagtitipon ng mga Pilipino.  Ito ay ang kagustuhang makatulong sa kapwa Pilipinong may problema. Nagsasama-sama ang mga Pilipino – yung mga may problema at yung handang tumulong.

         Kaya’t simula nung mga late 1980s, ang Francisco no Ie sa Kyoto ay hindi lamang lugar para sa novena o misa, kundi isang tuluyan para sa mga Pilipinong naghahanap ng matutulugan.

      Mula doon nabuo na ang Kyoto Pag-asa Filipino Community. Tumulong ang ilang Pilipinang naging haligi ng pagbubuo ng grupo tulad ng namayapa nang si Mely Kohno. Sa imbitasyon ni Fr. Gerard Salemink, OFM, tumulong na rin ang mga Pilipinang Madre mula 1989. Sina Sr. Altagracia Miguel at Sr. Emiliana Encarnacion ng Franciscan Sisters of Immaculate Conception o SFIC ang unang naka-assign na tumulong sa komunidad ng Pilipino.

Para Saan ang Komunidad?

Mukhang dumami ang mga grupo o komunidad ng mga Pilipino sa Japan mula  nung 1990s.  Marami din akong napansin na paborito pa rin ang fashion show, food festival at mga sayaw.  Sa Osaka,  mukhang ito ang hilig ng mga Pilipinang nagpapakita ng kulturang Pilipino. 

        Nguni’t ang mga pagpapakita ng mga magagarang damit na mula pa sa Pilipinas at mga sayaw ay para sa mga Hapones. Hindi ito kinakailangan kung mga Pilipino lamang ang nagkakatipon-tipon.

         Kung pagkain din lamang, gusto ko na dinuguan ang kakainin kasama ang isang tambak na kanin.  Kung party din lamang gusto ko na may kantahan at sayawan. Sa tingin ko dito masaya ang mga Pilipino. Karaniwan sa atin ang kumakain, kumakanta at sumasayaw sa party – hindi lamang nakaupo, nagkukwentuhan, kumakain at umiinom. Uso na raw sa Pilipinas ang rental na sing-along para sa mga party kahit sa baryo. Ang kantahan ay talagang hindi mawawala.

         Nguni’t hindi palaging masaya ang buhay. Totoo na maraming Pilipino ang dumaranas ng malaking problema. Maaaring dahilan ito sa pagha-hanap ng simbahan upang magkaroon ng tamang pag-iisip sa paglutas ng problema. Maaaring ito ang dahilan kung bakit may nagha-hanap ng kapwa Pilipino na makakatulong. Kaya halos naging shelter ang Francisco no Ie sa Kyoto nung 1980s (ng wala pa sigurong shelter sa Japan) dahil yon lamang na matitirhan ng mga Pilipinong walang masilungan.

    Kaya nga ang tanong: Para saan ang komunidad?

Pagtulong sa Kapwa
Hindi iilan ang mga Pilipina/Pilipino na tumutulong sa mga kababayan nila.  May tapang silang kumilos kahit mahirap ang problema. Marunong din silang makiusap sa iba – Pilipino man o Hapones – para kunin ang kinakaila-ngang tulong.

       Nguni’t mas malaki ang magagawa kung hindi lang isa o dalawang tao ang kumikilos. Mas may magagawa kung komunidad ang sangkot.

       Kaya nga’t isa sa mga magandang gawain ng komunidad ay yung programa sa pagtulong – mula sa pagbibigay ng pagkakataong makapag-aral ng salitang Hapon, sa tulong sa pag-aalaga at pag-aaral ng mga bata, sa paghahanap  ng matatanungan ukol sa mga problema lalo na yung mapagtatanungan sa pamahalaan sa Japan, sa pagpapayo kung ano ang magandang gawin sa iba’t-ibang usapin, sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa hanapbuhay lalo na para doon sa nag-iisang bumubuhay ng pamilya, hanggang sa pagbibigay ng linaw ng isip at tapang ng loob sa pamamagitan ng relihiyon. Sa mga ganitong gawain nagiging malalim ang kahulugan ng komunidad. Mapalad tayong mga Pilipino at may mga komunidad tayo sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.

       May isang pareng Pilipino (Fr Faustino Cruz) na nagsusulat ukol sa simbahan at mga migrants (lalo na para sa mga Pilipino na nasa Amerika). Sa kanyang bisita sa isang simbahan sa Nara nung 1986, ito ang sinulat niya:
The serendipitous experience of meeting a compatriot at a church in Yagi, which for me was “off the beaten path,” instilled an acute awareness of a parish or congregation’s critical presence and role in immigrant life. I call it gospel hospitality: to help provide a sense of identity and belonging to those who have either crossed or entered marginal spaces--- places where we could be outsiders from within.

Maaaring sabihing kasama sa “gospel hospitality” ang komunidad na nakapalibot sa simbahan. Ang mga Pilipinong tumatanggap sa kapwa Pilipinong naghahanap ng lugar na masisilungan.

Ping-ku Ikeda

Kansha Alkansha

Bayanihan and Kizuna

12 seconds of Japanese prime-time TV. Nagulat ako nang mapakinggan ko ang Pilipino at nang makita ko sa telebisyon ang bahay-kubo at Mt. Mayon! Aba – may komersyal na pala ang Department of Tourism (DOT) natin dito sa Japan at sa primetime TV pa! Ang pumatok sa social media na “More fun in the Philippines” series nga siguro ang pinaka-epektibong kampanya pangpromosyon na ginamit ng DOT. Ang nakita ko noong Abril 4 ay ang “Moving house” version na pinapakita ang bayanihan sa atin.

May mga kababayan tayong nagtutulu-ngan para makaahon sa kapinsalaan sa Miyagi noong Marso 11. May isang grupo ng 70 na mga Pilipino ang nagtayo ng “Bayanihan Kessenuma Radio”, isang pangkomunidad na programa sa radyo ng mga Pilipino. Hindi sila nagpasimula sa radyo. Nung una ay pangkaraniwang tumutulong lang sila na i-kontak ang mga kapwa Pilipino sa ibat-ibang bahagi ng Japan na nagpadala ng tulong sa kanila at kaagad na pinamahagi nila ang mga relief goods upang makaabot ang mga ito sa mga pamilya ng mga kapwa Pilipino nila sa Kessenuma. Napansin ng mga Hapon ang kanilang grupo. Nagmungkahi ang FMYY (isang multi-lingual community broadcasting station sa Kobe, Hyogo Prefecture) na gamitin ang radyo upang makarating ang impormasyon sa maraming Pilipino. At dahil sa nagpakitang gilas sila sa kanilang pagiging organized, ngayon may regular na programa na ang mga Pilipino sa FMYY na nag-rerecording sa bahay ni Ms. Charito Ito sa Kessenuma at mapapakinggan sa internet broadcasting na estasyon at pang-rehiyonal na radyo estasyon.

May isa pang grupo ng mga kababaihan sa Miyagi na nag-asawa ng mga mangingisda; at nung lumaki na ang mga anak nila ay marami rin sa kanila ang mga nagtatrabaho sa mga fishery na kumpanya sa Kessenuma at Minami-sanriku, mga lugar sa baybaying dagat ng Miyagi. Nguni’t noong Marso 11 di lang kanilang mga bahay at ari-arian ang nawala kundi pati ang mga pabrika kung saan sila nagtatrabaho.

Nguni’t talagang matatag ang mga kababayan natin. Hindi sila nawalan ng pag-asa at hindi sila naghintay lang ng mga dole-outs. Marami sa kanila ang nag-aplay sa isang NGO na nagtrain sa kanila para maging mga caregiver sa Kessenuma na may mahigpit na panga-ngailangan ng mga mag-aalaga sa mga matatandang nasa evacuation shelters. Pinag-aral rin sila ng NGO na ito ng Nihongo para malaman nila ang mga salitang Hapon na kailangan sa trabaho ng care- giving. At dahil marunong na rin sila talaga ng Nihongo dahil matagal na silang naninirahan sa iba’t-ibang komunidad sa Miyagi, mabilis nilang natapos ang training nila. Ang nakakatuwa sa ating mga kababayang ito ay mabilis silang natanggap sa mga komunidad nila dahil marunong silang makipagkapwa-tao o dahil sa bayanihan.  Marami-rami rin ang nakapansin sa komunidad ng mga Pilipino sa Kessenuma at ayon sa pahayagang Asahi na ininterview si Ms. Amelia Sasaki mula sa Minami-Sanriku,“…I’m not considered a foreigner but a local… I’ve always tried to help out and show the town that I'm not waiting for people to do something for me, but that I’m waiting for them to ask me what to do for them.”

Solidarity in trying times: “Kizuna”

“Kizuna” meaning “unity, brotherhood or bonds of friendship and hope”, a word used when people need to help each other was a prevalent byword inspired by the response efforts by several people right after the March 11 crises. If you do a search on the Web, you will get several hits for “kizuna”. This shows that “kizuna” continues to be the keyword among recovery support initiatives of several organizations, both public and private which continue their own projects to show solidarity with and support for Tohoku. Some private sector initiatives are noteworthy. Among these are oyster owner programs started by various companies in the fisheries industry to rebuild the oyster farms in the coastal areas of Miyagi and Iwate Prefectures. Basically, people buy shares at 10,000 yen a piece (approximately US$100) in exchange for at least 20 oysters upon reconstruction of the oyster farms. In addition to oysters, some companies throw in some other products like fresh scallops in their “reconstruction gift sets” to owners.

Kirin Holdings, the investment arm of Kirin, the beer brand producer (which incidentally owns 48% of our very own San Miguel Beer), in collaboration with the Nippon Foundation, Japan's largest private philanthropic organization started its own “Kizuna project” supporting the reconstruction not only of oyster beds but also of Tohoku’s agriculture and fishery industries including seaweed farming and various agricultural processing industries by providing forklifts and other heavy equipment needed to clean up the debris in the affected areas. Kirin is also one of the companies supporting Tohoku University’s Faculty of Agriculture academic impact initiatives such as “Recovery of Village, Agriculture and Food Project” and the “Nanohana (or rapeseed) Project”.

One of Japan’s well-known NPOs engaged in environmental conservation is based in Miyagi and is called “Mori wa Umi no Koibito” (literally “forests and the sea are lovers”). Mr. Shigeatsu Hatakeyama, the head of this NPO is an oyster farmer, entrepreneur and an environmentalist. His family has been harvesting oysters and scallops in Kessenuma Bay in Miyagi for three generations and through the years he realized that replanting forests upstream have a positive impact on the water quality in his area and consequently improve the quality of his oysters. He engaged with the farmers in the upstream areas of Okawa River and has been working with them to sustainably manage the local forests and the sea. He established the Society to Protect Forest for Oysters and has been advocating for more than 20 years annual tree planting events in nearby areas. 

Mr. Hatakeyama continues to inspire many. A couple of months after losing his 92-year old mother, his home and business worth millions of dollars to the March 11 tsunami, he still participated in the annual tree planting in a nearby town where he apologized for not being able to bring any oysters or scallops which he shares with the upstream farmers every year. He spoke about his positive vision for the future of the Tohoku region which he believes can be a model for Japan’s sustainable management of biodiversity in an agricultural and marine context. Several corporations like Mitsui Group and Louis Vuitton Japan support Hatakeyama’s efforts in restarting oyster cultivation and monitoring the impact to the ecosystem. Mr. Hatakeyama’s efforts have also been recognized by the United Nations awarding him the “Forest Hero” medal—a first for a fisherman to receive this honor which until then had been received only by forestry folks. The“Mori wa Umi no Koibito” movement is now printed in textbooks of elementary and junior high schools across Japan. A team from Kyoto University is also helping Mr. Hatakeyama rebuild his farm and to design a model of reconstruction that can be implemented in other disaster-affected areas.

Disasters such as that of March 11 are tragic but it’s how people respond and empathize with each other by igniting the bayanihan spirit to begin rebuilding homes and lives and find strength in kizuna.

References: Templado, Louie. (March 14, 2012). “3/11 For Foreigners (4): Filipinos stand by their Japanese families.” The Asahi Shimbun.
Sawaji, Osamu. (2012). “Radio Mutual Assistance” in “Highlighting Japan: Rising from Adversity Tohoku, One year on,” page 16. Public Relations Office, Government of Japan.