Sunday, December 21, 2014

Jeepney Press November - December 2014

Jeepney Press November - December 2014

COVER
by Dennis Sun
www.dennissun.net




CENTERFOLD

UTAWIT: 
DESIGNING DREAMS,  
CREATING CHAMPIONS!




Dennis Sun

DAISUKE!
Sick in Japan


November - December 2014

Blowing my nose every minute and consuming 2 boxes of tissues already, I write this Christmas article of Daisuki wearing my thickest winter coat inside my room in the middle of autumn. Heater on the full blast mode, I still shiver from the cold. Ibang klase ang strain ng virus na ito. Parang binugbog ang buong katawan ko. Malapit na rin akong mawalan ng boses dahil sa ubo. Buti na lang, hindi ako contestant ng Utawit.

Pagsapit ng aki, makikita mo na maraming Hapon ang nagiging ninja dahil sa pagsuot nila ng mask. My friends coming from abroad to visit Japan for the first time are always fascinated by these modern ninjas! Kung nasa Pinas ka, you should wear them because of the air pollution. Baka kulang pa nga ang mga cotton gauze mask na ito. Dapat sa atin, ang isuot ay gas mask.  This is to protect yourselves from airborne pollutants and toxic gases!

In Japan, it’s different. They say there are 2 kinds of people who wear masks. One, those who are sick so they cannot spread the germs. And two, those who are still healthy and try to avoid catching the germs. However, I think there is a number three: yung mga nag sasakit sakitan! When I was still a salaryman in a company, there was this Japanese girl in the office who was wearing a mask for months. For a while, I thought she wore it to garner sympathy and even get less work load from her boss. But then, I realized she was just a bit anti-social and preferred to live in her own mysterious world. I called her the Ninja Girl!

Pause muna. Blow muna ako ng nose. Yung sipon, parang waterfalls na!

Remember, in Japan, hindi ka pwedeng bumili ng antibio-tics sa drugstore kung walang reseta ng duktor. Kapag colds, fever, pain and runny nose lang, pwede kahit walang prescription. Pero tandaan mo, kung mataas na ang lagnat mo, kailangan mo nang uminom ng antibiotics. Most likely, meron either viral or bacterial infection na sa katawan mo. Marami sa mga Pinoy friends ko ay bumibili ng antibiotics sa Pinas pag-uwi nila at dinadala nila sa Japan. This is actually self-medication. Pero ingat lang po. Kung iinom ka ng antibiotics, dapat inumin mo lahat yan within the course duration kahit wala ka ng sakit. Kasi, baka ma-immune yung katawan mo at hindi na effective next time.

Pero, da best pa rin ang natural remedies. Drink lots of water. Lagyan mo ng freshly squeezed lemons. Spice up with cinnamon and ginger! Or sweeten up with honey. Sarap!

Kung talagang hindi na ninyo kaya at sa palagay ninyo ay mahihimatay na kayo, call for emergency help immediately. In Japan, ambulance services are provided by the fire department. Just dial 119 from any phone and request for an ambulance (kyukyusha). Libre po ang service ng ambulance sa Japan. Huwag kayong mag taxi! Gagastos pa kayo at baka anong mangyari pa sa inyo. Anong magagawa ng taxi driver? At least, sa ambulance, yung mga machong firemen, they will be there ready to give you a first aid kiss, este, CPR pala! Siempre, mouth to mouth resuscitation yan. Nahimatay si Inday, diba? “Oo nga, pero hindi nalunod,” rekla-mong sagot agad ni Jena.

When you get sick, you feel helpless. You need help. May asawa ka man, nasa opisina naman siya. May anak ka nga, nasa school sila. At kailangan mo pa silang pagluto kahit nango-ngorenta ka pa. Yung labada, pwede pang makahintay. Sino ang magsisilbi sa mga may sakit sa atin? Yung friends mo? Nasaan sila? Diba meron kang 1,000 friends sa FB? Well, hanggang “like” na lang sila sa yo kung mag po-post ka. 

Hay naku! Inday, at the end, you can only depend on yourself. Tayong nasa Japan, kailangan maging matibay. Genki ka man, genkinai ka man, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Huwag ka ng umasa pa sa mga FB friends. Patayin na ang computer at itulog mo yan agad para makarecover.

Isa lang naman ang ninanamnam ko kapag may sakit ako. Yung aruga ni nanay.  Si nanay na napakalayo and thousands of miles away. I yearn for my mother’s care! Miss ko na rin ang masarap niyang arroz caldo! 

Sabi ni Manang Aruray, caregiver daw siya. She said can give me all the care I want. Naku, Aruray, tumigil ka nga! Juice ko po, patawarin! Tataas lamang ang lagnat ko kung ikaw ang mag-aalaga sa akin. Ambulansya!!!



Renaliza Rogers

SA TABI LANG PO: Paskong Nagdaan


Nov - Dec 2014

Disyembre na. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ako nagsulat ng aking New Year article, ngayon naman ay Christmas article na ulit. Syempre, dito sa Pilipinas, warm lagi ang Pasko, di tulad sa Japan na napakalamig (oo, literally at figuratively speaking).   

Kung bibilangin ko, 25 na Pasko na ang aking naranasan. Karamihan hindi ko maalala ang mga pangyayari noong mga unang Pasko sa buhay ko. Syempre sino ba naman ang nakakaalala ng Pasko noong sanggol pa lang sila? Ang mga naaalala ko sa mga Paskong nagdaan ay kakaunting mga mahahalaga at hindi makakalimutang mga tagpo.   

Noon, wala kaming Christmas tree. Bumili lang ang lola ko para ako'y mapasaya. Isang maliit na Christmas tree, yun bang smallest size na pampatong lang sa ibabaw ng mesa, pero tuwang-tuwa na ako. Kinabitan ko ito ng mga bunga ng aratilis o "sarisa" kung tawagin sa Ilonggo na hinarvest namin ng yaya ko sa sementeryo. Nilanggam ang aming Christmas tree makalipas ang ilang araw.  

Noon, tuwing uuwi ang aking ina sa Pasko ay may kung sinong magkakalat sa kanayunan na "dumating si Beth!" Sa bisperas ng Pasko ay darating ang isang truck (truck ng tubo, 6-wheeler, malaki) ng mga kamag-anak namin mula sa kanayunan, kasama ang ibang kapitbahay nila at kung sino pang kakilala ni kwan na niyaya ni kwan. Okay na lang kahit biglaan tutal Pasko naman at nanabik daw silang makitang muli si pinsang Beth. Uulan ang tig-iisang daan na ipamimigay sa naghihingi ng pamasko at malayo-layo nga naman ang nilakbay nila. Masaya naman ako dahil andaming tao at andaming handa bigla, pero ewan ko kung ano ang naramdaman ng bulsa ng aking ina.  

Kami ng mga pinakamalalapit kong mga pinsan ay sasayaw ng "Macarena" for the entertainment of all at para sa prize money na 20-pesos each.  Hindi ko naman memorize ang mga steps ng Macarena pero sige lang ako ng sige,  at kung ano man ang gawin ko ay yun na rin ang gagawin ng iba. Nagmukha man kaming tanga, okay lang dahil may 20 peso prize money na kung papalarin ka ay madodoble pa, depende kung bigay na bigay ka sa sayaw mo.   

Nitong 5 years ago lang, nagpasko kami sa Batangas. Bago magpasko ay nag-away kami ng aking ama at walang kibu-an. Ngunit nagsimbang gabi ako at parang sinadya yata ni padre na patamaan ako nang sinabi niyang "ikaw na anak, ikaw ang unang magpakumbaba sa iyong magulang dahil pasko naman." Kinabukasan ay maaga kong pinuntahan ang aking ama habang siya'y nagkakape sa balconahe. Niyakap ko siya at sinabing, "bati na tayo, Pa." Wala siyang naisagot. Nanginig lang siya habang hawak-hawak ang tasa ng kape at sigarilyo at habang pinipigilan ang luha niyang pumatak. Muntik na akong matawa kaya't iniwan ko na lang siya bago pa masira ang moment. Kinabukasan, nagluto siya ng paborito kong dinuguan.  

Ang Pasko ay hindi naman pabonggahan. Para sa ating mga Pilipino, ang Pasko ay tungkol sa pamilya at pagsasama-sama. Siguro, sa lahat ng lahi sa mundo, sa ating mga Pilipino pinaka-big deal ang Pasko. Hindi ito isang one-day event lang. Usually, buong Disyembre ito hanggang mag Bagong Taon. September pa nga lang minsan ay may maririnig ka nang mga Christmas songs kung saan-saan at makakakita ka na ng Christmas lights na nakakabit sa mga kabahayan. Ang mga nasa abroad ay ilang buwang magpaplanong umuwi para makasama ang pamilya.   

Nakasanayan kong tuwing magpapasko ay uuwi ang aking ina o mga tiyahin galing abroad tapos kami'y magsasaya ng magkakasama. Ang Pasko sa amin ay parang reunion ng pamilyang karamihan ay nasa ibang bansa. Nito nga lang mga nagdaang Pasko, hindi ko masyadong nadama o na-appreciate dahil hindi nakauwi ang aking ina. Hanggang webcam lang kami. Nanonood siya habang kumakain kami ng Noche Buena dito at nandoon din siya sa kabilang dako kumakain kasabay namin.   

Sa Paskong 2014, walang taga abroad sa pamilya naming uuwi. Ewan ko ba kung bakit sabay-sabay din silang lahat hindi uuwi ng Pinas. Magsisimba na lang kami dito upang magpasalamat sa Diyos, mag we-webcam na lang at maghahanda na lang kami ng sapat para sa amin, huwag masyadong madami dahil sayang lang pag hindi naubos at isa pa dahil nagtitipid tayo.      

Roger Agustin

Musings of A Sarariman


Nov - Dec 2014

I thought I knew more than a bit about “Abenomics” until I heard the word “Womenomics.” 

As part of the govern- ment’s long term strategy for growth which is the so called third arrow of Abenomics, to enhance productivity and to retool Japan’s economic structure, women should be given much greater opportunities. This is where “womenomics” come into play (the term originally coined by Kathy Matsui in 1999 as managing director of Goldman Sachs Japan) and has become a keyword in Abe’s economic plan. Abe has stressed in his speeches that under his administration, women’s active participation constitutes the core of the growth strategy, rather than just a social policy. The 1999 report on Womenomics concluded that an increased proportion of Japanese women were actively participating in the workforce and becoming a very important source of income and consumption growth. Contrary to conventional wisdom that the shrinking population has a negative impact to economic growth, the report stressed that Japan has to make better use of its most underutilized resource – its women. It goes on to say that the theory of low birth rate and remaining single attributed to higher participation of women in the workforce is actually contradicting with data gathered in different economies with high labor participation rates. That is, higher labor participation positively correlates with higher birth rate! I am guessing that PM Abe read through the report well enough and was convinced enough that he wrote womenomics “offers a solution with its core tenet that a country that hires and promotes more women grows economically, and no less important, demographically as well.”

Of course, the report did not say that pursuing womenomics is the only solution but requires more changes in many policies both in the public and private sectors to eliminate obstacles for higher women participation, given that Japan remains a deeply conservative society when it comes to the role of women in the workforce. Some examples of the main reasons behind Japanese women’s low participation rate in the labor force are insufficient child care and nursing support, tax obstacles that limit the income to be eligible as dependents, inadequate focus on diversity and work life balance in private and public sectors, and rigid immigration laws that restricts hiring of foreign workers to resolve insufficient daycare, nursing and housekeeping services for working women. In fact, Abe pushed the policy further by giving a clear target of having working women hold 30% of the senior management position by 2020 (in time for the Tokyo Olympics). He has called on the Japan Business Federation, also known as Keidanren, and the two other major business organizations, to set their own targets for promoting women to senior positions and work out the implementation plans, and that the proportion of women executives should be reported in the companies’ securities filings. This gave companies’ leaders headache because 30% is a huge leap from the current 10%, or a drastic change from his direction last year to have at least one female board member for each company. I wouldn’t disagree. Where on earth would you get the 30% in the next 6 years? Whether it is possible or not, it is not bad though to raise the bar as a target. I am hoping that it would trigger faster but effective policy changes in pursuing or even achieving the goals of the Equal Employment Opportunity Law which took effect way back in 1986.

Lastly, I am still thinking how “womenomics” would be accepted by a sarariman…a threat maybe. For me, I am for it. After all, at work, it’s the results that count. See you all next year!


Abie Principe

Shoganai: Gaijin Life
Ang Pasko Ay Nasa Puso 


Nov - Dec 2014

Malaking pag kakaiba ng Pasko dito sa Japan at sa Pilipinas. Noong una akong dumating dito, hindi ko agad nalaman kung saan pwedeng magsimba. Mabuti na lang at mayroong kapwa Pilipino na nagturo sa akin kung saan pwedeng magsimba. Ok talaga ang networking!

Noong una kong naranasan ang Pasko dito, grabe, nakakalungkot! Malamang dahil sa estudyante ako, at karamihan ng kapwa estudyante ko ay nag-siuwian na noong palapit na ang Pasko. Kunsabagay, ako rin naman, madalas, umuuwi. Pero noong taong iyon, tinatapos ko thesis ko, deadline ng presentation sa January, kaya, talagang buong December, nagsusulat ako.

So it came to pass that for that year, I stayed in Japan for the holidays. Kaya, for the first time, naranasan ko mag Pasko sa bansang Hapon. Hindi ko makalimutan na napakalungkot ng pakiramdam ko noon. Lumalala pa kapag naririnig ko na meron na naman akong kaibigan na pauwi ng Pilipinas.
Tapos hanap pa ako ng hanap ng mga bagay na nagpapahiwatig sa akin na Pasko na. Tulad ng belen, parol, bibinka, at iba pa. Sa tuwing naalala ko na wala ang mga yan dito, lalo pa akong nalulungkot.

Siguro, kung hinayaan ko ang sarili, lalo lang akong nabaon sa homesickness. Pero, as luck would have it, mayroon akong nakausap na Amerikanong pari mula sa isang Simbahang Katoliko dito sa Nagoya. It was just a coincidence that I was checking out the posters at the church bulletin board, looking for an announcement about Masses for December 24, when he passed by and asked me what I was looking for. So I told him. Hindi ko alam kung napansin niya na homesick ako, or talagang magaling lang siyang magkipag-usap, pero he started talking about Christmas, and about how it is the birthday of Christ and that Christ celebrates his birthday with anyone, anywhere. Doon ko na-realize na ang Pasko ay nasa puso, hindi sa bibinka, o sa parol, o sa mga dekorasyon. Na kahit nasaan tayo, maari nating bigyan halaga, at maari nating maramdaman ang diwa ng Kapaskuhan, dahil nasa puso natin ang tunay na dahilan.

Maligayang Pasko sa ating lahat!

Jeff Plantilla

Isang Araw sa Ating Buhay


Nov - Dec 2014

May mga bagay na likas na maganda ang maaaring gamitin sa masama. Tulad ng isang kutsilyo. Maaari itong gamit sa hanapbuhay, nguni’t maaari din itong pangkitil ng buhay.

Sa artikulong ito ay isinama ko ang sinulat ni Megumi Hara na isang doctoral student sa Osaka University at kasama sa Sama Ka Batang Pinoy project sa Kyoto. Ipinaliliwanag ni Megumi ang kalagayan ng mga magulang (karamihan ay mga babaeng Pilipina) na may anak na Japanese-Filipino at nakapunta sa Japan para sa trabaho. Hindi biro ang kanilang buhay bilang mag-ina. Basahin natin ang sinulat ni Megumi.  


Mga JFCs At Ang Kanilang Mga Ina

Nung ika 4 ng Hunyo 2008, lumabas ang desisyon ng Korte Suprema ng Japan na hindi constitutional ang bahagi ng batas na nagsasabi na ang anak ng isang amang Hapones sa isang dayuhan na hindi niya asawa ay magkaroon lamang ng Japanese nationality kung ito ay kinilala niya (acknowledged) bago ito isilang. Sinabi ng korte na discriminatory ito sa mga batang kinilala ng amang Hapones (na hindi kasal sa dayuhang ina) pagkatapos isilang.

Dahil dito, binago ang Nationality Law ng Japan upang payagan nang mag-apply na maging Japanese nationals  ang mga batang isinilang kahit ang mga amang Hapones ay hindi kasal sa mga inang dayuhan basta’t kinilala sila ng mga ama.

Lumaki ang pagkakataon na maging Japanese national ang libo-libong batang isinilang na Japanese-Filipino children (JFCs) sa mga inang Pilipinang hindi kasal sa mga amang Hapones.

Sa pagkakaroon ng Japanese nationality o bilang anak ng isang Japanese national, ang mga JFCs ay maaaring manirahan at maghanapbuhay sa Japan nang walang limitasyon. At kung ang mga JFCs ay menor de edad, ang kanilang mga inang Pilipina ay maaaring mag-apply ng long-term residence status bilang tagapag-alaga ng mga bata.

Nguni’t ang pagkakaroong ito sa mga JFCs ay hindi nangangahulugan na mabilis na pagtira nila at ng kanilang mga ina sa Japan. Maaaring nawala na ang kanilang ugnayan sa mga amang Hapones o sa mga taong makakatulong sa kanila sa Japan.  At dahil sa kahirapan, wala silang kakayanang makapunta sa Japan o makapagsimula ng bagong buhay dito. 

Nagbigay ng pagkakataon sa ilang recruitment agencies sa Pilipinas ang kalagayang ito upang maka-recruit ng ganitong mga ina dahil makakakuha sila ng visa papuntang Japan. Ang mga recruitment agencies na ito ang nagbibigay ng pamasahe papunta sa Japan at saka trabaho bilang caregiver, cleaner, factory worker, o kaya ay sa club. 

Sa ganitong paraan, hindi na idinadaan sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang kanilang labor contract, hindi tulad sa mga karaniwang pagtatrabaho sa abroad. Ang mga recruitment agencies na ito ay itinuturing na “NGOs” o “foundations” at kaya hindi nasasakop ng POEA. 

Sa ganito ring paraan naloloko ang mga inang ito. Sa isang survey na  ginawa ng Citizens’ Network for Japanese-Filipino Children at ilang mga researchers (kasama ang sumulat ng artikulong ito), ilang bagay ang  lumabas:  a)13 sa 19 na sumali sa survey ay lubog sa utang dahil sa gastos sa airline ticket, training fee, visa processing fee at placement fee na binabawas sa kanilang mababang suweldo; b) maliban sa isa, lahat ay may 2-3 taong kontrata sa isang ahensya (o haken gaisya) na naka-assign sa kanila para mabayaran ang utang; k) ang iba ay nakabasa at pumirma sa kontrata ilang araw lang bago umalis ng Pilipinas,  samantalang ang iba ay hindi man lang nakita ang kontrata; d) 10 sa 19 na sumagot sa survey ay nakumpiskahan ng mga kumpanya sa Japan ng passport at kinakaltasan ng bayad sa utang nang walang resibong ibinibigay at kaya labag sa batas sa Japan; e) 8 sa 19 ang tumakas na sa kumpanya dahil sa baba ng sweldo, masamang kalagayan sa kumpanya, hindi pantay na kundisyon sa trabaho, at ilan ay ginamitan ng dahas at hinabol ng kumpanya nung sila ay tumakas. Ang iba pang detalye sa survey na ito ay mababasa sa wikang Hapones sa www.jfcnet.org/news/info/80/.

May iba pang problema na hinaharap ng mga inang ito maliban sa trabaho, tulad ng pag aaral at problema sa lenggwahe ng mga anak nilang JFCs, kawalan ng kontak sa mga komunidad ng mga Pilipino sa lugar na tinitirhan, hirap ng pagkakahiwalay sa kanilang pamilya sa Pilipinas, at ang hirap ng pagiging single mother na may full-time na trabaho.


Kalagayan Ng Mga JFCs 

Ang mga JFCs na bigla na lamang pumasok sa eskwelahan sa Japan ay humaharap sa maraming hirap. Hindi sila kaagad maka-adjust sa ibang sistema sa eskwelahan,  lalo na sa wikang Hapones. 

Kahit sila ay mga bata pa, at may kakayahang matuto kaagad ng bagong wika at kultura, hindi pa rin ito sasapat sa kanilang pag-aaral. May isang kilalang linguist (Jim Cummins) ang nagsabi na may dalawang uri ng kaalaman sa bagong wika para sa mga migranteng bata. Isa ay Basic Interpersonal Communication Skills (BICS), ito ang mabilis matutunan ng mga bata. At maaari silang maging halos native speakers sa 6 na buwan o sa 2 taon. Pangalawa ay ang Cognitive Academic Language Proficiency (CALPS) na kailangang makamit upang makapag-aral nang maayos ang bata habang pataas na ang level ng pag-aaral. Nguni’t  nangangailangan ito ng 5 hanggang 7 taon na pag-aaral ng bagong wika. Kaya kung ang bata ay 10 taon nung magsimulang mag-aral ng bagong wika, makakamit niya ang CALPS level kapag 15 o 17 years na siya. 

Kung ganito, maaaring may peligro na tumigil na sa pag-aaral ang bata bago makakuha ng CALPS level.

Ang pagkakaiba ng sistema sa pag-aaral sa Pilipinas at Japan tulad ng entrance exam, kaayusan sa klase at ang mga inaasahan ng mga guro sa mga magulang ng mga bata ay nagdudulot din ng mga problema sa mga JFCs.

Ang mga single mothers na dayuhan, na may problema sa paghahanap-
 buhay, ay dumadagdag sa pagiging vulnerable o kahinaan ng mga JFCs. Nakakalungkot na ang mga trabaho sa Japan o ang lipunang Hapones ay masyadong nadodominahan ng mga lalaki at ng mga Hapones na siyang nagdudulot ng karagdagang pahirap sa mga JFCs at sa kanilang mga ina.

Kailangang may magawa upang maayos ang kalaga-yang ito. Kailangang magtulungan ang mga pamahalaan ng Japan at Pilipinas para mawala ang ganitong pagsasamantala sa mga JFCs at sa kanilang mga ina, at maparusahan ang mga gumagawa ng paglabag sa kanilang karapatang pang-tao.  Kailangan ding magtulungan ang mga tao para dito.

Karen Sanchez

Hanggan


Nov - Dec 2014

Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Hanggang ang buhay ko ay kunin na ng Maykapal
Mga linya sa isang sikat na awitin o kanta na susubok sa ating tatag sa mga pangyayari sa ating mga buhay-buhay.

Magandang araw po sa ating lahat mga kababayan! Sa isyung ito, dalawang mahahalagang pangyayari sa ating mga buhay ang ating gugunitain o alalahanin. Ito ay ang araw ng mga mahal nating humayo na sa kabilang buhay.  Ang araw kung saan tayong mga Pinoy ay nag-aalay ng dasal at mga bagay-bagay para sa mga kaluluwa ng ating mga mahal sumakabilang buhay na.  Isang paraan ito upang maibalik o maipakita ang pagmamahal natin sa kanila.  At siguradong bisi na naman ang mga tao, sa mga simbahan, sa Dangwa,  Sampaloc, Manila  kung saan mabibili ang mga bulto-bulto,  mura at mga sariwang ibat-ibang klase ng bulaklak, ang mga namamahala ng mga sementeryo at ang ating mga kapulisan ay abala sa pananatili at pagbabantay para sa mapayapang malaking selebrasyon na ito sa lahat ng kapuluan sa bansang ating pinagmulan.

Ang isa pang ating inaabangan ay ang Pasko.  Pasko na naman po mga kababayan!  Maligayang Pasko po sa ating lahat.  Araw ng pagkasilang ng ating Poong Maykapal, ang ating tagapagligtas at ang daan para sa ating Amang nasa langit.  Ito ang araw na pinaghahandaan ng karamihan sa buong mundo.  Ang araw kung saan masasaya halos ang mga tao.  Maliban sa pagbibigayan, pag-iibigan at pagpapatawaran.  Minsan madaling sabihin ang mga bagay na ito ngunit may mga taong hirap din maibahagi ito. At maririnig natin ang salita sa kanta, hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magbibigay? Hanggang kailan ako maghihintay?

Maraming kwento dito sa ating kapaligaran, sa ating mga kababayan ang pwede nating makuhanan ng mga ideya, aral,  leksiyon at inspirasyon upang maiwasan natin ang ganitong sitwasyon kapag nagkataong dumating na ito sa ating mga buhay-buhay.  At sana marami ang makaka-relate sa ibabahagi kong ito ngayong panahon ng kapaskuhan.

Alam nating lahat na ang pangi-ngibang bansa ay maituturing nating daan upang maiahon ang ating mga mahal sa buhay o pamilya sa kahirapan at matulungang maiahon o maisakatuparan ang pangarap ng ating mga magulang na sila mismo hinde nila ito nakamtan.  At dahil sa nakikita o atin na itong nakagisnan  at dahil na rin sa pagmamahal natin sa kanila, handa tayong magsakripisyo, maging sarili nating kaligayahan atin na isinantabi,  mga  anak,  asawa iniwan sa Pinas dahil ito lang ang tanging alam nating paraan upang sila ay matulungan. At marami rami din sa ating kababayan, aminin man natin o hinde,  tamaan na ang tatamaan,  marami sa atin dito ang nabubuhay at maituturing nasa maling landas.  Ito ay sa kagustuhang may malaking maipadala sa kanya-kanyang mga pamilya.  Mayroong pilit nakikisama sa mga matatanda o mas matanda pa sa kanilang ama,  sa mga taong hindi naman talaga masasabing mahal nila, nagtitiis kahit na sinasaktan na sila pisikal man o emosyonal para lang hindi mapauwi sa Pinas dahil wala din naman mapagkakakitaang maganda kapag umuwi pa.  At mayroon ding binibigyan ng magandang pagkakataon, swerte kumbaga! Sila naman itong may magagandang buhay dito sa Japan, may asawa, mga anak at maayos na trabaho ngunit may mga ibang sinasayang ang mga ganitong pagkakataon o biyayang ito dahil sa kanikanilang bisyo, babae, lalaki, inom, droga, sugal, slot o pachinko. Hanggang kailan po ba dapat nating gawin ang mga ito? Hanggang ang mga ari-arian o mga pinaghirapan natin ay nawala na sa atin? Hanggang bumigay na ang mga katawan natin? O hanggang malagutan na tayo ng hininga?

Naramdaman na po ba ninyo ang maging " burnout"?  Ito ay yung sa kabila ng lahat ng sakrispisyo, pagsisikap, paghihirap o pagtatrabaho ay ubos-ubos o halos wala ng itinitira para sa sarili, lahat ay ipinapadala sa pamilya sa Pilipinas at ang mga nanay, mga kapatid o mga kaanak ay nag feeling rich. Lahat umasa sa padala o sa ipinundar natin  doon at hindi na nagsipag hanap buhay o nagtrabaho. Ang mga sinasabing kayamanan ay naubos o napunta  sa wala, ang dating mala mansyon o palasyong bahay ay naisanla o naibenta at nagbalik eskwater, ang pinauupahang apartment o condo ay naglaho din.  Yung pinag-aaral mo'y nagbulakbol, nakabuntis, nabuntis o nag-asawa ng maaga. Kumbaga, nauwi sa wala lahat ng pinaghirapan mo at napapagod ka na, naiistress, nadedepressed, gusto mo nang bumigay at ang magiging tanong mo sa sarili mo ay... Paano na tayo ngayon? Ano na ang dapat na gagawin natin? Saan at papano tayo  ngayon magsisimula muli?

Sa isang misa, may homilya akong hinding-hindi ko nakakalimutan. Ito ay ang mga tanong na "Sino ang mag-aalaga sa tagapag-alaga? Sino ang maggagamot sa manggagamot? Sino ang manghihilot sa nanghihilot? Sino ang magsasalo sa tagasalo? at marami pa. Tagasalo? Ikaw ba ito kabayan? Tagasalo ng problema ng iba? Tagasalo ng responsibilidad na di naman dapat sayo? Mga malalalim na katanungan na ang nag-iisang kasagutan ay ang ating Poong Maykapal. Ang kanyang pagmamahal ay walang kupas,. Di tulad nating mga tao na minsan napapagod. Ang Diyos ay hinde napapagod, hindi bulag o bingi. Hindi nagsasawang tumulong at magmahal sa ating lahat. Walang pinipili. Walang mayaman o mahirap. Lagi Siyang nagpapatawad at lagi Niya tayong binibigyan ng mga pagkakataon o second chance. At Siya ay palaging nasa ating mga tabi. Kailangan lang ay kausapin natin siya. Sa kanya natin sabihin ang lahat ng ating mga problema o mabigat na dinadala dahil di man nating pisikal na nakikita, Siya ay gumagawa at hinde Niya binibigay sa atin ang anumang pagsubok na hinde natin kaya. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang hanggan o walang katapusan, maging ito ay sa kabila na nang ating kamatayan at ang pagdadasal ay ang tangi nating ugnayan. Di na natin kailangan ng mga gadgets, load o wifi.

Isa sa mga narasanan ko, ang akala ko noon na  ako'y nag-iisa. Noong 2006, nang nawalan ako ng bisa sa Brunei. Nag TnT ako sa Brunei at Malaysia. Kotse at bangka lang ang katapat. Nakakapagod at nakakatakot.  Ang inaasahan kong kadugo kong tutulong sa akin ay tinalikuran ako. Iyak ang tanging ginagawa ko. Dasal ako ng dasal araw gabi, minsan wala ng kain. At masasabi kong dininig ng Diyos ang mga dasal ko. Binigyan Niya ako ng mga kaibi-gang handang tumulong sa akin at hinde ako tinalikuran kailanman. At hinding-hindi ko din inasahan na makakarating ako dito sa Japan, sa iilang parte ng Amerika, Europa at iilan pang bansa sa Asya na ni minsan ay hindi ko ito inakala. Masasabi ko pong ako'y pinagpala, sa kabila ng hirap, mga luha at pagtitiis. Sa kabila ng di ko mapasa-pasang medical tests noong gusto kong mag DH, saleslady o cashier sa Middle East o iba pang bansa. Pinagpala akong makakuha ng tourist visa kung saan wala ng medical tests na kakailanganin sa aking pag-alis. At dahil sa mga naranasan ko, masasabi ko rin na ang buhay natin ay tayo ang pumipili sa mga pagkakataong binibigay sa atin ng ating Panginoong Diyos. Kailangan lang po talaga ang taimtim na dasal at pananalig sa Kanya upang maituro Niya tayo sa tamang landas na dapat nating tahakin nang sa gayun lahat ng magpapasaya at minimithi natin ay mapapasa atin. At kung minsan may mga bagay tayong dapat isakripisyo para sa mga bagay na talaga nating gusto.

Kaya mga kababayan huwag po tayong sumuko. Lahat ng hirap at pasakit ay may katapusan. Lahat ng nawawala ay may kapalit at minsan higit pa sa nawala ang dumarating. Kailangan din po nating matutunang tumanggap o makuntento  sa mga bagay-bagay na ipinagkakaloob sa atin. Tulad na lamang ni Hesus, Siya ay kaloob sa ating lahat at alam nating lahat na ito rin ang diwa ng Pasko na ating siniselebra taon-taon at dapat natin Siyang tanggapin sa ating buhay. Si Hesus ay isang regalo ng ama sa kanyang mga anak. At hindi rin lingid sa ating lahat kung papaano isinakri-pisyo ng kanyang magulang ang kanilang nag-iisang anak para sa sanlibutan. Dito natin makikita ang tunay na pagmamahal, ito ay  walang hanggan. At sa aking pagmamasid o pag ninilay-nilay ang pagmamahal sa pamilya ay isang halimbawa. Minsan nag-aaway, nagkakatampuhan ngunit darating din ang araw na magkakaayos, magkakasundo at mangigibabaw ang pag-ibig o ang pagmamahal sa isa't-isa. 

Pagpalain po nawa tayong lahat. Nawa'y manatili sa ating mga puso ang pag-ibig at kabutihan. Hanggang sa darating na bagong taon. Hanggang mapasaatin ang lahat ng ating inaasam-asam. Hanggang makamit natin ang tunay na kaligayan at kapayaan.

Maligayang Pasko po sa ating lahat!





Warren Sun

NEWS BITS: Bagong Uri ng Dengue Virus Nakita sa Japan


Nov - Dec 2014

Bagong Uri Ng Dengue Virus Nakita Sa Japan

Binalita lang kamakailan ng gobyerno ng Hapon noong September 29 na may nakitang lalaking nahawaan ng dengue virus na may kakaibang genetic sequence kumpara sa virus na nakita sa mga ibang tao na naulat noong August.

Ayon sa lalaking may dengue virus, nakagat siya ng lamok at nahawaan din ang mga tao sa Yoyogi Park. Naiulat din ng Ministry of Health na may kabuuan na 150 tao na nahawaan ng dengue sa Japan. Walang naiulat na kaso ng dengue virus sa Japan mula noong 1945.

Japanese Yen- Humihina At Nagiging Mapanganib Sa Ekonomiya Ng Japan

Bumaba ng 110 level ang Japanese Yen sa unang pagkakataon sa loob ng anim na taon nitong buwan ng Oktubre. Noong dumating ang krisis pinansiyal noong 2008, 50% ng produksyon ng  Honda Motors ay para pang export. Binalak ng presidente nila na ilipat ang produksyon nila sa ibang bansa noong panahon na lalakas pa ang yen.

Bagamat bumababa ang yen kamakailan, madaming industriya ang nakikinabang nito tulad ng mga industriya ng makinarya, citizen machinery sa Nagano ay tumututok sa kanilang produksyon sa Japan at 70% naman para pang export. Sa kabila naman, ang industriya ng parts makers ay nanganganib sa pagbaba ng kanilang benta dahil ng krisis pinansiyal at ang pagtaas ng presyo ng materyales.

Buwis Para Sa Pampublikong Telebisyon Sa Japan

Ang pagbayad ng buwis 
sa Japan ay kakaiba. Sa malalaking kumpanya, binabawas ito sa kanilang income tax. Sa iba naman, nadodoble ang pagbayad ng buwis sa kanilang residency tax. Pero ang pinaka kakaiba dito ay ang pagbayad ng buwis para sa pampublikong telebisyon. Madaming nangongolekta ng buwis door-to-door at ibang mga nasa administrasyon na naniningil ng buwis kahit wala kamang TV. Ang pampublikong telebisyon ay nasa panga-ngasiwa ng (Nippon Hoso Kyoukai) NHK. Nango-ngolekta sila nang mahigit kumulang 13,600yen at sa 24,090yen sa mga may satellite TVs. Walang batas na nagsasabi na mayroong parusa sa pag hindi pag bayad.

Sa panahon ng modernong teknolohiya, bumababa ang porsiyento ng manonood ng telebisyon at madami ngayon, lalo na ang mga kabataan, ang gumagamit ng Internet para makapanood ng balita at iba pang impormasyon. Ayon sa NHK, 73% lang ng mga sambahayan ay nagbabayad ng buwis na pampublikong telebisyon. May petisyon ding isinasagawa ang NHK na magiging sapilitan ang pagbayad kahit wala kang pagmamay-aring telebisyon pero ito ay nananatiling ideya parin hanggang ngayon.








Isabelita Manalastas - Watanabe

ADVICE NI TITA LOLITS
Take it or Leave it!


Nov - Dec 2014


Dear Tita Lits,

I earn in Japanese yen with my main job and in US dollars with a few part-time jobs. Thus, I have savings in both currencies. My question is: “Which currency should I spend when I go back to the Philippines?” The value of Japanese yen has been falling down. Should I use my US dollars instead? I don’t have any peso savings account in the Philippines so I have to buy pesos once I get home. Do you also suggest that I start a peso account in a Philippine bank so I can use the money there for my expenses while in the Philippines? Salamat po!

Marco, Gunma-ken

Dear Marco:

As of this writing, the Japanese Yen has started strengthening again. USD/JPY exchange rate was already at 110.00 and now, it is less than 108.  I am not sure what will be the exchange rate when this reply to your question comes out in Jeepney Press.

I do not know where you keep your US dollar notes.  In cash, or in a USD savings account in a Japanese bank?  If in cash, just use the US dollars when you travel outside of Japan, so that they will not just be lying there somewhere in your house or wherever you have put them for  safekeeping.  If in a US dollar savings account in a bank in Japan, please remember that whenever you deposit US dollar cash to your savings account, the Japanese bank will always charge you a minimum of around JPY 2 yen for every US$1 you deposit.  I think for withdrawing US$ cash from a US$ deposit A/C there will be no charges.

Anyway, it does not really matter so much whether you decide to use JPY or USD when you go back to the Philippines.  Both are freely convertible to the Peso, and you can change either in banks or in many authorized money exchange centers there.  Both will have good rates in the Philippines as there is always a demand for Yen and USD by Philippine importers.

You can of course open a Peso savings A/C when you go back to the Philippines.  Best if you request for an “OFW” savings account, so that you will not be required to have a big maintaining balance. When you return to Japan, you can remit any time to that account, whenever the JPY/PHP rate is good.  When you travel next to the Philippines, just withdraw from your savings A/C, for your various expenses.





Dear Tita Lits,

Asawa po ako ng isang matandang Hapon dito sa Yamagata-ken.  Ilang taon na lang, malapit na siyang mag-retire.  Pero napaka-genki pa rin niya. Paminsan-minsan, nagtatalik pa rin po kaming mag-asawa. Hindi po kami pinag-pala na magkaroon ng anak. Nabuntis na po ako ng dalawang beses pero parehong nauwi sa kunan. Gusto ko pa rin magka-anak ngunit ayaw na ng mister ko.  Ngayon, eto po ang problema ko, umuwi po ako minsan sa Pinas at nagkita kami ng dati kong boyfriend. Naging sabik kami sa isa’t-isa hanggang mayroon nangyari. Tatlong buwan na  po akong buntis. Hindi po alam ng mister ko. Kapag sinabi ko na buntis ako, siguradong alam kong alam niya na hindi sa kanya ang bata. Hindi ko  po alam ang mabuting gagawin ko. Bigyan ninyo po ako ng payo. 

Perla, Yamagata-ken

Hay naku, Perla.  Ito na yata ang pinakamahirap na tanong na natanggap ko, buhat ng kung ilang taon na akong nagbibigay ng advise dito sa column ko.  

Ngayon lang yata ako magbibigay ng advise na magsinungaling ang isang tao.  Kaya lang, kasinungalingan na parang kailangang gawin, na ang end result is peace for all.  Kung pagbalik mo noon sa Pilipinas ay nagtalik kayo ng iyong asawang Hapon, baka hindi niya mahalata na hindi kanya ang iyong ipinagbubuntis ngayon.  Kung ito ang situwasyon, ang aking advise ay tumahimik ka na lang.  Para din sa kapakanan mo, ng iyong isisilang na anak, at ng iyong asawa.  At pwede ba, huwag mo ring sabihin kahit kanino ito kahit doon sa iyong dating boyfriend sa Pilipinas, para wala na lang maging komplikasyon pa kapag ipinanganak mo na ang bata.

Ngunit kung siguradong wala kang lusot, wala kang choice kundi maging truthful at humingi na lang ng patawad sa iyong asawa.  Kung papatawarin ka niya, well and good, at salamat sa Diyos.  Kung hindi, at ikaw ay hihiwalayan, or worse, ay i-divorce, iyan ang iyong parusa dahil sa iyong pagiging taksil.  Ewan ko kung permanent resident ka na dito sa Japan.  Kapag hindi pa, patay ka, dahil mawawalan ka ng bisa kapag diniborsiyo ka ng asawa mo. At baka ni kusing wala ka ring makuha, dahil nga ang rason sa pagdi-divorce niya sa iyo, ay ang kataksilan mo.

Patawarin ka nawa ng Diyos at patawarin na rin ako sa aking pag a-advise na magsinungaling.




Dear Tita Lits,

Isa po akong mama san dito sa Nagoya. Problema ko ay yung mga ibang Pinay na mama san sa ibang omise ay nag nanakaw ng mga okyakusan ko. Ang omise ko po ay nasa 2nd floor. Sila naman ay nasa first floor. Bago umakyat ang mga okyakusan ko, ina-abangan nila sa hagdanan. Alam naman nila na mga okyakusan ko ang mga iyon pero sinusulot nila ako. Okey lang po kaya na lusubin ko sila sa mga omise nila?

Myrla, Nagoya


Dear Myrla:

Napatawa ako noong mabasa ko sulat mo.  Kasi, parang same experience tayo.  Iyong kumpanya namin, may remittance office sa Roppongi. Tapos, may nagbukas na isang remittance company din, sa same floor namin.  Sinabihan ko iyong head ng remittance company na huwag namang manghila ng kliyente. Basta’t bigyan ng karapatang mag decide kung saan gustong mag-remit ng kliyente.

Anyway, talagang patayan na yata ngayon sa business sa Japan, hindi lang pala sa remittance kundi sa mga omise din.

Kung tumayo ka kaya diyan sa ground floor para bumati sa mga kliyenteng pumapasok sa building ninyo.  Ke kliyente mo o hindi, batiin, at sabihan in a  polite and respectful manner,  na welcome sila sa iyong omise on the second floor.  Kung busy ka, mag utos ka sa isa mong magandang staff, na siya ang bumaba sa ground floor para gawin ito. Araw-araw ninyong gawin ito.  Siyempre, may cost ka sa paglalagay ng isang tao sa baba ng building ninyo, pero palagay ko sulit. Tinggan ko lang kung makakaagaw pa sila!





Dear Tita Lits,

Totoo po bang hindi na kailangan mag apply ng tourist visa papuntang Japan? Kahit passport lang ang dala mo, pwede nang makapasok sa Japan?

Jenny, Sendai


Dear Jenny,

Hindi totoo!  

Pero baka sakaling malapit-lapit ng bigyan tayong mga Pilipino ng visa free entry sa Japan.  As of this writing, hindi pa.  Ang huli kong nabasang update, by end of this year, ang mga Indonesians na mayroong certain type of passport (iyong may digital information embedded sa passport nila), ay pwede ng pumasok sa Japan ng walang visa.  For your information, hindi na pwedeng derechong mag-apply ng visa sa Japanese Embassy sa Pilipinas. Dapat gumamit ng isang travel agent na authorized ng Japanese Embassy.  May sisingiling fee na mga PHP 1,500 ang authorized travel agent.  Ang authorized travel agent ang tutulong para sabihin sa iyo ang mga dapat mong kumpletuhing dokumento. Sila din ang magpa-file ng visa application mo. Iyong isa kong kaibigan, 4 days lang, lumabas na tourist visa niya sa Japan.  

At least dumali-dali na ang pag a-apply.  

Kapag na-aprubahan ang visa, at kahit single entry lang ang ibigay, ang dali lang daw ma-aprubahan na naman ang susunod na pag a-apply.

Neriza Sarmiento Saito

ON THE ROAD TO: Recapitulating On a Year
Filled with Amazing Moments!


Nov - Dec 2014

Someone said that "When you have confidence, you can have fun. And when you have fun, you can do amazing things.” Perhaps 2014, the year of the horse, enabled me to gallop through places and events which were meant to give me back the confidence in myself that I lost a few years ago. 

I spent New Year with my family in Australia. In keeping with traditions that my late father instilled on us, we cooked our usual New Year "handa" complete with "queso de bola," "hamon" and hung 12 grapes by the window for another year of blessings. More than the abundance of food, what matters most, at that time, was the togetherness of family. We chatted and laughed at episodes when we were kids growing up in the Philippines and how we miss our late father and brother. If they were alive, our joy would have been complete.
  
I came back to Japan feeling refreshed after that brief New Year holiday. On the first day of work in January, I thought that I went to a different classroom! The doors were locked and the room was dark! Bad joke! But suddenly the door opened and my students were all inside singing "Happy Birthday!" Totally unexpected, the surprise birthday presentation brightened my day!

Then I remembered how happy I was as a child every time my parents prepare food for my birthday! It boosted my self-esteem! Of course, I had fun but more than the students felt a warm bond with me.  Of all winters, this year was perhaps one of my warmest ever.

Spring came. My sister's wedding brought our family together again. She was radiant, like the budding flowers of spring, her husband so gallant like an English knight. The Taylors taught me many things about relationships. Being frank about your feelings isn't bad at all. 
Being considerate to your partner is telling the truth even if it hurts sometimes. Above all, love is never possessive, for the more you give freedom to your partner, the more it enhances the other. 

Before the onset of summer, I got another inspiration from a group of educators from SIETAR (Society for Intercultural Education, Training and Research) Kansai. For their annual field trip in May, they visited the St. Mary's Cathedral in Tamatsukuri and talked with officers and members of the Sama-Sama Commumity headed by Mr. Jun Silva. Their enthusiasm and interest in the activities of the Filipino Community in Kansai affirmed my belief that the next generation of Japanese Filipino children should be proud of their heritage. Considering the historical and spiritual significance of the church in the life of Filipino migrants all over the world, church based communities have a greater role of encouraging their members to plan events that will bring people together for Intercultural exchange. Moreover, collaboration with educators who are interested in diverse communities can pave way for activities that will promote the well-being of immigrants. 
    
The people behind SIETAR are Miho Yoshioka of Momoyama Gakuin University, Donna Fujimoto of Osaka Jogakuin, Lisa Rogers of Kwansei Gakuin and Jeff Berglund of Kyoto University of Foreign Studies who is also a well known TV personality and concurrently appointed goodwill ambassador of Kyoto City. Because of them, I gained more confidence to continue working for the improvement of the lives of Filipinos in Japan in my capacity as a member of the Human Rights Advisory Panel of the Osaka Prefectural Government. 

In autumn, two of my best friends retired: Dr. Lilia F. Antonio and Ms. Lorelei Cruz. Both were born on the same year of the ox: strong and powerful women never giving up and real achievers. They are both very religious women, early risers, regular church goers. They taught me how to persevere, how to appreciate little things in life and to value true friendship! From time to time they send excerpts from poems to inspire me:

From Lilia: "So I trust in God for leading each moment of my day.” 

From Lorly: (a message to her children) “When you look back and I am but a memory, I pray that you always remember that you were, are and always will be deeply loved by me.”

A time to "let it go" happens to anyone. We saw Lorly off at the airport filled with sadness. On the other hand, the new start in her life could bring in something positive. 
    

At the 2014 International Day at St. Mary's Cathedral last October 19 organized by the different Roman Catholic parishes in Osaka and the Anglican Episcopal Church in Japan, Diocese of Kobe, some of the most applauded numbers were the band of the Matsuura brothers led by Bishop Goro Matsuura and the song "I am but a small voice" directed by Marian Chico. I felt very happy serving as emcee! I have never felt so confident like that before I felt more at ease with myself and realized I was having fun, too! At the end of the program, Bishop Matsuura and Fr. Murata led in the singing of "We are the World.” It was touching!
    
Our families give us the confidence to go out and have fun with friends while it is God who can only help us do amazing things! 

MALIGAYANG PASKO 
AT MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!! 




Ching Pangilinan

JEEP TRIPS
Enchanted by Vigan




Nov - Dec 2014

One of the most fortunate regions in terms of heritage resources in our country is Ilocos, with three sites recognized by the UNESCO as part of our World Heritage namely the City of Vigan, and the churches of Santa Maria in Ilocos Sur and Paoay in Ilocos Norte which are among the Baroque Churches of the Philippines. Vigan City is an immense source of pride for Filipinos for being “best preserved example of a planned Spanish colonial town in Asia”, according to UNESCO. The streetscapes of Vigan are simply beyond compare.

In the past decade, I have had the chance to visit the charming city of Vigan several times, whether for business or pleasure. It also helps that I have very good friends since my college days who are locals in Vigan with whom I have kept in touch with through the years. 

I had a chance to visit Vigan recently on a backpack trip and it has been about four years since the last time. As always, I was enchanted by the city. One of the things that I really appreciate about Vigan is the mobility and ease of access in going around the city. While tricycles abound the area, traffic within the city is very orderly and their tricycle registration scheme enables easier identification of colorum vehicles. It’s difficult to evade local registration laws when the specialized plate and number has to be displayed right on top of the side car. Tricycle drivers in general also serve as helpful guides for tourists who come to Vigan and they do not take advantage of visitors. This is a perfect example of how a culture of tourism is deeply ingrained among the residents of a destination.

Another trait which I particularly love about Vigan as a tourist destination is the fact that everything is reasonably priced there, from accommodations to souvenirs, which makes it popular among the ordinary Filipino traveller like me. 

In a comparative study of the price of empanadas, the most expensive empanada that I tried during my visit was at Irene’s Empanada along cobble-paved Calle Crisologo cost only 60 pesos, it was an all meat jumbo special which means it had two vigan longganisas and two eggs. The usual empanada which has vegetables, egg and longganisa usually costs around 30 pesos while a similar empanada at Hidden Garden in Barangay Bulala is still reasonably priced at 40 pesos. The difference is that the latter empanada has ground monggo beans in addition to thinly sliced papaya or cabbage. 

Hidden Garden in Vigan City has a special place in my heart. I had the chance to stay there for several days about eight years ago because one of my college friends Ema belongs to the Flores family who cultivated it. I was simply amazed and very impressed with the transformation of the Hidden Garden from a simple backyard hobby of Mr. Francis Flores into a full fledged botanical garden with attractions that now include the Lilong and Lilang Restaurant that serves authentic Ilocano dishes, picturesque fountains and well-maintained pathways. Even the bathrooms are attractions themselves! Hidden Garden might be a bit far from the City proper but it is well worth visiting and only about a ten-minute ride away by tricycle or thirty minutes away by kalesa from the city plaza. 

My friend, Ema, happens to work as a legislative researcher at the Vigan City Hall and she keeps me constantly updated on the cultural heritage practices that the City Government is doing. I was happy to note that Vigan is now building its Conservation Complex which includes archives, workshops, and exhibition halls which makes it among the first of its kind among cities in our country and rightly so. I was also impressed with the TVigan channel on the local television which is being produced by the City Government and offers timely information both for city residents and visiting tourists as well. I tried some of the restaurants featured on Tvigan and they did not fail to meet my expectations. 

If only I were not so immersed and deeply rooted in my Kapampa-ngan heritage and if only I had a drop of Ilocano blood in my body, I would have made Vigan my home. Perhaps when I could afford it there will be a chance for me to retire there. In the meantime, for a weary wanderer like me, the endless charm of Vigan beckons. 


      

Neriza Saito

PCCC Sportsfest

Nov - Dec 2014

Under a clear blue sky, the much awaited  "6th Undokai" of the Philippine Community Coordinating Council was held on Oct. 12, 2014 at the  Higashi Yodogawa Kasen Sports Center in Osaka. 
    
After a short opening ceremony that included welcome remarks by Vice Chairperson (Socio-Cultural) Ms. Katrina Fujikawa, Oath of Sportsmanship by Mr. Marlon Mangila (Auditor), an inspirational message from Vice Consul Shirley Nuevo, the games started with a warm up exercise led by Bong Yamaguchi. 
    
Some of the games included basketball throwing, sack race, obstacle race, 3-legged race, Baton Relay, 100 meter dash and Tug of War, where members from participating communities like Amagasaki St. Paul Filipino Community, Sama-sama Community,  Suita San Lorenzo Ruiz Filipino Community, Samahan sa Kitano, Kyoto Pag-Asa Filipino Community, Nara Filipino Community,
Mikuni and Yodo-gawa Filipino Communities competed enthusiastically! Filipino Japanese children also had fun in the tug of war. 
    
Entertainment numbers were provided by Ms. Marian Chico, Eric Montre, Kyoto Pag-Asa group, TRRRN, Ms. Sheena Pengco, an Utawit winner from Kyoto and Mr. Olson Solon.
    
The PCCC Undokai is aimed at promoting physical fitness among the Filipinos in Kansai which was originally suggested by Ms. Mari Hashizuka. Mr. Marlon Mangila and Ms. Katrina Fujikawa are the main organizers of this project. Inspite of their busy work 
schedules, they were able to plan and coordinate this event with the assistance of Dedicated PCCC Officers and volunteers like Ms. Yoriko Hayashi, Ms. Malou Sato, Ms. Maritess Kita, Ms. Amy Ooi, Ms. Sally Takashima, Ms. Heidi Terada, Ms. Sally Yamamoto, Ms. Annabelle Sosogi, Ms. Luz Teranishi, Ms. Aya Hongo, Mr. Hongo, Ms. Ligaya Yamaguchi, Mr. Dan Vito Rene and Robert. 
    
With the support of the Philippine Consulate in Osaka and the other sponsors like Act, Tourist Inc., Metrobank Osaka, Asset Brains, Asia Yaosho, Century Properties, Bessie's Catering and Sonia's catering, the PCCC hopes to continue this worthwhile event every year.
    
Vice chairperson for Public Relations Ms. Amy Oii gave the closing remarks. PCCC Advisers Neriza Saito and Jun Silva emceed the first half of the program while energetic Beth Kahn emceed the rest of the program!

Warren Sun

KUSURI SA KUSINA: Strawberries for a Merry Berrh Season


Nov - Dec 2014

Strawberries o ichigo sa Japanese ang tawag nilang “Queen of fruits” dahil sa madaming sustansyang binibigay nito. Sa Pilipinas, kapag sinabi mong strawberries, lumalabas sa ating isipan na nanggagaling ang mga ito sa Baguio City, diba? Sa Japan naman, karamihan ng mga popular cake na mabenta ay strawberry shortcake. Pero anu-ano nga ba ang natatanging health benefits ng strawberries?

Help burn stored fat.  Ang pulang kulay nito ay may anthocyanins na tumutulong sa pag alis ng stored fat.

Boost short term memory. Ayon sa pananaliksik, ang anthocyanins ay tumutulong sa pagsigla ng short term memory kapag kakain ka nito sa loob ng dalawang buwan.

Regulate blood pressure. Dahil mataas and potassium content nito, nirerekomenda ito sa mga taong mataas ang blood pressure para matulungan ma-neutralize and epekto ng sodium sa katawan. 

Anti-aging properties. Ang mga strawberries ay masagana sa biotin na nagbibigay ng matibay na buhok at kuko. Meron din itong antioxidant content na tawag ay ellagic acid na pinoprotektahan ang elastic fibers para maiwasan ang pangungulubot ng ating balat.

Promote eye health. Kapag kakain ka ng mahigit na tatlong servings ng prutas na ito ay nagbibigay ng mababang sanhi sa pagkakaroon ng macular degeneration na isang kondisyon sa pagkakawala ng paningin.

Help ease depression. Ang Folate content nito ay tumutulong sa pag alis ng depression. Inaalis nito ang sobrang hymocysteine sa pagbubuo sa ating katawan para hindi na ito aakyat sa ating isipan.

Tiyak na mag-iiba ang paningin natin sa strawberries na talagang kasangga natin sa ating kalusugan at pangangatawan. Marahil kailangan din nating idagdag ang strawberries kahit sa anung paraan para sa isang masagana at malusog na Noche Buena. Merry Berry season to all of you!

Alma R. H. Reyes

TRAFFIC: November Jazz Nights




Nov - Dec 2014

There’s a tingling buzz vibrating around Tokyo as a drove of powerful Japanese and Filipino music talents light up the 3rd Tokyo-Manila Jazz & Arts Festival 2014 on November 28th to 30th at various venues in Tokyo. 

Moving on towards its third year of delightful extravaganza, this ambitious project was conceptualized by the charming jazz artist, Charito, based in Japan. “Collaboration was the ultimate spice that triggered me to initiate this huge project. I've been blessed to experience jazz transcending borders. I just had to share it. Also, this festival increases jazz awareness for Filipinos, and motivates Japanese to know more about Filipino musicians. The idea had been in my head for the last five years after seeing how much help is needed to create a better situation for learning musicians, especially in the Philippines. For me, the Tokyo-Manila Jazz and Arts Festival is a dream-come-true, and is dedicated to the cultivation of young talented artists who can take part in performances with professionals. It is the festival’s goal as well to establish music scholarship funds, and to provide equipment and educational support,” Charito remarks.

Charito also heads the non-profit charity foundation, Because We Care, an initiative to aid and address the social needs of children and communities in the Philippines through music. Because We Care Foundation supported the Tokyo-Manila Jazz & Arts Festival’s debut at the Sakura Hall in Shibuya, Tokyo in 2012, that showcased outstanding musicians, such as Tsuyoshi Yamamoto, Terumasa Hino, Noriki Soichi, Benisuke Sakai, Rikitake Makoto, and others from Japan, and Sitti, Mon David, Bryan Sanchez and others from the Philippines.

Yuki Arimasa, excellent jazz pianist who taught at the prestigious Berklee College of Music, and has performed with musical greats, such as drummer Bobby Durham, trumpeter Herb Pomeroy, Daniel Smith Quartet, vocalist Tierney Sutton, and others graced the 2nd TMJAF last year. “The festival had such a great audience. The Filipino artists were so musically talented, which created the wonderful and right atmosphere for the festival,” Yuki comments about the festival. Last year’s celebration at the Solaire Resort & Casino in Manila also highlighted the spectacular Makoto Ozone, Kengo Nakamura, Hiroshi Murakami, Tess Salientes, Jeannie Tiongco, Gene Jackson, and more. Yuki Arimasa performs once more this year, joining Benisuke Sakai, Tsuyoshi Takayama, Tetsuro Kawashima, Boy Katindig, Noel Cabangan, Tots Tolentino, GOW, J Phil Connection, and more, and of course, Charito, who graces the festivals every year.

Perhaps, the jazz connection between Japan and the Philippines has not been strengthened as much as it deserves, and the TMJAF aims exactly to achieve this mission. After all, jazz in the Philippines was not born overnight. From its birth in 1898, Filipinos were exposed to “black” music performed by African-American soldiers. Bebop soon emerged as a convenient outlet for “frustration and inner turmoil” for Filipinos during the war. Filipino jazz bands made their smooth presence all over Asia during the 1920s to 1940s, and that is why the jazz “tradition” of traveling Filipino bands never became stale till today. In fact, it was the influx of “Pinoy” bands to Japan during the 1920s, especially around Osaka and Kobe that prompted Japanese musicians to put up dance halls. Yuki Arimasa remarks, “Artists work with energy. When different energies are mixed around and stimulate each other, we can find these nerves to be fresh and new in our inner selves. It is such a wonderful opportunity for Japanese musicians to be in the international scene, to receive inspiration that we could not easily find by playing only in Japan.” Charito adds, “Filipinos have a natural affinity with standard jazz. I grew up listening to timeless classics on the radio because my parents loved them. Yet, we never got to hear how jazz grew and progressed to the more contemporary creative side that it is now. American pop music culture took over. But, thanks to the recent jazz boom in Asia, more musicians are now trying to find their own sound and originality, and jazz is back and here to stay.”

Don’t miss this spectacular celebration!

The Tokyo Manila Jazz & Arts Festival 2014 details are as follows:
November 28th, Friday, 18:30~
OPM and JAZZ
Shinjuku Ushigome Tansu Civic Hall

November 29th, Saturday, 20:00~
CLUB SESSION
Body & Soul

November 30th, Sunday
TMJAF WORKSHOP FOR YOUNG 
MUSICIANS, 
13:00~
THANKSGIVING JAZZ CONCERT, 
18:00~
Akasaka Civic Center Civic Hall



Nestor Puno

Visa Para sa mga
Pilipinong Magulang
ng JFC na Nais
Makapunta ng Japan…




Nov - Dec 2014

Nitong mga nakaraang araw, dumarami ang mga Kababayan nating kumukonsulta sa akin sa facebook mula sa Pilipinas at ibang bansa na mayroong anak sa tatay na Hapon. Ang iba ay nagtatanong kung paano sila makakarating sa Japan at ang iba naman ay nandito na kasama ang kanilang anak subalit short stay lang ang visa ng mga nanay at nagtatanong kung paano makakapagpalit ng status. Mayroon ding nagpapatulong kung paano makikita ang kanilang tatay na Hapon dito sa Japan.

Dahil sa magkakaiba ang kalagayan ng mga Japanese Filipino Children o JFC, itutuon ko lamang ang aking sulatin sa pagkakataong ito, sa mga JFC na naninirahan sa Pilipinas na mayroong child recognition (ninchi) mula sa kanilang tatay na Hapon o may hawak na Japanese passport na, kung paano makakapunta sa Japan, gayundin ang kanilang ina.

Unang una po, kailangan nating matiyak na ang inyong anak ay nakalagay sa family registration o “kosekitohon” ng kanilang ama, laluna iyong mga sinasabing na-ninchi. Hindi maaaring maging batayan ang recognition na isinagawa sa Pilipinas para makapunta dito, kundi ang kailangan ay ang ninchi at nakarehistro sa Japan. Pagkatapos nito, ito ay awtomatikong malalagay sa family registration ng tatay. Ito ang pinakamahalagang dokumento na mag-uugnay ng relasyon ng bata at ng tatay na Hapon.

Kung walang kosekitohon ng tatay na Hapon, maari po kayong magpakuha sa Japan sa isang abogado o kakilala, magpadala lamang kayo ng authorization letter kasama ang kopya ng inyong ID o passport. Sa pagkuha ng kosekitohon, kailangang alam ang kumpletong pangalan ng ama at ang kanyang “honseki” o ang tinatawag na registered address. Kadalasan, magkaiba ang honseki at ang kasalukuyang tinitirhan, kaya mahalaga na matandaan ang kanilang honseki. Mahihirapang makakuha nito kapag hindi alam ang honseki ng isang Hapon. Malaki ang maitutulong kung may kopya kayo kahit ng lumang kosekitohon.

Kung natiyak na ang inyong anak ay nasa family registration ng kanyang tatay na Hapon, maari na po kayong magpunta ng embahada ng Japan o akreditong agency upang mag-aplay ng visa (para sa mga walang hawak na eligibility). Maaaring mag-aplay ng long-term visa, at maaaring ilagay na layunin ay upang palakihin ang inyong anak sa Japan. Kung mag-aaplay ng short term (tourist visa), humingi ng 90 days visa at ilagay sa layunin na aayusin ang paghahanda upang makapamuhay kayo at ang inyong anak sa Japan. 

Tandaan na hangga’t bata pa ang inyong anak ay asikasuhin na agad ang inyong pagpunta dahil kapag lumagpas na ng 20-taong gulang ang bata, mawawala na ang kahulugan ng pagsama ng nanay. Sa edad na ito kaya na niya dapat tumayo sa sariling paa at hindi na kakailanganin ang nanay.

May mga nakarating sa Japan na may tourist visa at pinayagang manatili lamang ng 2 linggo, at dito na lamang daw sila magpapalit ng status ng residente o ekstensyon. Marami ang nagkakamali sa pamamaraan at kadalasan ito ay hindi naaprubahan ng immigration. Maaaring ito ay dahil sa layunin na inyong isinumite nang mag-aplay ng visa. Kaya mahalaga po na maisaad ninyo ang inyong layunin sa pagpunta sa Japan upang makakuha ng at least 90 days, kung hindi man long-term. Kung mayroong hindi kayang isumite na dokumento o hindi aplikable, maaaring isalaysay sa sulat ang dahilan. Subalit hindi rin kasiguruhan na mabibigyan ng visa kahit makumpleto ang mga kailangang dokumento.

Kung papalarin na makapasok sa Japan sa ilalim ng 90 araw na pananatili, maganda na asikasuhin ang mga sumusunod na usapin upang mas lumaki ang posibilidad na mabigyan ng long-term visa. Una, maghanap ng mapapasukang trabaho at humingi ng katunayan na kayo ay tinatanggap nilang magtrabaho o kopya ng kontrata. Ikalawa, maghanap ng matitirhan at humingi ng kopya ng kontrata mula sa may-ari ng bahay, o sulat kung kayo ay makikitira sa isang kamag-anak o kakilala. At ikatlo, kung may planong pag-aralin ang inyong anak, humingi ng katunayan ng pagpasok sa nasabing paaralan dito sa Japan.

Mahalaga ding maka-hanap ng guarantor mula sa Japan, ito ay maaaring kamag-anak, kompanya o NGO. Kailangang maipakita kung sino ang susuporta sa inyong pamumuhay sa umpisa. Kung kayo ba ay mamumuhay mula sa sariling bulsa o mula sa ibang tao o grupo. Mag-iiba ang mga kailangang dokumento batay sa kung sino ang magiging guarantor ninyo.

Malaki ang maitutulong ng mga kamag-anak o kaibigan na naninirahan sa Japan, at ng mga orga-nisasyong tumutulong sa mga ganitong usapin dahil may mga bagay na mahirap asikasuhin kapag nasa Pilipinas ka. Mungkahi ko na pag-aralan at paghandaan ang mga bagay na nabanggit sa itaas bago ang planong pagpunta. Mag-ingat din sa mga indibidwal o grupo na magsasamantala ng inyong kalagayan at magbibigay ng mga kondisyon kapalit ng kanilang pagtulong. Iwasang maging biktima ng “human trafficking.” 

Sally Takashima

KANSAI CRUSADE




Nov - Dec 2014

After a long hot, humid summer of frolicking in the sun, summer bows down to autumn with its mild weather, its awesome foliage of yellow, orange and red, its harvest of lovely persimmons and oranges. Autumn is a visit to a pumpkin patch, time for mikan gari and momiji gari (foliage viewing). Autumn is a prelude to a long harsh winter. If only Autumn can be here for a while.....

Every year, Koyo (foliage) moves southwest from the Northern island of Hokkaido to Central and Southern Japan towards the end of November. Maple is the undisputable King of Autumn colors. Even the kanji character for koyo is written with the same kanji as maple tree or momiji. 

Maple can be seen in the forest in the wild form. However, maple cultivation has produced trees for decoration with the most brillant autumn colors.

Other trees that contribute to the beautiful autumn are the gingko trees (icho) and the nanakanado (Japanese Rowan). So where are you going for your Momi gari? 

My 2 week trip to the Philippines was relaxing and I got, I think, a much needed rest. As long as you head back home by 3:30 pm- 4:00 pm you'll avoid the Monster gridlock. I got my VIPinoy members card exclusively for foreign based Filipinos at the Alabang Town Center after filling up a form, and submitting a xerox copy of my Alien Card. I paid 150 pesos and the card is good for 2 years and renewable.

This VIPinoy card is also available in Glorietta. The card like the Visa/Master card, entitles the member to the use of the Members Lounge, Internet and telephone, all the coffee that you can drink, newspapers and magazines.

On the plane, I had 3 seats to myself, just plain luck, I guess.

Yes, Christmas songs are already being played on the radios. Finally, I brought home the Braggs Organic Apple Cider Vinegar that I wanted and the Philippine natural salt that is more superior to iodized salt because it dissolves easily in the body and does not turn to kidney stones. 

The talk of the town is the Alaga Diagnostic tests for Senior Citizens at the Alviar Clinic in Paranaque. It is thorough and cheap. We saw Rurouni Kenshin with subtitles in Alabang Town Center. We continue to patronize TAI taxi (Manila) for pickup from home to the airport.

And now some news from Kansai. The annual Sports Fest 2014 of the PCCC was successfully held inspite of typhoon threats. The most awaited event was held in Yodogawa Kasen Park in Oct.12th with Mam Shirley Nuevo as special guest from the Philippine Consulate General, Kobe-Osaka. The event wouldn't have been possible without the guidance and help of many people like Katrina Fujikawa, Marlon Mangila, Amy Ooi, Gelvacio Silva. Neriza Sarmiento, Malou Sato, Bong Yamaguchi, etc. Also our thanks to Liza Javier, Olson Solon, Eric Montre and Bernadette Okuno and her dancing members of Kyoto Pag-asa Filipino Community

The Kyoto Regional Utawit Singing Competition was held under the stewardship of Mother Earth Connection in Wings, Kyoto. The winners were Ellen Joy Garcia (3rd place), Cheryl Esmeralda (2nd place), 
and Karen Gay Garcia Sakamoto (1st place). Again, congratulations to all of you. Karen will vie for the Grand Finals to be held in Nov.16th, 2014 in Shibuya Cultural Center Owada-Sakura Hall, Shibuya, Tokyo.

The Franciscan Sisters (SFIC) celebrated their 25th year aniversary of ministering in Kyoto, Kusatsu, Hikone and Nagahama with a party after a mass in Kyoto Cathedral.

The Annual Recollection of the Kyoto Core Group was held in Sept. at the Maryknoll Retreat House in Karasaki, Otsu City.  Last but not least, thank you to the Okayama Philippine Community for joining us at the Sports Fest. To all avid Jeepney Press readers, a Merry Christmas and Prospero Anyo y Felicidad. Take care all of you. See you in 2015.

Loleng Ramos

KAPATIRAN
Palamuti


Nov - Dec 2014

Maligayang Pasko kapatid!  Ang bilis ano?  Mahilig ka ba maglagay ng palamuti?  Dito sa Japan, minsan naiisip ko bakit ba ako magkakabit ng dekorasyon eh wala naman ako sa Pilipinas, iba naman ang selebrasyon dito, ang tahimik parang wala lang, saka ang hirap magligpit pagkatapos ano. Siguro kaya ko naiisip ito kase nakakalimutan ko na pala ang kahulugan ng Pasko.  Ikaw, meron ka bang favorite Christmas Decoration?

Christmas tree ba?  Sa Germany daw nag-umpisa ang tradisyon ng pagkakabit ng Christmas Tree. Sa mga unang sibilisasyon sa mundo katulad ng Ehipto at China, ang evergreen (siyang ginagawang Christmas tree), ay simbolo na ng buhay na walang hanggan dahil hindi nalalagas ang mga dahon nito at patuloy ang pagka-berde kahit sa Winter, kung saan nilalagay ito sa loob ng mga bahay.  Sa paglaganap naman ng Kristiyanismo, ang Paradise Tree o Tree of Life ni Adam at Eve at ang pinagbawal na prutas ang siyang pinagmulan ng pagsabit sa isang evergreen ng apple na sinundan na ng pagsabit ng cookies, walnut, candies, paper rose, hanggang sa sinundan na at pinalitan ng 
iba't-ibang uri ng mga panabit.  

Christmas light?  Tinatawag din ang Christmas na Feast of Light dahil ang Panginoong Hesu Kristo, ang Ilaw ng buong mundo ay isinilang.  Dito nag-umpisa ang pagsindi ng malaking kandila sa bisperas ng kapaskuhan. Ang Christmas Lantern o ang ating sikat na Parol ay siya namang simbolo ng Star of Bethlehem. Sa pagsabit natin nito, para din nating iniilawan ang daan para sa Tatlong Hari na sinundan ang sinabing Bituin para matagpuan ang Diyos na Sanggol. Sa ngayon, ang christmas lights sa maraming bahay ay tila isang paligsahan, pagandahan at pabonggahan, talagang ginagastusan ng ilan ang konsumo ng kuryente, marahil dahil Pasko gusto nilang magbigay ng saya sa mga taong naaliw sa dulot ng illumination.  Ang ganda naman talaga tingnan di ba, saka nakaka-excite manood ng sari-saring kulay ng ilaw na bumubuo ng isang hugis.

Christmas Wreath?  Ang Advent o sa ating simbahan ay nangangahulugan ng Panahon ng Pagdating ay sinasagisag ng apat na kandila na nasa harapan ng altar ng simbahan. Ang mga kandilang ito ay mayroon mga simbolo. Ang bawat isa ay sinisindihan sa bawat linggo bago ang kapaskuhan.  
Sa unang linggo, ang Candle of Hope (Pag-asa). Tinupad ng Diyos ang kanyang pangakong Pag-asa nating makasalanan, ang ating Tagapagligtas. Sa ikalawang linggo, ang Candle of Preparation (Paghahanda). Sa pagdating Niya, tayo ay maghanda. Sa Ikatlong linggo, ang candle of Joy (Saya).  “Inawit ng isang anghel ang kapanganakan ng Panginoon at ang mensaheng ito ay naghatid ng kagalakan sa mga pastol.”
Sa Ikaapat na linggo, ang candle of Love (Pag-ibig).  Mahal na mahal tayo ng Diyos Ama na isinugo Niya ang Kanyang Anak para tayo ay mabuhay na muli.
Ang panlimang kandila ay ang Panginoong Hesus na sinisindihan sa bisperas ng Pasko at patuloy na nakasindi sa buong kapaskuhan.  
Ang mga kandilang ito ay pinapalibutan ng isang wreath o garland na malimit ay gawa din sa isang evergreen na ini-ikot o pabilog na simbolo ng walang katapusang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang mga nilalang.    
Sa ngayon, ang wreath ay nasa ating mga pintuan, nasa dinding, isang eleganteng palamuti o nakasabit din sa christmas tree.

Advent Calendar?  Gumagawa ka ba nito?  O naglalagay ka ba nito kapag pasko?  Ito ay parang kalendaryo mula sa unang araw ng Disyembre hanggang sa bisperas o 24th. Ang bawat araw sa kalendaryong ito ay may mga bintana na binubuksan sa bawat araw at mayroong laman na sorpresa, pwedeng isang bahagi o larawan ng istorya ng pasko o maari ring chocolate o candy o maliit na laruan para sa isang bata. Maari din itong parang isang cabinet na merong dalawamput apat na maliliit na kahon. 

Christmas stockings?  Nakakatuwa kapag nakikita mo ang isang bata na halos tumatalon sa galak kapag magsasabit sila ng medyas na lalagyan daw ni Santa Claus ng kanilang aginaldo. Sa mga drawing sa libro, nakalagay ito sa may fireplace dahil sa chimney nga daw dumadaan si Santa Claus. Dati ko pa gustong gumawa ng personal na christmas stockings na cross stitch sana pero palagay ko malabo na ang mata ko hindi ko pa rin ito nagagawa dahil napakahirap bigyan ng oras.

Ang paborito kong palamuti sa tuwing pasko ay ang Belen. Si Saint Francis ang nagpasimula ng Nativity Scene o ang tagpo sa kapangankan ni HesuKristo.  Naisip niya ito dahil gusto niyang ituon ng mga tao ang pagsamba sa Diyos kapag pasko at hindi isang okasyon para sa mga materyal na bagay. Ginawa niya ito sa isang kweba na mga totoong tao ang kumatawan sa Birheng Maria, Saint Joseph, tatlong hari, mga pastol, anghel at ang Sanggol na Diyos. Sa kalaunan, ginawa na rin ito sa ibang parte ng Italy at kumalat na rin sa buong mundo sa paglaganap ng Kristiyanismo at sa ngayon nga ay isa ng bahagi ng maraming tahanan bilang isang palamuti sa kapaskuhan.

Kapag nilalabas ko ang Belen, sa paggayak ko nito ay naalala ko ang nangyari noong unang Pasko.  Ang Hari ng lahat ay ipinanganak sa isang sabsaban, katabi ng mga hayup, sa banal na mag-asawang mababa ang kalagayan sa lipunan.  Dumating ang tatlong hari para magpugay sa Kanya, sinabihan din ng anghel ang mga abang pastol para pumunta sa Kanya.  Meron pa bang hihigit sa ganda at kababaang loob ang ganda ng istorya ng pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa atin? Ano kaya ang mararamdaman natin kung naroroon din tayo at tinawag ng anghel na pumunta sa Kinaroroonan ng Sagrado Pamilya, makita ang bagong silang na Hesus.  Sa Paskong ito, bigyan mo ng sandaling maisip ito at sapat na para maramdaman mo kung ano ang aginaldo Niya sa iyo. Huwag kang papalya sa misa ngayong Pasko, ha?


Jasmin Vasquez

Ano Ne!
FUSEN (Balloon o Lobo)




Nov - Dec 2014

"Ako ay may lobo. Lumipad sa langit. Hindi ko na nakita. Pumutok na pala, sayang ang pera ko pinambili ng lobo. Sa pagkain sana nabusog pa ako."
  
Tandangtanda ko pa nung ako ay bata pa, yan yata ang unang kanta na aking na memorize. Iyan din ang unang kantang itinuro ko sa aking anak nung siya ay nagsimulang mahilig sa mga tugtog. Kung iisipin mo, noon, ang lobo ay isa lamang goma na lalagyan mo ng hangin at sa isang iglap, ito ay lulutang sa hangin. Isang lobo na nagbibigay ng lubos na kasiyahan sa maraming bata. Madalas ito ay tinatali ng mga magulang sa kamay ng mga bata upang hindi ito makalipad sa langit. Dahil sigurado kapag ito ay nakawala at lumipad na sa langit, matinding hagulgol at iyak ng bata ang susunod na mangyayari.

Karaniwang ito ay makikita sa mga party katulad ng birthday, welcome party at kung ano-ano pa. At dahil unti unti dahilan sa pagkakaroon ng mga makabagong technology sa iba't-ibang bagay, ang lobo o balloon ay nagkaroon  din ng mga bagong disenyo na lubos na nakakapag paligaya,  hindi lang sa mga bata kundi sa mga matatanda na rin. Maraming cartoon  character ang kanilang nagagawa na nauuso ngayon at nakikita natin sa mga television o sa movie. Maari mo ng i-customize kahit na anong gusto mo. Hindi katulad noon na basta bilog lang at may hangin lang ok lang.
  
Mayroon akong isang kaibigan na naisipan nya mag negosyo ng mga lobo. Humiling ako sa kanyang ibahagi ang kanyang kwento kung paano binago ng lobo ang kanyang panumuhay at hindi naman ako napahiya dahil nag paunlak naman sya at masaya nyang ibinahagi ang mga ito. Tatlong katanungan ang aking ibinigay sa kanya upang isalaysay nya kung paano nga ba sya nag simula

1) PAANO KA  NAGSIMULA SA PAGGAWA NG LOBO?

Una sa lahat, ako po ay si Jocelyn Kuroda, at ang asawa ko po ay si Makoto Kuroda.  Bata pa ako tuwing makakakita ako ng lobo sa simbahan, lagi ko pinapangarap na sana pag birthday ko puno ng ibat-ibang klase at kulay ng lobo, na hindi ko naman naranasan sa aking kabataan. Nang ako’y nagkatrabaho at nagkaroon ng sariling buhay at pamilya, tuwing may birthday, hindi nawawala sa handaan ang balloon decorations. Dumating sa yugto ng buhay ko ang isang napakahalagang bagay ang pagdodonate ko ng kidney sa aking asawa na nangangailangan nito. Namalagi ako sa ospital ng ilang panahon, naging libangan ko ang paggawa ng ibat ibang designs ng lobo, dun ko inuubos ang aking oras. Pinamimigay ko sa mga nurses, doctors at ibang staff ng ospital. At nakikita ko sa mga mukha nila ang tuwa at pagkamangha paano ko nagagawa ang mga iyon. Hanggang sa ako’y umuwi, lalo akong nagka interes sa pagdiskubre pa ng mas magagandang designs. Pinamimigay ko sa mga malalapit na kaibigan at kapitbahay ko dito sa Japan, hanggang isang araw naisip ko subukan ko kayang ibenta ang designs ko sa murang halaga, ipinost ko sa facebook, madaming kaibigan ang umorder hanggang sa ito ay kumalat at nabalita sa mga kaibigan ng mga kaibigan. Dumating sa point na may mga umo-order na ng malakihan at naisip ko na kinakailangan ko na ng isang tamang lugar o tindahan para dito. Sa tulong ng aking asawa, kami ay nakapagpatayo ng HannaHanna Fussen Art dito sa Iida, Naga- no. At sa tulong ng Diyos at ng mga kaibi- gan at kapwa natin Pinoy dito sa Japan, naging matagumpay naman at mas natututo pa ako ng ibat-iba pang designs at techniques sa paggawa ng lobo. Sa kasalukuyan, apat na buwan na ang HannaHanna Fussen Art mula ng itinayo ito noong June 8, 2014. At sa kasalukuyan, nadag- dagan pa ito ng ibat-ibang personalized items at party needs. 

2)Ano ang naging epekto nito sa buhay nyo at mga taong naging bahagi nito?

Malaki ang naging epekto nito sa aming buhay: una sa aking pamilya na lalo kaming naging intact ang family dahil sa tuwing may mga orders at party package, katuwang ko ang aking asawa at mga anak sa paggawa. Natuto na rin sila dahil di lang negosyo ang tingin namin dito kundi isa na rin katuwaan at libangan ng pamilya. At sa tuwing makikita namin ang saya sa mga taong tumatangkilik ng aming items, hindi masusukat ang kasiyahang balik sa amin nito. Malaki ang naibigay ng negosyong to para maging lalong close ang aking pamilya at mas magkaroon kami ng maraming oras sa isa’t- isa.

At sa aking mga kaibigan na naging bahagi sa pagsisimula ko ng negosyong ito, malaking kasiyahan at pagmamalaki nila dahil isang Pilipina ang nakapagsimula ng unang Fussen Art business dito sa Iida, at utang na loob ko sa kanila ang lahat dahil sila ang mga unang tumangkilik ng ibinigay na talento sa akin ng Diyos. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob kung hindi rin ako na motivate ng aking pamilya at malalapit na kaibigan. 

3) Ano ang maibibigay nyong payo sa iba para ma encourage na magkaroon din ng sariling business?

Para sa mga kababayan natin lalo dito sa Japan, wag niyo sayangin ang pagkakataon na makapag negosyo. Gamitin natin lahat ng opportunities na meron tayo lalo ang mga talento na ibinigay sa atin ng Diyos. Pananampalataya sa Diyos, lakas at tibay ng loob ang puhunan sa pagtatayo ng negosyo. Di natin maiiwasan ang mga bagay na magtutulak sa atin upang manghina o umurong, mga bagay na magtutulak sa atin pababa. Pero kung pananalig ang mangingibabaw sa atin, lahat ng bagay na ating pinaplano at ginugustong gawin ay pagtatagumpayin ng Poong Maykapal. Sa bawat paggawa natin sa araw araw, samahan natin ng panalangin, kasiyahan sa puso, at positibong isipan. Kung ang lahat ng ito ay ating gagawin, walang alinlangan na magtatagumpay tayo sa lahat ng adhikain natin sa buhay. 
Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga kaibigan, kakilala, at mga taong tumatangkilik at sumusuporta sa aming munting negosyo.

Kung kayo po ay nangangailangan ng All events Party Packages, bukas po ang Hanna-Hanna Fussen Art sa lahat. Balloon Decoration and designs, Food Catering, HannaHanna Mascot rental ang other party needs. Meron din po kaming personalized items na magandang panregalo tulad ng t-shirts, mugs, giveaways, tarpaulin, at iba’t-ibang balloon bouquets na tiyak na ikatutuwa ng inyong reregaluhan.
Bumisita lang po o tumawag sa FUSSEN ART HANNAHANNA
Address : Nagano Ken Iida-shi Matsuo Machi 4 chome 11-2 
(Iida Eki Mae)
Tel No: 0265-480-839

  
Katulad din ni Jocelyn, maari rin tayong mag-isip ng pwede nating paglibangan at the same time ay kikita tayo. Dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon at gastusin, kailangan talaga natin gumawa ng paraan para makapag impok ng pera.

Muli sana po ay may napulot po tayong tips para sa araw-araw nating pamumuhay, hanggang sa muli po. Ako po si Jasmin, mabuhay po tayong lahat at God Bless po.