Thursday, July 9, 2009

DAIJOUBU DA! by Dennis Sun



Japan Travels

It's so amazing that everywhere you go in Japan now, you will see some Pinoys. Kaya if you travel around Japan, it's good to use your Pinoy connection kahit lang ba sa internet. Pinoys are very hospitable people and they would help you go around their place. Minsan nga, I meet some Pinoys inside the densha and after chatting for 10 minutes, alam ko na ang drama ng kanilang buhay. Kung paano ba sila nag-papadala ng lapad sa bundok na tirahan ng kanyang magulang. Kung bakit sila nag-divorce ng asawa niyang Hapon dahil bugbog sarado siya. Kung bakit hanggang ngayon na may tatlong anak na siya ay gambaro pa rin siya sa omise. Kung bakit sampung taon na niyang hindi nakikita ang kanyang asawa at pitong anak dahil hihintayin daw niyang matapos mag-college si bunso bago siya uuwi. Ganyan ka-open ang mga Pinoy lalung-lalo na kapag nakuha niyo ang kanilang kalooban. At pagkatapos ng sampung minutong kwentuhan sa densha, invite agad sila sa bahay at nagluto daw sila ng masarap na adobo at sinigang. Masarap ang pagsa-samahan sa mga Pinoy. Alisin lang ang away at intriga.

No comments:

Post a Comment