Wednesday, January 13, 2010

Jeepney Press January-February 2010 PAGE 6



DAISUKI!
by Dennis Sun

Gamot for CHANGE!

"Ano ba ang buhay na ito? Ganito na lang ba ako? Wala na bang pagbabago? Sawang-sawa na ako..."

Tumawag si Pamela sa akin isang gabi. Late na yon. Siguro 2 o'clock in the morning na. Umiiyak. Hindi lang ito ang unang beses. Siguro, pang apat na yata this year. Parang alam ko na kung bakit. Isang kwento lang naman ang drama niya sa buhay. Or most probably, tumawag siya because of the lack of it. Ito ay ang walang patid na saysay sa buhay niya. She is not satisfied with how things are running in her life. Parang wala na raw meaning ang life niya. Nasa college na si Hiroki, her only son, kaya laging nag-iisa na lang sa bahay si Pamela. Si mister? Well, miss na miss na rin niya si Koji san. Kasi, bihira na rin umuwi si Koji. At kung uuwi man, either pagod sa trabaho kaya dumederecho sa futon para makapag-pahinga o kaya'y lasing kaya ayaw na niyang kausapin at baka mauwi sa away at black-eye.

Siempre, kapag nag-da-drama ang mga friendships, kailangan i-divert ang attention nila away from the problem at i-focus ang attention sa mga possible positive solutions. Kasi if you talk more about the problem, baka lalung lumaki iyan. Lalung may masasaktan. Baka maloka na lang si friendship at ma-confine sa mental hospital. Buti na lang sana kung nagbabayad siya ng insurance. Alam naman ng madlang people how expensive medical costs are in Japan. Buti na lang kung pwedeng remedyohin ng isang tableta ng Tylenol (sabi ni sister, mas malakas ang Sedes!) ang sakit niya sa ulo. Ibang klaseng gamot ang kailangan ni Pamela.

Actually, maraming gamot ang pwede kong i-prescribe sa mga taong tulad ni Pamela. Para na rin akong duktor, no? (Huwag na lang magalit si Doc Gino!)

Gamot number 1:
Make yourself BUSY! Wala kang ginagawa sa bahay, wala pa rin laman ang utak mo. Wala kang pinagkaka-abalahan. Tanong ko sa 'yo: Nalinis mo na ba ang kitchen? Meron pa yatang kabi ang o-furo. Yung, carpet at tatami, na-vacuum mo na ba? Natapos na ba ang mga labada? O yung groceries, dumaan ka na ba sa Daie? Baka mas mura sa Seiyu. Mag-tingin-tingin ka muna bago ka bumili. Hamon ni Pamela, malinis lagi ang mansion nila. Daig pa raw niya ang isang maid. Parang ang feeling ni Pamela, pinakasalan siya dahil isa siyang dakilang katulong. Pamela, hindi ka lang dakilang katulong. Isa kang dakilang gaga! Hindi ganyan ang buhay. Sayang lang ang pinag-aralan mo sa college. Makinig ka!

Gamot number 2:
Kung tapos na ang mga gawain sa bahay, e di lumabas ka ng bahay! Pero wait, this doesn't mean na pwede kang magbabad sa pachinko. No, no, no! Don't waste your money on gambling. Alam mo, use your money wisely. Learn something new. Tingnan mo si Cora, pumasok sa isang arts and craft school. Nag-aaral siyang gumawa ng mga artificial flowers. 5 years na raw niyang pinag-aaralan. Naku, nakita raw ng mga friends niya at doon nag-simula ang business ni Cora. Yumaman na siya sa pera, yumaman din sa mga kaibigan. Laging busy si Cora. Lagi siyang nag-a-attend ng mga workshops ng kung anu-ano. According to Cora, any hobby you like to do can be transformed into a business. Basta ilagay lang daw ang puso doon at lagyan ng passion. Hamon ulit ni Pamela, nag-try na raw siyang mag-business pero kumontra ang asawa. Hay naku!

Panghuling gamot:
CHANGE! Ibahin mo. Palitan mo. Kung sawa ka na sa kapuso, eh di mag-kapamilya ka. Simple lang ang buhay. Kung palagi ka na lang niloloko ni boyfriend, eh di palitan mo. Madaling sabihin, ika mo? Hay naku, Inday. Mas madaling gawin! Kasi, kung hindi mo gagawin, mas hahaba ang sakit na mararanasan mo sa kanyang panloloko. Putulin mo na agad. Instant pain. Para kang binunutan ng ngipin. Pero pag wala na yung sirang ngipin, okey na ang pakiramdam. Ganoon din sa mga sirang tao sa buhay mo. Going back to Pamela. Siya pala ang tumawag sa akin kaya dapat, siya ang paglingkuran ko. Pams, ang choice ay nasa yo. Kung di ka kontento sa buhay mo, nasa iyong kamay ang iyong kapalaran at wala sa mga nagniningning na bituin sa gabing madilim o mga lumang baraha ni Madam Brenda. Huwag mong hintayin ang horoscope mo ang magsabi para mag-advice to make changes in your life. Do it now! Do something! Huwag ka nang mag-isip pa at baka lalu pang sumakit ang ulo mo. Wala na rin tayong natitirang Tylenol at ekstrang aspirin.

Look at me. Because I wanted to make some changes, I changed the title of my column from DAIJOUBU DA! to DAISUKI! Hindi na ako nag-isip pa. Basta feel mong maganda at hindi nakakasakit ng kapwa tao, then, GO for it! Take my word, you'll love it, because I'm loving it! O, diba? Daisuki!


----------------------------

Sa Tabi Lang Po!
ni Renaliza Chavez

Ang Mga Huling Hiling ni Juan

Si Juan, isang binatang nangangarap magkatrabaho. Sabi niya sa sarili niya, “Magkatrabaho lang ako, wala na akong maihihiling pa.” Kaya’t ang Tadhana, dininig ang hiling ni Juan. Naku, itong si Juan, nagkatrabaho nga pero maliit and sweldo, hindi na makatao. “Lumaki lang ang sahod ko, wala na akong maihihiling pa,” sabi niya sa sarili. Sa di kalaunan, na promote si Juan na siya namang ikinasiya niya at nilibre ang mga kakilala sa opisinang mag burger. Ang mga kapatid at kapitbahay, binilhan lamang niya ng coke at nagpa-cater sa mag-fi-fishball.

Okay na ang buhay ni Juan. Ngunit kulang. “Makatagpo ko lamang ang babaeng mamahalin ko, wala na akong maihihiling pa,” sabi niya ulit sa sarili. Nakilala ni Juan si Maria na saksakan ng ganda’t alindog. “Sagutin lang ako ni Maria, wala na akong maihihiling pa.” Sinagot ni Maria si Juan at naging magsyota din sila ng isang taon nang maisip nanaman ni Juan, “Makasal lang kami ni Maria, wala na akong maihihiling pa.” Kaya’t kasal kung kasal ang drama nina Juan at Maria. Off to the altar!

Tatlong taon nang kasal sina Juan at Maria ngunit wala pa rin silang anak. “Magka-anak lang ako, wala na akong maihihiling pa,” ika ni Juan. Di naglaon ay nagkaanak sina Juan at Maria, kambal kaagad! Masaya si Juan sa mga anak niyang kambal na babae at lalaki na pinangalanan niyang sina Mary at John, ngunit sumakit ang ulo niya sa mga gastusin. Doble-doble lahat, gatas, diaper, pati yaya dahil si Maria ay nagtatrabaho na rin. Kaya’t kumuha sila nga yaya ng kanilang kambal.

“Di bale na. Makapag-aral lang ang mga anak ko sa magandang paaralan, wala na akong maihihiling pa.” Kaya’t ipinasok ni Juan sina Mary at John sa isang pribadong paaralan nang sila’y lumaki-laki na. Di na magkanda-ugaga ang mag-asawa sa pagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Losyang na si Maria, nakakalbo na si Juan. “Ayos lang. Mapagtapos ko lang ng pag-aaral ang mga anak ko, wala na akong maihihiling pa,” sabi ng mag-asawa para may pakunswelo man lang sa kanilang pagpangit.

Matapos ang humigit-kumulang l8 years ng pag-aaral, mula nursery hanggang kolehiyo, nakapagtapos sina Mary at John na ikinatuwa naman ng kanilang mga magulang. Si Juan at Maria proud na proud sa kanilang engineer at nurse. Salamat at nakapagtapos din. At kung inaakala niyo na diyan na nagtatapos ang mga hiling ni Juan, nagkakamali kayo.

“Mapag-abroad ko lang ang aking nurse na si Mary at makitang maayos ang kanyang trabaho, wala na akong maihihiling pa.” Kaya’t ginastusan at pinang-utangan nina Juan at Maria ang kanilang anak upang makapag-Canada bilang isang nurse. Doon, nakapag-asawa ng matandang kano si Mary at nagkaanak. Laking tuwa naman nina Juan at Maria na magka-apo ng kulay-mais ang buhok.

“Sana mag-asawa na rin si John dahil siya ang magpapatuloy ng apelyido ko. Makita ko man lang ang mga apo ko sa kanya bago ako mamatay, wala na akong maihihiling pa,” pangarap uli ni Juan. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nag-aasawa si John. Bakla pala si John. Nalaman ito ni Juan nang makita niya si John sa mall na may kaabrisiyeteng papa.

Nalungkot ng husto si Juan. Para bang nabagsakan siya ng mundo. Ang kanyang paboritong anak, lalaking magdadala at magpapatuloy ng apelyido niya sa mga magiging anak nito ay mahilig pala sa lalaki. Parang ang lahat ng kanyang pinaghirapan at mga pangarap napunta sa wala.

Tumanda si Juan at namatay, tulad din nating lahat sa huli. Ngunit namatay siyang bigo dahil sa isang kabiguan at hiling na hindi naisakatuparan. Hindi nakita ni Juan ang lahat ng pangarap niyang naisakatuparan. Mga biyayang ipinagkaloob sa kanya.

Ang tao hindi nakukuntento. Walang katapusan ang gusto. Una’y ito lang ang gusto. Para bang ang lahat ay doon nakasalalay. Kung nakamit na at nakuha na ang gusto, hindi na sapat iyon, kailangan na uli ng bago. And the list goes on…

At si Maria? Marami naman daw ipinapadalang pera ang anak niyang si Mary galing Canada. Kaya’t hayun siya, nagpunta kay Belo, nalolosyang na daw kasi siya. “Makapagpa-face-lift lang ako at makapagpa-nose-lift, wala na akong maihihiling pa…”

No comments:

Post a Comment