Wednesday, January 13, 2010

Jeepney Press January-February 2010 PAGE 17



Pisngi Ng Langit
ni Doc Gino

Sa kolum na ito, ating tatalakayin ang mga pang-araw-araw na karamdaman na maaaring dumapo kanino man. Nasa inyong pagpapasiya kung nais ninyong sundin ang payo ng inyong abang lingkod. Para sa inyong katanungan, maaring lumiham sa may akda sa email address na gino510@yahoo.com

Monosodium Glutamate Symptom Complex


Ang glutamic acid o monosodium glutamate (MSG) ay isang sangkap na nakapagpapasarap ng mga pagkain. Ito ay natural na kahalo sa mga binuburong sawsawan tulad ng toyo o keso. Ito rin ay kilalang sangkap ng vetsin. Kung sensitibo ang isang tao o kapag naparami ang pagkain nito, maaaring makaramdam ng pagkahilo o pagsusuka dahil sa epekto ng MSG sa utak. Basahin ang sumusunod na halimbawa ng tinatawag na Monosodium Glutamate Symptom Complex o Chinese Restaurant Syndrome.

Q: Last week, I had tonsillitis. So I went to a doctor and got my meds. Four days lang yung bigay na antibiotics. I was still feeling weak. Usually, laging 10 days akong bedridden kapag meron akong tonsillitis chills, fever, and muscle pain.

DG: Usually antibiotics are given for 7-10 days.

Q: Yesterday after class, I went home feeling more nauseated and weak. I thought gutom lang. So I went to the eat all you can Thai restaurant para mabilis kumain. I got a terrible migraine and then nahilo ako. Then, chills. Nagsuka ako ng nagsuka. Pagbalik ko sa bahay, to the point that I was able to empty my stomach. Grabe.

DG: Ano kaya ang ingredients ng mga kinain mo? Baka nag-trigger iyon ng migraine? O kaya, baka may ibang predisposing factors na nag-trigger noon?

Q: Nagsusuka ako ng laway na lang at the end yung muscle ko, contract ng contract para masuka lahat. After several hours, OK na. Tinulog ko na lang.

DG: Oo ganoon talaga, parang protective mechanism din ang pagsusuka para mailabas ang mga toxins na kinain.

Q: I didn’t go to school today. Should I go to hospital for dextrose?

DG: Kung hindi ka naman dehydrated at kung nakakainom at nakakakain ka naman, sa tingin ko ay pwede ka namang mag-home meds na lang.

Q: Kasi I had this before when I had stomach flu also.

DG: Okay lang siguro na home recovery ka. That is, kung gusto mo rin magpa-ospital?

Q: Just looking at the monitor screen makes me nauseated a bit and my energy level is totally zero. Takot akong kumain at baka masuka pa. Kaya I don't want to take meds again at baka naman masuka din.

DG: Small frequent feedings ka na lang muna. O di kaya ay magsipsip ka ng Pocari Sweat na lang muna para hindi ka matuyuan ng tubig sa katawan. Ganon na lang muna.

Q: No more trips to the doctor?

DG: I think u will do just fine now.

Q: O sya. Will try to get a Pocari Sweat downstairs. If I can get the energy to go down.

DG: O sige. Magpalakas ka diyan. Kung anu’t anuman, andito lang ako sa virtual reality.

Q: Thank you for the advice.

-------------------------------------------------------------

Pedestrian Lane
by Mylene Miyata

Goodbye 2009!
Hello 2010!

Kumusta? I'm sure everybody had a blast for the past few days. 'Had fun? How does your new diary look like? At gaano naman kalupit ang mga challenges na haharapin natin for our battle in line with our new year's resolution? Resolutions?!

Hindi pwedeng walang improvement kada takbo ng panahon, di ba? Kaya naman eto, pag-usapan natin 'tong ilan sa mga pangkaraniwang bagay. This may also serve as a review for some. Either way, just try to ponder on!

When I first heard about the fact na mas importante raw sa lalaking Hapon ang trabaho kesa sa oras sa pamilya nila, I was really upset. Hindi yata tayo ganoon sa Pilipinas. Pamilya ang nasa top ng listahan nating mga Pinoy, higit sa lahat. Pero dito sa Japan, bakit nga ba priority ng asawang lalake ang trabaho higit sa pamilya nito? Is it really a culture based fact? Or could there be anything to explain it?

One cold morning while I was having coffee before going to my part time job, I started to wonder since it used to be a complete puzzle for me then. I can still clearly recall kung gaano karaming Pinay ang nagrereklamo na late na raw umuwi ang asawa nya from work. Lagi na lang daw trabaho ang inuuna. I came to patch it up with the present economic situation here in Japan. Grabe ang economic crisis, recession and even depression dito, di po ba? So, thoughts of it started to cling gradually. After a couple of years observing, this is what I learned po.

I observed that this state of fact gave an unpleasant effect to a number of family conditions in different ways. Some people use it as a ground for separation and some people use it as an excuse to infidelity. Well, there is no blame to be put on anyone though. There is definitely a misunderstanding happening somewhere in between....an impression that leads to several beliefs and realization. We are lucky enough if we get on the right path. Sad if we may not be guided with wisdom in reacting to it accordingly. Let's take a glimpse!

Dito kasi sa kanila, hindi uso ang close family ties, diba? Lalong di gaanong uso ang extended family affairs kung pupunahin natin. So, if we try to extract few reasons behind, kung bakit ganon na lang kung magsipag-gambaro sa trabaho halimbawa ang mga Hapones. We may come to realize na hindi kasi sila sanay umasa sa kahit kanino for help. Be it tangible or not. Gusto nila, sila mismo ang kikilos para sa mga bagay na nais nila. They are very independent sa halos lahat ng bagay. Kaya naman, kung minsan, kahit na mga small family gatherings, hindi pa rin nila ma-afford na gawin, right? Of course, these practices have their plus factors and minuses po. Trying to analyze it, we may come up with the conclusion that wala nga naman silang choice kundi pahalagahan ang ikinabubuhay nila. Otherwise, saan nga naman sila pupulutin, diba? Maingat nga naman nila itong panghahawakan, sa takot na wala silang magiging fallback just in case. Kung kaya naman kahit pa maisakripisyo ang oras na dapat mas mailaan para sa pamilya nito kung minsan ay nagte-take na lang din ng risk itong si bread winner. Okay naman sana kung intindido ito ni misis. Minsan kasi merong hindi nakakaunawa. At nagsisintimyento na kulang na daw sa oras si mister sa kanya. Naku! Maliban na lang kung talagang maloko si mister, ha? Natural, kahit sino ang mapapaisip. Bakit ba kinukulang ng oras si Mister? Kung alam naman natin at ramdam na hustuhang nagsusumikap si mister para sa pamilya. Huwag po tayong makakalimot na kulang man sa oras kung minsan, ultimately, para sa pamilya din po ang tungo ng lahat ng pagsisikap ni Mister sa trabaho.

To simplify it, when there are moments being shared, i-maximize natin ito para naman it will be a quality time talaga at di maaksaya. Enjoy each moment. Never waste the privilege to be happy together. It is a wealth comparable to none. It will serve as a weapon to each struggle in life... HAPPY NEW YEAR!

-----------------------------------

Kwento ni Nanay Anita

Sa pagkakataong ito ay mayroon akong gusto ibahagi tungkol sa sarili kong karanasan. Itong buwan nang Nobyembre 2009, kapapasok palang ng buwan ay napakarami nang bagay na di ko lubos maisip. Ang ating Diyos ay talaga ngang mapagmahal. Ang aga NIYANG pumasok sa akin at sa aking pamilya.

Nobyembre 4, may tawag sa apo ko. Kailangan daw siyang pumunta agad sa Homukyoku or The Legal Affairs Bureau. Kaya kinabukasan, Nobyembre 5, alas diyes ng umaga pumunta kami ng apo ko. Nagulat ako nang dinala kami sa silid at binati ang apo ko. Ipinaliwanag sa amin na sa araw na iyon ay ganap na siyang Hapones. Masayang masaya ang apo ko at ito ay hindi niya inaakala sa buhay niya. Masaya na siya nang "ininchi" siya nang kanyang amang Hapon noong 16 na taong gulang pa lamang siya. Noong una nilang pagkikita, siya ay 14 na taon gulang pa lang at masasabi ko rin na mature na ito sa kanyang pag-iisip. Dahil noong ipinanganak siya sa Pilipinas sa Mindanao, ay doon lamang siya pinuntahan ng kanyang ama para makita ang kanyang bagong silang na anak.

Masasabi ko rin na hindi ko akalain dahil sa batas nang Hapon, pag walang kasal ang isang babae at lalakeng Hapon, ang anak nila ay magiging anak nang Hapon sa visa kategori na Nihon Higushia.
Pero dito ko napatunayan na WALANG MAGAGAWA ANG BATAS NANG TAO SA BATAS NANG DIYOS. Dahil sa pagkapanalo nang ilang Pilipinong mag-iina kung saan inilaban nila ang kanilang mga karapatan bilang anak nang Hapon na walang kasal sa kanilang mga ina, ay nabigyan sila ng Japanese nationality. At sa awa nang MAYKAPAL last June 2008, ang ipinaglaban ng mga Pilipinong mag-iina ay nanalo. Kaya ang batas ay nabago at ito ay di lamang para sa mga Pilipino kundi sa lahat dahil ito ay ang bagong batas na naaprubahan. Kaya "Mabuhay!" kayong mag-iina na nakipaglaban sa karapatan nang kanilang mga anak. Minsan pang pinatunayan na WALANG MAGAGAWA ANG BATAS NANG TAO KAPAG ANG DIYOS NA ANG GUMAWA.

At noong Nobyembre 7, Sabado, ay naganap ang Profession of Vow ng aking bunsong anak bilang isang Lay Missionary ng Mount Carmel. Wala akong masabi kundi MARAMING MARAMING SALAMAT PANGINOON !!!
Napaiyak ako sa tuwa. Minsan na naman pinatunayan nang Diyos na walang imposible sa KANYA. At paulit-ulit kong sasabihin ...
LAHAT NG ATING NAKIKITA AT NAHAHAWAKAN AY MAYROONG KATAPUSAN ngunit ANG DI NATIN NAKIKITA O NAHAHAWAKAN NGUNI'T ATING NARARAMDAMAN
ANG SIYANG PANG WALANG HANGGANG.
Sa Ingles...
Whatever we don't see nor touch, there is always an end to it but, whatever we can't see nor touch but we could feel, that is the one that is ETERNAL.

No comments:

Post a Comment