Kulugo sa Pwerta
(Genital Warts)
Tanong (T): Dear Doc Gino, kumusta po. nbsa ko po kc s press re vaginal prob dpo kc npliwanag kc maigi. ano po ang vaginal warts? pano po mla2man if meron k ni2? ano po dpat gwin pra maiwasan mgkaroon n2? mganda po ang column nyo kc bwat impormasyon mlalaman mo. marami pong salamat!
Doc Gino (DG): Ang vaginal warts ay ang tinatawag na kulugo sa pwerta ng mga kababaihan. Ang sanhi nito ay mga viruses na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang tao na mayroon nito. Tulad ng mga kulugo na matatagpuan sa ibang bahagi ng katawan, ito ay magaspang na mga butlig at maaaring maging napakarami at umabot sa kaloob-looban ng pwerta at maging sanhi ng pagbara nito. Depende sa dami at lokasyon ng mga kulugo, ang lunas dito ay maaaring mga gamot na pamahid, iniinom, pagsunog (cauterization) o di kaya ay operasyon, o ang kombinasyon ng mga ito. Ang pinakamabisa ay magpasuri sa isang gynecologist upang mapayuhan ng husto. Kasabay nito, ang sex partner ay kailangang magpasuri rin.
(T): marami pong salamat sa mga impormasyon. dmi po plang mga sakit n posibleng mgkaroon ka. kailngan tlga ng ibayong pg iingat. nabsa ko rin po pla s magazine re virgin coconut oil. dmi kc xperiences n nila2gay n kesyo mabisa raw, totoo po b o advrtsment lng po un. ingat po. salamat uli.
DG: Wala pa akong nababasa ukol sa epekto ng virgin coconut oil sa genital warts. Salamat.
------------------------------------
PEDESTRIAN LANE
By Mylene Miyata
INSPIRASYON!
Minsan, nakakatuwang isipin yung mga bagay kung saan bigla na lang tayong mapapangiti sa kawalan, di ba? Have we ever thought which significant element of life really energizes us in daily routine? Sit back! Relax! And try to reminisce a bit. Powerful ang thoughts kaya naman we have to make "good" use of it day by day. Mahirap yatang aksayahin ang bawat momentum sa buhay. No return, no exchange!
There are so many things we could ever consider actually. Iba't-ibang form ang mapaghahanguan natin ng lakas gaano man ka-bad trip ang araw natin kung minsan. Trying to consider the "Law of Attraction," I’m sure things will fall into places in the process. I am personally stubborn myself pero minsan, sinusubukan ko ding maging obedient. Why? Kasi, ayokong i-crucify yung sarili ko. Saan? Well, let me share this with you.
As I was checking my Facebook account one day, the wall post of my college friend Maria Agnes Dela Cruz saying "We crucify ourselves with these two things: 1. FEAR OF THE PAST and 2. WORRY FOR THE FUTURE" caught my attention at once. I quickly started collecting my thoughts then. Suddenly, I found myself commenting on that particular post. Sabi ko "...that which hinders us from having fun in life at times." Oo nga naman! Why do we have to crucify ourselves to the fears of our past? Likewise, why do have to let ourselves suffer worrying about our future? Both are impractical to use energy on naman. Past is done. When we fear it, nothing beneficial happens. But it's probably human nature. We cannot escape from our past. It will haunt us no matter what. So what do we do with our past? We can make use of it as a vehicle to live our present to the fullest instead. Para di na nga naman tayo ulit magkaron ng "another past" na katatakutan na naman natin in time. Next, worry of the future daw. Isa pa sa mga talent natin - ang mag-worry ng walang humpay. Well, sino nga ba naman ang hindi natututong mag-worry sa buhay, noh? Kakambal na nga kase yan ng pang-araw-araw nating pamumuhay eh! Ang tanong: Kung ubusin man kaya natin yung buong araw, linggo o buwan natin sa pag-wo-worry about our future, matiwasay naman kaya ang resultang makukuha natin buhat dito? Naman! Try natin? Huwag na kaya! Why not start preventing those worries to aggravate. Pwede naman natin tulungan ang sarili natin kesa ibaon natin sa dusa ng pag-aalala. Winner pa tayo in that aspect! We must not forget that no one has ever triumphed on worrying that much anyway. If possible, in every action we take, we may consider caution so as not to worry on its result in the end. Sure, nothing is definite anyway. But trying to get rid of worry-associated stuffs in life will give us a little more room to feel safe about our future, di po ba? It may not be exact but at least we dared to try to be at our best in the moment that we were allowed to choose. A simple instance is learning to say "yes" or "no" instead of the words "siguro" o "baka" as an answer as much as possible. Give a straight answer. Definite and firm as it is needed. It could sound harsh to some but will surely be less worries in many cases, I believe.
Taking things carefully will lead us to the sweetest scenarios each time. It is our privilege to get inspired in life. Why should we delay it? This will give us the freedom to have a meaningful day no matter what. If not throughout the day, at least in some moments each day. Just the way we want it. After all, we can only live what we choose to be. We are given the gift of the present. That is why we are being energized each day. Nothing is more important than living the present time to the fullest instead of fearing the past, neither worrying about the future.
Ang ating tatalakayin ngayon ay tunkol sa ating "Haligi" nang tahanan o ang mga idolo nating mga AMA / TATAY / PAPA / DADDY:
Mayroon akong ikukuwento:
Noong taong 1932, mayroon isang lalake na may asawa ang pangalan ay Nettie na nakatira sa isang maliit na apartment sa Chicago. Agosto noon at mayroon pagtitipon na aawit ang asawa ni Nettie. Bantulot ang asawa ni Nettie sa kadahilanang kabuwanan na ni Nettie at ito ang una nilang anak.
Umalis ang asawa ni Nettie upang umawit sa isang malaking pagtitipon na mabigat ang dibdib. Ngunit sa 'di pa kalayuan ay napansin niya na mayroon siyang naiwan - ang kanyang "bass guitar." Kaya dali-dali siyang bumalik ng bahay. At doon nakita niyang natutulog ng mahimbing si Nettie kaya dahan-dahan niyang kinuha ang naiwang gamit at lumisan.
Nang sumunod na gabi sa pagtitipon, maraming tao ang dumalo at ilang ulit nilang pinakanta ang asawa ni Nettie. Nang natapos siya, umupo na ang asawa ni Nettie at mayroon messenger boy na nag-abot ng telegrama sa kanya at ang nakasulat ay “YOUR WIFE DIED.” Subalit, masayang nagpalakpakan ang mga tao at pinakakanta uli siya. Ngunit siya naman ay walang tigil sa pagluha. Tumawag siya sa bahay nila. At ang narinig lang niya ay “Nettie is dead, Nettie is dead.” Agad siyang bumalik sa kanila at doon niya nalaman na nangananak si Nettie ng isang batang lalake. Nasa pagitan siya nang lungkot at saya. Masaya siya dahil ang anak niya ay lalake, ngunit bigla itong napalitan ng lungkot dahil namatay ang kanyang mag-ina. Inilibing nang asawa ni Nettie at ang kanilang anak sa iisang kabaon.
Mula noon isinarado niya ang kanyang sarili sa lahat. Ang tanong niya sa Diyos - Bakit binigyan siya nang ganitong pagsubok. Lumayo siya sa Dios. Ayaw na niyang magsilbi sa Diyos o magsulat nang mga gospel songs. Pero dumating isang araw habang nagkukulong siya sa kadiliman ng kanyang silid ay sinabi niya sa kanyang sarili, "Kung nakinig lang ako sa Diyos na parang mayroon siyang binubulong na huwag niyang pabayaan si Nettie, ang Diyos kaya iyon?" Kung nakinig sana siya, e sana nasa tabi niya si Nettie nang mamatay sila nang anak nila.
Magmula noon nangako siya na lagi siyang makikinig sa ibubulong ng Diyos.
At nang sumunod na gabi, tahimik at madilim sa kanyang silid. Parang biglang sumilip ang araw sa madilim niyang silid. Bigla siyang umupo ulit sa harapan nang kanyang piano at ang kanyang mga daliri ay muling tumipak sa mga tiklado ng piano. Nadama niya na para siya hinipo nang Diyos. At muling naramdaman niya na lang na siya ay tumutugtog. Nakaramdam siya nang kapayapaan mula sa Diyos. Parang inabot niyang muli ang Panginoon. At ito ang mga kataga ng musika :
"Precious Lord, take my hand, lead me on, let me stand, I am tired, I am weak, I am worn, through the night, lead me on to the light, take my hand, Precious Lord, lead me home."
Pinuspos siya nang Espiritu Santo at dito niya natutunan na kapag tayo ay nasa malalim na pighati at dalamhati, pakiramdam natin na malayo tayo sa Panginoon. Di natin batid itong mga sandaling ito pala ang Dios ay nasa tabi at hindi niya tayo iiwan.
Kaya ngayon ang asawa ni Nettie ay masayang nabubuhay para sa Panginoon at naghihintay lamang kung kailan siya susunod kasama ng kanyang yumaong pamilya.
("I am now living for God joyfully until that day when He will take me and gently lead me home.")
Kasaysayan ni :
Tommy Dorsey (band leader in the 30's and 40's )
Dito ipinahihiwatig ng Diyos na kahit sino man sa atin maging ang ating mga tinatawag na ‘haligi’ nang ating mga tahanan - macho, matapang, makisig - ginagamot ng Diyos ang lahat nang sugatan.
No comments:
Post a Comment