Tuesday, July 13, 2010

Jeepney Press July-August Issue page 7


SA TABI LANG PO
by Renaliza Rogers

CUSTOMER

Inihatid ko sa isang airport sa Pinas ang isang kamag-anak kamakailan lang. At dahil matagal pa naman bago ang kanilang boarding time ay nagpasya muna kaming mag merienda sa isang coffee stall doon.

Habang ako ay nakapila upang umorder, napansin ko na nakasimangot ang cashier na kumukuha ng order ng mga customer. Bakas talaga sa mukha nito na parang bagot na bagot na siya sa trabaho niya. Hindi ito ang inaasahan mong mukhang bumati sa iyo kapag na-i-istress ka at gusto mong mag wind down with a cold drink sa isang coffee shop. At kung may isang halimbawa ng katagang “with a pleasing personality” ay siya na yata ang kabaligtaran nito.

Nang ako na ang umorder ay nagkunot ang kilay ko sa salubong nitong cashier sa akin. Hindi man lang niya ako tinanong kung anong oorderin ko, basta niya na lamang akong tinitigan at tinaasan ng isang kilay. So tutal eh medyo maganda naman ang araw ko nun ay hinayaan ko na lang siyang magsimangot at pangiti akong umorder.

AKO: Miss, isa ngang strawberry frappe na ice cream blend at isang cookies and cream.

CASHIER: (tahimik, busy kakapunch sa cash register niya)

AKO: Ay miss, pwedeng isang frappe na lang at gawin ko na lang mango shake yung isa?

CASHIER: Na punch ko na.

AKO: Di ba pwedeng i-void ang order?

CASHIER: Na puch ko na.

AKO: Ah…o sige, yan na lang (sabay abot ng bayad)

CASHIER: I’ll repeat your order… one strawberry frappe na ice cream blend and one cookies and cream frappe, espresso blend —

AKO: Ha? Espresso blend? Ice cream blend yung dalawa.

CASHIER: Eh hindi mo naman kasi sinabi na dalawa! Sabi mo strawberry lang and ice cream blend.

AKO: (nabigla at nagalit) Oh bakit, sinabi ko bang gawin mong espresso blend yung cookies and cream? Hindi naman ah! Dapat nagtatanong ka. I-void mo yan, gawin mong ice cream blend.

CASHIER: Eh sa na punch ko na nga eh (sabay taas ng kilay at titig sa akin)

Sa puntong yun ay napanganga ako sa tono ng salita niya at gusto ko nang tusukin ang mga mata niya sa inis, ngunit hindi ko ginawa. Sa halip ay pinukpok ko ang countertop sa harap niya sa sobrang gigil gamit ang aking kamay habang galit na nakatitig sa kanya. Nagulat siya at natulala. Kanina pa malumanay ang salita ko at kanina pa rin siya tonong nagdadabog. Wala na rin naman akong masabi dahil pati ako ay nabigla sa reaksiyon ko sa kasungitan niya. Umupo na lang ako bago pa umabot sa kung ano.

Hindi ako ang tipong madaling nagagalit, naiinis o dumadakdak sa mga ganitong klaseng mga tao o empleyado. Ako pa nga yung tipong umaawat sa aking ina sa tuwing niraratratan niya ang mga tiga-immigration sa Tokyo na nag-che-check ng passport niya sa kalye. Pero nung pagkakataong yun eh nasobrahan yata sa pag-iinarte itong cashier na hindi na kinaya ng pasensya ko.

Maraming ganitong klaseng mga empleyado sa Pilipinas, yung tipong kapag masama ang araw ay ibinubunton sa customer. Yung mga tipong hindi alam ang proper work ethics. Yung mga nakasimangot o halatang naiinis kapag may request ang customer, yung hindi alam ang isasagot kapag nagtanong ang customer kung meron ba silang ganito o ganun, or yung tipong nakikipag-chikahan or nakikipag-textmate habang nagta-trabaho at kung anu-ano pa.

Isang aspetong gustong-gusto ko sa mga Hapon ay ang kalidad ng pagtrato nila sa kanilang mga customer. Sa Japan, malalaman mo talaga ang kahulugan ng linyang, “the customer is always right” dahil, base sa mga naging karanasan ko dito, gagawin nila lahat mapaligaya lang ang customer. Magsabi ka lang na maalat ang sabaw (kahit pa nga hindi) ay lalabas na ang cook at luluhod-luhod na hihingi ng patawad sa harapan mo. Wala kang makikitang nakasimangot kahit pagod at wala kang makikitang empleyadong nagbibihis ng t-shirt sa gilid habang ika’y kumakain. Kilala nga tayong mga Pinoy sa pagiging hospitable at friendly pero kadalasan, sa ating mga restaurants or mall or kahit saan pang establishments, hindi marunong magtrabaho o makitungo sa customer ang maraming empleyado.

So hayun sa inis ko ay sinabi ko sa isang waiter na ang masungit nilang cashier ay tanga. Nakasimangot pa rin siya sa counter pero halatang nahiya sa pagpukpok ko ng countertop. Akala ko nga ay tapos na ang drama sa araw nitong masungit na cashier pero hindi na yata siya natuto kasi maya-maya, narinig ko nanaman ang isa pang customer na nagsabing, “ay miss huwag kang magsuplada, hindi ka naman maganda!”

------------------------------------

PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI

by Fr. Bob Zarate

10 Dahilan Bakit Ayaw Ko ng SIGARILYO

1. Masama sa kalusugan – ng naninigarilyo. Kahit mag-research ka pa sa YOUTUBE, may mga videos doon na nagpapakita through experiments kung gaano kasama sa baga, sa puso at sa ating mga ugat ang dala ng sigarilyo.

2. Masama sa kalusugan – ng hindi naninigarilyo. Scientifically-proven din na masama sa hindi nagsisigarilyo ang nalalanghap na usok ng iba. Nagiging sanhi din ito ng cancer.

3. Magastos. Just imagine. Kung isang pack ka sa sa isang araw, that will be almost 200 Pesos equivalent sa Pilipinas! Kung naiipon lang yan at naipapadala para pang-kain ng ating pamilya, eh di mas makakabuti pa.

4. Mabaho. May mga taong ginagamit ang usok ng sigarilyo para takpan ang baho ng kapaligiran. Pero ang baho ng usok sigarilyo ay iba. Hindi siya mabango. Mas OK pa ang amoy ng katol.

5. Walang Manners. Ang usok, nadadala ng hangin. Kaya kahit ano pang gawin, talagang tatama sa mukha ng kahit ninuman ang naibugang usok. At pag may tumamang usok ng sigarilyo sa mukha mo, para na rin iyang hinihangan ka sa mukha mo, inubuhan o di kaya’y parang may bumahing na rin sa mukha mo!

6. Nagpapabaho ng iba. Sino bang normal na tao ang may gustong amoy-usok siya? Naligo ka. Nag-deodorant ka. Mabango ka. Pero ang nagpabaho sa iyo, hindi mo pawis at hindi mo gawa. Ang nagpabaho sa iyo, ibang tao!

7. Nagpapayaman sa mga mayayaman. Yung mga may-ari ng cigarette companies! Yumayaman sila dahil sa bisyo ng karaniwang tao.

8. Nagpapahirap sa mga mahihirap. Wala na ngang makain. Ang liit-liit na nga ng suweldo, nakukuha pang bumili ng sigarilyo. Tapos pag nagkasakit sa baga o sa puso, wala ring maibayad sa ospital.

9. Bad influence sa kabataan. Kung masama ito sa mga matatanda, eh di lalo nang masama sa bata. Pero naiisipang mag-sigarilyo ng isang under-age kasi nakikita niya ito sa matatanda. Kaya, ayan, maagang nagsisimula ang bisyo na karaniwang alam naman ng lahat ay masama sa kalusugan.

10. Nakakamatay… yes, killing me softly… ay killing YOU softly pala! Kahit sa Wikipedia nakalagay na 3 sa mga Marlboro cowboys ay namatay dahil sa lung cancer. Obvious ba. (Pati ate ko, namatay dahil sa sigarilyo – first heart attack at 43 years old, 2 ang anak – 12 years old lang ang bunso noong namatay, one month before his Grade 6 graduation!)

Kaya para sa mga gustong mamatay kaagad, Happy Smoking!

---------------------------------------

SHITTE IRU?

by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…na it’s possible that cell phones can cause cancer? Yes, may mga studies at proof na ang prolonged exposure sa radiation galing sa cell phones can cause cancer and alzheimer’s. Mas maganda kung bawas-bawasan ang paggamit ng cell phone. Trend na kasi ito lalo na sa mga kabataan, kahit saan ka lumingon, karamihan may hawak ng cell phone. Some friends of mine said that they cannot survive without cell phones and sometimes nagtataka sila how I survive without a cell phone. Kaya mga kaibigan lalo na sa mga bata, kindly minimize the usage of cell phone, dahil sa sobrang gamit ng cell phone can result to health fall-out.

ALAM NYO BA…na ang karamihan sa mga bata sa Pilipinas ang natutunan nila ang jejemon language? What is jejemon? Jejemon is a pop culture phenomenon sa Pilipinas. Ang salitang Jejemon supposedly nag-originate sa mga online users ng email (example: yung hehehe, they use jejeje) Jeje is derived from Spanish and the word mon came from the word Pokémon – with “mon” meant as monster, hence “jeje monsters”.

ALAM NYO BA…na sa Pilipinas, we have over 170 dialects? Sa 170 dialects, about 12 belong to the Malay-Polynesian language family. Sa dinami-dami ng dialects sa Pilipinas, Filipino (Tagalog) and English are considered to be the main language use. Yung 12 major regional languages ay: Tagalog, Cebuano, Kapampangan, Maguindanao, Maranao, Ilocano, Waray, Bicol, Pangasinan, Kinaraya, Tausug and Hiligaynon.

(Source: Philippine Portal)

ALAM NYO BA…that our Jeepney Press Publisher Ms. Irene Sun-Kaneko and Editor, Mr. Dennis Sun are both from Pampanga? Mga kabalen ko sila. People would refer to us as Kapampangan. Ang salitang Kapampangan ay mula sa rootword pampang which means “river bank.” Kapampangan is spoken in the provinces of Pampanga, in southern towns of the province of Tarlac and other provinces near Pampanga like Bataan, Bulacan, Nueva Ecija and Zambales.

ALAM NYO BA…that the Filipino Community in Japan ay nagkaroon ng chance to meet and see the 12th President of the Republic of the Philippines na si President Fidel V. Ramos? Si President Ramos ay dumating sa Japan noong June 17 and met with the FilCom on June 18, 2010. The meeting was held sa Multipurpose Hall of the Philippine Embassy. Tuwang-tuwa ang ating mga kababayan sa mga kwento at mga jokes ng dating Presidente.

ALAM NYO BA…na nakakapagod pala ang umuwi sa Pilipinas na tatlong araw lang ang stay mo doon. Grabe kasi bugbog na sa biyahe at siyempre bugbog din ang bulsa…hahaha. Sa pag-uwi ko, nagkita-kita kami ng mga high school batch mates ko, may mga balikbayan from the USA and from Singapore. Masayang-masaya ang reunion and kahit kulang sa tulog at kahit pagod na pagod sa biyahe, sulit na rin and no regrets talaga kasi nag-enjoy ako and happy ako for seeing friends I have not seen them for more than 20 years na.


No comments:

Post a Comment