Wednesday, March 10, 2010

Jeepney Press March-April Page 22



ACHI KOCHI by Rey Ian Corpuz

Sawa Ka Na Ba Sa Sakura?

Dahil sa mga paki-usap na naririnig ko sa mga taong aking nakakasalamuha dito sa bansang Hapon, sa pagkakataong ito, isusulat ko ang aking artikulo sa ating sariling wika. Malamang kayo ay inip na inip na sa paghihintay sa buwang ito. Itong panahon na ito marahil ang pinakamagandang yugto sa buong taon. Heto na po ang tag-sibol kung saan namumukadkad sa pagbuka ang mga “sakura” o “cherry blossoms” na tinatawag sa wikang Ingles. Marahil yung mga matagal na dito sa bansang Hapon ay sawang-sawa na sa sakura. Sa isyung ito, ako po ay magbibigay ng dalawang magandang lugar na hindi lang sakura ang makikita at kung saan ay maganda rin puntahan. Kung baga, para naman maiba. Ang aking ilalathala ay ukol sa aking nakaraang taong paglakbay sa mga masabing lugar.

Shibazakura

Ang burol ng Shibazakura, na matatagpuan sa parke ng Hitsujiyama sa siyudad ng Chichibu sa probinsiya ng Saitama, ay marahil isa sa pinakamagandang puntahan ngayong panahon. Ang burol na ito ay dinesenyohan ng mga maliliit na “moss phlox” na mga bulaklak sa paligid at ibabaw ng burol. Samu’t-saring kulay ang namumukadkad sa buong paligid. Ang kulay pink ay bukod tangi sa lahat kung saan sa mag kabilang burol ay ang kulay pink ang iyong makikita. Maliban sa kulay pink, ang naturang tanim ay may bulaklak din na kulay ube, asul at puti. Ang lugar na ito ay marahil isa sa mga pinakasikat sa buong probinsiya ng Saitama kung saan dinadayo ng mga taong mahilig sa “moss phlox.” Halos sa bawat sulok at gilid ng burol ay hindi mahulugang karayom ang mga tao. Siksik, liglig at walang kalalagyang pagkuha ng litrato habang binabanggit ang katagang “Hai. Chizu….” Sa taas ng burol ay may nagbebenta ng mga malamig na inumin tulad ng “beer” at “softdrinks.” Habang ang ilan ay nag iihaw ng isdang “sanma” o “saury.” Ang iba ay nginangatngat ang malamig na pipino na nakatuhog sa kawayang tuhogan (skewers). Ang mga katabing bakanteng damuhan sa paligid ay ginawang pagpahingahan ng mga tao habang kumakain ng kanilang baon. Nakaaaliw na tanawin ang buong burol mula sa itaas dahil nag mistula itong isang malaking garden na maraming langgam na naglalakad sa ibaba. Ang mahirap lang sa lugar na ito ay ang palikuran dahil ito ay napakalayo mula sa mismong burol. May bentahan din ng mga sikat na pagkain at ani ng siyudad at mga kalapit na bayan ng Chichibu. Malapit sa burol ay makakakita ka ng kulungan ng mga tupa kung saan isa itong nagmistulang “Farm Town” sa disenyo.

Ang Shibazakura ay mapupuntahan sa pamamagitan ng pagsakay ng Chichibu Tetsudou Line at bababa ka sa hintuan ng Ohanabatake. O di kaya ay pwede din sa Seibu Chichibu Line mula Ikebukuro. Kulang-kulang isa at kalahati ang oras ang biyahe kaya pumunta ng maaga at alamin muna ang panahon bago pumunta. Mula sa Ohanabatake ay maglalakad ka ng mga kinse minuto bago makarating sa taas ng burol. Maganda itong puntahan mula sa kalagitnaan ng Abril hanggang sa unang lingo ng Mayo.

Tachikawa Showa Kinen Park

Sa kalagitnaan ng Abril, ang Tachikawa Showa Kinen Park ay isa sa mga pinaka-magandang puntahan sa kanlurang bahagi ng Tokyo. Maliban sa sakura, ang parkeng ito ay namumukod tangi sa ibang ibang uri ng tulips at carnation. Malamang aabutin ka ng isang buong araw para malibot ang parkeng ito dahil sa ito ay napakalaki. Nakakalula ang mga kulay at nakakamangha ang ganda ng buong paligid sa bawat kumpol ng mga iba’t-ibang uri ng bulaklak. Ang lugar na ito at kinahuhumalingan ng mga pamilya na gustong takasan ang ingay at gulo ng Tokyo. Pami-pamilya, barka-barkada, mag- shota, at magkakatrabaho ang nag-iihaw sa gilid ng parke at palaruan ng “baseball.” Masarap at kaaya aya ang amoy. Inihaw na baboy, isda, kung anu-anong damong gulay at pansit ay napakatakam-takam na kainin. Bawat hapag ay usapan ng kung anu-ano at mga halakhakan ng mga medyo lasing na hapon ang iyong naririnig sabay “kampai!” na mga hiyaw. Habang papasok ka sa parke ay may sasalubong sa iyo na tren na pwedeng sakayan patungo sa liblib ng parke. May paupahang bisikleta din sa kabilang dulo ng parke kung saan pwede mong libutin ang buong parke sa loob ng isang oras. Sa mga mag sing-irog naman, ang mga dilaw na banka na kotse ang disenyo ay pwedeng sakyan ay baybayin ang lawa sa gilid ng parke malapit sa istasyon ng tren. Maraming pwedeng gawin sa loob. Maliban sa karaniwang piknik, ihaw-ihaw at bisikleta, marami ding nag “fi-frisbeeng” mga kabataan at mga nagpapalipad ng saranggola sa gitnang bahagi ng parke. Pwede ding mag “target shooting,” “tennis,” at siyempre “baseball.”

Ang mga bulaklak ay sandamakmak. Pati ang mga disenyo ng lawa at batis sa paligid ay lahat maganda. Itong lugar din ay magandang pagdausan ng “outdoor photoshoot” para sa mga mahilig sa pagkuha ng litrato. Maliban diyan, ito rin ang lugar na pwede kayong mag “macro photography” dahil sa dami ng mga bulaklak kaya kay rami rin ng mga iba’t-ibang insekto tulad ng bubuyog na pumaparoo’t parito sa bawat bungad ng bulaklak.

Ang parkeng ito ay mapupuntahan gamit ang Chuo Line mula Shinjuku at lumipat sa Ome Line pagdating ng Tachikawa. Bumaba sa Nishi-Tachikawa na istasyon at pag labas mo ay matatanaw mo na kaagad ang naturang parke. Ang biyahe mula Shinjuku ay aabutin sa loob ng apatnapu’t limang minuto.

Higit sa lahat, mas mainam kung may kaututang dila ka habang ikaw ay namamasyal. Maganda, masaya at talaga namang makulay ang tagsibol.

-------------------------------------------------------

March-April Forecast
by Madam Marivic

BOAR Pag-ingatan ang iyong kalusugan at iwasan ang mga bagay na alam mong delikado para sa yo. Kumain ng sapat at kailangan ang wastong pahinga ng katawan. Huwag puwersahin ang sarili sa mga mabibigat na bagay. Para sa mga may business, this month brings you misfortune and problems. In April, excellent luck when it comes to money matters. Career luck is also promising, maraming oportunidad ang darating. Expect some changes at sumunod sa agos at darating ang isang sorpresa sa iyo.

MONKEY You have a short temper and easy to lose control. Ito ang magdadala sa iyo ng problema lalo na kung hindi mag-iingat sa mga salita. Sundin ang sarili ngunit huwag agad ilalabas ang totoong nararamdaman at huwag makikinig sa mga sabi-sabi. Mag-ingat sa burglary this month. In April, hindi pa rin stable ang career but there is a possibility na may taong susuporta sa iyo. Maging mababang loob lang sa pagtanggap ng tulong galing sa ibang tao. Iwasan din ang inggit at selos sa mga kasamahan sa trabaho.

RAT You have unexpected windfall luck this month. Success comes easy at lahat ng negative energies in previous months ay mapapalitan ng maganda. There is someone in a position to help you. In April, try to cancel all important things this month because misfortune and losses are about to happen. Save your good ideas and do them later. Pag-ingatan din ang health. Skin ailment may occur, avoid being under the sun too much.

DRAGON Malamang na magkaroon ng misunderstanding sa mga kasama sa trabaho lalo na sa mga may business partner. Try to control yourself at huwag makikipag-away coz it ends someone getting hurt. Just lie low and stay aloof. Huwag ibibigay ang sariling opinion kung di tinatanong. Obstacle may appear sa career and business from dishonest people. Be careful with the people you are dealing with. In April, anuman ang challenges na harapin, you can easily overcome it. Nasa kamay mo ngayon how to defend and control the prosperity luck headed your way. You can take some risks, invest by all means. Basta pipiliin mo lang yung nararapat. Romance and love luck is also good lalo na sa mga dragon in their twenties. Best time to get married.

ROOSTER This is your irritable month dahil sa mga maririnig na gossip about slandering. There is a big confusion caused by people talking bad things about you. Iwasan ang makipag-away and maintain your self-confidence. In April, too much stress ang mararanasan pagdating sa marriage life. Just relax and stay cool. Mag-ingat baka magkasakit or ma-involve sa car accident. Iwasan ang mga mabibigat na exercise at delikadong lugar. Get enough rest and maintain your healthy diet.

DOG Mahina ang katawan at madaling dapuan ng sakit. Avoid dangerous situation lalo na pag-dating sa sport or travel. Walang masama kung pakikinggan ang third opinion. Career and money luck is good but watch your health. In April, maraming unexpected blessing na darating sa iyo. Be sure to be yourself and success will be yours. If you want to expand your business, this is the month. You can gain a lot of profit or you can explore your idea and knowledge.

RABBIT Rain...raining wealth and prosperity all over. When you are in business, huwag matakot makipag sapalaran. When it comes to investment, you have good luck in your side. Success will come easily and effortless. In April, mag-ingat sa mga taong nagsasamantala sa yo dahil ang dala nito ay burglary. Mag-ingat sa mga pag-pirma ng mga kontrata at makikita mo kung sino ang tunay na kaibigan mo.

OX A little bit improving ang month mo dahil ang creativity level mo ay mataas. Marami kang mga brilliant ideas na naiisip. Romance is in the air para sa mga young couples in love. Masasabing happy month but there will be trouble at home with mother-in-law. In April, misunderstanding between friends could result in bad consequences. There is also a risk of backstabbing from people that you don’t trust. Avoid confrontation and hold your temper.

HORSE Avoid confrontation na magdadala sa iyo sa kapahamakan. Just lie low and maintain your low profile. Iwasan ang inggit at selos. Avoid investing because you have a tendency to lose money. Huwag masyadong gumastos at magtipid muna ngayon. In April, your love life brings aggravation. Madalas na mararanasan ang pag-aaway ng mga couples. There is also heartache cause by infidelity. This will be your stressful month.

TIGER This is a good month pagdating sa love and romance ngunit may posibilidad na magkaroon ng disharmony between family members. Kailangan mo lamang maging maunawain lalo na pagdating sa pananaw ng ibang tao. In April, quarrelsome star appear in your chart, dahilan para madali kang magkaroon ng hot temper. Tahimik ka muna at palampasin ang buwan na ito ng walang kagalit.

SNAKE Ang buwang ito ay maganda kung kaya mong i-navigate ang mga obstacle na darating sayo. Pagdating sa mga responsibilities, trust your own instinct. Maraming magbibigay na opinion pero ikaw pa rin at the end ang magde-desisyon. In April, this is a great month to enjoy your success luck. Makakatanggap ka ng vital support from young men and some of your rivals will become your friends. Kahit tumanggap ka ng tulong mula sa kanila, it doesn’t mean na trusted mo na sila.

SHEEP Mayroon kang mga violent eruptions at disharmony sa work at sa bahay. Ang argument ay mas nagiging mainit. Mahihirapan kang makisama sa mga taong nasa paligid mo. Huwag mong pansinin ang mga sinasabi ng mga tao. Trust your own instinct. Iwasan mo lang maka-offend or makasakit ng ibang tao. In April, may isang taong tutulong sayo when it comes to financial luck. Ito ay malapit or may connection sa buhay mo. Maging masipag at maging humble sa pagtanggap ng tulong mula sa ibang tao.



No comments:

Post a Comment