Sunday, January 18, 2015

Jeepney Press January - February 2015

Jeepney Press January - February 2015

by Dennis Sun


Si Nanay Anita, Po!

January - February 2015

I am Anita Sasaki. In Japan, they all call me Nanay Anita.

Looking at everyone here inside the hall, I feel so humbled. Actually, just realizing who you all are around me makes me feel so inferior. I feel I do not belong here at all. You are professionals, highly educated people, businessmen, artists, philantropists. And I ask myself what am I doing here with all of you?

Why? Because I didn’t even finish my college education in the university. I did not celebrate garduation.
I didn’t even celebrate my debut party at 18 years of age. Why? Because I was married at the age of 14. I don’t even recall if I had a wedding party back then. I was married so young and I admit I didn’t have a happy marriage then. I felt life was all wasted for me.

Then, at the age of 47, my life turned around. I met a Japanese guy who accepted and loved me for who and what I am despite my age and with 10 grandchildren already! 

Then I asked myself, “What will I do in Japan? Lola na ako.” But I didn’t know God has a mission for me.

All I know is what I did for the past several years is what a mother should do to all her children. What I gave was what is in my heart and head. And I wanted to inspire especially the young ones, our youth.

I wanted to serve the smallest of the community because they are the most fragile. I wanted to help the little ones. I saw the need to serve them because I saw that our youth today were not given the right upbringing. I have seen many broken families and it is the children who are affected the most.

If the family is sick, the community will be sick. If the communities are sick, the country will be sick. And if the countries are sick, the whole world will be sick. Thus, I wanted to start from the core. From the smallest group which is the family.

This was part of the speech given by Anita Sasaki during the December 3, 2014 at the the pre awards dinner for the recipients held at the 33rd Floor, MDC 100 Building, E. Rodriquez. Jr. Avenue Corner Eastwood Drive, Libis, Quezon City. Ms. Anita Sasaki is the founder of CASTLE (Christian Association Serving Traditional Laymen’s Evangelization) and “Tahanan ni Nanay” which is a half-way house for Filipinos in distress as well as a learning center for Filipino-Japanese children.

My history with Nanay Anita started more than a decade ago. A small company wanted to hire me to make a Philippine newspaper for Filipinos in Japan. For a few weeks, I had been going to the company and doing feasibility studies. Because of the lack of financial resources and staff, I declined to move ahead with the plan. However, during those few weeks, I met this humble woman in the person of Nanay Anita.

Nanay Anita is your mother away from your real mother. She is your “Nanay” in Japan whether you like it or not. She will accept you for who you are and will treat you like one of her dozens of grandchildren plus the hundreds she has already adopted in Japan. She is a feisty but loving mother showering everyone with positive and inspirational stories and sermons.

The most wonderful thing about Nanay Anita is her shimmering glow of positive energies. Age and sickness cannot delay nor deter the surges of wisdom she has learned throughout the years. And she is always ready to impart her motherly wit, wisdom and watchfulness to whomever she comes across with.

Then I started to do Jeepney Press, a non-commercial publication that would stay away from selling and concentrate on helping upgrade the standard of Filipinos living in Japan through stories of hope, survival and success of Filipinos navigating the terrains of this foreign land we have adopted and called home. I am happy that Nanay Anita is one of our regular staff with her very own column, Kwento Ni Nanay.

And as one of the many adopted children of Nanay Anita, I was filled with joy to receive the news of her being selected as one of the 2014 Presidential Awardees for Filipino Individuals and Organizations Overseas. Only 33 from the nominations around the globe were chosen and Nanay Anita was chosen as the recipient of the Banaag Award conferred to distinguished Filipino individuals or groups in recognition of their outstanding contributions for providing assistance to the country or advance the cause of Filipino communities overseas.

Nanay Anita recalls the first time she was notified about her award. 

“It was November 5 when I got a message stating that I should call a certain number. The number started with a 6392. So I said the call came from the Philippines. I didn’t have an international calling card as I always use viber nowadays. I had to look around the house for a card quickly. Luckily, I found a card that gives a free 3-minute call. I called immediately and the voice on the other side congratulated me and said I was selected as one of the recipients for the Presidential Awards this 2014. I was speechless and everything around me felt silent. I asked them if the Philippine Embassy in Tokyo already knew the news. They said I was the first to know.”

At first, Nanay Anita was wondering it could have been a prank caller so she immediately called the embassy until Ambassador Manuel Lopez advised her to leave for Manila soon. That was the time she realized the news was valid and veritable after all. She was actually planning to go home a few days before Christmas but it had to be sooner than expected.

Nanay Anita looks back at the time she landed at the airport in the Philippines.

“Sinalubong ako ng mga lalaking naka suits na hindi ko kilala. They introduced themselves as working for the Office of the President. Then, sinalubong ako ng tatlong tao na hindi ko rin kilala at nag-congratulate sila sa akin. At dumami sila ng dumami. Naghahanap ako ng kakilala ko. Hinanap ko ang mga anak ko, ang mga kapatid ko. Wala akong nakita sa kanila. Tuluy-tuloy ang pagtatak at tatak ng passport ko at itinuro ako sa mga bagahe ko. Wala pa rin akong nakita sa mga pamilya ko. Paglabas ko ng pinto, nagulat na lang ako at mayroon nakalagay na: Welcome 2014 Presidential Awardees. Napa-iyak ako at doon ko nakita ang anak kong bunso na si Peachy. Meron pang sasakyan na naghihintay sa akin at hinatid ako hanggang sa aming bahay. Ngayon lang ako umuwi ng ganito. Nadatnan ko doon ang aking big brother at ang kanyang may bahay na galing pa sa Canada. Isa siyang forensic psychiatrist doon at dumalo siya para lang sa awarding ko.”

It still felt like Nanay Anita was living in a dream world as everything that was happening to her hasn’t sunk to her level of reality yet. It was the 3rd of December, a pre-awards dinner was given to the awardees. She was warmly welcomed by everyone. Then, they called her name. She went to the podium and introduced herself...

I am Anita Sasaki. In Japan, they all call me Nanay Anita...

Nanay Anita still considers herself very young at heart and age will definitely not deter her from helping others and achieving her mission. We look forward to seeing her more as she moves on with life for others. 

Mabuhay po kayo, Nanay Anita!

Dennis Sun

"Getting Cold, Getting Old."

January - February

Ano ba naman yan? Kararating lang ng Disyembre, nanginginig na ang mga buto ko. Epekto kaya ng global warming kaya ang winter ngayon ay napakaagang dumating at napakalamig? 

Dati-rati’y pagpasok ng Enero, doon ko pa lang nalalasap ang kirot at hapdi ng panahon ng tag-lamig. Ngayon, isang buwan napaaga. Simula ng dumating ang Disyembre, hinanap ko bigla ang mga taglamig na gwantes bago ako lumabas ng bahay. Grabe sa lamig lalo na kung mahangin. 

Napakahirap matulog sa gabi. Yung mga paa ko, nanlalamig sa ginaw kahit na may suot na akong mga medyas. Bumili akong YUTAMPO sa drugstore na pwede i-microwave. Minsan, nawala na ang init ng yutampo, gising pa rin ang diwa ko. Kailangan ipainit uli sa microwave. Napakahirap pa naman bumangon sa lamig lalo na kung nakahiga ka na sa futon. Sabay punta na rin sa banyo para makaihi na rin! Distorbo din ang pantog tuwing malamig dahil sa walang tigil na pagpunta sa banyo para umihi.

Maraming mga dahilan dahil nanlalamig ang mga katawan natin. Pero huwag kang matuwa dahil hindi ito biro. Isa na rito ang pagtanda. Aray ko po! Habang lalong tumatanda ang tao, lalong giniginaw ito lalo na sa parting kamay at paa. Aray ko po, again! Natamaan yata ako doon. Hindi lang sa edad ang dahilan. Ang pagtaas ng pagiging sensitibo sa lamig ay maaaring tanda ng mga problemang medikal tulad ng alta-presyon at dyabetis. Pwede rin maging dahilan ang side-effects ng mga ibang gamot na iniinom natin kaya tayo nanlalamig.

Pero, Inday, tumigil ka nga! Wala kang sakit. Ang problema mo, pang summer pa ang sinusuot mo kaya ka nanlalamig! Punta ka sa Uniqlo at bumili ka ng heat-tech underwear. Yung jacket mo, manipis. Magsuot ka ng gawa sa wool. Ano ba, Inday? Winter is the time for fashion. Wear long boots. Dress in layers! Doble. Triple. Go! Gumamit ng medyas para sa tag-lamig. Wear a hat. Ang init ng katawan ay lumalabas sa ulo. Kung mag-suot ka ng sombrero, hindi tatakas ang init sa katawan mo. Gloves, mittens, scarf… Add anything to make you warm. Kung wala pa rin, bumili ka ng hand or foot warmers sa drugstores tulad ng KAIRO. Welcome to winter wonderland!

Buti pa si Soraida. Dahil sa kanyang HOT FLASHES, laging mainit ang katawan niya. Meron siyang private summer even in the middle of winter. Seriously, nasa labas kami at naka T-shirt lang, okey na siya. Swerte niya, lagi kong hinahawakan ang kamay niya para magnakaw ng konting init. Yung kamay ko, parang yelo na. Sa tagal ng pag-hawak ko ng kamay niya, unti-unti rin siyang nalalamigan at sabay sigaw, “Hoy! Magnanakaw. Ibalik mo ang init ko!” Naku! Buti nga meron humahawak ng kamay ni Soraida!

Si Mila, dinadaan sa alkohol para uminit ang katawan. Vodka o tequila? Kaya pala laging naka smile and dreamy ang tingin during winter habang kami ay kinikilig sa lamig. Cool but warm lang ang face niya. Parang nasa langit lagi kahit yung dalawang kasama namin ay nag-aaway na.

Si Cora, dahil matanda na talaga at marami na rin sakit sa katawan, hindi na talaga ma-tolerate ang cold season kaya eskapo siya sa Pinas. Dumarating lang siya sa Japan during spring and autumn, the best and most beautiful seasons pa! Wala rin siya sa Japan during summer dahil sobra rin ang init dito. 

Pero mas ma-swerte ang Manang Jocy dahil may nagpapa-init ng katawan niya. Hindi na kailangan ng woolen socks, hand and foot warmers and kairo. At, please lang, walang electric heating blanket for her. Sa gabi, may free human blanket na siya. Wika niya, “Anong cold winter ang pinag-uusapan ninyo?” Para kay Jocy, the colder the winter, the better daw. At sabay taas ang kilay! “Alam ba ninyo na mas matindi ang mga yakap ni Papa tuwing winter season.” Sasabihin lang niya habang nakahiga sa kama, “Papi, nanlalamig ang mga labi ko.” At biglang sabay halik ang mararatnan ng mga labi ni Manang Jocy. Yan ang essence ng winter wonderland according to Jocy at sana, tayong lahat na rin! Amen!

Renaliza Rogers

Sa Tabi Lang Po: Hari ng Kalsada

Jan - Feb 2015

Nag ko-commute ako papuntang opisina araw-araw dahil wala naman akong kotse. Sa Pinas, ang pangunahing mode of transportation natin ay ang "jeepney." Ito ang isa sa mga pinaka-iconic na simbolo ng ating bansa. Naimbento ang jeepney pagkatapos ng World War II nang iwan ng mga Kano ang mga military jeeps nila sa Pinas. At dahil likas na malikhain ang mga Pinoy ay inupgrade nila ang mga ito ala "pimp my ride" kumbaga.  

Ang military jeep ay nilagyan ng bubong at pinahaba. Nilagyan ng magkakaharap ng mga benches bilang upuan. At syempre, alam niyo naman ang taste nating mga Pinoy, kung hindi makulay, hindi uubra! Kaya't kinulayan ito at nilagyan ng sangka-tutak na mga palamuti. Binigyan ito ng total makeover. Ilan dito ay mga kabayo sa hood, stainless na katawan, pangalan ng anak gaya ng "John Lloyd" or "Marimar" sa harapan. Sa likuran, usually makikita mong nakasulat na "Katas ng Saudi" at kung anu-ano pa. Sa ngayon, medyo nag-iiba na rin ang estilo ng mga jeepney. Sa mga probinsiya, ang mga surplus trucks o vans ay ginagawa na ring pampasaherong jeepney. Sa amin ay marami na ring aircon jeeps na mukhang mini bus.   

Naalala ko noon, mayroon din kaming dalawang Sarao na jeep na binili ng aking ama na dati ring jeepney driver noong kabataan niya. At dahil dito, napagtanto kong totoo pala ang kasabihang, "basta driver, sweet lover" dahil sa dinami-dami ng mga baba....joke lang! Anyway, tandang-tanda ko pa na sa loob ng aming jeepney ay naka-pinta ang lahat ng pangalan naming magpipinsan pati na ng aking lolo at lola. Sa pinakaharap nakasulat ang aking pangalang "Renaliza" na proud na proud kong tinitingnan sa tuwing sasakay ako rito. Nagtatampo naman ang aking bunsong kapatid dahil wala siyang pangalan dito. Paano, hindi pa siya napapanganak noong pinintahan. Di bale, nakalagay naman ang pangalan niya sa biniling traysikel.

Hanggang sa ngayon, jeepney pa rin ang hari ng kalsada sa Pilipinas. Yun nga lang, may ibang mga drayber na feeling hari din minsan. Parang nakikipag-karerahan sa sobrang bilis magpatakbo. Pag siksikan naman at pumreno ay mare-realize mo na may iluluwag pa pala ang loob ng jeep dahil titilapon kayong lahat sa loob papuntang harapan. Ang usual na litanya ng mga sinunga-ling na barker ay, "Sakay na! Maluwag pa! Tatlo pa, tatlo pa!" At pag sumakay ka na ay sanggol lang pala ang kakasya sa liit ng space na natira sa yo na halos hindi pa magkasya ang kalahati ng pwet mo. Dito sa probinsiya, may "extension" pa isang maliit na bangkito na nilalagay sa center aisle ng jeepney at magkatalikod na uupo ang dalawang "extra" passengers. At pwera doon ay may mga kalalakihang sasabit pa! Minsan pag nasa dulo ka nakaupo at may putok ang naka-sabit ay good luck na lang sa iyo.

Lahat halos ng jeepney meron na rin ngayong nakalagay na "NO SMOKING" sign dahil nasa batas nang hindi pwedeng manigarilyo sa loob ng mga public vehicles. Pero mayroon pa ring mga pasaway na pasahero at minsan ay si mamang drayber pa mismo ang nag yoyosi. Sa mga jeepney ngayon, medyo ingat-ingat na rin dahil marami nang nagkalat na mga mandurukot na nag te-take-advantage sa sikip ng jeep. So far, sa aking commuter life, maswerte akong hindi pa ako nadidisgrasya or nadudukutan. Medyo na chansi-ngan nga lang ako ng katabi kong mama na kunwaring dumudukot sa bulsa niya pero sabay siko sa dibdib ko.   

Ang jeepney nga naman, simbolo ng pagiging likas na malikhain at pagiging wais ng mga Pilipino. Ang pagsakay dito, medyo masikip nga at mainit pero very interesting naman! Maraming bagay ka ring matututunan dito tulad ng laging mag-handa ng barya at baka walang panukli si Manong. Ang waluhan ay pwede palang gawing siyaman at ang siyaman ay pwede palang gawing sampuan, at iba pa.

Malayo pa ang panahon kung kailan ang mga jeepney ay mapalitan na ng mga trains tulad ng sa Japan, baka nga siguro hindi din mangyayari iyon. At malayo pa rin ang panahong magkakaroon ako ng sariling kotse. Sa ngayon commute muna ako sa siksikang jeepney dahil kasya pa naman ang aking 36-inch waistline sa 8-inch space.

Roger Agustin

Musings of a Sarariman
“Workplace Telepressure”:
Where are you connected to? 

Jan - Feb 2015

Since this is the first issue for 2015, I wish you all a happy, prosperous, and peaceful year ahead of us.

Just before the end of the year, I found a new topic that is very timely and likely to become another social phenomenon in the modern-day office. 

Psychology researchers in the US cited a new work related stress health peril: "workplace telepressure," is when you just can’t stay away from the urge of constantly checking and quickly responding to your work related e-mails, text messages or even voicemails and missed calls, no matter what you’re doing, who you’re with, and so on. The pressure comes from the fear that not responding immediately to work related messages will hurt your career.

The light-speed advances in information technology made organizations rely heavily on e-mails and text messages for continuous connectivity. It used to be that work e-mail access was limited only within the company’s network (intranet). But now, e-mails can be accessed via the internet to allow flexibility for employees to connect any time even when they’re not at work. This flexibility created unintended negative impact on the work-life balance of the employees. Because of the continuous connection, employees start to feel they should also be available and responsive to work requests at all times. The misused and overused ‘URGENT’ and ‘ASAP’ words in the mail messages could also be one of the major causes of this phenomenon. Even the concept of work time has started to disappear in the global business workplace where employees work with their counterparts who are in different time zones.    

I guess I am as guilty as anybody else when it comes to giving in to the urge of checking work related e-mails during weekends at home and when I am on vacation or even on a sick leave. I know I am not alone. Whether in the car or train, at the dining table, or even in bed, this burning need and urge to check and reply to e-mails does not go away. I’d bet you do the same, too. It doesn’t really matter whether it is work related or not, I’d bet that everybody checks at least a few SNS sites and mailboxes before finally putting their body and mind to rest. This is one problem with the advanced smartphones that offers you unlimited internet access and countless apps that can even synch with your company’s server. 

While we see the benefits of being continuously connected, the urge to connect at all times becomes a habit and a part of life so that the division between work and private life becomes more obscure than ever. Since everybody else is doing it, it creates a false sense of security and being constantly informed and in synch with the rest of the world. But the additional pressure may not be felt, which creates stress. 

The report said that “Workers who indicate they feel high levels of telepressure are more likely to report burnout, a feeling of being unfocused, health related absenteeism and diminished sleep quality.” Telepressure seems to be a form of an unconscious overtime or overwork and in effect it doesn’t really result to additional improved performance simply because it deprives the person of sufficient time to recover.

While the researchers suggest that organizations may help by explicitly encouraging employees about unplug times and developing clear policies about response times, it also requires personal awareness from the person himself. Stress is a lack of awareness of a pressure and it continues to build up, it results to burnout. 

I believe, the only solution is to be in control and not to be controlled by the turbulent flow of information. We live in a fast paced information society where we get heavily overloaded with information clutter, way too much for our brain to handle or digest. I think our brains are evolving backwards. We used to live based on limited information, making decisions with some amount of uncertainties. Now, the more information seems to be the better. But do we ever take the time to check if the information we see in front of us is right?

One of my new year’s resolutions for 2015 would be to learn to ‘unplug’ more. I found that it doesn’t really hurt if you unplug yourself once in a while from work so you can focus on the real people who are physically around or in front of you. Don’t worry, if colleagues or friends really need something from you urgently (and vice versa), they will for sure find a way to connect to you even if you are not connected to their network. 

Again, my best wishes for a Happy New Year to all!

Jeff Plantila

Isaw Araw sa Ating Buhay

Jan - Feb 2015

Hindi biro ang maging lider ng komunidad kung siya ay tunay na responsable at masipag. Hindi madali ang buhay ng isang taong pumapasan ng mga tungkuling puwede niyang tanggihan. 

Bakit nga ba nagiging lider ang ilan sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang komunidad dito sa Japan?

Katangian Ng Lider 

Sa isang meeting ng mga coordinators sa ilang komunidad sa Kansai region, ito ang isa sa mga tanong na ipinasagot sa kanila: Ano ang katangian ng isang tunay na lider? Hindi na sila binigyan ng mahabang panahon para mag-isip nang malalim o malawak. Kung ano lang ang sumagi sa isip yun lang ang dapat na isulat. 

Maraming lumabas na katangian ng lider, tulad ng: compassionate, tibay ng loob at maaasahan, not afraid to face challenges, “good listener, good follower,” has democratic way of leadership, nagbibigay ng importansya sa community, nagbibigay ng oras.

Mapapansin natin ang kagandahan ng mga katangiang ito ng lider. Mararamdaman natin ang bigat ng kahulugan ng bawa’t isang katangian.

Makakakita kaya tayo ng lider o mga lider na may ganitong mga katangian? Maaaring mahirap makahanap. Nguni’t maaaring mayroong mga lider na may ilan sa mga katangiang ito, o may ilang nagsusumikap na makuha ang kahit ilan lang sa mga katangiang ito. 

Magandang pag-isipan ang mga dapat na katangian ng sinumang may katungkulan sa kanilang komunidad. Magandang pag-usapan kung paano magiging totoo ang mga katangiang ito.

Lider Ng 

Karaniwan na ang mga lider tulad ng President o Chairperson, Vice-President/Chairperson, Secretary, at iba pa ay inihahalal ng mga miyembro ng komunidad. Nguni’t may isa pang uri ng leadership structure na walang election, kundi may isang grupo na binubuo ng mga volunteers na siyang namamahala sa mga gawain sa komunidad.

Ang meeting sa Kansai na binabanggit ay binansagang meeting ng mga community coordinators para mabigyan ng halaga ang pagko-coordinate ng activities at tao sa komunidad. 

Kaya sa meeting na ito, kahit may mga elected officers na kasama, ang binibigyang pansin ay yung kanilang tungkulin bilang coordinators. Hindi gaanong mahalaga ang posisyon bilang elected officers mahalaga ang gawaing kailangang tuparin, ang gawain bilang coordinator sa komunidad.

Mga Problemang Hinaharap

Napag usapan din sa meeting ang mga problemang hinaharap nila tungkol sa kapwa lider. Apektado sila ng inggitan sa puwesto, hindi pagtupad ng tungkulin, ang hindi pagbibigay ng oras sa gawain ng komunidad, ang pagiging self- centered, ang kakulangan sa communication, at ang pagkakaroon ng factions sa mga lider.

Dapat isipin ang epekto nitong mga problemang ito sa mga lider na malinis ang hangarin na magsilbi sa komunidad. Hindi ba’t dagdag ito sa kanilang pinapasang tungkulin? Hindi ba’t taliwas ang mga ito sa kanilang posisyon bilang lider ng komunidad? Hindi ba’t ang magiging biktima nito ay ang komunidad mismo?

Maaaring ang ilang lider ay nag-iisip: Bakit hindi natin maiwasan ang mga problemang ito? Bakit hindi yata mahalaga sa ibang lider na hindi tumutupad sa tungkulin na mapabuti ang komunidad sa tulong ng lahat?

Dito lumalabas ang mga tanong: Bakit mo tatanggapin ang tungkuling maging lider kung hindi ka handang magsakripisyo? Para saan ang iyong tungkulin kung hindi naman tutuparin?  

Pagsusumikap Kahit Mahirap

Malinaw sa meeting na ito na tanggap na sa mga community coordinators ang ganitong mga problema. Malinaw din sa kanila na mas mahalaga na pagtuunan ang dapat gawin at ang magagawa para sa komunidad kaysa mapigilan ng mga problemang dulot ng kapwa lider.

Lumalabas din dito ang kabaitan ng mga lider na hindi tumitigil sa gawain sa komunidad kahit may mga problemang hinaharap. Lumalabas na hindi pang-sarili ang kanilang ginagawa. 

Mga Solusyon

Sa karanasan ng mga community coordinators sa meeting, may magagawang paraan para maayos ang problema ng mga lider. Isa sa solusyon ay ang pagkakaroon ng paraang magkausap. May nagsabi na mahalagang magkaroon ng “heart-to-heart communication.” Maganda ito, nguni’t hindi mabilis gawin. Dapat ay handa ang bawa’t panig sa ganitong usapan, at kung kinakailangan may mamagitan o taong tutulong sa pag-uusap.

Joy of Serving 

Isang katangian ng mabuting lider ay yung pagsasakripisyo ng pagod, oras at isip. Madalas may dagdag pa, sakripisyo ng bulsa.

Hindi dapat umaasa ang mabuting lider ng kapalit sa mga pagsasakripisyong ginagawa. Ang makukuhang kaligayahan ay hindi para lang sa sarili (satisfaction for achieving something) kundi para sa iba at sa komunidad (altruism).

Sa mga lider na hindi kumikilos ng ayos, malamang ay hindi malalim ang kaligayahang matatamo sa kanilang ginagawa. 

Hindi kailangan ang lider ay isang Superwoman o Superman. Hindi rin dapat na siya ay mayaman o may impluwensiya. Ang kaila-ngan ay isang karaniwang nilalang na may puso at isip na magsilbi sa komunidad. Mula dito mapag-aaralan ang ibang kakayanan ng pagiging lider.

Kaya’t dapat isipin ng mga miyembro ng komunidad na suporta sa kanilang lider ay kailangan. Kung sila ay may inaasahan sa kanilang lider, dapat sila ay handa ring tumulong sa anumang gawain ng komunidad na kailangan.

Sa mga tunay na lider na may puso para sa iba at sa komunidad, mabuhay kayo! Dumami pa sana ang mga katulad ninyo!


Abie Principe

Shoganai: Gaijin Life
A New Year

Jan - Feb 2015

Dreams of a better year...

Taun-taon na lang. Taun-taon. Parang walang pagbabago. Naalala ko pa noong bata ako, tuwing bagong taon, dapat tumalon pag sapit ng alas dose, para tumangkad. Taun-taon, talon ng talon. Asan ang pinangakong tangkad?

Ang tanong naman diyan, bakit naman ako maniniwala na ang isang araw at isang takdang oras sa isang taon ay mabibigyan ako ng isang bagay na genetically wala naman sa pamilya ko? Hindi ba ako ang may problema dito at hindi ang Bagong Taon?

Paminsan-minsan, ganyan tayong mga Pilipino. Pag may paniniwala, kahit na ang siyensya mismo ay nagsasabing hindi ito possible, tinutuloy pa rin natin. Yung iba, sinasabi hindi lahat kaya ng logic ang science. Naniniwala rin naman ako dito. Mayroon rin namang faith in a higher being. Pero iba ang "faith" sa "blind faith" at mas lalong naiiba ang "maling akala." Not to be insulting, wag po tayong tumalon sa mga maling akala. Napapansin ko kasi karamihan sa ating mga Pilipino, kahit po ako, at malamang kayo rin Dear Reader, ay guilty sa patuloy na paniniwala sa maling akala. Nandyan ang "akala ko pwede" mentality, tapos pag hindi, naghahanap ng masisisi. Di po ba? Nandyan rin ang "lahat sila ganon e, akala ko ako rin ganon." Tapos sa huli, hindi pala ganoon. Ang ganitong pag-iisip, dapat maiwan na sa lumang taon. Ngayong bagong taon, bagong pag-iisip na ang pairalin. Kahit na medyo palasak na ang mag New Year Resolution, gagawa pa rin ako. Ang akin ay iwasan ang mga maling akala, matutong makinig ng mabuti, at magpatuloy sa pag-aaral, dahil life is a learning process di po ba? Ibinabahagi ko lang ang balak ko ngayong bagong taon, at isa pa, hindi na ako tatalon pag sapit ng hating gabi.

New Year, new way of thinking, new life, new me! Sana new you rin!

Happy New Year!

Karen Sanchez

Stop Light!

Jan - Feb 2015

Bagong Taon na naman mga kababayan at kasunod naman ay araw ng mga puso. Maligayang Bagong Taon at advance Happy Valentines’ po sa ating lahat dito na nasa ibat-ibang sulok ng Japan. Napakabilis po ng panahon, hinde po ba?  Nawa'y ating nakamtam o makamtan ang karangyaan, kaligayahan at katahimikang ating inaasam-asam na ating matagal-tagal na ring pinagtatrabahuhan.  Maraming salamat po sa nagdaang taong inyo kaming sinubaybayan at inaabang-abangan. Sa pagpapalit ng panahon at pagliligpit ng mga gamit pang tag-init ay nahalungkat ko po ito at sa unang hirit po sa taong ito.  Gusto ko pong  ibahagi sa inyo sa mga panahong nagdaan,  habang bawa’t isa sa atin ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan at lubos po akong umaasa na inyo itong magustuhan at patuloy ninyo itong maaalala at sana ay huwag po ninyo itong makakalimutan.  Isinulat ko po ang tulang ito habang nasa loob ako ng eroplano papuntang Dominican Republic,  dahil  sa tagal at haba at palipat-lipat sa eroplano pinamagatan ko itong...

Saan ka ba patutungo?
Tsinelas man, bisekleta o motorsiklo
Tren, jeep, bus, barko man o eroplano
Lahat ng daan ay may liko o baku-bako

Pasasaan ka man sa mundong ito
Marami at sari-saring tao ang iyong makakabanggaan
Makakasalamuha at  makikilala mo
Minsan dahil sa lakbay na ito 
sila'y magiging  kaibigan mo

Sa buhay man, lahat tayo ay mga biyahero
Hero ng mga  pamilya o ng ibang tao
Saan man ang tungo o punta o narating mo 
Ito ay ang Diyos sadyang ipinagkaloob sayo

Baku-bako man ang iyong pinagdadaanan 
Laging tandaan, Panginoon ay laging nasa tabi mo
At sa lahat ng iyong pinatutunguhan 
Tiyak may magagandang mga nakalaan sayo

Mahaba man ang iyong nilakbay o pinilahan
Samo't-sari man ang mga kinaila-ngan mo
Kung pursigido ka na pangarap mo'y makamtan
Sa sipag, tiyaga at dasal, lahat ay mapapasa iyo

Huwag sana makakalimot sa  iyong pinagmulan 
At laging lumingon sa iyong pinang-galingan
Sa mga taong nakasama mo't gumabay sayo
Sa hirap at ginhawa, sana sila ay maaalala mo

Sa mga paglalakbay na aking naranasan ay may mga bagay akong natutunan at lubos na pinatunayan. Ito ay ang kailangan lumabang mag-isa at tumayo sa sarili kong mga paa. Minsan kahit kapamilya o kahit sino ay wala din magagawa dahil minsan kinakailangan sa atin mismo magmumula ang pagsisikap na malagpasan ang anumang sitwasyon mayroon tayo. At laging iisipin na kahit anuman ang sabihin ng iba, hanggang alam mo ang iyong layunin at mithiin sa iyong buhay ay huwag papaapekto bagkus dapat ituon ang isip sa mga pangarap na gusto nating makamtam o marating. 

At sa tuwing nakakakita ako ng mga stoplights ay naaalala ko na minsan hindi kailangan go lang ng go. Maaari nating ikapahamak ito. May mga bagay na kinakailangan nating pag-isipang gawin at may mga bagay na dapat nating antayin. Kagaya na lamang ng mga pagkakataong dumarating sa ating buhay. Kapag dumarating ang pagkakaton na alam nating imposible nang mangyari ulit at malaki ang kahalagahan nito sa ating mga sarili at sa palagay natin hinde naman ito masama ay sunggab na agad!  Kung alam nating makakasama sa atin o may mga taong lubos na maaapektuhan sa ating gagawin, dapat na muna tayo magmuni-muni at umiwas o tumigil. May mga pagkakataon din namang nabibigo tayo, kailangan laylow muna, mag-antay o maghinay-hinay at isipin na lang natin na baka hindi para sa atin ang mga iyon. At may mga bagay na kinakaila-ngan nang itigil at sa pagkakataong ito, hindi nangangahulugan na tigil na rin ang buhay nating nararapat na humanap tayo ng ibang paraan o daan para maipagpatuloy natin ang ating mga buhay.

Muli, nais ko lang pong ipaalala sa ating lahat, na sa pagpapalit ng taon, sa bawat paglalakbay na ating gagawin at sa bawat lugar na ating mararating, kasabay nito ay ang buhay o landas na dapat nating tahakin. Maging handa sa mga naging desisyon natin. Lagi nating isipin o tingnan  ang "stoplight"  isang sign, signal o paalaala kung dapat ba tayong mag stop, look and listen sa mga bagay-bagay na kinakailangan nating harapin. At hindi natatapos ang buhay natin sa iilang pangyayari o pagkakataon lamang o paglalakbay lamang. Tuluy-tuloy lang po ang buhay.

Happy New Year and Advance Happy Valentine's Day to all! May the love and peace will stay forever in our hearts! God Bless us all!

Isabelita Manalastas -Watanabe

Advice ni Tita Lits! Take it or Leave it!

Jan - Feb 2015

Dear Tita Lits,

Gusto ko lang magtanong tungkol sa medical insurance (kokumin houken).
Kasi po, meron pong nadiskubreng tumor sa aking tiyan ang duktor sa ospital dito sa Nagoya. Medyo cancerous po raw siya kaya kailangan alisin bago lumala pa. Tanong ko po, pwede kayang magamit ang insurance ko sa Pinas? Hindi ko po kasi maintindihan ang lenguahe nila dito kaya medyo kabado ako. Mas magaan ang loob ko kung sa atin ko na lang ipa-opera ito. Pero, sana magamit ko ang kokumin houken. Maari po ba yon? Salamat po ng marami.

Angie, Nagoya

Dear Angie:

Kokumin Kenko Hoken (National Health Insurance) ay isa sa dalawang major types of insurance programs sa Japan.  Iyong isa ay iyong Kenko Hoken (Employees’ Health Insurance).

Ang Kokumin Kenko Hoken ay para sa mga taong hindi eligible na maging miyembro ng employment-based health insurance system.  Kahit mayroong available na private insurance, lahat ng Hapon, mga permanent residents sa Japan, at kahit sinong non-Japanese na nakatira sa Japan na may visa validity of one year or longer, ay required na mag-enrol either sa Kokumin Kenko Hoken or sa Kenko Hoken.

So, I will assume na member ka ng Kokumin Kenko Hoken.  

Ang intindi ko sa rules ng Cash Reimbursements from Kokumin Kenko Hoken, maaaring gamitin ito kapag biglang nagkasakit overseas ang miyembro, ngunit hindi maaaring maka-claim kapag ang miyembro ay pupunta sa overseas para magpagamot or mag-recuperate.

Kung tama ang intindi ko, it means hindi mo pwedeng gamitin ang iyong Kokumin Kenko Hoken sa iyong case, dahil hindi ka naman biglaang nagkasakit habang nagta-travel sa Pilipinas.

Para makasigurado, dahil hindi naman ako expert dito sa topic na ito, dumalaw ka sa iyong local ward office, kasi ang mga local ward offices ang nagma-manage ng Kokumin Kenko Hoken.

Ang personal kong advise sa iyo ay dito ka sa Japan magpa-opera.  Tutulungan ka naman ng doctor mo sa Nagoya.  At kung may mahagilap kang kaibigang marunong mag-Hapon, o Hapon na kaibigang marunong mag-English, magpatulong ka na lang when you get confined, for your peace of mind.

Dear Tita Lits,

Tanong lang po ako about the permanent residence status. With the new ruling, hindi na kailangan ang Re-Entry permit for us kung babalik tayo within a year. Ano po ba ang mangyayari kung hindi po makabalik sa Japan after a year has passed without a Re-Entry permit? Kasi yung friend ko, permanent resident siya at nagbakasyon ng mahaba sa atin. Plano talaga niyang umuwi within one year pero sa kamalasan, na aksidente at na confine sa ospital ng mahabang panahon at hindi po makalakad. Lalo pang humaba ang bakasyon niya. Wala siyang Re-Entry permit ngayon at sumobra na sa isang taon. Makakabalik pa kaya siya sa Japan? Ano po kaya ang pwedeng gawin niya sa atin?

Corazon, Yamagata

Dear Corazon:

Please access, the official site of the Ministry of Justice of Japan for complete information and answers to your question.  I will quote some pertinent information from the website:

“A special re-entry permit system will be introduced.
Foreign nationals in possession of a valid passport and resident card will be re-entering Japan within 1 year of their departure to continue their activities in Japan will, in principle, not be required to apply for a re-entry permit.” (This is called special re-entry permit).
“Foreign nationals who have departed from Japan on a special re-entry permit will not be able to extend that permit while abroad.  Please note that such foreign nationals will lose their resident status if they fail to re-enter Japan within 1 year of their departure.”

Corazon, siguro dapat kumontak urgently sa Japanese Embassy sa atin ang friend mo. Baka maayos, kasi ang reason na sumobra ang stay ay dahil naaksidente ang friend mo.  

Dear Tita Lits,

Lagi kong sinusubaybayan ang column ninyo paglabas ng Jeepney Press. Ngayon, gusto ko pong ibahagi ang nilalaman ng damdamin ko. Isa po akong overstay dito sa Yokohama. Limang taon na akong hindi nakakauwi sa atin. Iyan po ang malaking problema ko. Ang visa. Ngunit iba po ang ikukunsulta ko sa inyo. Meron po akong asawa at dalawang anak sa Cebu.  At meron po akong sinasamahan na babae dito, tawagin natin sa pangalan na Maria. Pilipino rin siya. Dalawang taon na kaming nagsasama at siempre, mahal ko rin siya. Pero mahal ko rin po ang asawa at anak ko sa Pinas. Alam po ni Maria ang tungkol sa buhay ko at OK lang naman sa kanya. Mabait po siya sa akin at minsan, siya rin po ay tumutulong magpadala ng pera sa pamilya ko kung nagigipit ako. Nagmamahal po ako sa dalawang babae. Hindi po alam ng pamilya ko sa Cebu itong sitwasyon ko sa Japan. Ngayon, buntis po si Maria. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Ngayon ko lang nararamdaman ang nagawa kong gulo at kasalanan. Ano po ang maipapayo ninyo?

Robert, Yokohama

Dear Robert:

Talagang malulunod ang isang taong namamangka sa dalawang ilog!

Hindi ko alam ang status ng visa sa Japan ni Maria.  At kung valid naman, ay kung anong klaseng visa siya mayroon.  Kung work visa or permanent resident visa, wala siyang problemang ipanganak dito sa Japan ang inyong anak.  Kung walang valid visa si Maria katulad mo, hayan ang hindi ko masasagot kung ano ang mangyayari.  Kung may valid visa, pwedeng ma-rehistro ng walang problema ang bata, at maaayos ang kanyang papeles as dependent ni Maria.

May alam ako na actual case na nagbuntis dito at nanganak dito.  Kaya lang, may visa pareho ang tatay at nanay.  Pagkapanganak, within 30 days, dapat  i-registro ang bata sa local ward office.  Maaaring ang nanay lang ang mag-ayos nito.  Kaya lang, kailangan din ng mga dokumento ng husband niya – passport, resident card, etc.  Tapos, within 30 days ay i-registro na rin sa Philippine Embassy ang bata, at i-apply na rin ng passport para minsanan lang.  Tapos, i-apply ng Japan visa ang bata sa Japanese immigration.

Dahil wala kang papeles  Robert, hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag idineklara ni Maria na ikaw ang tatay ng anak niya.

Mag-konsulta siguro kayo dapat sa Philippine Embassy – Assistance to Nationals section.  

Dear Tita Lits,

After 30 years married to a Japanese, I am now divorced. Nagkaroon po ng affair ang asawa ko. Ang napakasakit po, pinagpalit niya ako sa isang Pilipina at 20 years younger pa sa akin. Aray ko po! Tulad ko, nagkita rin sila sa isang omise. Isang taon na ang lumipas at hindi pa rin ako maka- recover. Masakit pa rin po sa dibdib at kung naaalala ko ang lahat ng sinungaling at pagbabalatkayong ginawa niya sa akin, lalo po akong naiinis sa galit. Ginagawa ko lahat ng aking kaya para makalimot ngunit pabalik-balik ang mga masasaklap na eksena sa aking ulo lalo na tuwing gabi. Binigyan na rin po ako ng sleeping pills ng duktor ko. Minahal ko po siya at binigay ko ang lahat ng buhay at kaluluwa ko sa kanya. Ngayon, I can’t seem to pretend that nothing happened. Napakasakit po!

Cherrie, Fukuoka

Dear Cherrie:

Masakit na masakit talaga ang iyong naging experience.  Sana, makatulong ang bigay na gamot sa iyo ng iyong duktor.  Hindi ko alam kung ano ang iyong pinagkakaabalan mo sa iyong buhay ngayon – kung may trabaho o business ka. At hindi ko rin alam, kung may anak kayo ng asawa mo.  Ang maipapayo ko lang ay “to keep yourself busy with whatever work you are doing, or if you have a child, to do your best to be strong for his/her sake.”  Kailangan ka ding magkaroon ng social life. Time to develop friendships.  Open your self as well, to the possibility of meeting another possible love.  Walang matanda when it comes to love, Cherrie.  Mag-ayos ka, mag-make-up, buy something nice for yourself – maybe a dress, nice shoes.  And finally,  huwag kalimutang magdasal at tumawag sa Diyos, for strength na malampasan mo at makalimutan na itong masakit na kabanata sa iyong buhay.  There is light at the end of this dark tunnel in your life, Cherrie, so SMILE!

Neriza Sarmiento Saito

On the Road to:
John Urashima: The Legend With Filipino Major Students at
the Osaka University  in Minoo

Jan - Feb 2015

A very Happy New Year to everyone! It is 2015, the year of an animal with fleece as white as snow...the SHEEP!

I am going to feature in our opening of the year issue, a group of second year university students who resembles the loyal and gentle qualities of the sheep. And more than that, there is something unique about them. After more than 25 years since the Philippine Language Studies was established in the former Osaka Gaidai, and since its merger with Osaka University, a Filipino-Japanese student passed the rigorous entrance exams Jun Takayama, whose mother comes from Lucena, Quezon. His father is a Japanese businessman. His presence in the class was one of the factors that brought them closer together in the production of John Urashima. I was only joking in the class when I first saw him saying "Jun, mukhang Filipino ka" (You look like a Filipino) and his classmates suddenly said...”You are right!” And then they said that it took almost a year before Jun told them about his real roots.

The story of the original Japanese folk tale Urashima Taro follows his adventures and encounters with various characters in the seaside and underneath with an underlying theme of global warming. Jun and Akihiro Takase were double casted as Urashima John in this script penned by Kana Matsuda. With the guidance of Prof. Masanao Oue and visiting professor Romulo Baquiran in the Filipino translation, names and things in the scenes had local colors like the words pawikan, espada, talakitok, mangga, etc. 
Akihiro has an amazing skill in memorization. He could memorize the lines of the other characters. His classmates told me that from his home in Takatsuki, he goes to the University by bicycle everyday. That is indeed amazing! Kana Matsuna poses with the cast. Akihiro and Jun in front Shiori, Kayo Yurina, Natsumi and Ayami Chihiro, Akiyo and Ayaka Taiki Yasuda, Mariko Yamamoto (production) and Yukiko Gamou (Narrator).

Natsumi Tani and Ayami Ueda played the role of the two mischievous children. Ayami said that it was hard to memorize lines and movements but thanks to Kana's patience and theater experience everything went well. In the beginning, Natsumi was not at ease with her role but after continuous prodding to act like a child. And remember how naughty she was before. She began to enjoy the role and acted convin-cingly. Yurina, who played the role of the pawikan, was the perfect choice because of her dance background and her ability to memorize quickly. She was in the Philippines last summer for volunteer work.
The roles of Talakitok and Isdang Espada were played by Kayo Uesugi and Shiori Sanda. Kayo has a vibrant stage presence and resonant voice that encouraged the shy and soft-voiced Shiori to do her best onstage.
At the palace scene, 3 princesses emerged wearing colorful costumes designed by well known theater artist Salvador Bernal. Originally, those costumes were made for the Osaka Gaidai Filipiniana Dance group upon the request of Prof. Masanao Oue and Dr. Nick Tiongson in the mid 1990's. Akiyo Yamamoto from Kobe plays as one of the princesses. She plays the violin and has performed at various concerts of the Osaka University’s symphony Orchestra. She has been to the Philippines a couple of times with her classmates. Ayaka Sasaki became interested to major in Philippine Studies after being acquainted with a Filipino co-worker. Chihiro Kato loves to listen to Filipino music on You Tube and credits her proficiency in Filipino to that. Her group is now doing a research on Philippine movies TV and music for a presentation in January.

One of the most challenging roles is the narrator played by Yukiko Gamou who is basically quiet but a deep thinker. She strived her best at rehearsals and asked me to coach her on pronunciation. On her free time, she designs ads and posters. The pictures for this article were contributed by Yukiko and Haruna, a production assistant. Haruna belongs to the cycling club. She considers her work in costumes and props and subtitles most challenging. Mariko Yamamoto was in-charge of lights and although behind the spotlight this time, she made her classmates shine onstage. Mariko has represented Osaka University at a presentation in Tokyo last summer. Taiki Yasuda, the football star stayed in the background managing the sounds, editing and helping with the making of the props. For several days, he made the sword used by John Urashima and the turtle's costume! Taiki is the leader of his class.

Sometimes true leaders are the ones who choose to sit at the back seat and
deliberating on how to run the group. Kana Matsuda is the type of a leader
who carefully plans and analyzes. She took everyone's opinions seriously and vital for the group's success.

At the "Otsukaresama Party" for the cast and staff and professors held at the residence of Prof. Satoshi and Takako Miyawaki, everyone enjoyed pancit, adobo, sinigang na hipon and many more!
Touched by this "omotenashi" of the Miyawaki family and her classmates' cooperation and camaraderie, Kana was in tears.

Once more, the theater changed the lives of these young students and John Urashima... The legend has fostered the spirit of BAYANIHAN!


 --photos courtesy of Yukiko, Haruna and Yukko

Alma R. H. Reyes

TRAFFIC: "Boy will be Boy" Boy Katindig`s Japan Comeback

Jan - Feb 2015

The Year of the Horse seemed to have faded away with a sprint the horse, galloping to journeys of success the way Filipino jazz icon Boy Katindig pranced towards Japanese soil for the Tokyo-Manila Jazz & Arts Festival that took place last November 28-30.

As Boy tiptoes guardedly to usher in the Sheep its gentle fleece of dreams, sophistication, charm, delicacy, and creativity, he may have just met his luck for 2015 with his much awaited comeback to Japan after more than 30 years. After the enormous success of the TMJAF 2014, we shall hopefully see more of Boy, bouncing his fingers to favorite piano jazz standards, both in Manila and in Japan.

AR: So, how do you feel being back in Japan?
BK: It’s really a great feeling being back in Japan since my Circus Band trip. Japan has changed so much after more than 30 years! I went to Shibuya where I played years ago, and wow, you don’t see the same things anymore.

AR: What do you remember most about Japan back then, especially with regards to your work with Japanese musicians?
BK: My first time in Japan was with the Circus Band, but my first collaboration with a Japanese musician was with Tadao Hayashi when we performed together at the Araneta Coliseum. You know, jazz has evolved tremendously over these years. Back then, Tadao was doing a lot of pop jazz because that was what people wanted to hear. Pop jazz was the trend then. But, what I was doing was more contemporary jazz, fusion…like Chick Corea. I think we were pretty advanced during that time (in the Philippines), in terms of our music style. That was music that Filipinos were not used to hearing. You go to Araneta Coliseum, and you get crossed eyebrows, like “Huh?”

AR: Surely, you will always be regarded as the pioneer of smooth jazz in the Philippines. No other Filipino jazz musician, or family of musicians has come so close to penetrating the local jazz scene.
BK: I’m not really sure if I was the pioneer…but yes, I focused very much on smooth jazz then. My album, “Groovin’ High” was the step towards creating smooth jazz music. During that era, I was touring with Paul Taylor. In all those tours, I heard a lot of smooth jazz. You have to think of the business side as well—how you can sell your records. A lot of people were checking out jazz festivals; it was like Woodstock: Peter White, Michael Paulo…so I made that album.

AR: But, smooth jazz today is only heard in the US, right? Most smooth jazz artists today claim this genre is dying. What do you think is the reason for this?
BK: Yes…it is on its way out. Fusion is coming in, and returning to standards. People may have just heard too much of it and are looking for something different.

AR: Tell us about your exit to the US. What made you decide to leave the Philippines in the mid ‘80s?
BK: Back in Manila, a lot of my records were being played on the radio. You need radio to be heard, and then people buy your music. But, jazz stations in the Philippines reformatted. Helen Vela came in—well, that and punk rock were what the mass wanted to hear, right. There was no other way for me but to exit. My parents were already then in the US. They thought I could explore my jazz interests in the US, and I’m glad I made the move. Meeting Al Jarreau, Gerard Albright, Kalapana, James Ingram, Johnny Mathis, Kenny Loggins, Patti Austin, David Benoit…and so many others. It was the place to be. Even jazz clubs in Manila died out. The last time I played there was in the Tap Room at the Manila Hotel on the first anniversary of Ninoy Aquino.

AR: How do you see yourself if you never left the Philippines?
BK: Wow, if I never left, I may be dead by now (laughs)! Seriously, many of my contemporaries have passed away. There was no place then to play; you weren’t given the drive to write songs. I would have ended up very old, frustrated and depressed (laughs).

AR: What are your thoughts of OPM today? Could the local scene still revive those good old days of the Apo Hiking Society, Jose Mari Chan…?
BK: I think OPM still exists. Ogie Alcasid is composing a lot. Noel Cabangon is doing a great job. Rico Puno is still there. Fans flock his US tours. I’m part of the World Youth Jazz Festival. We now look to the young artists since they are the future; they need to be nurtured as long as they write original material. Even my band members are young musicians; I prefer to work with the young artists these days. Also, I formed the Boy Katindig Jazz Competition. Through that, we were able to send young musicians to Malaysia and let them experience playing in front of a huge audience. I think there is hope for OPM or jazz back in the Philippines if they revive jazz radio stations, or open more venues. If you don’t have those things, how can people listen to you?

AR: And so, the TMJAF was very lucky to have you in its festival this 2014. How did this collaboration start?
BK: I’m really happy about the TMJAF. Charito and I were already friends in Facebook, and then one day, we just started talking about doing something. It’s really healthy to collaborate with the Japanese musicians and to exchange ideas—to have them play your music. It definitely has to continue every year; otherwise, you don’t meet the purpose.

AR: Looking to another Circus Band reunion soon? Or, a future project?
BK: (laughs) You know I have been offered to reunite the Circus Band. I said, we could only do it if all the members are complete. But Pabs (Dadivas) for example, has changed religions—there are a lot of restrictions—and he was our clown. You can’t have a circus without a clown. I only joined one Circus Band reunion when all the members were complete. Without everyone there, it doesn’t complete the concept. But aside from that, I plan to do a 40th anniversary concert soon.

Whether they’re “My Thoughts of You,” “My Inner Fantasies,” “Without Your Love,”  “Don’t Ask My Neighbor,” “What I Feel,” or “Away From You,” Boy Katindig shall never be far and away from his piano, always ready for a fusion comeback, and jamming with the youth for the future of jazz.

Jazz it up for the New Year!

Irene Kaneko

"10 Years of UTAWIT Thanksgiving"

Jan - Feb 2015

It gives me so much joy and bliss that after 10 years…
we’re still here.

10 years. Not easy.
10 years of hard work & laughter.
10 years of friendship.
10 years of musical joy.

The sun was brightly shining that day as all the production staff started to prepare and do their own tasks; the glowing faces of the grand finalists preparing and anxiously waiting for the time to do their greatest performance of their life. 

Contestants did not see each other as competitors but rather friends helping each other in their performance, clothes and make-up. This is actually the essence of Utawit: the friendship and oneness that evolved within the group. 

There was an atmosphere of excitement in the audience where everybody knows everybody from our very own Ambassador Manuel M. Lopez & Madame Maria Teresa L. Lopez with the Deputy Chief of Mission Gilberto G.B. Asuque & Mrs. Rosalie Asuque, and more officials and staff from the Embassy of the Philippines in Tokyo were in attendance.

Leaders and friends from the FilCom in Kanto area were there. However, a feeling of anxiety and nervousness can be felt at the front part of the hall, where the families and supporters of our contestants from all over Japan were seated.

For as long as the dynamic Regional Groups are here…
thank you for saying “yes” to host a Regional Qualifying Round in your area:
1. Utawit Iwate: Bayanihan Iwate - Ofy Daza Takahashi, President
2. Utawit Sendai, Miyagi: Damayan & The Kapatiran - Charity Sato, Damayan Vice- President & The Kapatiran Adviser 
3. Utawit Yamagata: Fil-Jap Association in Yamagata - Erlinda Castillo, Vice- President
4. Utawit Kanagawa:  The Ulila Foundation - Joseph Salcedo de Leon, Founder
5. Utawit Nagano: Fujimi Filipino Catholic Community - Edna Kodaira, Adviser
6. Utawit Hamamatsu, Shizuoka: Utawit Hamamatsu Executive Committee 2014 - Silvana Sugiyama, Chairman
7. Utawit Nagoya: Philippine Society in Japan-Nagoya - Nestor L. Puno, President
8. Utawit Kyoto: Mother Earth Connection Kyoto, Japan - Maria Emelia Medellada Arai, Coordinator
9. Utawit Obama, Fukui: Filipino Association of Wakasa, Inc. - Mia Yoshida, President
10. Utawit Hiroshima: Hiroshima Assistance for the Filipino Community- Rachel Semizo, President
11. Utawit Kagawa: Kagawa Filipino Community - Maria Estrella Bitoon-Inubuse, President
12. Utawit Fukuoka: Global Filipino-Japanese Friendship Association - Rosemarie Aritaka, Founder & President
13. Utawit Oita: Oita-Philippines Friendship Association - Ms. Barbara Rivera, Adviser

For as long our Philippine Embassy support is here…
UTAWIT’s former advisers, who were not able to join in the day’s festivities, shared in our celebration & greeted everyone by their video messages: Reydeluz Conferido, now the Undersecretary of DOLE (Department of Labor and Employment); Saul de Vries, now the Director of Department of Labor and Employment, International Labor Affairs Bureau; Josephine Sanchez-Tobia, now the Officer in Charge of Planning & Program Development-OWWA; Ryan C. Pondoc, now the Vice-Consul & Third Secretary of the Philippine Embassy in Dubai. Father and Founder of Gawad Kalinga, Tony Meloto, gave his video message, also.

Thank you very much for the guidance and intelligence received from our Utawit Advisers, Minister and Consul-General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio and Third Secretary and Vice Consul Andrea B. Leycano.

For as long as our friends and supporters are here…
The Honorable Board of Judges:
Mr Arnel Castillo, Utawit 2007 Grand Champion; Ms Emma Cordero, Asia’s Princess of Songs; Dr Mel Zulueta Kasuya, Soprano and Musical Director of the FilCom Chorale; Ms Leith Casel-Schuetz, Musical Director of the FilCom Chorale; Minister Angelica C. Escalona; Minister & Consul General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio; Madame Maria Teresa L. Lopez and the Chairman of the Board of Judges, Mr Akihiko Shimizu, the Executive Vice President of Sony Music Direct (Japan) Inc.

Thank you very much for sharing your time in doing the most difficult job –  choosing the winners of the Utawit 2014 GRAND FINALS.
1. Cristina Yasuda – Kanagawa
2. Hazel Yamada – Sendai
3. Antonino Mark Bangis – Kagawa
4. Karen Gay Sakamoto – Kyoto
5. Melanie Shihara – Fukuoka
6. Romelyn Tanaka – Hiroshima
7. Bablyn Virtudazo Tanaka – Nagano
8. Vanessa Yoshida – Oita
9. Loma Raquel Ito – Tokyo
10. Yuichiro Matsuo – Fukui
11. Janeth Watanabe – Nagoya
12. Rowena Mangabat – Yamagata
13. Mami Terui – Iwate
14. Kateryn Cabalatungan - Shizuoka

Thank you very much to our official videographer/ photo-grapher Red School Media Production (RSMP) - Alden Estolas, JP Punzalan & Waweng Ga. We also had our other pro photographer friends who took their own share of Utawit moments Bonbon Garbanzos, Philip Bueza Ricafrente Watanabe, Juliuz Angelo, Joe Anne de Vera and many more.

For as long as our beloved sponsors are here…
Cebu Pacific, Seven Bank, Family Mart/Western Union/DSK, SPEED, Metro Remit, Philippine National Bank, Asia Vox Limited, Ihawan Restaurant, Asia Yaosho, Maki Beauty, Amejisto Inc., Pay Bux Card, La Cusina, EMCOR Music Bar & Restaurant, Kowa Gakuen, Mayumi Ozawa & Attorney Carmelita Lozada and many more kind- hearted Donor Friends. Thank you very much! Your sponsorship has helped Utawit in many ways.

Part of the proceeds in Utawit will be donated to our beneficiary. Utawit has been helping small kids in their education, coming from very poor families in different villages under the Gawad Kalinga-Sibol, Child & Youth Development, because Utawit believes that education is the key to a person’s success, shaping lives that are crucial to our society.

Utawit is here to stay...
On behalf of the National Executive Committee Core Groups: Teatro Kanto Organization, Samahang Pilipino-Tokyo, Science & Technology Advisory Council Japan & the Jeepney Press…

All I can say is this simple words we hear everyday but is very meaningful to me especially today.

Maraming salamat po! Thank you very much!
Itsumo osewa natte orimasu. Arigato gozaimashita!

Nestor Puno


Jan - Feb 2015

Ang mga dayuhang permanent residents na naninirahan sa Japan ay hindi maaaring mabigyan ng “public assistance” ayon sa korte suprema dito sa Japan, batay sa desisyon sa isang kaso ng 82 taong gulang na Tsino na naninirahan sa Oita Prefecture.

Ayon sa desisyon ng nasabing korte nitong nakaraang July ng taong 2014, ang mga permanenteng dayuhang naninirahan sa Japan ay hindi sakop ng tinatawag na “public assistance” dahil hindi raw tayo mga Japanese. Ang sinasabing “all nationals” sa Article 1 ng 1950 Public Assistance Law, ay para lamang daw sa mga Japanese nationals. 

Ang desisyong ito ay nagbigay saya sa mga Hapon na ayaw sa mga dayuhan at sa mga mambabatas na nais magbawas ng gastos para sa kagalingan, at maglilimita sa serbisyong ibibigay sa mga dayuhan. May mambabatas na maka-kanan (rightist) mula sa oposisyon, na naghain ng batas na magbibigay sa mga dayuhang nangangailangan ng tulong ng isang taon upang magdesisyon kung sila ay magpapalit ng nasyonalidad para maging Hapon o lisanin ang Japan. Mayroon ding mambabatas mula sa partido ng kasalukuyang administrasyon na naghahain ng batas na magbibigay ng alituntunin sa mga serbisyong ibibigay sa isang dayuhan, particular sa mga mid-to-long term residents. Maglalagay ng takdang panahon kung gaano katagal sila na dapat manirahan bago makatanggap ng kaukulang serbisyo. At maaaring hindi mabigyan ng ekstensyon sa visa kung hindi kayang tumugon sa  sariling pangangailangan. Sa mungkahing ito, hindi kasama ang mga permanent residents. Mayroon ding mga Japanese na may anti-foreigner sentiments na patuloy na naghahain ng petisyon sa gobyerno upang itigil ang serbisyong pangkagalingan sa mga dayuhang naninirahan dito sa Japan.

Sa kabila ng mga pangyayari, ang Kagawaran ng Kagalingan (Welfare Ministry) ay nagpahayag na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng serbisyo sa mga dayuhang residente tulad ng serbisyong ibinibigay sa mamamayang Hapon, batay sa kanilang panukala na pinapadala sa mga lokal na pamahalaan simula pa noong 1954. Subalit ito ay batay sa pagpapasiya ng bawat lalawigan at hindi dahil sa polisiya ng pamahalaan. Kaya ang isang dayuhan ay hindi maaaring mag-apila o magsampa ng kaso sa korte kapag hindi binigyan ng suporta ng lalawigan na kanyang tinitirhan, tulad ng kasong nabanggit sa itaas. Paano kung magbago ang patakaran o lider na namumuno sa lalawigan?

Ang desisyong ito ay nakakagulat at dapat tingnan ng mga dayuhang naninirahan dito sa Japan na isang malaking problema. Tayo ay nagbabayad ng buwis mula sa ating sinasahod at ng buwis sa lugar na ating tinitirhan bilang isang residente, at buwis sa lahat ng ating binibili, tulad ng karaniwang mamamayang Hapon. Nagbabayad tayo ng seguro (insurance) at pension upang makatanggap tayo ng serbisyo kapag nagkasakit, naaksidente, at nawalan ng trabaho, tulad ng hala-gang ibinabayad ng karaniwang mamamayang Hapon. Bakit hindi tayo pwedeng makatanggap ng serbisyo at tulong tulad ng isang mamamayang Hapon?

Paano ang mga Pinay na iniwan ng mga asawang Hapon, na may anak? Kahit gustong magtrabaho ng normal pero dahil sa kalagayan na single mother ay hindi makayang gawin kaya kailangan ng tulong sa gobyerno upang mabuhay ang anak na isang Hapon. Paano ang mga nagtatrabaho sa mga kumpanya ng 3D (difficult, dirty, dangerous) na malapit sa disgrasya at sakit, wala ba silang dapat matanggap na tulong kung magkasakit o madisgrasya dahil sa paggampan ng kanyang trabaho at mamuhay bilang isang mabuting mamamayan? At isa pa, ang pinag-uusapan dito ay permanenteng residente, mas mahirap lalo kung mid-to-long term pa lamang.

Tulad ngayon, naghahandang tumanggap ng maraming dayuhang manggagawa para sa nakatakdang Olympic sa taong 2020 at problema sa populasyon ng bansa. Bibigyan nila ng trabahong 3D, babawasan ng buwis, subalit hindi ginagarantiya ang anumang serbisyong pangkagalingan?

Sa mga nagkokonsulta sa akin, lagi kong sinasabi na kailangan maging stable ang pamumuhay sa Japan; may regular na trabaho, nagbabayad ng buwis at ng seguro, upang maging batayan sa pag-aaplay ng ekstensyon ng visa. Naniniwala na ako na hindi tayo dapat maging pabigat sa pamahalaan upang makapamuhay dito sa Japan, subalit hindi dapat maging depenido at dapat batay sa kanyang kalagayan. 

Kung obligasyon ang pagbabayad ng buwis at iba pang seguro, dapat ay maging karapatan ng bawat isa ang tumanggap ng serbisyo, anuman ang kanyang nasyonalidad, relihiyon, o paniniwala sa buhay. Ang desisyon na ito ay malinaw na hindi makatarungan at paglabag sa karapatang pantao nating mga dayuhan dito sa Japan.

Mapayapa at Masaganang Bagong Taon!

Loleng Ramos

Kapatiran: Sa Isang Tasang Kape

Jan - Feb 2015

Kape nga!

Manigong Bagong Taon kapatid.  Cheers!  Ano kaya ang hatid ng bagong taon sa ating buhay?  Sabi ni Eleanor Roosevelt, “In the long run, we shape our lives, and we shape ourselves. The process never ends until we die. And the choices we make are ultimately our own responsibility.”  Kaya nga kapag tatamad-tamad, di ba tumatambak din ang trabaho sa huli? Kapag patumpik-tumpik naman, napag-iiwanan! Sa mga walang ambisyon sa buhay, wala ring mararating pero sa mga taong may tiyaga, may nilaga!  Sa mga nagsisikap, may tagumpay!  Paano mo aabutin ang mga gusto mo ngayong bagong taon?  Diskarte na!

Kapag nagpa-plano ka ba sa buhay o basta nag-iisip ng malalim, ano ang nakakatulong sa iyo?  Kapeng mainit ba?  Pampa-gising, pamp-relax, pampa-concentrate.  Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang coffee?  Coffeebreak ba?  Starbucks? Nescafe? Barako? Civet? Burol?  Hang-over?  Isang tasang kape... ano ba ang istorya mo. 

Galing ang coffee sa ibat-ibang uri ng halamang Coffea.  Namumunga ito ng mga coffee cherries kung saan ang buto o mga buto na siyang tinatawag na coffee beans ang pinoproseso para maging kape.  Ang pinaka-kilalang uri nito ay ang Coffea Arabica at ang Coffea Robusta. Sa atin sa Pilipinas, bukod dito, ang Excelsa at Liberica ay tumutubo din.  Sa bansang Ethiopia, ang merong pinakamatandang istorya tungkol sa kape.  Meron daw isang pastol ng mga kambing na nagngangalang Kaldi ang nakapansin na ang kanyang mga alagang kambing ay nagiging masyadong aktibo pagkatapos makakain ng isang uri ng berries kaya't pati siya ay nakikain nito at naramdaman din niya ang pagkaliksi.  Dinala niya ang kanyang nalaman sa monasteryo subalit dahil hindi siya pinaniwalaan, tinapon na lang ng monghe sa apoy ang dinala ni Kaldi na mga coffee beans pero dahil sa masarap na amoy na lumabas sa pagkakasunog nito, nabigyang pansin na rin at nadiskubre na nga ang coffee.

Ilang klase ng kape ang alam mo?  Hindi ako pala-inom ng kape pero natandaan ko dati sa bivouac namin noong high-school sa Batangas, sagana ang camp sa kapeng barako kaya ako rin ay naki-inom, ang sarap!  Nagbaon pa nga ako pauwi, pasalubong kay Tatay.  Ngayon ko nga lang nabigyan pansin, bakit kaya hindi kami makabili ng kapeng iyon ng hindi pupunta sa Batangas eh iyong mga stateside na coffee na siyang mas madaling mabili sa supermartket pati sa palengke ay walang pamana sa lasa ng kapeng barako?  Noong taong 1889, Pilipinas ang ika-apat na exporter ng Coffee sa buong mundo, yumaman ang Lipa City mula dito pero noong 1889, dinapuan ng coffee rust ang mga coffee plantation. Ito ay sakit na dumadapo sa mga coffee trees na iniiwang mala-kalansay ang mga puno at kinatapos ng negosyo ng kape sa Pilipinas.  Hanggang sa ngayon, hindi pa rin tayo nakakabalik sa pag-e-export ng kape pero ang mga kapit-bahay nating bansa tulad ng Indonesia at Vietnam ay mga top exporters na.  Sa ngayon nilalakad ng ating gubyerno ang panunumbalik ng pag-export nito pero maraming balakid.  Ang malimit na pag-bagyo, ang pagpatag ng mga gubat upang gawing syudad pati na rin ng tila kakulangan ng masisipag na tao, ang hirap kaya magtanim.  Sa ngayon, importers pa din tayo.  Kapatid, magandang investment ang coffee farms kung may balak ka mag-negosyo.

Ito ang sampu sa mga sikat na timpla ng kape:

Espresso- mula sa pressurized coffee machine ang tubig na halos kumukulo pa ang magtutunaw sa giniling na coffee beans.  Ito ang basehan ng ilan pang mga timpla.
American coffee  – espresso din na mas marami ang sukat ng mainit na tubig 
Cappuccino - espresso, steamed milk, saka frothed milk. 
Cafe Latte – mas maraming gatas kesa Cappuccino
Cafe au Lait -  pareho ang sukat ng kape saka gatas
Cafe Mocha – espresso na merong chocolate syrup saka gatas na mabula
Espresso con Panna - merong whipped cream
Espresso Granita – cocktail coffee, merong brown sugar saka brandy
Frappe – kape, asukal, gatas, saka mo alugin
Irish coffee -merong whiskey
Melya – may powdered coffee saka honey

Sa ngayon, mas kilala ang civet coffee ng Pilipinas kesa sa mga coffee beans natin na mula sa Batangas, Cavite, Kalinga Apayao, Davao, Mindanao.  Ito nga raw ang pinakamahal na kape sa buong mundo.  Sa New York, ang isang tasa ng civet coffee ay maiinom sa presyong $30 hanggang $70.  Ang isang kilo ay nabebenta ng $800. Sa atin, ang tawag sa hayup na civet ay alamid, sila ay kumakain ng coffee cherries kung saan ang mga buto o ang coffee beans ay kanila ring dinudumi.  Sa loob ng kanilang sikmura ay tila naproseso ang mga beans na ayon sa mga “experts” ng kape ay nagkakaroon ng mas mapait at malatsokolateng lasa.  Mas kilala ito bilang Kopi Luwak na nanggagaling sa Indonesia.  Bakit ganito kamahal?  Kadiri kaya maghalukay ng madumi saka noong una, talagang mahirap makuha ang dumi ng mga alamid dahil sa mataas na bundok na tinitirhan nito at hindi rin naman buong taon ang pagbunga ng mga coffee cherries na kinakain nila.  Kumakain din sila ng ibang prutas at  karne ng ibang hayup.  Ngayon, marami ng walang puso ang humuhuli sa kanila, kinukulong at coffee cherries lang ang pinapakain.  Ang resulta, nababaliw sila sa loob ng kulungan, kinakagat ang sarili at tuluyang namamatay.  Mas baliw yata ang mga taong nagbabayad ng ganito kamahal mula sa mga buto ng “tinae” ng mga alamid at maitim naman ang budhi ng mga hilong negosyante na hindi nakakaramdam ng awa sa kalupitan nila sa hayup!

Kailan lamang ay may dumaig sa Civet coffee, $1000 ang halaga ng isang kilo!  Ilang bansa lamang at luxury hotel ang nabentahan nito.  Ang Black Ivory Coffee, sa dumi naman ng elepante sa elephant farm sa Thailand galing ito.  Hinahalo ang coffee cherries sa kanilang pagkain, sa pagdumi nila sa susunod na araw, kinokolekta ito, saka sinasala ng kamay ang mga buto na naiwang buo sa kanilang sikmura.  Kanino kayang dumi ang susunod?  Sa tao?  Hindi ko maintindihan bakit kailangang iproseso ng isang hayup ang mga coffee beans sa kanilang sikmura para mas sumarap, hindi kaya nasa isip lang ito? Psychological?  Para sa akin, iyong tumubo sa lupa mula sa pag-aalaga ng isang mabuting magsasaka at prinoseso ng marangal ang pinakamalinis at pinakamasarap na kape sa buong mundo!

Ang kape, katulad ng iba pang inumin, pagkain, at bagay ay masama sa katawan kapag sobra, pero sa tamang sukat sa pag-inom nito ayon sa katawan ng isang tao ay marami ring kabutihang naidudulot. Sa ating maling pagkain, sa duming dala ng hangin, sa natural na buhay ng isang tao, maraming pagbabago ang nagaganap katulad ng pagtanda, kung baga sa bakal ay kinakalawang, oxidation!  Ang mga natural na pagkain tulad ng gulay at prutas ay tinatawag na anti-oxidant, sila ay tumutulong magtama ng tila namamali sa loob ng ating katawan, kasama dito ang green tea at ang kape! 
Teka, parang gusto ko uminom ng isang tasang kape.