Pagkahilo (Dizzy spells)
Tanong (T): Dear Doc Gino, gusto ko po sanang itanong kung anu-ano ang mga dahilan ng pagkahilo? For three days nakakaramdam po ako ng pagkahilo. Mawawala pero maya-maya babalik uli. Hindi naman po sumasakit ang ulo ko o anu pa man at wala ring ibang masakit sa akin. Hindi naman ako nasusuka. Basta nahihilo lang po. Nakakapagtrabaho naman po ako, kaya nga lang hindi maganda sa pakiramdam at hindi gaanong komportable. Nai-check ko naman po ang bp ko, okay naman. Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat po ng marami.
Doc Gino (DG): Marami ang mga dahilan kung bakit nahihilo ang isang tao depende na rin sa mga kondisyong pangagatawan, paligid, gulang, problema atbp. Hindi mo nabanggit kung ano ang iyong edad, kasarian, kung babae-huling regla, posibilidad nang pagdadalang-tao, kung gumagamit ng salamin sa mata, impeksiyon sa tainga, kung kulang sa tulog, uri ng trabaho, atbp. Kung hindi naman nakasasagabal ang pagkahilo sa iyong pang-araw-araw na buhay, ang pagpapahinga at sapat na pagtulog ay makakatulong upang manumbalik ang kalusugan.
(T): 29 years old po ako at September 21-24 po ang last menstruation ko. Mayroon po akong salamin, 100 po ang grado ng dalawang mata ko, although hindi ko po masyadong naisusuot. Pero hindi naman po ako nakaramdam ng mga pagkahilo dati. Lately po, stressed dahil po sa trabaho at masyado po akong nag-iisip kaya rin po napupuyat. Nung naligo po kasi ako nung Sunday, nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko po alam kung dahil medyo mainit yung tubig o dahil sa halos katatapos ko lang pagpawisan sa exercise at paglilinis ng bahay nung naligo ako. Sana nga po ay panandalian lang itong pagkahilo ko. Salamat po ng marami.
DG: Mas mainam kung magpasukat ka muli ng iyong salamin sa mata. Marahil ay kailangan mong mag-adjust sa panibagong salamin.
STRESS TAB
With all the adversities happening each day...what could be the most efficient weapon that anyone of us must possess in life in order to survive?
Wow! May nabibili kaya nito? Kung meron, bibili ako. Pero, wala po. We've got all these advanced gadgets around, the best technology wonders popping each time. Pero, there will never be another alternative to the timeless impact of our own mindset.
In fact, kung minsan, dahil sa di na maiwasang pag-usad ng panahon ay nawawaglit na sa isip natin ang "life basics." It is still very important not to forget to go back to the basics every now and then to refresh, di po ba?
It is true that the busy world keeps all of us so occupied everyday. Kaya naman kung may kadalasang hinaing na pwede nating marinig sa isang kaibigan o kakilala ay walang iba kung hindi ang mga katagang "Nakaka-stress!"
Have we ever wondered kung saang aspeto tayo na-ii-stress? Pwedeng dahil sa kapwa natin (peer), pwedeng environmental (world), o pwedeng sarili natin mismo (man versus man).
Factors: (Bilugan ang tamang titik) kung saan/kanino ka nai-stress... Halimbawa...
a.) Alam mong stressful kausap si Maria Clara, pero sige ka pa rin sa pakikipag-usap sa kanya...tsk! tsk! tsk!
b.) Minsan, kaya mo namang magsabi ng "NO" pero dahil sa pakikisama, sasabihin mo pa rin ay "YES"...nakupo!
c.) Hanggang ngayon ay di mo pa rin name-memorize na walang contentment ang tao... na minsan, kahit di nito ka-level, pilit pa rin nitong hahangarin na maka-level si ganito o si ganyan (dahil kaya ito sa inggit?...ewan ko po).
d.) To the nth power ka kung magalit, pero alam na alam mo naman na di ito kailan man magiging solusyon sa kahit anong paraan, bali-baligtarin man natin ang mundo... Hmmm....
Uhmm... Nabilugan mo ba ang tamang titik? These are just some of the few common instances. Marami pa pong iba. Try to squeeze it out to reflect on yours. Kapag nahuli mo kung alin ang akma sa yo, siguradong makaka-relax ka. Sabayan mo pa ng konting realization, panalo yan! Nowadays, in the midst of our daily struggles, when we know ourselves well, mas okay! Our mindset is the most powerful element in dealing with life. Make it positive and everything will be beautiful.
Importante ang state of mind natin. Nagre-represent ito ng ating pagkatao. Agree? Disagree? Be the one to judge. Teka, napansin mo ba na halos kung papaano mo pakitunguhan ang kapwa mo ay ganoon din ang sukling pakikitungo nila sa'yo kalimitan? Simply because people we interact usually have the power of reading our mind. Ang galing, di ba? This equates to the fact that the amount of respect we give to others is what we actually gain back. This is comparable to a cycle. We only need to learn the formula of mindset management at some sort. Ano kaya ang possible formula mo? Para naman magaan ang feeling. How about having a positive mindset? It is contagious, nakakahawa! Kaya naman, no matter how long a day could be... why not try to detoxify our mind? We all owe it to ourselves, right? Clear mind, less stress!
Pamper yourself once in a while, especially your mind. Let the beauty of cherry blossoms this springtime accompany you somehow...
----------------------------------------
Ang ama ay Hapon at ang ina ay Pinay. Gaya ng karaniwang istorya, sa umpisa siyempre masaya. Dumating ang panahon na nagka-anak sila. Hangang umabot sa nagkaroon nang iba't-ibang dahilanan at sila ay di na makatiis sa isa't-isa.
Si lalake, mayroon nang ibang babae at si babae, ay mayroon na ring ibang lalake.
Kaya ang anak na si Sakura ay naiiwan sa kanyang Lola at Papa at sa bagong asawa ng papa niya.
Si Sakura ay lumaki na. Ang kanyang paligid ay puro mga Hapon ang mga kaibigan.
Paminsan-minsan, si Sakura ay namamasyal din kasama ng kanyang tunay na ina. Ngunit ang mga kasamahan nang kanyang ina ay halos mga Filipina din dahil ang asawa ng kanyang ina ay Filipino. Ngunit mapapansin kay Sakura na hindi siya malapit sa mga Filipino. Noong ika labing walong taong kaarawan niya ay pinaghanda siya nang kanyang tunay na ina. Siyempre marami sa mga bisita ay mga Filipino. Mapapansin mo na si Sakura ay hindi nakikihalubilo sa mga Pinoy. At doon lang siya sa mga Hapon na kaibigan niya.
Minsan mayroon siyang paligsahan na sinalihan sa paaralan. At doon, ang ina niyang tunay ang kanyang kasama. Ngunit hinatid sila nang ama niya. At doon sa paligsahan siya ay nanalo. Ang mga kaibigan niyang kalahok sa paligsahan ay iniwan siya at hindi na nila tinapos ang paligsahan. Kaya lalo siyang nalungkot dahil wala siyang kakilala maliban sa kanyang ina at iba sa amin.
Mula sa paaralan pagkatapos nang paligsahan ay sinundo sila nang kanyang ama.
At doon sila sa bahay nang kanyang ina ipinaghanda.
Nakita ko kung gaano kasaya si Sakura. Kaya kahit sa ilang oras o sandali masaya kong nakita si Sakura dahil nandoon ang kanyang mga magulang. Kung baga buo ang kanyang mundo dahil magkakasama silang tatlo.
Ito ang kahalagahan ng isang pamilya para sa isang anak. Naroroon ang haligi at ang ilaw nang isang tahanan.
Ito ang kahalagahan ng isang pamilya sa mga anak---matibay na haligi at maliwanag na ilaw.
No comments:
Post a Comment