Friday, July 18, 2014

Lola Jena

TWINKLE, TWINKLE!
Mga Hula-hula ni Lola Jena Paniwalaan Ninyo O Hinde



July - August 2014


ARIES 
21 March – 19 April
Ingatan mo ang kidney at liver mo. Iwasan mo ang pag-inom ng alcohol at softdrinks. Laging uminom ng tubig. Mainam ng mineral water ang bilhin mo. Basta’t inom ka na lang ng inom. Iwasan ang malamig na tubig. 
Yung mga kaibigan mo hindi na nakikita ng mahabang panahon, kausapin mo. Say, Hello! May mga bagong balita kang maririnig sa kanila at mabibigla ka. Ano kaya? Hindi ko alam kaya tawagan mo na sila. Sana, magandang balita. At kung kailangan ang tulong mo, ibigay mo kahit konti man lang. 

TAURUS 
20 April – 20 May
Gambaru sugi ka, pare! Pahinga ka ng konti. Kawawa naman ang katawan mo. Isa lang yan at walang spare kaya pag-ingatan mong mabuti. Magbakasyon ka nga? Uwi ka sa Pinas this OBON! Mag beach kayo ng family. Pahilot mo ang katawan mo. Rest! Inday, pa-facial ka na rin!

GEMINI 
21 May- 21 June
Huwag masyadong mag-labas-labas ng bahay. Kung lalabas ka man, mag-ingat lalo na sa mga sasakyan. This summer, better enjoy indoors than outdoors. Kung nag-bibisikleta ka papunta sa eki o supermarket, ingat-ingat lagi. Laging mag-pray bago lumabas ng bahay! Amen!

CANCER 
22 June – 22 July
Spend more time with the family. Sobra na ang lakwatsa with the barkada. Iwasan ka party-party muna. Ingat sa mga kinakain at baka sumakit ang tiyan. Huwag na lang sanang food poisoning. Kung mayroon ka na fi-feel na sakit sa katawan, dumerecho agad sa ospital. Patingin ito at baka lumala. Inom ka rin ng maraming tubig this summer!

LEO 23 
July – 22 August
This summer, be kind. If you are already kind, be kinder daw! Malakas ang daloy ng karma sa yo kaya dapat magpakabait ka lalo. Tulungan mo ang mga kaibigan na nangangailangan. Kung humihiram ng pera, bigyan mo na lang ng konti at huwag mo ng pabayad pa. Babalik rin sa yo ito ng sampung beses! Pwede ka rin magbigay ng oras at pagmamahal kung wala kang datung!

VIRGO 
23 August – 22 September
Oras na para mag-ayos ng bahay. Kailangan mong magtapon sa mga hindi na kailangan. Meron bad energy sa loob ng bahay kaya dapat mailabas ito. Pagandahin ang bahay. Maglagay ng bulaklak para gumanda ang energy. Yung mga pundidong ilaw, palitan na. Maduming sofa at futon, itapon na. Yung sinungaling mong jowa, itapon mo na rin. Bakit? Hindi darating yung bago, kung nandyan pa yung luma! Gets mo?

LIBRA  
23 September – 23 October
Yung nararanasan mong problema ngayon, may parating na solusyon. Magdasal ka lagi. Yung hinihingi mo, darating din. Kaila-ngan mong magpakatatag. Kung nag-iisa ka sa bahay, tawagan mo ang mga BFF sa cellphone mo para meron kang kausap lagi. Manood ng magandang pelikula o programa sa TV. Cool ka lang!

SCORPIO  
24 October – 21 November
Maganda ang daloy ng pera ngayon. Kung gusto mong mag business, good time ngayon. Pag-aralang mabuti ang anumang papasukin mo para hindi ka malinlang ng ibang masamang tao. Good time din para mag-bakasyon. Invest your money on your health. Mag-enjoy ka sa buhay mo!

SAGITTARIUS  
22 November – 21 December
Romance is in the air! Huwag mo ng pakawalan yan, Inday! Maligaya ang love life mo. Isali mo na rin ang sex life. Hinay-hinay ka lang at baka ma-love-is-blind ka. Huwag kalimutan na meron kang trabaho. Create balance in your life. Bawal ang sobra. Lason ito!

CAPRICORN  
22 December – 19 January
Sakit sa mata at ulo! Migraines! Iwasan ang sobrang pag-gamit ng computer at TV. Bawasan ang pag-open ng facebook. Tama na ang isang beses sa isang araw. Huwag ka ng mag-comment. Mag-like ka na lang. Kumain ng blueberries, good for the eyes!

AQUARIUS  
20 January – 18 February
Energetic ka ngayon. Use this time for healthy activities like going to the gym. Kung hindi ka member, mag jogging ka na lang sa labas early in the morning or night time when it is not so hot outside. Do some stretching or yoga exercises also. Move while you can.

PISCES  
19 February – 20 March
Time to invest in education or learning a new skill! Mag-aral ka ng cooking or baking kaya? O mag-enrol ka kaya sa isang Japanese class? O kung meron mga cultural schools around, tingin lang at baka meron kang magustuhan. Learn something new this summer. Kung gusto mong mag-swimming lessons, pwede rin!



No comments:

Post a Comment