Sunday, January 18, 2015

Lola Jena

TWINKLE! TWINKLE!




Jan - Feb 2015

SHEEP
Kapayapaan! Yan ang hula ko sa yo sa taong ito. Patawarin mo na ang lahat ng may kasalanan sa yo. At humingi ka ng patawad sa mga nagawang kasalanan mo sa iba. Kung hindi mo mabibigay ang kapatawaran sa taong ito, lalong magiging bad luck ang taon mo. At ang mga broken promise, gawin mo na this year!



OX
Challenging ang taon na ito para sa yo. Kailangan kang magkaroon ng positive mind set. Huwag kang maging negative at baka lalong magiging negative ang buhay mo. Kailangan mo ng tiyaga! Mag-focus ka sa goal mo at pag-isipin mong mabuti ang bawat hakbang bago ka gumalaw.

TIGER
Hindi mukhang maganda ang simula ng taon mo pero pakonti-konti, makikita mo ang ganda at liwanag. Magiging positive at constructive ang buhay mo. The more you try harder, the more you will achieve your goals. Basta, ganbatte ka lang diyan!

RABBIT
This is a good year for the rabbit! Huwag mong palampasin ang mga magagandang oportunidad na darating sa taon na ito. Humingi ka man o hinde, kusang darating ang mga good luck sa yo. Good karma ka this year. Lahat ng ginawa mong kabutihan, masasampal ka ng dobleng kabutihan! Winner ka!

DRAGON
Relax ka lang, darling, and take good care of yourself. Ganbarisugi ka. OK lang mag ganbatte pero alamin mo kung kailan dapat huminto at magpahinga. Magbakasyon ka para marelax ang katawan at pag-iisip mo. Ingat ka rin sa tsismis. 

SNAKE
Mas maganda ang taon na ito kumpara sa last year. Maging focus ka lagi sa mga projects mo para maging successful and happy. Iwasan mong makialam sa mga buhay-buhay ng ibang tao. Baka madamay ka at the end. Ingatan mo ang lumalabas sa bibig mo. Marami kang matatamaan. It’s OK to make new changes this year.

HORSE
2015 is a favorable year for you! It will be a year of action and adventure. Make this a year of dreams come true! Super lucky ka and opportunities will come here and there. Siempre, darating din ang mga problema pero makakayanan mo ang lahat ng mga iyan!

MONKEY
Last year, hindi maganda ang taon para sa yo. Pero this year, maraming good news ang darating sa yo! Maganda rin ang pagbukas ng taon sa yo. Kung hangad mo ay job promotion, baka sa taong ito na! Basta, gawin mo ang dapat mong gawin and give your best lagi. I am so happy for you! Ikaw na!

ROOSTER
Kung gusto mong maging winner this year, kailangan maging precise ka sa mga objectives mo. And give effort to achieve them, one step at a time. Tandaan mo lang yan at siguradong nasa tuwid na daan ka na. Isipin mong mabuti ang mga choices na pipiliin mo sa buhay. Always remember, use your HEAD!

DOG
Ang taon na ito ay mas maraming kaligayahan na maidudulot sa yo. Magiging masaya ka sa love life and family life. Sa trabaho, huwag ka lang tamarin, gawin lang ang dapat, OK ka na. You will find the true test of your creative ability this year. Give your best shot!

PIG
Marami akong nakikitang mga pagsubok na darating sa taon na ito pero kung malalampasan mo sila in flying colors, magandang direksyon ang makakamtan mo. Kung gusto mong mag-aral ng bagong skill like computer, or Japanese language, very good! Be creative and take advantage of the opportunities coming your way. I see a bright hope for you this year!

RAT
Dahan-dahan lang ang pag-unlad mo sa taong ito. Konting pasensiya lamang ang kailangan. Pero mabilis ang mga pagbabagong darating kaya dapat laging handa ka rin sa mga sorpresa. Balanse naman ang nakikita ko. Your health should be genki this year. So while you have energy, use it for your success.

No comments:

Post a Comment