Thursday, May 13, 2010

Jeepney Press May-June 2010 issue page 14



On The Road to: by Neriza Sarmiento-Saito
TO EXPLORING PHILIPPINE LITERATURE IN JAPAN
With PROF. GALILEO SANTOS ZAFRA

As interviwed by: Ayana Iwasaki and Kanako Higashi

Saan nagkakatulad at nagkakaiba ang Pilipinas at ang Japan sa ilang mga pagdiriwang sa buwan ng Mayo? Ayon sa aklat na ‘Sanaysay at mga Tula’ ni Dr. Lilia F. Antonio, “Positibo ang damdamin at karanasang nilalasap ng mga Hapones sa mga araw ng buwan ng Mayo. SATUKIBARE ang tawag nila sa maaliwalas na kalangitan, hindi napakainit o napakalamig at madalang ang patak ng ulan. “ Bagama’t may pasok na sa mga paaralan sa Japan, bakasyon naman ng mga estudyante sa Pilipinas. Mahaba ang Golden Week sa taong ito na magsisimula sa May 1 (May Day sa Japan at Araw ng Manggagawa sa Pilipinas), at May 3 (Constitution Day), May 4 (Vacation Day) at May 5 (Children’s Day).

Habang patuloy ang bakasyon ng mga estudyanteng Pinoy, simula na naman ng dibdibang pag-aaral ng mga estudyante sa Japan. Nasa ikatlong-taon na ang nagsagawa ang interbyung ito… sina Ayana at Kanako. Isang propesor ang naging inspirasyon nila sa pag-aaral ng Panitikang Filipino… si PROP. GALILEO SANTOS ZAFRA, kasalukuyang “VISITING PROFESSOR” sa Philippine Studies Program ng Osaka University mula pa noong Marso 2009. Siya ang dating Direktor ng Sentro ng Wikang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City at Propesor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas.
   
Ilan sa mga sinulat niya ay ang BALAGTASAN, (Kasaysayan at Antolohiya), at BANGON (Katipunan ng mga Dulang Mapanghimagsik at naging kasama niya ritong sumulat ang R.M. Awardee na si Dr. Bienvenido Lumbera at si Dr. Glecy Atienza). Editor rin siya at tagasalin ng mga journal sa Filipino gaya ng DALUYAN, SAWIKAIN at PHILIPPINE HUMANITIES’ REVIEW. May mga aklat rin siyang naisulat tungkol sa wika at komunikasyon.

Inaasahan ni Prop. GALILEO na mabasa ng mga estudyante ng Philippine Studies Program ang mga maraming magagandang nobela sa Panitikan ng Pilipinas.

About AYANA AND KANAKO
Ayana is a third year student at Osaka University in Minoo and lives in Kyoto. She is fond of movies and also plays tennis whenever she is free from her part-time job. Pink is her favorite color.
Kanako is from Kobe but lives in Osaka now so that she can commute easily to the university. She also studies other Philippine dialects in the hope of working someday in the Philippines.

INTERVIEW IN FILIPINO:

Taga-saan po kayo sa Pilipinas?
Angat, Bulacan pero sa Manila ako ipinanganak.

Ilan po kayong magkakapatid?
Apat kami at pangalawa ako. Lahat sila ay nasa Amerika at Canada kasama ng aming ina. Ako na lamang ang nakatira sa Pilipinas.

Ano po ang libangan ninyo?
Panonood ng sine sa weekends at pagbabasa ng nobela.

Sino po ang inyong palagay ang importanteng manunulat sa Panitikang Filipino?
Si Francisco Baltazar na mas kilala sa tawag na Balagtas na sumulat ng “Florante at Laura,” isang kalipunan ng mga tulang nagbukas sa mata ng mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng bansa sa ilalim ng administrasyon ng mga mananakop.

Paano po kayo naging guro ng panitikan?
Dahil siguro sa inspirasyong naibigay ng mga guro ko sa high school. Bukod sa mababait, mahuhusay pa silang magturo kaya nakahiligan ko ang pagbabasa ng mga nobela nina Jose Rizal (Noli Me Tangere at El Filibusterismo) at Francisco Baltazar.

Ano naman po ang nami-miss ninyo sa Pilipinas?
Sisig at crispy pata, pero ngayon mahilig na akong kumain ng ebi tempura, udon at miso soup. Mas mainam sa kalusugan. Ngayon di ako masyadong naiinip sa bahay dahil may TFC na rin ako.

Siyanga po pala, may mga paborito ba kayong nobelang Hapon?
Oo. Pinakagusto ko ang Genji Monogatari (Tales of Genji) na sana ay maisalin sa wikang Filipino.

Maraming salamat po Leo Sensei!



NEWS FROM OSAKA:

The Philippine Studies Program of Osaka University, Minoo Campus awarded special plaques to some graduates of the department during the graduation party held in Osaka last March 23. The recipients were:
Best Student Award - MS. HIROKA GOTO
Thesis: MGA BALITANG KRIMEN SA PILIPINAS.

Best Graduation Thesis -
MS. AYANO TAKASHIO
Thesis: PAGSUSURI SA MAGALANG NA PAGPAPAHAYAG SA TAGALOG : POKUS SA PAGGAMIT NG “PO” AT “OPO”

Special Award -
MS. SAYAKA KIYOSUE
Thesis: FILIPINO DIASPORA SA PANANAMIT

The professors who were at the appreciation party were Prof. Gyo Miyahara, Prof. Masanao Oue, Prof. Mamoru Tsuda, Prof. Galileo Zafra and Prof. Neriza Saito.

INFO SOUGHT FOR A T. V. PROGRAM
The whereabouts of a lady who assisted at the Philippine booth in the EXPO 70 in Suita about 40 years ago is sought by a popular T.V. Program. Her name is probably CHUCHI DE QUIROS. Please contact Neriza at 0903-624-0810 for information that will lead to her.

No comments:

Post a Comment