Thursday, May 13, 2010

Jeepney Press May-June 2010 issue page 17



Pisngi Ng Langit ni Doc Gino

Buntis At May Bukol Sa Matres (Myoma and Pregnancy)
Tanong: Dear Doc, i am 40 yrs. of age, nagbuntis n ako before pero n miscarriage po at 6 weeks, 2 years ago. Ngayon po buntis ulit ako at 3 months n, high risk ang pregnancy ko bec. of age, may myoma ako at chronic hypertension. Nagkkaroon ako ng bleeding at sabi ng doctor its bec. of myoma. Nag ttrigger din po b ung aspirin ng pag cause ng bleeding ko kc nga nag ttake ako nito para naman s hypertension ko. Gusto ko n rin pong pumapasok s trabaho ko kc kulang n po ang budget namin. Nag bed rest po ako for 45 days. And now gusto ko n po mag resume s work, possible po b?

Doc Gino: Ang dosage ng aspirin na ibinibigay sa isang buntis ay mababa lamang kung kaya't sa aking palagay ay maliit ang porsiyento na ito ay magiging sanhi ng bleeding. Nguni't isa sa mga side effects ng gamot na ito ay ang pagdurugo. Ito ay ibinibigay kung high blood ang isang buntis sapagka't ito ay mabisa para sa pagkontrol ng presyon ng dugo. Kung kaya't mababa lamang ang dose na inirereseta.

Depende sa laki, uri at lokasyon ng bukol (myoma) sa matres ang dalas at dami ng pagdurugo. Kung wala namang ibang sintomas sa kasalukuyan, namo-monitor ng iyong doktor, mahusay ang iyong follow-up at maganda ang resulta ng ultrasound, sa palagay ko ay walang dahilan para hindi ka makabalik sa trabaho.

Ayaw Maging Buntis (Unwanted Pregnancy)
Tanong: gud evening,
gusto ko lng po mag-ask kasi po i think im preggy, aug 22 po me last nagka-mens and regular ako..so dapat sept 20 something is dapat may mens ako..but til now october 1..wala pa rin..and i tried na rin ang pregnancy test minute ago...mga 11pm...but its POSITVE..can i ask if totoo ba to???...sobrang depress me kc hindi tlaga pede..ayoko pa...im not ready to have a child...ano po ba gawin ko???anong pedeng inumin na gamot para hindi ito mabuo,?..natatakot po ako...plzzz help me po..thanks

Doc Gino: Ang nararapat mong gawin ay ulitin ang pregnancy test. Kung positibo pa rin ay totoo ang resulta at nabuo na ang pagbubuntis. Samakatwid, ang susunod na dapat gawin ay alagaan ang pagbubuntis. Magpacheck-up sa isang espesyalista tulad ng OBGYN at sumunod sa payo. Kung iniisip mo na putulin ang pagbubuntis, isipin ito nang maraming beses sapagka't baka manganib ang iyong buhay kung sakaling ituloy mo ang iyong balak sa dami ng magiging komplikasyon bukod pa sa hindi legal ito sa batas ng ating bansa.

------------------

Pedestrian Lane by Mylene Miyata

Kumusta Naman?

Kayo po ba? Kapag binigyan ng isang basong kalahati lamang ang nilalamang tubig... ano ang una nyong mapupuna dito:
a.) half-empty o kaya
b.) half-filled?
Kumusta naman kaya ang sagot natin dito?
First impression is justified. However, there will always be something behind what the naked eyes can simply sense that which weighs more at times. Kaya naman minsan, we have to get rid of thinking whether the glass is half-filled or half-empty. Instead, we can try to learn to ask the questions like: What can I do with this? Or what is in it that may be of use? Panalo, diba?! I honestly laugh when I recalled having asked the same question by a friend taking up psychology during college days ko. Nakakatuwa talagang isipin.

Bakit nga ba first impulse na natin ang isipin kung kulang o kumpleto ang ilang bagay? Pwede nga naman palang mas productive o constructive ang maging reaction natin at some given situation. They say "Rich people think differently!" Malapit na akong maniwala sa kasabihang yan. Oo nga naman! Kasi people from the rich countries normally think out of the box, as they say. However, those people coming from not so rich countries think inside the box nga naman kadalasan. We can't blame them anyway. People from poor countries tend to confine themselves to their limitations and boundaries in life. Usually afraid to take some risks at hand. They are mostly unaware na minsan, nakakatulong din ang konting aggressiveness at some point na mag-explore ng new dimensions sa buhay na nakasanayan na. Yun bang kakaiba, di po ba? Higit sa nakikita ng naked eyes natin, yung makapag-isip tayo slightly beyond what is simply visible, halimbawa. Who knows? You may just uncover your hidden potentials out of nowhere? That could lead you to a sudden twist you've been dreaming for in life? Pero, things like that are only available for those brave people. Those who are willing to take the consequences of risks in life. Kailangan may konting tapang at apog para armado lage sa pagsubok ng buhay, di ba? Remember, hard work is the price we pay for success! Kaya, naman di ganon kasimple ang maging successful. They can make weird thoughts out of nothing. Plus hard work. Leading them to the top in one way or another.

We always get trapped with the notion of labeling whether the glass is full or empty, right? Because it is the most obvious thing we could judge on afterall. Besides, it is the simplest way to do whenever we encounter such scenario. In life, halos ganon din madalas ang pananaw ng karamihan, di po ba? Magaling tayong mag-troubleshoot kung may kulang o hindi sa buhay natin. When in fact, pwede nga naman nating isipin... Ano nga ba ang maari kong gawin sa mga bagay na meron ako sa buhay ko? O simpleng... Ano nga ba ang meron sa buhay ko na maaari kong pakinabangan? O paano nga ba ito makakatulong sa akin? It is very funny how could we relate simple things as such in real life. But this is the fact of life. Simple pero makahulugan. Kumusta naman ang point of view natin? This somehow traces our perception in life. Defining our future at some aspect. Uhmmm... Have you ever imagined that? Maybe not. Maybe now. Or maybe yes... It just probably starts to materialize somewhere somehow. A little bit more and there you go, hitting the goal of your life. Sooner or later, sudden twist could happen if we just allow it to... when a sudden move boils down your whole life from nowhere. Exciting!

Everybody has the good times and bad times in life. Just give yourself a tap at the back whenever you feel the need for it. It energizes you! Life is a continuous journey, let's make a great one. Nobody lives in full- comfort anyway. Just try to enjoy whatever is at hand. Hope all of you had fun last "hanami" season.

-----------------------------------

KWENTO NI NANAY ANITA SASAKI

Aking ibabahagi sa inyo ay isang napakagandang karanasan noong Pebrero 20 - 23 , 2010. Ito ay ang 2010 APEC Junior Conference na ginanap sa Hiroshima. Ito ay pagpupulong ng labing-siyam na APEC Member Economies at sa 19 na bansang ito ay dalawang kabataan ang mapalad na pinili upang kumatawan ang bansang Pilipinas.

Ang tema ng pagpupulong ay: “Our Future, the Earth's Future: Creating a Peaceful, Prosperous Society.” Ang kalalabasan sa kanilang mga diskusiyon ay ibabahagi bilang isang pangkalahatang mensahe sa buong mundo.

Ang pagpupulong na ito ay ginawa upang lumikha ng magandang pakikipag-kaibigan at pang-unawa sa bawat kabataan ng kasalukuyang generasyon na nakatira sa Asia-Pacific.

Sa Edukasyon at Interkultura kumakalahok ang isa kong apo at isang youth member ng Castle group na aking pinamamahalaan.

Bilang chaperon ng mga kalahok, ako ay may pagkakataon na mamasyal sa syudad ng Hiroshima.

Ngunit, mas minabuti ko na makinig sa pagpupulong at ito ay bilang pag-aaral narin para sa akin. Maraming magagandang solusyon ang binahagi ng mga kabataan.

Halimbawa ay ang pataasin ang pamantayan sa kalidad ng pagtuturo ng mga guro para ito ay magdulot ng mga magagaling na estudyante.

At marami pang iba't ibang mga solusyon para maayos ang mga problema sa ating mundo.

Bilang isang Ina at tagapag gabay sa mga bata, aking naibahagi na ang pagsasabi ng mga katagang: "Thank you, I am sorry, good morning, good afternoon, good evening, excuse me," ay mga katagang di sa paaralan unang narinig o naituro kundi sa loob ng ating mga tahanan na itinuro sa atin nang ating mga mga magulang. Kaya kung ang tao ay di marunong magsabi nang mga katagang ito, marahil ang ibig sabihin ay di sila naturuan nang kanilang mga magulang.

At ang masisisi pa marahil ay ang ating mga magulang. Kaya sa mga kabataan, para di masisi ang ating mga magulang huwag nating kalimutan ang mga katagang nabanggit sapagka't ito ang mga katagang makapagsasabi kung ano ang ating pinagmulan. Hindi lang kung saang paaralan o unibersidad tayo pinag-aral o nakapagtapos ang matinding sukatan ng karakter kundi anong klaseng pamilya tayo galing.

Our attitudes will reflect what kind of upbringing we had.

No comments:

Post a Comment