Thursday, May 13, 2010

Jeepney Press May-June 2010 issue page 3



SA TABI LANG PO by Renaliza Rogers

FIRST TIME
Namasyal ako sa mall noong isang araw. Brownout nanaman kasi sa bahay, palibhasa’y may power shortage daw. Kaya’t araw gabi ang brownout sa bahay at halos magsebo na ang katawan ko sa sobrang init. Kaya hayun, nagpasya akong pumunta ng mall dahil aircon doon.

Paakyat sana ako ng escalator nang makita ko ang nauna sa aking isang dalagang mukhang nag-aalangang umakyat sa escalator. Nahalata kong parang galing siyang bukid at first time niya sa mall at first time din niyang makakita ng escalator. Nakatayo lamang siya sa paanan ng paakyat na hagdan at mistulang kumukuha ng saktong timing upang sumakay sa escalator. Nagkamali siya ng desisyon at humawak sa paakyat na hawakan, siguro ba’y babalanse siya’t sasakay. Ngunit sa kasamaang palad ay nahila siya ng hawakan pataas at hindi siya bumitaw kaya’t lamagapak siyang paluhod sa bakal na hagdan. Ang kanyang step-in na sandal ay lumipad sa kung saan.

Sus ko po, buti na lang at hindi siya napaano’t napaluhod lang. Kaya’t hindi ko mapigil ang sarili ko’t napahagikhik, lalo na nung dali-dali siyang tumakbo pababa ng pataas na escalator upang i-salvage ang step-in niyang lumipad at natisod ng umabot siya sa dulo ng escalator sa taas.

First time marahil nitong dalagang sumakay ng escalator, kung hindi man ay lulang-lula lamang talaga siya sa gumagalaw na hagdang ito. Tataya ako sa first time dahil kung hindi naman ito ang unang beses na sumakay siya sa escalator at nalulula lamang siya, bakit hindi niya naisip na madidisgrasya siya kapag humawak siya sa hawakan? Napaluhod man siya at nangamatis ang mukha sa sobrang kahihiyan ayos lang yun dahil lahat ng bagay naman eh may first time.

Naalala ko ang aming bisitang dayuhan sa bahay, isang matalik na kaibigan ng aking tiyahin sa Australia at first time niya noong pumunta ng Pilipinas upang mamasyal, at syempre upang makatagpo ng isang magandang dalagang mapapangasawa niya. First time niyang maligo sa aming banyo at first time niya ring makakita ng ordinaryong gripong pinipihit upang umandar. Pindot siya ng pindot ngunit walang tubig na lumalabas. Pinukpok pa niya ngunit wala pa rin. Ayaw siguro niyang pahalata kaya’t kunwari’y nagbago ang isip niya’t hindi na lang siya maliligo na kung tutuusin nama’y rinig hanggang taas ang pagpupukpok niya sa gripo.

Dinala rin siya ng aking kapatid sa isang mumurahing beerhouse. Papunta pa lang ay pumara sila ng traysikel na masasakyan. Isang double-seater na traysikel na di tulad sa Maynila, meron itong upuan sa likod at kayang sumakay ng anim na tao, pwera sa driver. Ang traysikel na pinara nila eh nagkataong may isang pasaherong dalaga na nakasakay sa harapan kaya’t ang sabi ng kapatid ko sa bisitang dayuhan ay “You go ride at the back” habang ang kapatid ko naman eh nag back-ride sa likod ng driver. Hindi siguro naintindihan ng dayuhang bisita at umakyat sa likuran ng traysikel upang sumabit sa hawakan sa labas. Nagmukha siyang bagahe at para akong mapapaihi sa kakatawa ng ikwento ito ng aking kapatid dahil sino ba namang tanga ang sasabit sa likod ng traysikel kung nakita naman niyang may upuan para sa pasahero sa likod?

So noong sila’y nakarating na sa beerhouse, umupo sila’t umorder ng inumin at nilagang mani sa isang batang naglalako sapagkat gusto raw nitong bisitang kumain ng mani. Ngunit nagtaka ang aking kapatid na kung bakit sa tinagal-tagal na ng kakakain nila ng mani ay wala pa ring basurang bao ng mani itong bisita habang ang kapatid ko naman ay may bulubunduking tumpok ng bao ng mani sa kanyang harapan. Yun pala ay kinakain nitong bisita na buo pa ang nilagang mani at hindi pa nababalatan. Kaya pala daw ang sama ng lasa at masyadong crunchy. Ewan ko ba kung bakit hindi man lang niya naisip balatan o magtanong man lang kung paano ito kinakain. Anong nakuha niya? Hayun, sumama ang tiyan kinabukasan.

Noong umuwi naman ang aking ina mula Japan upang mamasko kasama ang pamilya, marami siyang dalang mga pasalubong, kabilang na ang mga pambahay na tsinelas. Excited ang aking lola makakuha ng tsinelas kaya’t ang sabi niya sa mama kong nagpapahinga ay pipili na daw siya sa kwarto ng tsinelas upang hindi na reject o pinagpilian ang makuha niya. Paglabas niya eh meron siyang suot-suot na itim na tsinelas sa kanyang kanang paa. Minomodel model pa nga niya sa harapan namin. Yun daw ang napili niya dahil napakalambot at hindi dumihin pero hindi daw niya makita ang kapares. Nung tinitigan ko ay napatawa ako dahil maliit na bag pala ng camera ang suot-suot ni lola sa kanyang paa.

Lahat naman ng bagay eh may first time o unang pagkakataon. Minsan nakakatawa ang mga karanasan, minsan nama’y nakakainis. Ngunit marami sa atin na sa halip ay magpatulong o magtanong kung paano ginagawa ang isang bagay eh lulunukin na lamang ang pride at magkukunwaring sanay habang nagdadasal na sana’y tama ang ginagawa niya upang hindi mapahiya o umulit sa umpisa.

Tulad ko noon na tinuruang sumakay ng tren ng aking ina mula Shibuya pauwi sa bahay namin noon sa Ishikawa-dai. Syempre ayokong mapahiya sa aking bunsong kapatid at nagmarunong kaysa magtanong. Nakarating nga naman kami sa bahay ngunit madilim na at hindi ako tinantanan ng sisi ng aking kapatid, lalo na nung malamang lumamig na ang aming hapunan.

-------------

TIDBITS

Nag-exam ang mga 254 na nurses mula sa Indonesia at Pilipinas sa national nursing exam ng Japan. Tatlo lang daw ang nakapasa. Galing siguro ng tatlong iyon. Imagine, they have to take the exam in Japanese. Siguradong puro mga technical and medical Japanese terms in kanji ang nasa exam. Hindi yung mga conversational and grammatical Japanese language exam. Congrats sa tatlo!

Mas hihigpit ang pag-search sa Narita Airport starting July this year. The Transport Ministry will start testing full-body scanners capable of detecting explosives and chemicals which conventional metal detectors would miss. Para raw silang radar for meat capable of creating 3-dimensional images of people and objects. Because they are effective in seeing through clothing, may mga human rights group na nag-complain about violations of passenger privacy. Ito ngayon ay pinag-aaralan dito sa Japan.

Sa mga Mac computer fans, did you know that the term "iPad" was registered way back 2003 by Fujitsu? Mukhang nagkasundo ang Fujitsu and Apple companies para magamit ang pangalan na "iPad" in exchange for an undisclosed amount. Magkano kaya?

Sa mga smokers naman, the Japanese government says it will raise taxes on tabacco by 3.5 yen per cigarette sa darating na Oktubre. This will be the first price increase in four years.

Pinatalsik ng CEO ng Prada Japan ang mga 15 shop managers and assistants nila dahil sila ay matanda, pangit, mataba at hindi kanais-nais ang hitsura at walang karapatan maging Prada representatives. Aray ko po nanay!

Have you seen the yellow shinkansen passed by? Doctor Yellow is the nickname for the high-speed test trains that are used on the shinkansen routes. The trains have special equipment on board to monitor the condition of the track. Dr. Yellow runs about once every 10 days and is supposed to bring good luck to all who see it. Good luck!

Naging napakalamig ng buwan na Abril dito sa Japan. Sa Tokyo, it was 7 degrees. Osaka recorded 6.3 degrees. This is the coldest mid-April temperature in 100 years. In some places like Nagano, there is still wintery snow. For some commuters in Tokyo, OK lang raw kahit malamig especially when they have to squeeze into a crowded train or bus like they are heated inside an oven.

No comments:

Post a Comment