Thursday, March 19, 2015

Warren Sun

KUSURI SA KUSINA: A Nutritional Spin on Spinach


March - April 2015


Hindi nakakapagtaka na hinugot ang lakas ni Popeye, the Sailorman sa pamamagitan nang paglunok ng Spinach o Horenso sa Japanese. Alamin natin kung anu-ano nga ba ang mga health benefits na makukuha natin with spinach.

Cancer Prevention. Ang spinach at iba pang green vegetables ay mayroong Chlorophyll na epektibo sa pag block ng carcinogenic effects of heterocyclic amines na nag-ge-generate sa pag grill ng food sa high temperature.

Healthy Skin & Hair. Mataas ito sa Vitamin A na essential sa pag produce ng sebum para mapanati-ling moisturized ang hair. Mataas din ito sa Vitamin C na pag maintain ng Collagen na nagbibigay structure sa balat at buhok.

Reduction of Blood Pressure. Dahil sa kanyang high potassium content, ito ay nirerekomenda sa mga taong may high blood pressure para maneutralize yung sodium sa kanilang katawan.

Good Source of Omega 3 Fatty Acids. Ang madalas na pag intake ng spinach ay nagbabawas ng prevention sa Osteoporosis o ang panghihina ng mga buto.

Protective Against Eye Diseases. Meron itong Lutein na sinasabi na tumutulong laban sa age-related cataracts and macular degeneration.

Excellent Source of Iron. May mineral iron ito na tumutulong sa mga menstruating women, growing children and adolescents. Kumpara sa karne, ito ay mababa sa calories at fat and cholesterol-free. At dahil ang iron ay bahagi ng hemoglobin na nagdadala ng oxygen sa lahat ng body cells, ito ay kinakailangan para magkaroon ng good energy.

Gastrointestinal Health. May antioxidants ito na tumutulong sa pagbawas ng risk sa colon cancer. Ito rin ay may Folate, Vitamin C at Beta-carotene na nagsisilbing malakas na armas na panlaban sa anumang gastrointestinal disorder.

Ito na ang pagkakataon na mag stock ng spinach sa inyong kusina at gawin itong bahagi nang inyong lutuan tulad ng pasta, soup at casseroles. Sa dinami-dami ng mga health benefits nito, patok pa sa inyong daily diet requirement. 


Anita Sasaki

Kwento ni Nanay: As I Always Say... Every Gising, A Blessing




March - April 2015

“Every Gisisng, A Blessing” has been my personal slogan. Just waking up in the morning and being and feeling alive is already a blessing! It is nice to wake up realizing God has given us another day to live. It’s another day of having the opportunity to serve, to give what is in my heart, my head, and using my hands in order to have all of them into realization. This is how I live with a purpose...we should have the 3 H: a head, a heart, and hands. Think with your head, feel with your heart, and move with your hands. This is what my parents taught me. They are my first teachers. I am who I am right now because of my parents. And now, as a parent myself, I want to take this opportunity to help not only my children and grandchildren, but to help as many people as I can.

The Presidential Award bestowed upon me is dedicated to everyone who has touched my life. I thank you all for supporting me and being there especially when things fall apart. I would like to thank Ambassador Lopez and to all my mentors who were tireless in giving answers to all the questions I have. Also, thanks to Big Brother who helped me financially to move this award to all of us.

Thank you, God, last December 5, 2014 was a surprise and early Christmas gift and now at the start of 2015, God is blessing us (me & my family) again. Thank you Lord & Mama Mary for an early Valentine gifts... the TWO in ONE (February 1).

For the happy, proud new parents, for their new bundle of joys... Mariye Annette Roa Chisaki & Michael Carlo Ganac... Welcome to the world Matteo Kenzo and Marti Rafael!

Mark Quijano

May Pinoy Ba Rito?




March - April 2015

Madali lang daw hanapin ang mga Pinoy sa ibang bansa. Kung ikaw ay nasa public places, sumigaw ka lamang ng “Balot” at sigurado kung may Pilipino man doon sa mga oras na iyon, sila ang unang lilingon at unang ngingiti sa yo. Hindi ko pa man nasubukang gawin ito, alam kong kahit saan mang sulok ng mundo ay may Pilipino.

Bilang isang professional gospel singer, halos naikot ko na ang buong Northern and Southern Asia at maging ilang bahagi ng America. At habang ako ay nasa ibang bansa, may pagkakataon akong i-enjoy ang mga magagandang tanawin, kumain ng masasarap na pagkain at tuklasin ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng kaligayahan. Subalit hindi lamang ang mga ito ang nagbibigay saya sa akin habang nasa ibang lugar. Mayroon pang isang bagay na mas matimbang sa aking puso, ang makasalamuha ang kapwa ko Pilipino sa mga lugar na aking pinupuntahan. 

“May Pinoy ba rito?” Ito lagi ang una kong tanong kapag nasa abroad ako. Pangalawa na lamang ang tungkol sa mga sikat na tourist attractions na maari kong puntahan at iba pang bagay. Hindi ko ito maipaliwanag ngunit parang dito ako humuhugot ng lakas at tibay ng loob para harapin ang mga audience na dumadalo sa aking mga concerts. Parang ito ang nagiging inspirasyon ko. Marahil siguro, iniisip ko lagi na karamihan sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ay namimiss nila ang kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas. So, kahit papano nakausap ko sila at nabibigyan ng courage at napapasaya.   

Nararamdaman ko rin na parang at home ako kapag alam kong may mga Pilipino sa lugar na pinupuntahan ko. Kapag may makikilala akong Pinoy, andiyan na kaagad yong feeling na kahit ngayon lang kami nagkilala, parang ang “close” na namin kaagad sa isat-isa. Nagkekwentuhan tungkol sa mga karanasan sa buhay abroad at iba pang mga struggles na kadalasan nai-encounter nila habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Minsan napa-kalungkot ng mga kwento nila, napapaiyak ako. Pero bilib ako sa Pinoy dahil kahit mahirap ang kanilang kalagayan sa ibang bansa, nakangiti pa rin sila. Parang wala lang nangyayari. Nagtataka tuloy ako kung paano nila nagagawa ito. Siguro likas na nga sa ating mga Pilipino ang masayahin at marunong humarap sa mga matitinding pagsubok. 

Ngayon, dito na ako sa Japan. Nararasan ko na rin ang buhay na malayo sa Pilipinas hindi lamang sa maikling panahon. Buti nalang kahit paano, kasama ko ang mag-ina ko rito.

Noong taong 2012, nakapag-asawa ako ng isang Japanese. Nakilala ko siya sa isa sa mga concerts namin dito noong 2010. Doon kami ikinasal sa Pilipinas. At pagkalipas ng mahigit isang taon na pananatili sa ating bansa, nagpasya kaming lumipat dito sa Japan kasama ang aming anak. Well, kuma-kanta pa rin ako rito at nagkakaroon ng concerts, ngunit dahil may pamilya na, kailangan na talaga ng stable job. Sa awa ng Diyos nakapasok kaagad ako bilang isang English teacher sa isang public school dito sa Saga prefecture noong 2013. 

Bahagyang lumiit ang mundo na aking ginagalawan dahil halos sa school nalang umiikot ang buhay ko. Sa school, ako lang ang nag-iisang guro na gaikokujin, kaya sa simula napakahirap ang komunikasyon dahil kahit Japanese ang aking asawa ay hindi pa ako marunong mag Hapon. Kahit hanggang ngayon ay iilan pa lamang ang aking naiintindihan. Para tuloy akong itinapon sa isang liblib na lugar at walang makakausap dahil hindi ko naman sila maintindihan. Kaya hindi pa rin nagtatapos ang paghahanap ko sa mga kababayan ko. Lagi kong iniisip kung may Pinoy ba rito malapit sa lugar ko at nang may makausap man lamang ako.

Sa school, maliban sa daily classes namin, kasama ko rin ang mga bata kumain ng lunch araw-araw. Iba’t-ibang grades at sections kada araw. Bahagi yata ito ng programa ng local Board of Education (BOE) upang matuto ang mga bata mag-English at ma-expose sa ibat-ibang kultura. Nakakatuwa naman ang mga batang Hapon dahil tinatanong nila ang mga bagay-bagay tungkol sa akin at sa aking bansa habang kami ay kumakain. So habang nagku-kwentuhan, natuklasan ko na hindi pala ako nag-iisang Pinoy dito sa lugar ko dahil may mga half-Pinoy pala akong estudyante. At hindi lang isa, marami sila. Napakasaya ko noong nalaman ko ito. Parang nabuhayan muli ako ng dugo, akala ko kasi noon nag-iisa lamang ako dito at kahit sumigaw ako ng balot hanggang maubos ang boses ko ay walang lilingon sa akin. But I was wrong, totally wrong. Marami pala kami dito. Kaya ganon pa rin ang role ko dito, encourager sa mga kababayan ko, at teacher naman at uncle sa mga half-Pinoy sa loob ng classroom ko. 

Marami akong natutunan sa mga karanasan kong ito. I realized na kahit saan mang sulok ng mundo ay mayroon nga pala talagang Pilipino. At ang mga Pilipino, saan mang sulok ng mundo ay nagsusumikap, lumalaban at nagpapakatatag.


Loleng Ramos

KAPATIRAN: Pangalan


March - April 2015

Kumusta, kapatid?  Pwede bang malaman ang pangalan mo?  Anong ibig sabihin o saan ito galing?  Loleng, at your service, kasi meron na akong apo mula sa pamangkin ko pero sabi ko sa kanya, pakidikit na lang ang palayaw kong Leng sa lola, hayun, naging Loleng. O, hindi na halatang matanda, di ba?  Pero syempre, ang binyagang pangalan ko ang tunay na ako.

Ano ba ang nasa isang pangalan?  Ikaw ito! Sabi nga kung ano ang ibig sabihin ng pangalan mo, siya mo ring nagiging karakter. Pag-iisip, ito ang humihiwalay o ang pag-kakaiba ng nilalang na hayup at nilalang na tao. Ito rin ang pag-kakaiba ng pangalan ng isang tao sa pangalan ng kanyang pet. Kapag puti ang tuta, mabilis na Puti o Whitey ang pangalan nito pero sa isang sanggol na isinilang na maputi, hindi mo ito tatawaging Puti, kahit nga Snow White ay tila magiging katawa-tawa dahil isang cartoon character, pwede sigurong Yuki (snow), Ivy (Ivory) o isang pangalan na mayroong espesyal na kahulugan o kadahilanan.  Andyan ang “JoseMaria,” pinagdikit na pangalan ng kanyang lolo at lola, o dahil relihoyosa ang mga magulang, mula sa Inang Maria at Amang Joseph, o kaya sa banal at seryosong dating, naroon ang pag-asa na magiging matalino ang baby sa paglaki.

Kelan lamang ay mayroong kaso sa France kung saan hinarang ng isang korte ang pagpapangalan ng isang mag-asawa sa kanilang anak ng “Nutella” baka daw kasi ito maging daan ng panunukso at paghamak sa sanggol sa paglaki nito. Siguro sabi ng judge, pang-tinapay bakit ginagawang pang-tao?  Nagkaroon na rin ng ganitong kaso dati kung saan naman ang “Fraise” o strawberry ay hindi rin pinahintulutang ipangalan sa bata. Sa Estados Unidos naman, ang pangalan ng pagkain ay sikat at walang bawal, nandyan ang gulay na si “Kale,” prutas na si “Apple” at “Peaches,” inumin na si “Sherry” at “Coco,” pati na ang paminta na si “Pepper” at luya na si “Ginger.” Ang iba-ibang bansa ay mayroong mga patakaran o batas sa pagpapangalan ng isang sanggol. Sa China, mga pangalan na maaring mabasa ng computers lamang ang maaring magamit. Sa maraming bansa sa Europe, mayroong listahan ng mga pangalan na maaring mapili para sa isang bata, kung wala ang pangalan sa listahan kakailanganin dumadaan ito sa proseso kung saan maaring maaprubahan o hindi ang napiling pangalan ng isang magulang sa kanyang anak.

Dito sa Japan, ang isa o pagsama ng dalawang karakter na Kanji sa pangalan ay may katumbas ng kahulugan, malimit ay bumubuo ng isang kataga. Si “Miyo”ay isang beautiful sun, si “Ken” ay may sariling pag-iisip, si “Koichi” ay matahimik. Sa atin sa Pilipinas, sikat ang mga American names; James, Dolly, Hannah. Noong panahon na ipinanganak ako, ang mga pangalan ng babae ay hango sa mga Santo at lahat halos ng Katolikong babae ay may Maria (mula sa Mahal na Ina) sa kanilang pangalan.  Maria Teresa si “Marites”, Maria Socorro” si Maricor, Maria Belinda” si Maribel.  Ngayon uso na ulit ang mga Spanish names na si Antonio, Margarita, Lucia.  Kilala mo ba si “He who must not be named” sa Harry Potter yon ah, pero sa Pilipinas, nasa Mariano Elementary School siya, si Lord Voldemort Estioco.  Si Beezow Doo-doo Zopittybop-bop-bop at Batman bin Suparman narinig mo na ba? Legal na mga pangalan ito na naging popular dahil sa kaibahan, kaso nga lang pareho silang nakalaboso dahil sa krimen.

Ang isang pangalan ay tila dumidikit sa isang tao kapareho din ng isang kumpanya. Sinasabing ang tamang pangalan ay isang susi sa pagtanyag nito, ang maling pagpapangalan ay maaring maging katumbas ng paglubog ng negosyo. Ang pinaka-sikat nga na mga brand names ngayon tulad ng “Iphone,” “Blackberry,” “Google” ay dumaan sa masusing pagsasaliksik, kaya nga marami na rin ngayong consulting firm sa larangang ito. Sila iyong mga kumpanya na magbibigay sa iyo ng payo kung may chance ba na mag-click ang pangalang napili mo sa iyong negosyo o kumpanya o wala ba itong matatapakang ka-kumpetensya sa industriya o magbibigay sa iyo ng tips para makarating sa tila isang perpektong brand name. Sa tamang formula ng pangalan, tagumpay ang hatid nito. Hindi kaya ganito din sa isang tao? Si Albert Einstein, ang kahulugan ng Albert sa English ay matalino o matayog o dakila; ang Einstein naman sa German ay “napapaligiran ng bato,” matatag, malakas.  Parang siya talaga, di ba?

Importante pala na alam natin ang dahilan kung bakit ito ang magiging pangalan ng isang tao. Hindi lang dahil, basta lang, kase cute eh, sosyal ang dating, uso kase. Sa ganda ng isang sanggol, tama lamang na matawag siya sa isang magandang pangalan din, isang pangalan na siya o magiging siya. Sa ating mga napangalanan mapipili mo ba ang kahulugan ng iyong pangalan? Magagawa mo kahit wala siya sa bokabularyo, ikaw naman iyan eh, sa iyo din nakasalalay ang magiging kahulugan ng iyong pangalan at syempre pa ang gusto mo, iyong maganda, iyong kakaiba, iyong “Ikaw”gawin mo!


Lola Jena

TWINKLE! TWINKLE!


March - April 2015





ARIES (March 21 –April 20)
Know that your are strong and you’re the boss. Pero, dahan dahan lang. Don’t go too far. Kailangan, firm ka but be soft with your words. You are the best kaya you deserve a promotion or salary increase, kung pwede lang. Always give your best in whatever you do. People will know your accomplishments. For your health, drink lots of water. You need to detox your kidneys.

TAURUS (April 21 – May 21)
Meron kang tutulungan na tao. I know you will go all your way to help. Pero your efforts will not be enough. Don’t feel bad. You did and gave your all. Take it easy. Don’t listen too much on what people say to you. Block out negative vibes. Stay with good friends and your family. Eat more veggies and lessen your meat intake. Kailangan mo ng maraming gulay sa katawan. Time for the salad bar!

GEMINI (May 22 – June 21)
Tandaan mo, “No one is perfect!” Don’t waste your time doing things over and over again. Know when to stop. Know when it’s finally over. Pwede ito sa work o sa love life mo. Know to let go. You need to refresh your mind, body and soul. Take yoga. Or go visit the church and be alone with God. Meditate on His presence. It’s time to listen within you and ask what is best for you.

LEO (July 24 – Aug 23)
People will come to you and ask for help. Maganda ang tumulong sa kapwa tao. Pero kailangan, alamin mo kung anong klaseng tulong iyan. Baka at the end, ikaw na lang lahat ang gagawa. Hindi maganda ito for you and for them. Siguro, you should try to limit your goodness. Minsan, maganda rin ang lessons na binibigay ng sufferings. We grow more spiritually stronger. As much as possible, let them do it. Pero you can always give advice. Para sa iyo naman, do not overeat. Masama sa katawan. You need to take care of your stomach. 

VIRGO (Aug. 24 – Sep. 23)
Masunurin kang bata. You are a loyal friend. Ingat lang sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid mo. Huwag kang masyadong mag-trust sa kanila. You need to study and analyze their stories. Baka pati ikaw ay madamay at the end. Learn a new hobby. Mag-aral ka sa isang school o workshop. Pwedeng arts like ikebana, o kaya Japanese language class. It will be good for you. Iwasan ang sweets kung pwede lang. Lessen your sugar intake. 

LIBRA (Sep. 24 – Oct. 23)
Hindi lahat ay pwedeng bayaran. Hindi lahat ay mayroon price tag. Kung idadaan mo sa pera, lalong hindi maganda ang mangyayari. Huwag kang masyadong magmadali. You need patience. Breathe in. Breathe out. Chill! Hindi maganda sa blood pressure mo. Magpunta ka sa onsen. Magbabad ka habang tinitingnan mo ang mga magagandang sakura flowers. Enjoy life. Life is beautiful! You will know that when you are more relaxed, you can think better and make better decisions. Ganbatte!

SCORPIO (Oct. 24 – Nov. 22)
Huwag kang kuripot kahit hindi ka naman kuripot, sa totoo lang. Maganda ang timing para makibonding sa mga family and friends so spend more time with them. Mag picnic kayo under the sakura trees! Mag karaoke! Limit lang ang alcohol intake baka kumirot ang gout at rayuma. Tandaan mo, it’s the quality of time and not the quantity. Kahit konting time of bonding, ok lang. Drink more juice for your body.

SAGITTARIUS (Nov. 23 – Dec. 21)
Ingat ka sa mga negative na tao. They are putting their weight on you. Nabibigatan ka na. Remove them from your life as much as possible. They are craving for your attention so just ignore them. Always surround yourself with people who has the same level of thinking as you. Always eat on time. And never kang mag skip ng meal. If you are on a diet, bawasan mo lang ang quantity ng pagkain mo.

CAPRICORN (Dec. 22 – Jan 20)
Mag-ingat ka sa mga matataas na tao, o sa mga taong may awtoridad. Baka lalo kang pahihirapan. Magpakumbaba ka lamang. Huwag kang lumaban kahit meron kang ibubuga. Huwag kang magmataas. Just smile. Don’t let them stress you. Also, bigyan mo ng importansiya ang mga totoong friends mo pati na rin yung mga matagal mong hindi nakikita at kinakausap. Na mi-miss ka na nila.

AQUARIUS (Jan. 21 – Feb. 19)
Mag-ingat sa mga alingasngas. Baka meron kang maririnig sa ibang tao na hindi mo gusto. Pabayaan mo lang sila. Merong mga taong masama na gustong manira. Huwag mo silang patulan. Lalo ka lang mapapasama. And they will succeed if you let them. Pray ka lang. And stay positive. 

PISCES (Feb. 20 – Mar. 20)
Always be flexible with your decisions. You should learn how to adjust always. Sometimes, it’s not the strong who survives but the most adaptable. Always study the situation and adjust in whatever way. But be more adventurous. Always trust your instinct. Alagaan ang katawan. Do some stretching exercises para hindi ka mangalawang. Sweat it in the sauna! Drink more water.


Jasmin Vasquez

Ano Ne! : Long Distance Relationship


March - April 2015



Katatapos lamang ng Valentine's Day. Marahil ang iba sa inyo ay naging masaya ang araw ng mga puso. May mga flowers, chocolates, stuffed toys, at iba pa. Ito siguro ang pinaka sweet at romantic na araw para sa mga magkasintahan mag-asawa o kahit na anong klase pang relasyon mayroon sila. Nag-iinit at nag-aalab ang kanilang pagsasama tuwing sasapit ang araw ng mga puso. Ngunit katulad ko at ng iba pa, palaging malamig ang Pasko, ang New Year, at lalong lalo na ang Valentine. Nakakalungkot na ikaw ay nag-iisa sa mga araw na katulad ng ganito. Kaya naman ito ay nagiging isang malaking pagsubok kapag ikaw ay may ka-relasyon sa malayong lugar na tinatawag nating “long distance relationship.”

Dalawang taong nag-iibigan ngunit hindi sinasadyang magkalayo ng landas dahil sa kani-kaniyang kadahilanan.  Mayroong natutukso sa iba dahil sa kalungkutan. Kung minsan ay nauuwi sa hiwalayan. Nakakalimutan na kaya nagpunta sa malayong lugar ay upang mabigyan ng magandang kinabukasan at kaginhawaan ang pamilyang iniwanan.

Noon, sadyang sobrang lungkot ang buhay sa abroad. Nag umpisa sa telegram, o gagawa ka ng letter na isa o dalawang linggo bago pa makarating sa papadalhan mo. Hanggang sa dumating ang telepono. O di kaya ay celpon. 

Ngayon marami ng paraan para magkausap kayo ng mga mahal sa buhay. Mayroong Skype, Line, Viber, etc. Hindi lamang boses ang maririnig dahil maari mo ring gawing video call para makita mo rin siya on camera. Dahil dito, pakiramdam mo andyan lang sila sa tapat mo. Pwede kayong magkantahan, pwede kayong sabay kumain, mag inuman. Pwede kayong maglambingan (sarap!). At pwede kayong parati sabay matulog. Lahat pwede niyong gawin. Yung tipong nakabukas lang ang skype or FB kahit na pareho na kayong naghihilik na parang magkatabi lang kayo. Pag gising niyo, parang magkatabi pa rin kayo. Ang sarap ng pakiramdam kasi hindi na kayo maiinip dahil araw-araw kayong magkasama kahit sa internet lang. Hanggang di mo namamalayan na malapit ka na pala ulit umuwi ng Pinas. Salamat sa internet!

Kung minsan ang tadhana ay talagang mapaglaro. Marami pa rin taong nagkakamali at natutukso. Yung iba naman, kahit alam ng may pamilya, pilit pa rin manunukso hanggang sa masira niya na ang relasyon at buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Ang resulta, apektado ang mga anak dahil sa hiwalayan. 

Maraming ganyan dito sa Japan may nanunukso or nagpapatukso pa sa iba mapa Hapon o Pinoy man ang asawa nila.  

Mahirap talagang makipagrelasyon lalo na kung ikaw ay malayo. Para sa mga taong mahilig manira ng pamilya, good luck po sa inyo dahil, sa totoo lang, huwag kang mainip, katulad ng camera, eh, digital na rin ngayon ang karma. Maawa kayo sa mga anak niyo. 
     
Sana bago po tayo makipag sapalaran sa malayong lugar, siguraduhin natin na kaya nating labanan at kaya nating panatilihin ang tamis ng pagmamahalan kahit na ito ay long distance relationship pa. Huwag papatukso. Huwag manunukso dahil buhay ng pamilya ang nakataya dito.

Mayroon din naman nagtatagumpay na kahit ilang taon na silang magkasintahan at magkalayo pareho nasa abroad ay talaga namang subok at matatag sila. Natawa nga ako nung makita ko sa picture sa FB na tadtad ng picture ng babae yung room ng lalake, hehehe. Imagine, mayroon pang tarpaulin ng picture nung girl si boy! So sweet. At alam niyo po ba na sa  darating na Year 2016 ay magpapakasal na sila?  At syempre, uuwi po ng Pinas ang inyong lingkod para kumanta sa kanilang kasal. Yan ang tunay na pagmamahalan. Naghintay at lumaban sa mga tukso dahil wagas ang pagmamahalan. Saludo ako sa inyong dalawa kaibigan. Sana’y marami pang katulad ninyo. 

Hanggang sa muli mga kaibigan. God bless at ingat po tayo palagi. Nawa’y lahat tayo ay huwag magkasakit dulot ng sobrang ginaw dito sa Japan.