Ano Ne! : Long Distance Relationship
March - April 2015
Katatapos lamang ng Valentine's Day. Marahil ang iba sa inyo ay naging masaya ang araw ng mga puso. May mga flowers, chocolates, stuffed toys, at iba pa. Ito siguro ang pinaka sweet at romantic na araw para sa mga magkasintahan mag-asawa o kahit na anong klase pang relasyon mayroon sila. Nag-iinit at nag-aalab ang kanilang pagsasama tuwing sasapit ang araw ng mga puso. Ngunit katulad ko at ng iba pa, palaging malamig ang Pasko, ang New Year, at lalong lalo na ang Valentine. Nakakalungkot na ikaw ay nag-iisa sa mga araw na katulad ng ganito. Kaya naman ito ay nagiging isang malaking pagsubok kapag ikaw ay may ka-relasyon sa malayong lugar na tinatawag nating “long distance relationship.”
Dalawang taong nag-iibigan ngunit hindi sinasadyang magkalayo ng landas dahil sa kani-kaniyang kadahilanan. Mayroong natutukso sa iba dahil sa kalungkutan. Kung minsan ay nauuwi sa hiwalayan. Nakakalimutan na kaya nagpunta sa malayong lugar ay upang mabigyan ng magandang kinabukasan at kaginhawaan ang pamilyang iniwanan.
Noon, sadyang sobrang lungkot ang buhay sa abroad. Nag umpisa sa telegram, o gagawa ka ng letter na isa o dalawang linggo bago pa makarating sa papadalhan mo. Hanggang sa dumating ang telepono. O di kaya ay celpon.
Ngayon marami ng paraan para magkausap kayo ng mga mahal sa buhay. Mayroong Skype, Line, Viber, etc. Hindi lamang boses ang maririnig dahil maari mo ring gawing video call para makita mo rin siya on camera. Dahil dito, pakiramdam mo andyan lang sila sa tapat mo. Pwede kayong magkantahan, pwede kayong sabay kumain, mag inuman. Pwede kayong maglambingan (sarap!). At pwede kayong parati sabay matulog. Lahat pwede niyong gawin. Yung tipong nakabukas lang ang skype or FB kahit na pareho na kayong naghihilik na parang magkatabi lang kayo. Pag gising niyo, parang magkatabi pa rin kayo. Ang sarap ng pakiramdam kasi hindi na kayo maiinip dahil araw-araw kayong magkasama kahit sa internet lang. Hanggang di mo namamalayan na malapit ka na pala ulit umuwi ng Pinas. Salamat sa internet!
Kung minsan ang tadhana ay talagang mapaglaro. Marami pa rin taong nagkakamali at natutukso. Yung iba naman, kahit alam ng may pamilya, pilit pa rin manunukso hanggang sa masira niya na ang relasyon at buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Ang resulta, apektado ang mga anak dahil sa hiwalayan.
Maraming ganyan dito sa Japan may nanunukso or nagpapatukso pa sa iba mapa Hapon o Pinoy man ang asawa nila.
Mahirap talagang makipagrelasyon lalo na kung ikaw ay malayo. Para sa mga taong mahilig manira ng pamilya, good luck po sa inyo dahil, sa totoo lang, huwag kang mainip, katulad ng camera, eh, digital na rin ngayon ang karma. Maawa kayo sa mga anak niyo.
Sana bago po tayo makipag sapalaran sa malayong lugar, siguraduhin natin na kaya nating labanan at kaya nating panatilihin ang tamis ng pagmamahalan kahit na ito ay long distance relationship pa. Huwag papatukso. Huwag manunukso dahil buhay ng pamilya ang nakataya dito.
Mayroon din naman nagtatagumpay na kahit ilang taon na silang magkasintahan at magkalayo pareho nasa abroad ay talaga namang subok at matatag sila. Natawa nga ako nung makita ko sa picture sa FB na tadtad ng picture ng babae yung room ng lalake, hehehe. Imagine, mayroon pang tarpaulin ng picture nung girl si boy! So sweet. At alam niyo po ba na sa darating na Year 2016 ay magpapakasal na sila? At syempre, uuwi po ng Pinas ang inyong lingkod para kumanta sa kanilang kasal. Yan ang tunay na pagmamahalan. Naghintay at lumaban sa mga tukso dahil wagas ang pagmamahalan. Saludo ako sa inyong dalawa kaibigan. Sana’y marami pang katulad ninyo.
Hanggang sa muli mga kaibigan. God bless at ingat po tayo palagi. Nawa’y lahat tayo ay huwag magkasakit dulot ng sobrang ginaw dito sa Japan.
No comments:
Post a Comment