Thursday, March 19, 2015

Warren Sun

KUSURI SA KUSINA: A Nutritional Spin on Spinach


March - April 2015


Hindi nakakapagtaka na hinugot ang lakas ni Popeye, the Sailorman sa pamamagitan nang paglunok ng Spinach o Horenso sa Japanese. Alamin natin kung anu-ano nga ba ang mga health benefits na makukuha natin with spinach.

Cancer Prevention. Ang spinach at iba pang green vegetables ay mayroong Chlorophyll na epektibo sa pag block ng carcinogenic effects of heterocyclic amines na nag-ge-generate sa pag grill ng food sa high temperature.

Healthy Skin & Hair. Mataas ito sa Vitamin A na essential sa pag produce ng sebum para mapanati-ling moisturized ang hair. Mataas din ito sa Vitamin C na pag maintain ng Collagen na nagbibigay structure sa balat at buhok.

Reduction of Blood Pressure. Dahil sa kanyang high potassium content, ito ay nirerekomenda sa mga taong may high blood pressure para maneutralize yung sodium sa kanilang katawan.

Good Source of Omega 3 Fatty Acids. Ang madalas na pag intake ng spinach ay nagbabawas ng prevention sa Osteoporosis o ang panghihina ng mga buto.

Protective Against Eye Diseases. Meron itong Lutein na sinasabi na tumutulong laban sa age-related cataracts and macular degeneration.

Excellent Source of Iron. May mineral iron ito na tumutulong sa mga menstruating women, growing children and adolescents. Kumpara sa karne, ito ay mababa sa calories at fat and cholesterol-free. At dahil ang iron ay bahagi ng hemoglobin na nagdadala ng oxygen sa lahat ng body cells, ito ay kinakailangan para magkaroon ng good energy.

Gastrointestinal Health. May antioxidants ito na tumutulong sa pagbawas ng risk sa colon cancer. Ito rin ay may Folate, Vitamin C at Beta-carotene na nagsisilbing malakas na armas na panlaban sa anumang gastrointestinal disorder.

Ito na ang pagkakataon na mag stock ng spinach sa inyong kusina at gawin itong bahagi nang inyong lutuan tulad ng pasta, soup at casseroles. Sa dinami-dami ng mga health benefits nito, patok pa sa inyong daily diet requirement. 


No comments:

Post a Comment