Saturday, May 17, 2014

Lola Jena

TWINKLE, TWINKLE!
Paniwalaan Ninyo O Hinde



May-June 2014


ARIES 
21 March – 19 April
Gusto mong gumanda? Mag jogging ka. Magbasa ka ng maraming libro. Manood ng sine. Isama ang mga pamangkin at ilibre mo na rin sila pati na rin ng popcorn. Mag babysit ng mga chikiting. Pagkatapos ng lahat ng iyan, pangit ka pa rin at wala ka ng pakialam dahil pagoda pilipins ka na! Ano ang importante? Beauty or health? Para sa you dear Aries, kalusugan ang una mong priority! Sapagkat kahit may beauty ka, kung wala kang health, papangit ka! Time for zumba!

TAURUS 
20 April – 20 May
Para saan ba ang pera? Eh di para pang gastos! Masasayang lang ang perang tinatago mo kapag bigla kang natigok! Learn to enjoy your savings also. Magpa-beauty ka. Go to the spa. Get a massage. You need to relax and unwind. Mag travel ka pa minsan-minsan. Bawal sa yo ang GAMBARISUGI! Tokidoki, mag yasumi!

GEMINI 
21 May- 21 June
Matalas ang dila mo, Inday! Ingat ka sa mga lumalabas sa bibig mo at darami ang mga Hudas sa paligid. Ma-utak ka na, very competitive pa. Cool ka lang, pangga! Kapag ikaw ay nadapa, ikaw lang ang masasaktan! Hindi sila. Kung ano ang nasa harapan, tanggapin at huwag ng umasa ng iba. Be happy for what you have. Enjoy life!

CANCER 
22 June – 22 July
Kung meron kang nararamdaman sa katawan mo, dapat dumerecho ka agad sa duktor at huwag mag-aksaya ng panahon pa. Mahina kasi ang katawan mo. Mainam na lagi kang magpa-regular check-up. Iwasan ang asin o ma-alat na pagkain. Uminom ka lagi ng tubig. 

LEO 23 
July – 22 August
Lilipat ka na naman ng bahay? Papalitan ang trabaho? Tita, pag-isipan mo ng maraming beses kung ito talaga ang gusto mong gawin. Very stressful ang pagbabago sa buhay. If you want change, then change it is! Pero tapusin mo ang lahat ng mga problema mo sa dati. Kung hindi, babalik ang mga iyan sa paglipat mo… same problem, different people!

VIRGO 
23 August – 22 September
Bawasan ang paglalabas-labas, lalo na ang party-party! Bigyan mo muna ng oras ang sarili mo bago ang iba. Go visit the church alone and pray. Maganda rin sa yo ang mag-yoga! Read books! Mag-onsen ka! Maraming kasiyahan ang makikita mo sa loob ng sarili mo. Mamaya na ang mga barkada. Makakahintay din sila. Makikita din nila ang glow ng inner beauty mo!

LIBRA  
23 September – 23 October
Mag-ingat sa tsismis dahil magi-ging laman ka ng tsismis! Huwag kang lumaban. Huwag kang mag-eskandalo. Kung hindi, lalaki lang ang tsismis na parang apoy. Kung may apoy, dapat, tubig ka. Cool ka lang. You cannot play fire with fire. Pray ka lang. Pray for them. Karma na lang ang bahala sa kanila.


SCORPIO  
24 October – 21 November
Makamandag ang beauty mo! Malakas ang sexual appeal mo. Control mo lang yan, dear, at baka mauwi sa hindi ina-asahan. Control your emotions also. Huwag na huwag kang maghigante. Baka ma-karma ka. Mas maganda ang maging mabait at matulungin ka. Gamitin mo ang powers mo sa mabuting paraan.

SAGITTARIUS  
22 November – 21 December
Huwag ka mahiya sa tunay na katayuan mo. Express yourself, sabi nga ni Madonna. Ang mga tunay na kaibigan mo ay tatanggapin ka ng buong-buo. Yung hindi makakatanggap sa yo, eh di echupwera mo na lang sila sa buhay mo. Alaggan mo lang maiigi ang mga tunay mong kaibigan.

CAPRICORN  
22 December – 19 January
Ikaw ang magdadala ng swerte sa sariling buhay mo kaya always be positive. Kung negative ang attitude mo, magiging negative din ang buhay mo. Tulungan mo ang mga nangangailangan na mga kaibigan. Darating ang panahon, tutulungan ka rin nila.

AQUARIUS  
20 January – 18 February
Pag-isipan mong mabuti ang mga bagay bago mo sabihin at gawin. Baka magsisi sa dulo. Yung mga promises na sinabi mo before, dapat mong gawin. Marami ang naghihintay sa yo.  Malakas pa naman ang memory mo, diba? Ikaw dapat ang nagbibigay ng ligaya sa mga katabi mo. Share your blessings!

PISCES  
19 February – 20 March
Iwasan lagi ang gulo. Kung may nakikita o na-aamoy kang apoy, ikaw na dapat ang maghinto nito. Be strong as a leader! Magandang panahon para mag business o mag invest. Pag-aralan mong mabuti bago mo pasukin.






No comments:

Post a Comment