PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate
Ikaw Ang May Control!
Isang buwan na ang nakakaraan after the East Japan-Pacific Earthquake of March 11. Nakita na naman natin ang lakas na magagawa ng kalikasan. Studies say it took 200 years para magkaroon ng ganoong kalakas na lindol. Sabi ng mga scientists, para matumbasan ng mga bomba na binagsak sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945 ang lakas ng energy na binigay ng lindol na ito kailangan ng mga 31, 250 nuclear bombs. Ganoong kalakas! Kaya hindi ka talaga magugulat sa matataas na tsunami na mataas pa sa isang 4-storey building.
Hindi mawala ang awa ko sa mga namatay sa lindol at sa tsunami na iyon. Paano kaya sila namatay? Biglaan kaya? Eh iyung mga nasa loob ng kotse na hindi na makalabas? How were they able to face death? Ang lindol na ito ang nagpaisip muli sa akin tungkol sa katotohanan ng kamatayan. Hindi man lang natin alam kung kailan darating ito. Biglaan kaya? Unti-unti? Nag-iisa? Kasama ang mga mahal sa buhay? Kung ngayon ka mamamatay, handa ka na bang
harapin ang Diyos? Sa bilis ng tsunami, may time pa ba tayong mag-sorry sa mga nasaktan natin?
Kailangang magtipid ng kuryente. Kailangang magtipid sa bilihin. Tinatawag ang mga Hapon na mag-isip muna bago bumili. Kahit ang mga useless text sa telepono, dini-discourage. Sa mga panahong ito, bumabalik tayo sa basics ng buhay. In some ways, isa ito sa mga positive na dala ng isang natural disaster. Bumabalik tayo sa kahalagahan ng pamilya, ang panahon na kasama sila, kasi walang TV, walang cellphones, walang PSP. Balik sa personal encounter ang tao at hindi sa telepono o computer lamang. Tandaan, kahit na gumanda ang buhay natin dito sa Japan with all the technology, kahit na malaki ang perang naipapadala natin kung ito ay ipalit sa peso, sana ay hindi natin maalis sa puso natin ang value ng basics ng buhay: ang mahawakan ang iyong mga mahal sa buhay, ang makasama ang mga taong mahalaga sa iyo, ang mag-schedule ng oras sa isang araw na patay ang TV, patay ang games, walang cellphone.
Kasabay ng mga news na nakikita natin about Japan, siguro ay familiar din kayo sa news about a certain game show na kung saan sumayaw ang isang bata nang malaswa. Yung mga against sa host will say, “Sinasabi ko na nga ba! Manggagamit ng mahihirap. Binabandera ang pera para maging dependent lang sila. Pawang kabaduyan!” Yung mga kampi naman sa host, “Eh ano bang pakialam nyo! Gusto lang naming magsaya! Kayo ba may magagawa sa pamumuhay namin?! Ha!” Well, kung tutuusin, kasalanan talaga ng mass media ng Pilipinas iyan. Bakit natin kasi pinababayaan na bumaba nang bumaba ang level ng ating mga TV programs?
Yung isang kaibigan ng ate ko na nagtatrabaho sa isang TV station sinasabi niya na pag nagmi-meeting daw sila for a TV program, kahit na mga graduates sila ng mga Ateneo, La Salle or UP, kailangan nilang pabakyain ang kanilang mga shows para panoorin ng masa. Naging instrumento ng business ang TV para kumita nang kumita at yumaman sila mula sa mahihirap na walang pera. Sila ang yumayaman. Ang mga mahihirap, tuluyang nagiging mahirap. Sila ang kumikita. Ang mga mahihirap hindi umaangat. Kulang na nga ang pagkakataon sa edukasyon, hindi pa binibigyan ng edukasyon sa pamamagitan ng mass media.
Ang quality ng ating mga TV shows sa Pilipinas, masyadong mababaw. Puro drama. Tapos ang mga primetime and noontime shows, puro pababaan ng level sa jokes, sa pagtingin sa babae, matatanda, bakla at may kapansanan. (If I remember well, nagsimula na itong lumala noong late 70's pa! Of course, isama na rin diyan ang mga toilet humor ng mga comedians.) Yung mga informative shows kakaunti. Yung mga shows with true appreciation of the arts, lalong kaunti. TV mismo ang nagiging paraan para hatiin ang Bansa natin: mga edukado at hindi, mga mayayaman at mahihirap, mga sosyal at bakya. Kung iisa sana ang effort ng mass media at gobyerno para itaas ang level ng Pilipino. Kailan kaya mangyayari iyon? Tapos naglalabanan pa ang TV stations. Pare-pareho silang nagiging kulang-sa-pansin (KSP). Kailangan mas maingay, kailangan mas mahaba, kailangan mas maraming commercial! Puro porma, kulang sa laman. Sayang... sayang talaga. Kung puwede lang sanang gawing paraan ang TV para lalong lumalim ang pag-ibig ng Pilipino sa kanyang bansa. Kung puwede lang sana maging paraan ang TV para mag-improve ang Good Manners ng mga Pilipino sa kalsada. Kung puwede lang sana maging paraan ang TV para tumaas ang sense of decency ng mga Pilipino. Kung pampasaya lang ang TV para sa isang Pilipino, ok lang sa akin... basta ang saya na iyon ay iyong hindi tumatapak sa karapatan ng iba, iyong hindi madamot at mayabang, iyong hindi ka magiging sakim sa pera.
Ako mismo ay isang mass media fanatic. Kaya kong magtrabaho nang bukas ang TV o radyo. Gusto kong may background music kapag naglilinis. Natutuwa ako sa power ng visual and audio communication. Everything in mass media can be used to give a message. Napapansin nyo ba ang mga posters ng mga pulitiko? Pati ba naman ang shade ng make-up o kulay ng kurbata, pati ang kulay at laki ng font ng mga letters ay ping-iisipan para makatawag-pansin at makakuha ng ninanais na reaction mula sa mga tumitingin nito.
Kaya dapat aware tayo sa ating nakikita, napapanood at naririnig. Hindi lahat ng nagbibigay saya ay mabuti. Kahit si Satanas kayang-kaya niya tayong pasayahin.
Kapag natawa tayo sa joke sa TV, afterwards, isipin din natin BAKIT tayo natawa, kasi baka ang pinagtawanan natin ay nakapagpapababa sa dignidad ng pinagtawanan. Kapag napapasayaw tayo sa isang tugtog, maging aware din tayo kung ANO ang lyrics ng kantang iyon at baka pawang kabastusan lang iyon.
Good values can come through mass media. And mass media can also give bad things. Wag ka lang tanggap nang tanggap.
----------------------------
SHITTE IRU?
by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA... na nasa Pilipinas ako for an official business trip ng magkaroon ng earthquake and tsunami? Grabe ang takot ko when I received a call from Elmer of PEZA and mga text from friends na nasa Pilipinas updating me of what is happening, kasi alam nga nila na nasa Japan ang asawa ko at ang mga anak ko. Got so worried lalo na nung di ko makontak ang mga bata, ang husband ko at yung kasama namin sa bahay because phone service were disrupted. Gosh talaga, kung superman lang ako, gusto kong lumipad that time. Napakahirap at di ako nakatulog dahil sa worry ko and I was just looking forward for our flight the following day. I was also touched kasi not only friends comforted me with their text messages and calls, pati si PEZA Director General Lilia B. de Lima at si Ma’am Sabrina Panlilio, wife of DTI Undersecretary Cristino L. Panlilio. Again, thank you sa lahat ng mga nag text, mga tumawag sa akin at mga nagdasal para sa lahat ng mga nasalanta ng earthquake and tsunami.
ALAM NYO BA…na lahat ng naka-experience nung earthquake at tsunami ay may kanya-kanyang kwento, what they felt and what changed sa pananaw nila ngayon sa buhay.
ALAM NYO BA…na maraming mga kababayan natin ang nagsalita ng masama about the Embassy? Some even posted sa facebook without even thinking if what they were saying ay tama ba o mali o kung ito’y makakabuti ba sa kapwa. Others even said bad things about the Ambassador na gusto niyang umuwi ng Pilipinas kasama ang mga Embassy staff. Yung iba naman sabi pa na ang mga taga-Embassy ay pumunta ng Osaka at linisan ang Embassy. Tayong mga Pilipino talaga, diyan tayo magaling – ang gagaling natin manira ng kababayan, sisirain kahit walang ginagawang masama sa iyo, paninira ng kapwa kaya di tayo umaasenso. Nakakainis kasi, kahit saan sulok ng mundo na may Pilipino, sila mismo ang maninira sa iyo. Either inggit sila o may galit na di mo maintindihan. Sakit na ng Pinoy ang mag-criticize or feeling nila na para silang ignorante lang sa nangyayaru. Ang dali-dali for Pinoys to always criticize not only the government pati na rin yung mga ibang kababayan natin. Kaya next time you want to make a negative comment or make unnecessary criticisms, think muna kung ang sasabihin mo ba ay tama o makakabuti sa kapwa mo at sa iyong bayan. Isipin mo na rin, whether what you are about to say will make you a better person or not, will make you look educated or uneducated. For a change naman, instead of negative criticisms or mag-tsismis, why not just say a prayer.
ALAM NYO BA…na ang Japan is the only country na prepared sa earthquakes at tsunamis? In Japan, at least once a month may mga drills sila. Not only school children pati na rin yung mga Japanese corporations/ company, they make sure they have drills once a month. Kaya naman, whenever may earthquake, kahit malakas, hindi nagpa-panic ang mga Japanese, they remain calm and sumusunod lang sila sa mga instructions, maybe from a local fire department, a teacher or someone who is in-charge of the group. For school children, gaya ng mga anak ko, after the March 11 earthquake, hindi sila pinayagan na umuwi o umalis ng school, as in they are required to stay in school until a parent or guardian comes to collect them. It also applies for those whose homes are damaged or if walang family member na available to look after them, then kailangan nilang mag-stay sa school. My sister who was in her office during the March 11 earthquake, seeing buildings within vicinity of Imperial Hotel shaking violently or swaying witnessed how behaved and calm the Japanese people. My sister also said that you will see how companies in Japan are very much prepared, yung mga employees wearing protective hats, the person in-charge giving orders, distributing emergency supplies gaya ng tubig, biscuits and small flashlights. But what is also amazing is how the buildings are designed and built, that even if there is a big earthquake, the buildings will only sway left and right and will not collapse at all. Nakaka-believe talaga sila.
ALAM NYO BA…na halos lahat ng tao sa buong mundo ay na-impress sa mga Japanese? Kahanga-hanga talaga ang mga Japanese lalo na after the March 11 earthquake and tsunami. Dito nakita ng karamihan the best traits of the Japanese people, they are disciplined, orderly, patient and calm. Di sila nagre-reklamo o maririnig na pinagbibintangan nila ang kanilang government. Mayroon din siguro who complains but not really to the point na sisiraan nila ang kanilang government. They remain courteous, honest and have respect for each other. Hats off to Japan and to its people. May God bless Japan and its people.
ALAM NYO BA…that the Philippine envoy to Japan, Ambassador Manuel M. Lopez is now officially Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary. Ambassador Lopez presented his credentials to His Majesty Akihito, Emperor of Japan, held at the Imperial Palace last April 7, 2011. Sir, congratulations po and more power sa inyo ni Madame! God bless always.
No comments:
Post a Comment