Thursday, May 12, 2011

Jeepney Press 2011 May-June page 17



Doc Gino’s Pisngi Ng Langit

Sexually Transmitted Infection

Tanong: Drop ko na lang ang facts.

Sept. 28, may nakatalik akong babae na naka-chat ko lang sa Facebook. Well educated siyang babae pero hindi ako naniniwalang ikalawa lang ako sa mga naka-sex niya.

Oct. 13, nag-sex kami ng girlfriend ko while having her period. After noon eh nakaramdam na ako ng tila mabigat na pakiramdam na parang namamaga sa kaliwang bayag ko.

Oct. 14, di nawala yoong sakit at tila lalo pang lumala dahil pti kanang bayag ko eh sumasakit na rin.

Oct. 15, masakit na pareho pati kaliwa't kanang bahagi ng puson ko.

Oct. 16, nagpa-check-up ako sa doctor. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko then he asked me if masakit ba ang pag-ihi ko. Sinabi kong hindi dahil wala naman akong nararamdamang ganoon. Pinablood-test at urine-test ako nguni’t sinabi niya na normal naman daw. Baka daw luslos na daw itong nararamdaman ko. Niresetahan niya ako ng OFLOXAXIN at CELCOXX for a period of 5 days then bumalik daw ako sa kanya.

Oct. 17, hindi na parehong bayag ang sumasakit sakin Doc kundi pati kaliwang bahagi ng puson, at kaliwang bahagi ng ari ko na ang sumasakit. Tila parang namamaga at mainit na ang pakiramdam ko.

Based on my research Doc about sa HIV eh pumapasok ako sa 1 to 3 weeks before magkasymptoms ako nakaramdam ng mga ito. Ang girlfriend ko naman eh from October 13 na nag-sex kami eh namamaga ang lymph nodes niya sa may leeg na naramdaman lang niya kahapon (Oct. 16). Noong Oct. 13 lang kami ulit nag-sex since nakatalik ko ang isang babae noong Sept. 28.

Here are my questions doc,

Sir, what percentage po na mayroon akong HIV at girlfriend ko?

Kung STD-related case itong nararamdaman ko eh ano po kayang uri ito ng sakit and virus na nakainfect sakin?

Doc Gino (DG): I wouldn't know what percentage. HIV does not occur fast. It can take several months to years before it manifests. There are too many kinds of STDs. Laboratory tests such as urinalysis, urine culture, blood tests can confirm what infection is present.

T: Follow-up question sir. With relation to the facts I cited this morning sir, may possibility ba na na-infect ko na rin ang girlfriend ko when we had sex? Should I stop having sex with her for the meantime?

Umiinom na ako ng gamot since yesterday sir, walang nagbago sa pakiramdam ko Doc imbis eh lalo pang sumasakit. Should I finish the 5-day treatment instructed by my doctor or bumalik na ako sa kanya? Tnx sir in advance...

DG: It is possible to have another person infected if you were infected to begin with. I recommend consuming your medications, after which, seeking a follow-up medical evaluation with your doctor.

-----------------------------------------------------------

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata

SAAN KA PUPUNTA?


Isang araw makalipas ang May-June issue deadline ng Jeepney Press, nag-mail sa akin ang editor-in-chief namin na si Mr. Dennis Sun. Sabi nya, "Mylene, deadline natin kahapon, di ko pa natatanggap yung article mo." Naalala ko tuloy! Oo nga! Pero, sabi ko pasensya na sa abala. Paano ko nga ba ipapalagay ang isip ko na makapagsulat? Ganitong puro lindol ang laman nito? Ganon pa man, sinubukan kong mag-isip ng bagay na pwedeng talakayin para sa aming mga mahal na mambabasa. Sana ay pagtibayan natin ang ating pananalig sa ating Lumikha. Anuman po ang nga kasalukuyang kaganapang nararanasan natin sa ngayon, ang pinakamahalaga ay may matibay tayong pananalig sa Maykapal lamang.

Sa mga nakalipas na araw na halos makapagpigil hiningang lindol at tsunami, meron kaya sa atin ang hindi nababahala? Subukan man natin isipin na okay lang tayo... reality check, e medyo... hindi naman talaga okay ang sunud- sunod na malungkot na pangyayari dito sa Japan, di po ba?

Sa araw-araw na balita pa lang ay siguradong manlulumo tayo sa lungkot at pag-aalala. Pero, may choice ba tayo? Ilan sa mga kasamahan ko sa pinapasukan kong pabrika ay nagsipagbalik na sa kani-kanilang bansa. Nagulat na lang ako nang biglang nagsipaglaho ang karamihan. Tanong nga sa akin ng isa, "Di ka ba uuwi ng Pilipinas?" Gustung-gusto kong umuwi. Isa pa, ilang beses na din akong tinatawagan ni nanay at sinasabing "Umuwi muna kayo dito anak!" Madali sanang sabihin, "Sige, bukas 'nay, uuwi ako." Yung mga kapatid ko sa Singapore, sa Canada, at sa Malaysia, lahat sila walang tigil sa kakatawag sa "viber" sa akin. Sobrang nag- aalala. Doon na muna daw kami sa kanila tumira. Haaay! Kung ganon nga lang ba kabilis mapag-desisyunan eh! Pero, reality check ulit... di naman po ganoon kadaling magdesisyon, di ba? Una sa lahat, Hapon ang asawa natin. Sabi pa ng asawa ko, kung natatakot daw ako, punta muna daw ako sa Singapore. Sya na daw bahala sa bahay muna. Sabi ko, "Kung hindi ka sasama, kahit na sobrang natatakot man ako, dito lang ako!" Sabay ngumiti at nanahimik sya. Isa pa na madalas kong marinig sa karamihan na kababayan natin dito "Anong kabuhayan naman ang naghihintay sa atin pagbalik ng Pilipinas?!" Bagay na sya din naman pinupunto ng asawa ko sa akin. Hindi daw madaling iiwan basta- basta ang bagay-bagay. Maraming ganitong uri ng konsiderasyon.

At dahil din sa kapangyarihang dulot ng "media" at teknolohiya sa panahon natin ngayon, iba't ibang klase ng ispekulasyon ang maririnig, makikita at masasaksihan natin hinggil sa mga kaganapang ito. Bagay na talaga naman nagdudulot ng karagdagang pag- aalala sa atin, di po ba?

Sa dami ng kuru-kuro, paniniwala at impormasyong inilalatag sa atin, medyo malilihis, malilito at maguguluhan talaga tayo kung iisipin. Nandiyan ang "Mayan Calendar, Nuclear shelter, Doomsday Prophecy 2012, UFO plus NASA" at higit sa lahat ang pinagtagpi-tagping kaisipan ng tao ukol sa mga kasalukuyang kaganapan dulot na din ng ating malikhaing kaisipan.

Kahit ako, sobrang naguluhan sa mga impormasyong ito. Hindi po ako taong palasimba. Gaya ng ilan na linggo linggo ay nasa Holy Eucharist. Pero, ang lahat po ay alay ko sa Diyos na lumikha sa atin. Naniniwala po ako sa kagustuhan ng Lumikha. Nagpapasalamat sa kung anumang impormasyon ang inilalahad ng kapwa tao natin. Pero, gaya nga ng sabi ng ilan sa kababayan nating balisa, "Kung oras na natin, wala tayong magagawa." Tandaan na lang natin na wala po sinuman ang may alam kung ano ang meron bukas. Tanging ang Lumikha lamang sa ating lahat ang nakakaalam.


---------------------------------

KWENTO Ni NANAY ANITA

Kung mayroon BFF (Best Friends Forever), meron din BFHM (Best Friends Hanggang Maypakinabang). Mayroon diyan napakalaking kompanya sa atin sa Pinas nang dinala ang kalakal sa Japan ay isang matandang di naman nakapagtapos nang mataas na antas sa paaralan ang ginamit upang sila ay makipag-ugnay sa Pilipino community. Ang babaeng naantasan magbukas dito sa bansang Hapon upang i- introduce ang produkto ay nakiusap sa isang Pilipina na tulungan siyang magtawag sa Pilipino community. Kaya ang nilapitang Pilipina ang siyang nagtawag sa community at ginanap din nila sa lugar niya. Doon dumating ang mga matataas na tao nang kompaniyang ito. Marami galing sa Pinas at sa America (na may mga katungkulan sa kompaniya). Doon nagbigay sila nang mga introduksion tungkol sa produkto nila. Nakapag- umpisa sila dito sa bansang Hapon. At nang nagkuhaan na nang mga ahente ang taong pinakiusapan nilang magtawag nang kommunity ay di man lang ginawang ahente nguni't sub-agent lang. Kahit sub-agente lang siya iprinomote din niya ang produkto dahil ang katuwiran niya ay hindi yong kikitain niya, kundi ang ma-enjoy nang kapwa niya Pilipino sa bagong serbisyo.

Nang ito ay kasalukuyang nilabas na sa market, ang babaeng ginawang kontact nila nang sila ay nag-umpisa ay naalis na rin. Dumaan ang ilang taon at ang produkto ay lumago na. Dumating ang panahon na merong paraan para magamit ang produkto nila sa ibang systema.
At awa nang Diyos napakiusapan na naman ang babaeng nagamit noong unang magbukas sila dito. Halos ayaw noong una noong pinakiusapan nilang babae dahil alam niya mayroon na silang tanggapan dito sa Japan at mayroong problemang iniwan ang dating may hawak na tanggapan, na nagsara at kunuha lang nang pera sa mga customers pero wala namang ibinigay na serbisyo. Dahil sa pakiusap at dahil sa gusto niya ang produkto o serbisyo at sa pagmamahal niya sa mga kababayan niyang mga Pilipino, tumulong ulit siya. So sa awa nang Diyos, minumura siya at ang ibang mga staff dahil sa ginawa nang dating kompaniya. Pero sige lang at maayos lang ang pagpapaliwanag at maiintindihan ka rin nang mga customers. Pero di birong galit, mura ang kanilang natanggap. At naiayos na rin makalipas ang isang taon mahigit nawala na ang ibang galit na customers at dahadahan bumalik ang mga nawalang mga customers. Gaya nang inaasahan... kinuha na nang kumpaniya ang serbisyo na ayos na kahit papaano... at gaya nang inaasahan... di na kailangan ang babaeng pinakiusapan.

Yan ang buhay dito sa mundo. Pero di nila malilimutan ang babaeng pinag-umpisahan nila dito sa bansang Hapon. Di man siya Master’s Degree or MBA graduate, nagamit niya ang kanyang mga God-given talents, sarili niyang dunong at karisma.

Do you wake up every morning expecting favor and blessings on everything you do? Do you plan for what is good? When we plan for what is good, the scripture tells us that we find love. We know that God is love which means that when we plan for what is good, we will find God in the midst of our plans. So, don’t let the negative voices of the world steal your focus or get you off course. Don’t start planning for a bad day; choose to plan for good. The scripture doesn’t say, “Plan for good as long as the economy is booming.” It doesn’t say, “Plan for good as long as the housing market is strong.” It doesn’t say, “Plan for good as long as you aren’t facing any adversity.” No, we can plan for good because we serve a God who is good, and He is ready, willing and able to bring us through any adversity we face! Boldly plan for good today and watch God show up in the midst of your plans!

No comments:

Post a Comment