ACHI-KOCHI
by Rey Ian Corpuz
Marso Onse
Katatapos lang ng huling klase ko sa Hanyu City West Junior high school. Ako’y lumabas at tumawag sa mga employer ukol sa aking paglipat. Naka tatlong tawag ako sa iba’t-ibang employers. Pagkatapos ay lumindol. Una, kumalma lang ako. Maya-maya biglang lumakas, pagkatapos, lalong lumakas, at hindi pa huminto, hanggang nanginig na lahat sa takot. Ang mga katrabaho kong Hapon ay kalmado ngunit takot. Ang mga emergency procedures ay nasunod. Ang mga bata ay nagtago sa ilalim ng kanilang mesa. Ang mga bintana sa teacher’s room ay binuksan lahat. Ako ay medyo nahilo at biglang nanginig. Ang aking asawa ay nasa Roppongi nagtatrabaho sa isang cosmetics company at walong buwang buntis. Nanginginig ako sa takot na hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Nung lumilindol, ako ay tumawag kaagad sa cellphone niya ngunit walang sumasagot. Marahil siya ay kumaripas din ng takbo. Ipinagdadasal ko na sana walang masamang nangyari sa kanya at sa sinapupunan niya. Matapos nun ay nag concentrate ako para iligtas ang sarili ko. Lumayo ako sa mga bintana at bahagyang lumabas. Mabuti na lang at malayo ang matataas na poste sa aming paaralan. Makalipas ang ilang minuto kumaripas ng takbo papunta sa grounds ang lahat. Kabilang ang lahat ng mga guro. Hinintay ang mga sandali na may aftershocks. Makalipas ang ilang minuto, chineck ko ang website ng Japan Meteorological Agency. Una, Miyagi Prefecture ay nasa 7.1 pa lang. Ang Saitama ay nasa 6 kabilang ang Tokyo. Kalaunan nag update, at naging 8.9. Diyos ko po. Ito na ba ang the big shake na hinihintay ng Japan? Walang kuryente sa Hanyu. Pati tubig unti unti na ring nawawala. Lahat ng cellphone ay hindi makatawag. Tumigil ang lahat ng tren. Ang pinaka-pinagkukuhanan ng impormasyon ay ang radyo. Maya maya, may nag-post ng mga litrato sa Facebook. Susmaryosep, ang paliparan ng Sendai sa Miyagi ay na wash-out na ng tsunami. Ang mga nakakarimarim at nakakatakot na mga imahe at balita tungkol sa tsunami sa Tohoku area ay nakakapanglulumo. Habang tumatakbo ang oras, ako ay alalang-alala kay Cookie. Hindi ko ma contact. Panay ang post ko ng message sa aking wall sa Facebook na ako ay okay at ligtas. Si Cookie ay wala pa ring update. Habang tumatagal, ako ay lalong nag-aalala. Kinakausap ko ang mga kasamahan ko na English teachers na ang aking asawa ay nasa Roppongi. Hindi ko alam kung nagsi- bagsakan ba ang mga buildings doon. Makalipas ang isang oras, nag update na siya. Mag-usap daw kami sa Skype. Sa wakas at nakausap ko siya. Kumaripas daw sila ni Ate Glen ng takbo sa bakanteng parking lot. Buti naman at safe siya. Kalaunan, ang mga impormasyon ay duma-daloy na. Ang tsunami alert ay nakataas na sa buong Japan. Maya maya ay niyayanig ulit kami. Ako ay natataranta na. Ang pinakamasaklap sa lahat, walang tren na tumatak- bo. Nakitulog ako sa bahay ng kasama kong Pilipino sa Hanyu. Ang una naming ginawa is maka-secure ng pagkain for that night. Lahat ng vending machines ay patay. Ang convenience stores ay sarado na dahil ubos na ang paninda mula battery, tubig, tinapay, at lahat ng uri ng pagkain. Hanyu is also in panic that night. Pumunta ako sa bahay ng taga BOE at kinapalan ko ang mukha ko. Humingi ako ng kaunting pagkain man lang dahil walang wala kami. Hindi naman ako binigo ni Mrs. Harada. Nagbigay siya ng mga oyatsu o snacks. Yung nanay niya ay nagpahiram ng portable gas stove at gas canister. Pati noodles at kaunting desserts nagbigay. Sabi niya sino pa nga ba ang magtutulungan kundi ang mga magkapitbahay. Tama nga naman. Buti na lang makapal ang mukha ko or else tirik ang mata namin sa gutom. Nung palalim na ang dilim, dumating si Ernest. May dala-dalang tinapay at saging. Kumain kami ng noodles. Wala na kaming pakialam kung anong lasa basta lang maitawid ang gutom. Walang kuryente noon kaya nangangapa kami sa dilim. Wala din kaming kandila o flashlight man lang. Backlight lang ng cellphone ang ginagamit namin. Habang pinapatay namin ang gabi sa pag-uusap, dumating si Roland. Hinatid siya ng co-teacher niya from Honjo hanggang Hanyu. Ang layo nun kung tutuusin.
Samantala, ako ay nag-aalala kay Cookie. Buti na lang mabait ang boss nila at binilhan sila ng pagkain. Nung lumalim ang gabi, may nakilala silang taga Philippine Embassy na may sasakyan. Nag offer siya na mag drive papunta sa bahay nila Ate Glen ngunit hindi umuusad ang trapik. Hindi kasi gumagana ang traffic lights kaya nagkagulo ang kalye. Ayon kay Cookie, nagsarado daw ang Don Quixote sa Roppongi at mga bisikleta at sapatos lang ang kanilang binenta. Ayun, ubos ang bike at sapatos. At bakit? Naglakad at nag bike lahat ng taong pauwi dahil lahat ng tren at subway ay tumigil. Kawawa ang na trap sa subway, hindi pinalabas at nagpalipas lang ng oras sa loob. Patapos pa lang ang winter kaya malamig pa kung tutuusin. Maya maya ay bumalik sila sa Philippine Embassy. Doon na si Cookie nagpalipas ng gabi habang umuwi naman si Ate Glen dahil okay na raw ang Oedo Line. Alalang alala ako kay Cookie dahil traumatic ang kanyang pagtakbo from the shop until sa parking lot. Lahat raw sila ay nagdadasal na ng rosaryo at umiiyak sa takot. Mabuti na lang at mababait ang mga taga Philippine Embassy. Salamat po pala sa pagkupkop sa aking buntis na asawa. Diyos na po ang bahala sa inyo kung sino man kayo.
Sa Hanyu naman, kami ay natulog na. Lumilindol pa rin maya maya at medyo malakas pa. Minsan nagpa-panic pa rin at maalala ko si Rose ay tumayo at nagbabalak nang kumaripas ng takbo palabas. Ako naman, dahil sa sobrang pagod, bahala na yang lindol na yan at gusto kong matulog. At kinaumagahan, ako ay lumabas at umikot. Naghanap ng inuming tubig, noodles at kape. Along the way, napadaan ako sa West JHS at nakita ko si Kasahara Sensei. Mukhang wala pang tulog at nagbantay ata sa school. Nag-aalala din siya sa asawa ko at kung papano ako uuwi. Dumaan ako ng station. Suspended pa rin until further notice ang biyahe ng Tobu Isesaki Line. Diyos ko po ang layo pa po ng Hanyu sa Tokyo. At ako po ay alalang-alala na sa kalagayan ni Cookie. Baka po kasi makunan sa sobrang stress and takot. Nung bumalik ako sa bahay ni Rose, nanood kami ng NHK Live sa Internet. Diyos ko po, delubyo ang nangyari sa Miyage, Iwate at Fukushima. Nilindol na, binaha pa, at nasusunog pa ang siyudad. Maya maya ay lumilindol pa rin. Ako ay lalo nang na stress. Around 9:30AM, umalis ako at naghintay sa station. Nanana-langin ako na sana uusad ang tren kahit papano. Makalipas ang 45 minuto, nag announce sila na may bus service na tatakbo from Hanyu, Nishi-Hanyu, Kazo, Hanasaki, Washinomiya hanggang Kuki. Ayun at nabuhayan ako ng loob. Ako ang ika 4 na pasahero na nakasakay. Inabot kami ng dalawang oras eh nasa Washinomiya pa rin kami. Diyos ko po. Anyway, may tumawag sa driver. Okay na raw ang tren. Kaya bumaba kami sa Hanasaki. At sa wakas nakasakay din ng tren. Bumaba kami ng Kuki then naghintay ng tren na magdadala sa amin hanggang Tobu-Dobutsu Koen. Makalipas ang 20 minuto. Dumating ang tren. Pagkarating doon ay naghintay ulit ng 20 minuto para makasakay papuntang Kita Senju. Huminto sa lahat ng stations ang tren kaya inabot ako ng 2 oras. Pagdating ng Kita Senju ay nakahinga na at sumakay ulit ng Hibiya Line. Nakarating ako ng Philippine Embassy sa Roppongi mga alas 2 na ng hapon. Sa pagod ko ay kinain ko na ang bento kong dala na galing ng Hanyu. Ni onigiri, tubig o tinapay sa convenience store o vending machine ay wala kang mabibili sa Tokyo. Pagkatapos ay umuwi na kami papuntang Nishi Kasai sa Tozai Line. Okay naman ang tren pero kami ay nag aalala sa aming bahay. Bigla naming naisip, “Bumagsak kaya ang ref, tv, microwave, printer, laptop, drawers and dividers namin?” The worst, “Nandiyan pa kaya bahay namin o baka abo na lang dahil nasunog?” Diyos ko po huwag naman sana. Pagkarating sa bahay, ang mga plato at rice cooker lang ang nahulog at mga papel at bote ng cosmetics sa kwarto. Yehey. Safe ang bahay namin at kaming tatlo ni Cookie at Adrian. Thank God for our second life. Ang lahat ng ito ay nangyari sa loob ng 24 oras. Parang si Jack Bauer lang. Nakauwi kami ng bahay at past 2PM approximately after 24 hours since the big earthquake. Let us pray for all the souls who perished and for our safety here in Japan. Maswerte ka pa rin kabayan dahil nabasa mo pa ang article na ito. Ibig sabihin safe ka!
Three weeks later, our lovely angel, Adrian, was born. Thank God for keeping us always safe.
No comments:
Post a Comment