Friday, November 11, 2011

Jeepney Press 2011 November-December Issue Page 06



PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate

CONFESSIONS of a Priest... Mga Angal ng Isang Pari Part 1

Ano na ba ang mga napagmumuni-muni ko these days? Marami. Pero in this issue (and the following issues of Jeepney Press), allow me to share by parts ang mga angal ko bilang isang pari dito sa Japan. Batu-bato sa langit... tamaan sana ang dapat tamaan!

1) Ang Pari, Ang Misa, Ang Sermon
Maraming beses na rin akong nasabihan ng “Father, ang ganda ng misa nyo!” o “Father, ang ganda-ganda ng sermon nyo!” Sa totoo lang, nakakataba ng puso. Iyang mga remarks na iyan ay nakakapagpa-affirm sa akin na tama pala ang desisyon kong magpari. Well... iyon ang akala ko... pero hindi pala! Yes, kahit sino man, kayang magsalita sa harap ng tao. Kahit sinong aktor kayang gawin yung ginagawa sa misa, kahit na hindi naman talaga totoong misa iyon. Naging pari ako dahil sa biyaya ng Diyos... at ang Diyos na rin mismo ang makapagsasabi at magbibigay ng patunay kung tama nga talaga ang desisyon kong maging pari. Yes, hindi ko na kailangan ang mga remarks na iyan. Hindi ko na kailangan pang sabihang maganda akong mag-sermon o mag-misa. Kung Diyos lang ang katapat, bakit pa ako papatol sa bola?

2) Father Entertainer?
“Ay Father, bakit si Father ANO sumayaw noong program namin? Bakit si Father ANO laging kumakanta sa mga karaoke parties namin?” Well, kumakanta at sumasayaw din naman ako. Naging choir member din naman ako, even in some special groups. At pagsayaw? Hindi naman ako break dancer, pero I have my sisters who can prove na maliit pa lang ako, good dancing partner ako nila at pati na rin sa seminaryo ay naging part ako ng dance group. I was also always a part of the stage plays we had in the seminary, on stage or backstage. Pero lipas na ako diyan. Nagpari ako hindi para magsayaw at kumanta. Hindi ako nagpari para maging entertainer. In some way, naiinis nga ako bakit inabot pa ako ng almost 10 years to realize it. Pari ako. I know what I have to do. At iyung iba, kahit kaya ko, ay hindi na kasama sa job description ko.

3) Ang Suot ni Father
Familiar ba kayo sa puting bagay na nasa front part ng kuwelyo ng pari? Ang tawag doon ay Roman Collar. Wala siya talagang spiritual na meaning, pero ang ibig sabihin lang ng Roman Collar ay palatandaan na PARI ang nagsusuot noon. Kalimitan, itim ang polo ng pari. Iyon kasi ang pinakamurang tela noong araw. Pero ngayon, ang itim ay simbolo na balewala na sa pari ang mundo, "namatay na siya sa kanyang sarili" at pag-aari lang siya ng Diyos. Ang itim na polo na may Roman Collar ay tinatawag na Clerical Shirt. Ang Clerical Shirt ay isang adaptation sa modern clothes mula sa totoong suot ng pari na itim na sutana. (Sa mga maiinit na bansa, puti ang sutana.) Let me just make it clear na hindi sinabi ng Simbahan na tanggalin na ng mga pari ang kanilang sutana at clerical shirts para maging "in" sila sa mundo. In fact, kahit ngayon, pwedeng-pwede at dapat pa ring suotin ito! After 11 years dito sa Japan bilang isang pari, nag-decide uli akong bumalik sa sutana at clerical shirt. Akala ko kasi dati, dapat "in" ako sa mundo kaya dapat hindi ako halatang pari. Akala ko kasi dati, pag naka-damit pari ako, lagi akong bibigyan ng special treatment... eh ayaw ko nga! Akala ko kasi dati, pag naka-casual ako, mas at ease daw ang mga Katoliko at kabataan sa paligid ko. After 11 years, na-realize kong hindi pala totoo ang lahat ng iyan! Ang pari ay never naging "in" sa mundo kasi pari na siya. At kahit na naka-casual ako, special treatment pa rin naman kung kakilala ko kasama ko, at sa Japan naman ay kahit nakapang-pari ka ay wala rin namang gagawa ng espesyal sa iyo. At para maging at ease ang tao sa iyo? Nasa personalidad at pananaw yan.

Nagugulat ako at sumasama rin ang loob ko kapag kapwa pari ko pa ang tatawa at lolokohin ako dahil naka Roman Collar o naka-sutana ako. Bakit? Natural lang bang pagtawanan ang isang kasal na tao dahil naka-wedding ring siya? Baliktad yata, di ba? Dapat ang pagtawanan ay yung taong hindi pinapakita ang identity nya sa iba! Palusot pa sila na "personal and silent witnessing" daw. Kalokohan! Once you become a priest, sorry na lang, you become public property... wala na yang mga silent-silent at personal na yan! Nagtataka ako kapag pinagsasabihan akong old-fashioned or "quaint" daw pag naka-sutana ako. Excuse me! If the original sutana was part of the "fashion" of those days, then, the sutana went beyond fashion trends at naging sign siya today of being a priest. In fact, ang nakakatawa dito, ang nagsasabing "old-fashioned" daw ako ay baduy mismo sa kanyang casual attire!

To summarize:
1) Si Hesus ang MAIN REASON ng lahat ng Misa. Kaya I have to prepare well for it and do it in a very solemn way.
2) Kung naging pari ako para lamang palakpakan, purihin, ipagyabang, gawing photo model ng lahat, pasayawin, pakantahin o pakainin ng bubog at manok na buhay, lalabas na lang ako sa pagkapari! Si Hesus ang BIDA sa pagkapari ko. Nobody else.
3) Marami nang mga Katoliko (karamihan ay Hapon ha!) ang nagsabi sa akin na mas komportable sila kung ang pari (at mga madre din daw!) ay suot nila ang nagpapakita sa kanilang identity.

---------------

SHITTE IRU?
by Marty Manalastas-Timbol


ALAM NYO BA…na dumating sa Japan si President Aquino? I think karamihan sa inyo alam na ito and lalo na for those who were able to attend the Filcom event with President Aquino. Si President Aquino during his trip sa Japan, he was able to go to Ishinomaki City, Miyagi Prefecture, a city damaged by the March 11 catastrophe. Dumalaw at nag offer ng flowers ang Presidente in front of Kadonowaki Elementary School building that was destroyed dahil sa tsunami at sunog caused by the Great Eastern earthquake. Maraming take home na promising investments by Japanese companies. Sana nga matuloy lahat ang mga investments na ito para na rin sa economy natin.

ALAM NYO BA…ilang tulog na lang at pasko na naman. Napakabilis talaga ng panahon. Saan kaya ang maganda na magpasko? Kailangan makaipon ng konti para sa mga regalo. Sometimes, you want to give all your loved ones and friends, pero dahil sa kulang sa budget, pati Christmas card hindi kayang bilhin sa dami ng dapat bigyan o padalhan. Mag-ipon na po tayo para sa mga may balak umuwi this Christmas or those who have plans to go to Europe, USA, etc. What is important, be healthy and enjoy the many blessings of God.

ALAM NYO BA…na marami ang nagbabalak umuwi sa Pilipinas this Christmas? Why? This is because of the ENDAKA (malakas ang yen). Imagine your Yen10, 000 now, the peso equivalent is about PhP5, 560. Umabot pa nga ang exchange rate to (Yen to Peso) .5640, that is your isang lapad is PhP5, 640. Ang lakas talaga ng Yen mga kababayan. Kaya yung mga nasa Japan who are Yen earners, saganang-sagana po kayo lalo’t may binabayaran na utang sa Pilipinas or may binabayaran na house and lot. So sa mga makakauwi this Christmas, sana’y magpatuloy na malakas ang Yen at siguradong sulit ang inyong biyahe dahil sa exchange rate.

ALAM NYO BA…na according to our travel agent, as early as end of August, halos fully booked na ang mga airlines going to the Philippines? Kahit na nadagdagan ng isa pang flight to the Philippines, which is the ANA flight, mahirap pa rin daw makakuha ng ticket this December and super mahal. Pero no matter how expensive yung pamasahe, mahirap naman makakuha ng flight. Pag pasko kasi, we, Filipinos here in Japan, mas prefer natin ang umuwi kasi, there is really no place like home, at super sarap ang mag spend ng Christmas sa Pilipinas kahit na mahal ang pamasahe at kahit na maikli lang ang bakasyon. But for some who got used to spending Christmas and New Year in Japan, and those who prefer a more peaceful celebration with less gastos, they prefer to stay. O ikaw my friend, my kababayan here in Japan, alin ang mas prefer mo this Christmas – go back home or stay in Japan? Whatever your decision, as long as kasama ang pamilya and happy kayo, OK na yon.

ALAM NYO BA…na kahit hindi Christmas, pwedeng mag-alay sa kapwa? Marami sa atin ang nangangailangan ng tulong, mapa-financial o spiritual and moral support. Kung kayo’y may extra budget or even an extra time, sana po make an effort to help lalo na for those who really need our help. Iba ang feeling pag nakakatulong ka sa kapwa. Kahit na maliit lang na bagay, as long as taos sa inyong kalooban at puso. Give love and share not only during Christmas, it makes a difference. So go my friend, share your blessings and God will do the rest.

Advanced Merry Christmas sa inyong lahat. Nawa’y maging maligaya ang inyong Pasko at pagsalubong sa bagong taon 2012.

“When you fall in any way, don't see the place where you fell instead see the place from where you slipped. Life is about correcting mistakes.”

No comments:

Post a Comment