ACHI-KOCHI
by Rey Ian Corpuz
A Chance to Ghibli Museum
For those who are anime fans out there, this next column is for you. If you know Totoro, Ponyo, Castle in the Sky, and Spirited Away, then this place is exactly for you.
Before coming to Japan, I knew only one of Miyazaki, Hayao’s animation. Totoro was probably the only memory I have. Upon arriving here in Japan, one of my utmost goals is to enter this fortress-like museum. Why do you think it’s fortress-like? It’s because you have to book at least a month in advance before you can get inside the museum. And the ticket and time-slot where you bought can only be used once and can’t be rebooked either.
So what can you see inside the museum? Upon disembarking off Mitaka Station at Tokyo’s Chuo-Line, you can take the Ghibli Museum-painted-bound bus, which will take you directly to the museum gates. Upon arriving, you would be shocked to notice that the museum doesn’t look like one. It seemed like it resembled more that of an old European house or castle of some sort. In one of the far areas of the outer museum, while waiting for the time to enter, a display of the cartoon character Totoro is displayed. This is one of the two characters only allowed for picture taking.
When inside the museum, picture taking is prohibited. So the fun stops. No more pose for us trigger-happy individuals. So what can you see inside? The different electronic and mechanical displays used in the creation of the cartoons. A display of “stop-animation” can be seen and the display also explains its concept. But, sad to say, it’s only written in Japanese. On the different floors, you can see a lot of the original scripts and drawing used in the creation of the animation. The recent one I saw was the bundle of papers piled used for the animation Ponyo. Different merchandise is also sold in the third floor of the museum. On the rooftop, a huge replica of the gigantic robot from “The Castle in the Sky” is displayed. This is the only second character allowed for photography.
Indeed, out short two-hour visit to the museum was filled with ecstasy and filled with satisfaction, as this difficult-to-enter museum has been visited by us.
--------------
Kapatiran sa Japan
ni Loleng Ramos
Sa mga kagaya ko na matagal na ring hindi nakakauwi ng Pilipinas, nakakasabik di ba? Dito sa Japan, meron na akong pamilya, mahal ko na rin ang bansang ito at ang mga tao pero palagi ko pa ding inaasam na maka-uwi. Medyo mahirap nga kase nag-aaral ang mga anak, hindi tugma ang oras saka ang mahal na ng pamasahe. Pero parang tinatawag niya ako palagi, syempre naman Inang Bayan eh.
Miss ko na ang mahal kong Pilipinas! Paano ba maipapakita ang pagmamahal sa kanya? Una sa lahat, huwag natin sisiraan ang Pilipinas. Kesyo magulo, mahirap ang buhay, walang asenso…Nasa tao iyan! Magpa-alalahanan tayo na ang Pilipinas, ang bayan natin, may tungkulin tayo sa kanya, sa ating mga pangarap dapat kasama siya. Kung ang tadhana natin ay sa isang banyagang bayan, huwag sana natin siyang kalilimutan. Ano ba ang pangarap mo para sa Bayang Hinirang? Kung magtutulungan lang sana ang lahat para sa bayan at para sa bawat isa, sigurado, lahat ng suliranin ng lipunan, ng buong bayan, malulutas agad! Dito sa Japan, magkababayan pa din tayo, meron bang nag-aaway dyan? Nandadaya? Nag-iingitan? Nag-sisiraan? Naku, iyan ang mga ugat ng gulo, ng pagka-watak-watak ng ating bayan, ng isang pangit na buhay. Tama na nga iyan!
Pwede din tayong magpaka-bayani. Sabi nga “ we can sanctify ourselves through the things we do.” Paano iyon? Lahat ng gawain mo sa iyong buhay, pagbutihin mo. Kahit sa pagliligo, naghihilod ka bang mabuti? Bukod sa kalinisan sa katawan, sa marami pang bagay katulad ng paghawak ng mabuti sa ating trabaho. Maliwanag man o madilim ang lugar na pinagta-trabahuhan natin, kita pa din sa Taas. Masama lang ang trabaho kung dudumihan natin o kung pasasamain natin. Kung igagalang natin ang ating sarili, igagalang din tayo ng iba. Sa paligid mo, malinis ka ba? Maayos? Sa kapwa mo, dumadamay ka ba? Di ba kapag malayo sa bansa ang magkaka-patid, dapat nagtitinginan pa din? Minsan nagiging masama ang isang tao kase walang kumakalinga sa kanya. Huwag mo gagayahin si Kain (unang anak ni Eba at Adan). Noong tanungin siya ng Diyos kung nasaan ang kapatid niyang si Abel, ang sagot niya ay, ‘Ako ba ang tagakupkop ng kapatid ko?’ Lahat tayo ay anak ng Diyos Ama kaya lahat tayo ay magkakapatid, may responsibilidad sa bawat isa. Sa halip na sabihin mong “Wala akong paki sa iyo, sino ka ba?” dapat ang tugon ay, “Sagot kita”! Basta walang abusuhan hah!
Ang ating bayan ay isang Archipelago – parang isang rosaryo na binuo ng maraming isla, 7,107 na hinati sa tatlong bahagi, Luzon, Visayas, Minda-nao. Meron tayong humigit-kumulang na 171 na lenguwahe, ilan dyan ang alam mo? Kung mahusay ka sa kahit isa, at alam mong Pilipino ka, “Isang Wika, Isang Diwa” pa din at ang rosaryong ito ay hindi mapapapatid.
Gayahin natin ang mga bayani, huwag naman panay artista na lang ang idolo. Katulad ni Gat Jose Rizal, dakila at napaka-galing. Dalawampung lenguwahe ang alam. Kaya mo iyon? Kahit ano kaya natin, sikap at tiyaga lang! Mag-aral pa tayo ng iba, ng kahit anong makakapag-paunlad sa ating buhay, at sa ating bayan. Pagbuburda, Gantsilyo, Pinta, Paglilok, Pagtuturo, Agham, ang daming pwede! Malay mo, makapag-tatag ka ng kalakalan kapag naka-ipon ka na ng pang-puhunan o makapag-tatag ng institusyon ng pananaliksik, paaralan ng sining…walang imposible. Ang saya siguro ni Nanay Pinas!
Kapatid, kung gagalingan natin ang pagka- Pilipino… gagaling din ang ating bayan, umpisahan na natin? Magtulungan tayo!
-----------------
Shoganai: Gaijin Life
By Abie Principe
Kapag Malamig Ang Panahon
Dito sa Japan, madalas ipinagmamalaki ng mga Hapon and kanilang 4 seasons. Yung iba nga nagkakamali pang sabihin na Japan lang ang merong 4 seasons. Malamang ang mga taong ito ay hindi pa nakakapunta sa Amerika o Europa. Kawawa naman sila.
Pero ang punto ng sulatin ko ngayon ay ang lamig na nararamdaman tuwing sumasapit ang winter. At siyempre, kasama nito ang paghihintay ng snow, at paghahanda sa darating na Pasko.
Sa Nagoya, hindi gaano kadalas ang mag-snow. Once or twice tuwing winter. Pero kahit minsan lang, nagkakaroon pa rin ng White December ang Nagoya, na kung saan lahat ay natatabunan ng snow, at nag-mumukhang Winter Wonderland ang paligid, kahit sandali lang. Sinabi ko na White December (meron ding White January), pero hindi White Christmas. Kasi sa tagal kong nakatira ng Nagoya, hindi ko pa naabutan ang mag-snow ng December 24-25. Minsan nag-snow, pero sandali lang, at hindi naging puti ang kapaligiran. Ang naranasan ko lang na White Christmas ay sa Nagano. E sa Nagano naman, basta pumasok na ang winter, sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay puro yelo. Hindi special ang snow sa kanila. Pero sa Nagoya, appreciated ang snow.
Hindi nga maiiwasan ang harapin ang malamig na temperature at ang minsang pagbagsak ng snow kapag nakatira sa Aichi Prefecture. Ang una kong experience sa snow ay dito sa Nagoya, kaya ang una ko ring natutunang mga paraan sa tuwing darating ang tag-lamig, ay dito ko rin natutunan, sa mga taga-Nagoya.
Isa sa nakakatuwang bagay na ginagawa ng mga tao dito, pati na rin sa buong Japan, maliban siguro sa Okinawa, ay ang pag-tulog sa ilalim ng “kotatsu.” Ang kotatsu ay isang mababang mesa na merong heater. May kasama itong blanket at tuwing winter, maraming Hapon ang guma-gamit nito, bilang table at pagkatapos sa ilalim matutulog. Karamihan ng mga Hapon ay mas gusto ang kotatsu kaysa gamitin ang room heater. Tipid daw at mas kimochi-ii daw ang kotatsu. Medyo hindi ako sumsangayon dito. Gusto ko pa rin ang room heater, at para kasing pusa ang tingin ko sa mga mahilg mag-kotatsu. Pero marami nang mga Pilipino ang natutuwa sa kotatsu. Kanya-kanyang preferences lang naman.
Isa pa sa ginagamit ng mga tao dito tuwing winter ay ang “kairo,” isang chemical-heating pad. Parang maliit na unan ito, na pag binuksan ang wrapping i-init for a few hours. Linalagay ito sa bulsa, or hinahawakan habang naglalakad sa daan. Yung iba linagay ito sa loob ng damit, one layer away from the body, para mainit ang pakiramdam kahit hindi gaano makapal ang kasuotan. Natutuwa rin ako sa kairo, bagama’t hindi ako gumagamit nito. May takot ako sa mga chemically induced heat.
Sa Pilipinas, September 1 pa lang Christmas songs na ang maririnig sa mga malls, pero dito sa Japan, hihintayin pa matapos ang November bago makakita ng mga Christmas decorations. Normal naman ito sa buong mundo. Tayong mga Pilipino lang naman ang talagang napaka-tagal mag celebrate ng Pasko. Ito ang isa sa nami-miss ko mula ng tumira ako ng Japan. Hay, shoganai…
Nakakatuwa at nakakagulat ang mag Pasko dito sa Japan. Nakakatuwa dahil parang totoong-totoo na Christmas kapag nakaranas ng snow, feeling ko nga nasa loob ako ng isang Hallmark Card. Pero nakakagulat din, dahil dito hindi espesyal na araw ang Pasko. Sa eskuwelahan ko nga, kapag weekday pumatak ang December 25, may pasok.
Pero malamang nagkaka-isa tayong mga Pilipino sa pag-iisip na talagang mas masaya ang mag-Pasko sa Pilipinas. Pero, para sa mga hindi makakauwi, masaya na rin dito sa Japan, lalo na at makakasama ang pamilya at mga kaibigan dito sa Japan. Hindi man katulad ng selebrasyon sa Pilipinas, basta’t ma-aalala natin ang kaarawan ng Panginoon, at mag- bibigayan tayo ng pagmamahal at aruga sa kapwa, buo na rin ang ating Pasko.
Maligayang Pasko sa ating Lahat!
No comments:
Post a Comment