PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata
Passport! Pasko ko!
Christmas is in the air! Opo, ayan na! Parating na ang kapaskuhan. Wow! Bilis naman talaga, sobra! Sino kaya sa mga kababayan natin dito ang mas pinipiling magdiwang ng "White Christmas" sa Japan kumpara sa Pinas? Anyone?!
Ano nga ba ang mga reasons kung bakit minsan ay hindi natin maiwasang lumipad pauwi kahit pa man doble o triple ang presyo nitong mahiwagang airfare na ito?
Saang anggulo nga ba nagkatalo ang ihip ng hangin pagsapit ng pinakaaabangang simoy nitong hangin ng kapaskuhan dito at doon sa atin? Sa amoy ba ng nilulutong puto bungbong at bibingka sa bawat kantong madaanan natin?
Halimbawa sa:
1.) Palamuti? Dito sa Japan, grabe! State of the art ang illuminations here, there and everywhere. Pambihirang street lights na talaga namang nagsisipagkinang ng todo. Sa Pinas, ayun! Parol! Ayos!
2.) Christmas Songs? Dito? Dapat romantic... Kadalasan kasi itong special gift-giving event for young couples eh! Kaya naman pa-romantikohan ang mood settings madalas. At pagdating sa regalo: mas expensive, mas sosyal! Sa subdivision doon sa amin, ayun! Padagundungan ang labanan ng sounds. Mas malakas, mas in! Yeah!
3.) Simbang gabi? Naku! Teka, hindi gaanong uso dito sa Japan yun, di ba? Hindi kasi masyadong laganap ang Christianity dito. So, kung gusto man nating buuin ang "simbang gabi" para matupad ang dasal nating "hiling"--- eh, medyo, むり yata... unless, yung church mo may ganong special offering.
4.) Handa?! Handaan ba kamo?! Next topic, please! Wala akong masyadong maisip eh... Uhmm...dito... Cake? Crabs? Sushi? Buffet? Wine served in a hotel where we checked in? Orange juice for the kid, of course. Sa atin naman sa Pinas? "Too many to mention!" Hahaha... Kayo? Ano ba madalas ang nakahilera sa hapagkainan ninyo sa atin? Basta, alam ko, si Nanay sobrang pagod kakahalo ng halaya sa malaking "kawa." Paborito naming magkakapatid yun! Kaya, salitan kaming maghalo. At habang nilalagyan ng palaman yung "relyenong bangus" ni Tatay, nagpaparingas naman si Bingbeng sa garahe ng ihawan nito. Naku! Teka, sisilipin ko muna yung " lechong paksiw"... Halos pakumpleto na din yung labing dalawang uri ng bilog na prutas na nakagawiang kolektahin ni Nanay bago dumating ang bagong taon. Nasa gitna ng mesa dapat yun.
5.) May nangaroling na ba sa inyo dito sa Japan? Sa atin kasi, kapag wala kaming handang barya sa gabi, "Thank you, thank you, Ang babarat ninyo!" ang sigaw ng mga bata sa amin eh! Tsk! Tsk! Tsk! Gabi-gabihin ba naman kami?! Ilan ba kapitbahay nyo? Friends?! Relatives?! Naku! Exchange gifts?! Monito-Monita... Food?! Yun! Ready na ba kayo?! Na tumaba at maubusan ng budget this coming Yuletide season?! Nakapag- "divi" na ba kayo?!
Nasaan na ba yang passport ko na yan?!
:-)) "HAPPY HOLIDAYS po sa Ating Lahat!"
-----------------
Isang Araw sa Ating Buhay
ni Jeff Plantilla
Isang grupo ng mga Pilipinong taga-Nara at Shiga (kasama ang dalawang SFIC Sisters) ay nag-pilgrimage noong 9 Oktubre 2011 sa Kyoto para mag-aral at magdasal para sa mga Katolikong namatay sa krus 500 daang taon na ang lumipas.
Sa Kyoto nagmula ang pagpapahirap sa mga tinatawag na 26 Nagasaki Martyrs. 20 sa kanila ay mga Hapon (3 bata na may gulang na 12-14 taon, at mga binatilyo at matatanda na may karpentero, taga-gawa ng espada, taga-gawa ng pana, taga-gawa ng telang silk, 2 doktor, parmasyotiko, at mga laypersons ng simbahan). Kasama nila ang anim na mga dayuhan (6 na misyonero). Hinuli, pinarusahan at pinalakad ng mga 800 kilometro mula Kyoto hanggang Nagasaki ang 26 martyrs bago sila itinali sa krus at namatay. Nangyari ito nung 5 Pebrero 1597 sa Nishizaka Hill sa Nagasaki.
May kinalaman sa Pilipinas ang 26 Nagasaki Martyrs dahil ang 4 sa dayuhang misyonero ay unang naka-assign sa Pilipinas bago pumunta sa Japan. May iba pang pangyayari sa simbahan sa Japan na may kaugnayan sa Pilipinas. Si Ukon Takayama, isang kilalang Lord ng Takatsuki, ay napilitang umalis ng Japan noong 1614 dahil sa pagbabawal sa Katolisismo at tumuloy sa Maynila. Doon na rin siya namatay pagkalipas nang mahigit na isang buwan. Umalis naman sa Pilipinas si Lorenzo Ruiz papuntang Japan nung 10 June 1636, at makalipas ang isang taon siya ay hinuli at namatay sa torture sa Japan dahil din sa kanyang pananampa-lataya.
Ang 26 Nagasaki Martyrs ay na-beatified nung 1627, at naging mga santo nung 1862.
Mahigit sa 30,000 na ang mga Katoliko sa Kyoto at mga katabing prefectures nuong 1613. Nguni’t ng mga panahong yon itinuring ng Japan ang Espanya bilang kalaban at kaya pinagbintangan ang mga dayuhang misyonero bilang espiya ng kaharian ng Espanya. Ipinagbawal ang paniniwala kay Kristo ng mahigit 200 taon. Sa panahong yon, maraming mga Katoliko ang mamamatay bilang mga martir, pahihirapan, o kaya ay magtatago ng kanilang pananampa-lataya.
Nagpatuloy ang pananampalataya ang mga Hapon bilang “Hidden Christians” kahit walang tulong ng simbahan. Noong 1873 lamang inalis ang pagbabawal sa paniniwala kay Kristo sa Japan.
Sa misa na nagtatapos sa pilgrimage sa Kyoto Christianity Cultural Center (Francisco no Ie) sa Kyoto (ang lugar ng unang ospital sa Kyoto na itinayo ng mga pari nung 16th century), sinabi ni Franciscan priest, Fr. Lucas Horstink, na ang mga Pilipino ay mga misyonero din. At hindi katulad noong una na bawal ang maging Kristiyano, ngayon ay malaya nang makakapagpahayag ng pananampalataya sa Japan. Kaya’t dapat ding maging malaya ang mga Pilipino sa kanilang pagpapahayag ng pananampalataya. Marami pa ring mga Pilipino ang nakakaranas ng hirap sa pamumuhay sa Japan. At ilan sa mga Pilipino ang tumutulong na malutas ang mga problemang ito. Sila ang mga tunay na bagong “misyonero” na sinasabi ni Fr. Lucas, katulad ito ng pagtulong ng mga dayuhang misyonero sa mga mahihirap at may sakit na Japanese 500 daang taon na ang nakaraan. Isa sa mga dayuhang “misyonero” sa kasalukuyang panahon ay si Amelia (Mely) Kohno. Mahigit na 30 taong ang kanyang boluntaryong paglilingkod sa kapwa-Pilipino sa Kyoto at iba pang lugar. Nabawian siya ng buhay ng umaga ng 9 October 2011 pagkatapos ng maraming taong pakikipaglaban sa cancer.
Kung tutuusin, natapos ang pilgrimage sa pagbibigay ng sayonara sa kanya sa gabi ng 9 October 2011. Isinabuhay ni Ate Mely ang kanyang pananampalataya. Pinagsikapan niya sa mahabang panahon na patuloy ang pagtulong ng simbahan sa Kyoto sa mga problema ng mga Pilipino. Pumanaw siyang masaya at maraming nagawa. Siya ang nagdugtong sa istorya ng mga martyrs noong unang panahon sa mga “misyonero” ng kasalukuyan. Nilagyan din niya nang mas malaking kahulugan ang pilgirimage na ginawa nung 9 October 2011.
----------------------
Doc Gino’s Pisngi Ng Langit
Pamamawis ng kili-kili (Underarm wetness)
Tanong: Dear Doc, tulungan nyo naman poh aq sobra poh kc mamawis ang kilikili q, eh nag deodorant naman poh araw-araw..anu poh nid q gwen dok,,,,anu poh ba dapat na gmot d2 bukod sa tawas at deodorant...plis poh help me naman 2 my problem...
Doc Gino (DG): Kung nagawa mo na ang sa tingin mo ay iyong makakaya tulad ng paggamit ng iba't ibang “deodorant,” uri ng tela ng damit, atbp, ilan sa mga pwedeng gawin ay ang mga sumusunod. Tandaan lamang na may mangangailangan ng operasyon, at ineksiyon sa mahal na halaga. Isang eksperto sa balat o “dermatologist,” at siruhano o “surgeon” ang maaaring makagawa ng mga “procedures” na ito.
Ang mga maaring gawin ay:
Iontophoresis: Sa ganitong paraan, kinukuryente ng maliliit na boltahe ang kili-kili upang ang balat ay kumapal at mabawasan ang pagpapawis. Hindi ito ginagawa sa may sakit sa puso, buntis at nagpapapsuso, at may epilepsy.
Botox injection: Marahil ay narinig mo na ito. Hindi kaagad nararamdaman ang epekto kapag ginawa ito. Dalawa hanggang apat na araw bago makita ang epekto nito. Maaaring ulitin ang “procedure” na ito makaraan ang apat na buwan sapagka't maaaring magpawis muli ang kili-kili.
Operasyon: Ito ang pinakuhiling maaaring gawin kung lahat ng mga nabanggit ay hindi naging mabisa. Ang mga ugat na duma-daloy sa kili-kili ay iniipit o pinuputol. Dahil operasyon ito, hindi malayong mangyari ang mga komplikasyon tulad ng pagdurugo at pagsakit ng leeg. Ang ibang bahagi ng katawan naman ang magiging pawisin ng todo dala ng operasyon na ito.
Kaya inuulit ko, magpakonsulta sa isang “dermatologist” o “surgeon” upang makapagdesisyon ka ng mabuti.
No comments:
Post a Comment