Wednesday, September 12, 2012

Mylene Miyata

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata


Autumn Surprise

All ready!
Set! Go!

After nating pagsawaan ang init ng ilang magdamag nitong nakalipas na summer, here comes the perfect time to embrace the sweetness of the tempting autumn breeze around us naman.  Lovely! :)


And when  autumn leaves start to fall,  who can resist the enchanting mood it brings nga naman? Sakura during spring? Maple trees, dahon sa taglagas at "iba pa" ang sorpresa this fall season!


First on the list pagdating sa ating autumn cravings?  Malamang, yun bang habang naglalakad ka along the streets covered with  golden leaves ay may mata-linghagang pakiramdam na naglalaro sa isip kasabay ng natural  na pagbabago ng panahon.  Leaves transformation from green to yellow, dramatically turning orange and red at its peak. Wow!  And when the season ends, balik berde sila. Talaga namang tuwing darating ka ay bigla na lang may certain moment na nakakakilig.  Pwedeng isa-pelikula. Kaya nga merong “Sweet November ”, “Autumn in New York”at “A Walk To Remember”, diba?


Tapos meron din "Chestnuts"!?... "Chestnuts roasting on an open fire... Naku, yan na nga ba sinasabe ko eh... “‐ber” month na kase kaya medyo may fast forwarding feelings na involve. Well, Christmas is next na nga talaga.  It is during these times din kung kailan sobrang ma-e-enjoy natin mag food trip. Halimbawa, food na may “kuri” o chestnuts.  Yummy!  Simulan mo sa gohan hanggang sa sweets!  Nandyan ang surprise na lasa para sa atin. Ikaw, ano paborito mo kainin when wind starts to blow in fall?  Autumn is here to make “some” of your wishes come true. At thankful tayong lahat for that, diba? 

Syempre kasama din sa listahan ang excitement for that thing!  Makakaligtaan ba naman ang “onsen” fun? Fun kase habang babad ang buong katawan sa init ay may konting bonus for cleansing the thoughts din while actually cleansing on the outside. Imagine kung nakababad ka sa isang onsen halimbawa dyan sa Hakone... Habang napapaligiran ka ng misteryosang “aki” moments of nature ?

Ilang ulit mang magpabalik-balik ang summer, fall, winter o spring, siguradong may hatid itong excitement para sa ating lahat.  We just have to be ready for that certain “thrill.” Akalain mo, di pa man Christmas eh, may sorpresa na! 


Huwag kukurap, dahil sa bawat panahon  merong hiwaga. Puno ng sorpreysa:)Gaya na lang ngayon. 


What could your autumn surprise be?... 







No comments:

Post a Comment