Saturday, March 16, 2013

Mylene Miyata

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata

Saan? Sino?

Hello, "haru"!  Naggagandahang bulaklak ang naghihintay sa ating lahat.  Bughaw na kalangitan ang titingalain.  Habang nakaupo sa malawak na telang inilatag sa maberdeng damuhan, sa ilalim ng maraming punong may hitik na hitik at kumpol kumpol na maliliit na puti at pink na bunga.  At sa pag-ihip ng hangin ay magliliparan ng paunti-unti.  Hindi man ito mapitas o mai-take home, wagas pa rin ang feeling once na makita at mahipo ang mala-bulak  na bunga nito.  Always pleasant.  Always refreshing.

Sino naman kaya ang kasa-kasama mo during these times?

Kung family- genuine happiness ba?...

Absolute happiness!?  Sa lahat ng oras?  Talagang, nothing compares having someone to spend good times with.  Moments when we collect special memories.  Kahit pa iyak tawa paminsan- minsan.  Kumusta nga ba?  Ayun, si mang Jun at aling Baby, halimbawa.  Good o bad times sa mahabang panahon, magkasama pa rin.  Yung totoo, 'teh?!  Samu't sari ang eksena sa buhay-bahay, diba?  Pero, somewhere in between, someone never fails to complete.  Thankful to be blessed with one in mine.  May bonus pang si Martha na dalaginding na.  Uuwian, anuman ang pagdaanan sa mahabang araw.  Yan! Na-miss ko rin tuloy sila  Leonora, Jonalyn, Ronalyn, Mary Ann, Kenneth, Maricar, Mabel, Rusty at Jonel.  Gala tayo, mga kapatid!!! Kape sa Mcdo hanggang alas-dos ng madaling araw, after mag-bar!  Pasundo na lang kila nanay at tatay mamaya.

Kung may ka-relasyon ka naman- sweet!  Uuuy...!

Siguradong makikiayon ang naglalambingang kulay nitong mga sakura at iba pang namumukadkad at mahahalimuyak na bulaklak, di ba?  Anong sinabe ng Valentine at White day sa natural at romantikong mensaheng hatid ng kalikasan, di ba?  Ikaw na at ang minamahal mo ang humusga nyan sa date nyo, kuya at ate!  We wish you the sweetest moments ever.  Saan ba destination nyo? Out of the country? Out of town? Dyan lang?  Saan man yan, enjoy!

Kung barkada mo naman, walang humpay na kampai ba talaga...?!

Uhmmm... Try!  Syempre, ang saya kaya kapag magkakakumpol-kumpol at tumpok tumpukan kayong mga mag-friendships, di ba?  Lahat may pinaghuhugutan.  Kaya naman nonstop ang usapang walang patid ang ligaya.  Kumu-kumustahan...  "Uy, friend!". "Kumusta yung friend mo?"  Malamang... Wagas na katuwaan para sa lahat.  Sarap kaya ipa-frame yung moment na yan!  Nakakaaliw, nakakabaliw!  Ipagpo-post mo na lang ang kwento sa facebook!  Don't forget to tag all your beloved friends along.  Huwag mo din kalimutan yung comment, para ma-like din! Pak na pak! Yeah!

Eh, pa'no kung solo? Dala na lang ba ng latest gadget para cool?

Anyway, deserve mo yang moment na yan.  Hirap din kaya ng puro work everyday.  Give yourself some rewards this season.  Ano kaya gusto mo?  Bungy Jumping ba?  May magagawa kaya ang gangnam style ni Psy sa BGM halimbawa?... Naku!  Choice yan!  Laging multiple choice ang peg.  So, make the most out of it, ha?...  Nature na ang bahala sa iyo. So, chill lang!

Happy "haru" mga kababayan!  May magrereklamo pa ba?  Sa ganda ng kapaligiran at sa sarap ng simoy ng hangin?...  Yung pollen allergy, kasama din 'yon eh.  Buti na lang andyan ka, Celestamine!

1 comment: