Wednesday, May 15, 2013

Madam Marivic Oyama

 MAY - JUNE FORECAST

HORSE
Malapit ka sa away at gulo madali kang mairita sa mga taong nasa iyong paligid. Kontrolin ang iyong timpi at iwasang magsalita ng nakakasakit sa iyong kapwa. Malamang na masangkot sa isang kaso, kumuha ng maayos na abogado. Magiging mahina ang iyong kalusugan pagdating ng June. Umiwas sa mga delikadong lugar at huwag magpapagabi sa daan. Gumawa ng maayos na schedule para maiwasan ang mga overdue at overwork.

RABBIT
Makakatanggap ng tulong mula sa mga hindi inaasahang tao at may mga bagong oportunidad na darating sa iyo. Maging positibo lamang at huwag magpapaapekto sa mga negatibong bagay na magiging dahilan ng isang argumento. Mag-ingat pagdating sa buwan ng June dahil may darating na mga pagsubok. Iwasan muna ang sugal o paggawa ng malaking desisyon, umiwas din sa mga pakikipag- talo.

SHEEP
The #5 yellow and #2 illness star are present in your chart it means dobleng pag-iingat ang kailangan. Iwasan muna ang magmaneho ng malayo. Darating din at mararanasan ang mga kasawian (misfortune). Huwag magpa-apekto sa mga problema. Hayaan na lumipas ang sitwasyon at isipin ang susunod na magandang mangyayari. In June, your luck will improve, mananaig ang positibong pag-uugali at magiging mabuti ang pakikisama sa iyo ng mga nakakarami sa trabaho man o kasambahay. Sa mga may asawa, umiwas sa panlabas na relasyon dahil ito ang magiging dahilan ng kawalan ng tiwala sa iyo ng kabiyak.

BOAR
Anuman ang simulan ay lalagu ng malaki buksan ang iyong tenga at mata sa isang malaking deal pagdating sa trabaho. May malaking pagbabago at oportunidad na darating sa iyong buhay. Huwag lamang ma-stress kung hindi kayang dalhin ang responsabilidad . Then “stay-out “at kung nasa iyo ang magandang attitude, then “go ahead” . Maganda ang naghihintay sa iyo. June is your luckiest month, dahil ang magandang kapalaran ay mabilis pumasok at maraming dalang magagandang bagay na mangyayari sa iyong buhay. Magandang panahon upang magsimula ng bagong produkto, bagong negosyo, trabaho, signing contract , etc.

DRAGON
Ang #7 violent star ay nasa iyo ngayon at ito ay magdadala ng kawalan sa pananalapi, tiwala at hindi magandang relasyon. Maging alerto sa mga taong may inggit sa iyo dahil kahit kaibigan mo ay handang lumaban sa iyo ng talikuran. Huwag basta mag-titiwala at huwag bibigyan ng pagkakataon na makakuha ng butas ang mga taong ito para ikaw ay lokohin. In June, brings good news and good fortune. Makakamit ang tagumpay sa mga trabahong ginawa noong mga nakaraan at makikita mo ang epekto ng iyong pinaghirapan. Dahil ang “heavenly star” brings you luck from heaven.

MONKEY
The #5 yellow star brings you difficult times, Earth Star and the #2 star will bring you misfortune. Kaya dobleng pag-iingat ang dapat gawin dahil malapit ka ngayon sa anumang karamdaman at aksidente. Malamang na magkaroon ng mental depression dahil sa mga nararanasang problema. In June, mahina at hindi mo kayang labanan ang temptation. Maging ang iniiwasang tao ay magpapakita sa iyo ng interes. Kung maayos at maganda ang iyong relasyon, iwasan at huwag padadala sa mga “flings” dahil ito ang sisira ang inyong magandang samahan.

OX
Mahina ang iyong kalusugan at madali kang mahawa sa mga viruses. Iwasan ang pagpupuyat, kumain ng tama sa oras at magkaroon ng regular na ehersisyo ng katawan. Magpahinga ng sapat at umiwas sa mga mataong lugar. Makakabawi ka sa buwan ng June, dahil magtatagumpay ka sa iyong mga ginagawa at may mga bagong challenge na darating sa iyo. Mababago ang iyong buhay at makakamit na ang matagal mo nang hinihiling.

ROOSTER
Nasa iyo ang wealth and prosperity luck ngunit malakas din ang kompetisyon sa iyo magiging matagumpay ka sa buwang ito. May mga taong masaya para sa iyo at meron din mga taong naiinggit sa iyong kalagayan at dito mo makikita kung sino talaga ang tunay na kaibigan. In June, your energy level will go up. Nasa iyong kamay ang tagumpay kaya huwag matakot na humarap sa responsibilidad. Sundin ang iyong kalooban at huwag magpapadala sa iba. Hindi mo kailangan ang ka-partner dahil may kakayahan ka at malakas ang iyong self-confidence.

TIGER
Mahina man ang iyong health energy level, successful naman ang iyong mga gagawing projects basta maging concentrate at focus kung ano ang pinaka- importante sa iyo. Bigyan lamang ng sapat na pahinga ang katawan kapag nakaramdam ng pagod. And everything is going to be okay. In June, ang lahat ng pinaghirapan sa business, career, exams o maging sports ay matatagumpay dahil ito ang buwan ng pagbabago at ang suwerte ay nasa iyo. Ang lahat ng nangyayari sa iyo ay may dahilan.

SNAKE
Iwasan ang magtiwala kung ayaw mong masaktan. Hindi man intensyon na ikaw ay lokohin, ito ay mangyayari at mismong kaibigan ang gagawa nito sa iyo. Huwag hayaang bigyan ng pagkakataon ang mga taong gustong manloko sa iyo. In June, ipagpatuloy ang mga nasimulang projects o mga gawain na may confidence dahil ang lahat ng ito ay magtatagumpay. Magiging maganda rin ang buhay pag ibig, masayang relasyon at matiwasay na pagsasama.

RAT
Ang buwan ng Mayo ay magiging abala para sa iyo pagdating sa trabaho. May mga bagong projects na papasok at magiging tagumpay ka dito. Maganda at makulay ang buhay pag-ibig. Umiwas lamang sa triangle love affair dahil ito ang magbibigay ng problema sa iyo. Manatili ka na lamang sa iyong kapareha. In June, gulo at away ang mamamagitan mula sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo. Hindi magandang magtrabaho ng may team work, iritable at maikli ang pasensiya. Mas mabuting mag-isa. Hindi rin ito ang tamang panahon upang tumanggap ng mga bagong proyekto.

DOG
Maging handa dahil may makikilang isang taong malakas at may koneksyon. Isang taong may salapi na magbibigay kaganapan sa iyong buhay. Magiging popular at kikilalanin ka ng nakakarami. Gamitin ito sa mabuti. In June, nakangiti at naghihintay ang magandang kapalaran sa iyo. Lahat ng pagpapala ay makakamit. Anuman ang simulan ay may magandang katapusan dahil nasa iyo ang wealth star
#8 at Heaven star.

No comments:

Post a Comment