Wednesday, May 15, 2013

Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?

ALAM NYO BA…na nagkaroon ng Healing Mass sa Tokyo celebrated by Fr. Fernando Suarez. Marami ang dumalo at marami din ang mga na-heal during the mass. Ika nga ni Fr. Suarez, he is only an instrument of God and the Holy Spirit was with us during the mass.


ALAM NYO BA…ang online passport application ng Philippine Embassy in Tokyo ay napaka-convenient and really fast. Mas ok kung kayo ay mag-online application and just request for a schedule kung kailan kayo pwede na makapunta sa Embassy.  Ito ay isang libreng serbisyo para sa mga kababayan natin na nakatira sa Japan na sakop ng Philippine Embassy in Tokyo. Ito ay para lamang sa mga first time like mga babies na pinanganak sa Japan o yung mga gustong mag-renew ng regular passport with no discrepancies. Check the Philippine Embassy’s website for Online ePassport Application: http://tokyo.philembassy.net/pponline/

No comments:

Post a Comment