Friday, September 24, 2010

Jeepney Press 2010 September-October Issue Page 18



Arangkada Pinoy by Yellowbelle Duaqui

Diaspora: Zeitgeist ng Kasalukuyang Panahon
Sa ngayon, humigit-kumulang sa limang milyong Filipino ang matatagpuan sa 160 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo. Ayon sa Department of Labor and Employment, kamakailan ay tinutungo na rin ng mga kababayan natin ang bansang Nepal.

Iba-iba ang pananaw tungkol sa Filipino diaspora gayundin ang damdamin ukol dito. May ibang ikinahihiya ito dahil samantalang “bagay” ang ipinapadala ng mga kapitbahay na bansang Asyano ay “tao” naman ang “top export” ng ating bansa sa pandaigdigang merkado. May iba namang nagsasabi na ito ay may kahulugang espiritwal, at kung gayon, ay mayroong higit na malalim na kahulugan.

Kahulugan ng “Diaspora”
Sa kasalukuyan, ayon sa iskolar na si Robin Cohen ng University of Oxford sa kanyang aklat na Global Diasporas, kadalasang ginagamit ngayon ang mga terminong may kinalaman sa pagtatanim upang ilarawan ang “diaspora” bilang isang konsepto. Halimbawa rito ang mga terminong “scattering,” “uprooting,” “transplanting,” at “hybridity.” Dagdag pa ni Cohen, ang salitang “diaspora” ay halaw mula sa speiro, isang salitang Griyego na nangangahulugan sa Ingles na “to sow” (magpunla) o “to disperse” (ikalat).

Kapag “diaspora” na ang pinag-usapan, ani Cohen, agad na nasasaisip ang Jewish diaspora bilang klasikong modelo ng diaspora. Ang pangunahing katangian ng diasporang ito ay ang pagkakaroon ng masamang karanasan sa pinagmulang bansa, na nagbunsod ng paglalakbay at pagkakawatak-watak.

Ngunit sa paglipas ng panahon, iba’t ibang uri ng diaspora ang umusbong sa kasaysayan.

“Global Diasporas”: Sari-saring Lahi
Ayon kay Cohen, bukod sa klasikal na nosyon ng diaspora, mayroon ding mga victim diasporas, labour diasporas, imperial diasporas, trade at business diasporas, at deterritorialized diasporas.

Ang pinaka-prominenteng halimbawa ng victim diaspora ay ang Jewish diaspora. Ngunit bukod dito, nariyan din ang African diaspora, Irish diaspora, Palestinian diaspora at Armenian diaspora. Ayon kay Cohen, ang mga lumilitaw na refugee group sa kasalukuyan ay maituturing na “incipient victim diasporas” ngunit panahon ang makapagsasabi kung sila ay lalago bilang isang “full-blown diaspora.” Ayon kay Sokefeld, na binanggit ni Cohen sa kanyang aklat, makakabuo lamang ng “diaspora” ang isang partikular na “migrant group” sa tulong ng “opportunity structures,” “mobilizing practices,” at “frames.”

Halimbawa naman ng labour diasporas ang mga “indentured Indians.” Ang “indentured labour” ay pagtatrabaho batay sa isang kontrata sa isang partikular na haba ng panahon, kapalit ng transportasyon, pagkain, damit at iba pang pangangailangan. Kaya ang isa pang terminong gamit kaugnay nito ay ang “proletarian diaspora.” Marami pang halimbawa ang labour diaspora
tulad ng mga Chinese, Japanese, Turks, Italians, at North Africans.

Mayroon ding tinatawag na “deterritorialized diasporas” na kadalasa’y iniuugnay sa mga “religious diasporas” at sa mga katawagang “post-colonial,” “hybrid,” at “cultural” diasporas. Makikita ito sa karanasan ng mga Carribeans, Sindhis, Parsis, Muslims, at iba pang religious diasporas.

Isa pang uri ng diaspora na masasabing iba sa victim, labour at deterritorialized diasporas ay ang “imperial diasporas” na tinatawag ding “settler” o “colonial” diasporas. Halimbawa ng ganitong uri ng diaspora ang British diaspora, Russian diaspora, at iba pang diaspora na may kinalaman sa colonial powers.

Panghuli, at isa ring natatanging uri ng diaspora, ay ang trade o business diasporas. Agad na matutukoy na halimbawa ang mga Chinese at Japanese lalo na sa kasalukuyan, ngunit nariyan din ang mga professional Indians, Lebanese traders at mga Venetian traders.

Katangian ng Filipino Diaspora
Batay sa iba’t ibang uri ng diaspora na naranasan ng ibang lahi’t lipunan, maaaring suriin ang uri ng Filipino diaspora. Batay sa aking mga nakalap na datos at pananaw mula sa iba’t ibang iskolar sa migration, masasabing ang Filipino diaspora ay kumbinasyon ng labour diaspora, deterritorialized diaspora/post-colonial diaspora, at dahil maaari ding ikumpara sa Jewish diaspora ang ilang aspeto ng mapapait na karanasan ng kolonisasyon noong araw – ay isa ring “victim diaspora.”

Pinakamadaling siyasatin sa pamamagitan ng datos ang pagiging “labour diaspora” nito. Batay sa pananaliksik ng mga iskolar sa Filipino migration, tatlong katangian ang lumilitaw mula sa mga datos ukol sa Filipino diaspora: contractualized labour, feminized at Asianized.

Ayon kay Stephen Castles sa kanyang aklat na Ethnicity and Globalization: From Migrant Worker to Transnational Citizen, ang Pilipinas ang siyang “labour-exporter par excellence of the modern age” katulad ng papel na ginampanan ng bansang Italya sa Europa isang henerasyon ang nakalilipas.

Ayon kay James Tyner sa Made in the Philippines: Gendered discourses and the making of migrants, nagpapadala ang Pilipinas ng 700,000 katao taun-taon sa higit-kumulang 160 bansa bilang mga trabahante. Sa kasalukuyan, ayon kay Tyner, ang Pilipinas ang pinakamalaking supplier ng “government-sponsored contract labor” sa buong mundo.

Makikita ang Asianization trend sa pamamagitan ng heyograpikal na konsentrasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng daigdig. Noong 1970s, ang konsentrasyon ng OFWs ay matatagpuan sa Middle East na binubuo ng mga bansang mayaman sa langis tulad ng Kuwait, Saudi Arabia at United Arab Emirates. Ngunit paglipas ng dalawang dekada o pagsapit ng 1990s, umusbong ang Asianization trend nang higit na nakararaming bilang ng OFWs ang tumungo sa higit na mauunlad na mga bansang Asyano tulad ng Hong Kong, Taiwan, at Japan.

Kilala rin ang Filipino diaspora sa pagiging feminized nito. Nong 2001, halimbawa, 72% ng land-based newly hired OFWs ay babae samantalang 28% lamang ang lalaki.

Masasabi ring deterritorialized diaspora ang Pilipinas dahil sa post-colonial na kalikasan nito. Makikita ito sa kasaysayan ng Philippine migration na humigit-kumulang sa apat na siglo nang tuloy-tuloy na nagaganap. Isa sa mga naunang migration flow ay may kinalaman sa anti-colonial migratory movements laban sa Spanish Occupation mula 1565 hanggang 1898. Sumunod dito ang student at labor migration flows sa pahanon ng American Occupation mula 1898 hanggang 1946.

Ilang Aral mula sa mga “Success Diasporas”
Ayon kay Peter Stalker ng International Labour Office sa kanyang aklat na The Work of Strangers: A survey of international labour migration, 90% ng OFWs ay nasa grupong “sub-professional”: mga manggagawa sa produksyon at transport, domestic helpers, entertainers, atbp. Ang mga manggagawang ito ay malamang na kumita nang higit na mas mababa, ayon kay Stalker, kung nanatili lamang sila sa Pilipinas.

Ang nakikita kong hamon sa Filipino diaspora, gamit hindi lamang ang perspektibang nasyonalismo ngunit gayundin ang perspektibang internasyunalismo o kosmopolitanismo, ay ang pag-tingin ng propesyunalisasyon (professionalization) sa hanay ng mga migranteng Filipino. Ito ang naging pormula ng tagumpay sa karanasan ng maraming lahi mula sa mga Chinese at Japanese hanggang sa mga Indians at Jews. Batay sa karanasan ng mga Chinese, binigyan nila ng napakataas na importansya ang edukasyon ng kanilang nakababatang henerasyon, lalo na sa larangan ng agham at matematika. Ang pag-unlad ng kaalaman ng kanilang nakababatang henerasyon ay naging “tool for social mobility.”

Ayon kay Kotkin, na binanggit ni Cohen sa kanyang aklat, hindi lahat ng diaspora ay nagkaroon ng pantay-pantay na tagumpay sa pangangalakal (entrepreneurship). Naniniwala si Kotkin na taglay ng mga “economically successful diasporas” ang tatlong katangian: (1) matibay na identidad o pagkakakilala sa sarili (strong identity); (2) mabentaheng posisyon sa trabaho (an advantageous occupational profile); at (3) pagpapahalaga sa edukasyon (a passion for knowledge).

Dahil sa pagkakaroon ng matibay na identidad, naniniwala si Kotkin na naging importanteng sangkap ito upang mabuo ang “support systems” sa mga Chinatowns sa mga dayuhang lipunan kung saan tumungo ang mga migranteng Chinese – at siya ring dahilan sa tagumpay ng kanilang mga business ventures at partnerships.

Ayon kay Kotkin, ang mga migranteng kabilang sa diaspora ay masasabing nasa isang mabentaheng posisyon kumpara sa mga migranteng hindi kasapi nito. Ito ay dahil sa mas higit silang nakakakuha ng pulitikal na representasyon sa industriyang kinabibilangan gayundin sa pagiging self-employed, at higit na protektado laban sa pabagu-bagong trends sa labour market.

Ang pagpapahalaga naman sa edukasyon ay masisipat sa pagkalap ng iba’t ibang propesyunal na sertipikasyon tulad ng diploma, degree certificate, vocational o professional qualification, na nagsisilbing pasaporte tungo sa professional growth ng mga matagumpay na miyembro ng isang diaspora. Makikita ito, ayon kay Kotkin, sa karanasan ng mga Chinese, Jews at Koreans. Halimbawa, sa mga Chinese families, madalas ay may “constant pressure and supervision” mula sa mga magulang na pahalagahan ng mga anak ang edukasyon gayundin ang pagkakaroon ng disiplina sa buhay kaya na-internalize ng mga batang Chinese ang values ng kanilang mga magulang bilang kanilang pansariling values. Ang pagkakaroon ng magandang grado sa eskuwelahan o kaya ang matagumpay na pagpasok sa magagandang eskuwelahan ay mga bagay na hinahangaan sa lahing ito.

Batay sa mga nabanggit na iba’t ibang diaspora, mapapagtanto natin na hindi naman pala tayo nag-iisa sa pagharap sa mga hamong kaakibat ng pangingibang-bayan. Bilang isang “recognized” na diaspora, may bentaheng nakukuha ang mga OFWs sa mga tinutungong lipunan dahil na rin sa pulitikal na representasyong bunga ng pagiging miyembro ng isang diaspora. Ngunit nananatiling hamon ang pag-angat ng antas ng propesyunalisasyon – dahil sa kasalukuyan ay nakararami pa rin sa OFWs ang napapabilang sa sub-professional groups kumpara sa mga grupong propesyunal. Ang pag-angat ng antas ng propesyunalismo ay magagawang posible kung mas lalong pahahalagahan ng mga magulang at anak sa mga OFW families ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa kaunlaran ng pamilya.

---------------------------------------

Short-Cuts by Farah Trofeo-Ishizawa

First Cut –
After a day at the mall with my good friend Leslie and her daughter, I hopped on the bus, rushed to the station to catch my train to go home for dinner.

Second Cut –
To my surprise, I got home after an hour. Waited for the train for 30 minutes because someone committed suicide earlier in the afternoon, and all the train schedules just went “crazy”.

Third Cut -
Yes, this is Japan, the country where suicides are very common but I pray to our dear Lord to bless these people and to show them the right way.

Fourth Cut -
A large percentage of the causes I think has to do with having a different religion or no religion at all. Faith plays a very BIG role in this, right?

Fifth Cut -
Depression – the absence of hope is usually the reason for suicides. If they had hope, they would not even think of this – can you imagine yourself with no chance, or no hope – desperate and lost?

Sixth Cut -
This is so sad because this is part of the society we live in. This world needs people to help people. Sana matulungan natin sila.

Seventh Cut -
But with what I see around me, this world is sick. The way the young people carry themselves – just the simple act of sitting for a meal at the restaurants- they sit as if they are at home, with legs up on the chair…

Eighth Cut -
The world is sick, with so many parents killing their own children. Or family members killing one or all of their family; people missing; old people missing or not declared dead by their family for whatever reasons they may have financially related or not ; child abuse; men or women being maltreated; sexual exploitation; harassment and what have you…
Oh, what is the world coming to? People with no delicadesa, vulgar use of language and talking smart; or just the opposite of shutting themselves out from the world by being pre-occupied with their games, their mobile phones or whatever modern gadget hanging around their necks.

Just thinking about this, makes me really sad. I pray to God, for healing of the society we live in. Dear readers- please pray for the people of this world.
As Michael Jackson sang – “Heal the world, make it a better place.”

God Bless –Mama Mary loves us !


No comments:

Post a Comment