Hopeless Romantiks! by Jackie Murphy
My true love... miles away from me... A TRUE STORY
Can you honestly tell someone that you were NOT SO in love with your husband or your wife when you married them?
Can you honestly admit to yourself that you married the most responsible, the most available and the most eligible person but NOT SO in love with them?
Ilan na kaya sa ating mga readers ang NA IN LOVE NA NANG HUSTO? Yung totoong totoong love, ha???
I always thought love always come and go! “We’re NOT really meant for each other.’’ Yung mga ganung common excuses na lang ang iniisip ko para mas madaling maka-move on everytime I fall out of love. ’Ok lang’ sabi ko sa sarili ko. Hanap ka ulit’!
Sa totoo lang, in all my life, ang lovelife ko na lang yata ang hindi masyadong sinusu-werte. Parang I took the cliff, fell from it and gave up. Once and for all, I simply thought of getting married JUST for the heck of it.
Isang simpleng araw, dumating ang isang tunay na pag-ibig!!! Sa hinding- hindi ko inaasahang pagkakataon!!! Bigla na lang bumulaga right in front of my eyes, on my computer screen, one bright morning at the middle of a busy work. I was shocked, speechless, turned white. Feeling ko tumalon ang puso ko sa tuwa at nerbiyos! Pinagpapawisan na hindi ko mawari! Ano ‘to?
Mabilis ang mga sumunod na mga pangyayari pero bago ang lahat, FACEBOOK, a million thanks to you!
Chat lang ng konti noong una, palitan ng mga ‘hi’s and ‘hello’s. Sunod na araw, bumili na ako ng telephone cards to place a call. Mainit pa ang ulo ko pag busy ang line!!! Makalimutan na ang kain makatawag lang. Tawag-tawag. Kamustahan! Sunod na araw naman, kamustahan na ng lovelife, past relationships, kids, etc. Finally, ‘Are you dating someone?’ and ‘Are you currently in a relationship’?’ na ang mga sunod na mga tanong namin sa isa’t isa.
Dito na nagsimula ang halos gabi-gabing puyatan sa kaka-chat. Mag-madaling mama lantsa bago pumasok sa work. Isang tasang kape na lang ang almusal. Hindi nakapagpa-gasolina kahapon sa pagmamadaling umuwi ng bahay o kaya’y may kailangan bilhin along the way pero hindi na nakabili dahil naghihintay ang iniirog na ka-chat. Sayang ang oras! Hindi magawang isampay ang tatlong araw nang natapos at tumigas ng labahin sa washing machine at tambak na hugasin sa lababo. When we finally say our ‘sweet dreams’ and ‘endless goodbyes’ at wee hours in the morning tsaka ko pa lang maramdaman na kumakalam na ang sikmura ko and that I forgot to have dinner pala. Tsaka ko pa lang maramdaman ang nginig ng tuhod ko sa gutom and my time to take a shower na before going to bed. SUGOKU TSUKA-REMASHITA! (I was very, very tired!)
I’m NOT complaining (seriously, I don’t but honestly, sige na nga. I sometimes do. ’Sensiya na po. Tao lang’ - jejeje)!!! A week passed, we enjoyed talking to each other very much, everyday, as in!!! Paulit-ulit, paikot-ikot na kuwentong walang katapusan ! We both realized naman na yun at yun din ang pinag- uusapan namin but no one seemed to complain about it! There were times, we call at the middle of our paid per hour work (not deliberately done though, hmmm. NOT TRUE. We often excused ourselves from the middle of a friends’ conversation pero sige lang, wala lang!!! Sometimes, during coffee or lunch break or at the middle of the road often times beating the red light (Huwag pong tutularan! Abunai desu! It’s dangerous!!)
But one summer night, I initiated a more serious talk. We eventually came to know that we are both single (again???) and take note: BOTH AVAILABLE, ha!! Wow…!!!!! Eh, di nag-umpisa na sa mas nakakagulantang na tanong like: “Ano ba ang hinahanap mo sa….” I’m not a poet but I just need to recall every superlatives I can think of at that time. Kailangan ko siyang ma-impress that very moment and those ‘kinakalawang kong’ adjectives should coincide sa personality and attitudes niya otherwise baka magdalawang-isip siya na nanghuhula lang ako. Buti naman tumama ‘yung iba. Yung iba hindi tumama. Ginawan ko na lang din ng palusot.
(to be continued…)
CAN'T WAIT ON THE CONTINUATION OF THIS ARTICLE.
ReplyDeleteWHEN IS IT GOING TO BE OUT???
I'M HOPING AND PRAYING FOR A SWEET AND ROMANTIC ENDING.
ReplyDelete