Pagmumuni-muni sa Dyipni by Fr. Bob Zarate
BIBIG ba o BUNGANGA?
Nakasakay ako sa tren. Walang maupuan. Siksikan. At sa tabi ko ay may apat na babaeng nasa high school. Paano ko nalamang high school na sila? Obvious ba. Sa pinaikling mga palda at mga pina-manyikang mga mukha (na halos para na silang mga clown sa kapal ng make-up nila), alam na alam mong high school na sila!
Anyway, nakakairita talagang makipagsiksikan sa tren after a long day. At mas nakakairita pa ang mga boses ng mga high school girls na ito na tila daig pa ang bingi -- dahil kung mag-usap sila, pagkalalakas ng mga boses! Eh hindi naman isang kilometro ang layo sa isa't-isa! Halos magka-kadikit na nga ang mga mukha!
Pero, come to think of it, hindi ba ganyan din tayong mga Pinoy? Sa totoo lang, minsan kapag naiim- bitahan akong umupo sa meeting ng mga Filipinos, nagpapalusot na lang akong kailangan na akong umuwi, or may lakad pa ako. Bakit? Kasi naman, wala ka nang maririnig sa meeting kundi palakasan ng boses. Daig pa ang United Nations kung mag-meeting. Nakakarindi. Nakaka-stress. Di bale na lang sana kung ang source of stress ay dahil sa problemang pinag-uusapan. Hindi eh. Nagiging source of stress pa tuloy ang paraan ng pag-uusap, o yung lakas ng boses, o yung pananalitang kanto, palengke, siga o maton.
Bakit nga ba ganyan tayong mga Pilipino? May pagkukulang kaya ang ating mga pamilya sa pag- tuturo sa atin ng good manners? Malaki kaya ang kulang sa quality ng ating mga teachers at ganoon din silang kagaspang magsalita? May impluwensya kaya ang ating lechon, chicharon at bopis kaya lagi tayong parang high-blood magsalita? Na over-emphasize nga kaya ang mga "Be yourself!" na slogan, kaya lagi mo na lang maririnig ang mabilis at mataray na "Eh wala akong magagawa, ganito talaga akong magsalita!!!" na sinasabi sa isang tonong parang bakal na kinakaladkad ng isang kakarag-karag na trak? O baka naman hindi tayo naturuang huminga nang malalim kaya hindi natin kayang maging kalma sa pananalita?
Kaya naman nating i-tama ito. Ang mahalaga ay isa-isip natin ang mga sumusunod:
1. Pag gusto mo laging itaas at palakasin ang boses mo, baka kasi --
a. Mahina ang pandinig mo, o di kaya'y
b. Feeling mo mas magagaling at matataas ang katayuan o pinag- aralan ng mga kasama mo kaya insecure ka, or
c. Mayabang ka lang talaga.
Well, walang relasyon ang dahilang "May ipagyayabang naman kasi" kumpara sa kalakasan ng boses.
2. Hindi lahat ng games sa olympics dinadaan sa lakas at bilis para magka-gold medal. Ang women's gymnastics kailangan ng grace and beauty. Ang archery at shooting, kailangan ng silence and concentration. Ang gold medalist sa diving ay yung may pinakakaunting splash pagpasok sa tubig.
Ganoon din ang usapan. Hindi sa komo malakas ang boses mo, ikaw na ang tama. Tandaan, hindi lahat ng bumibirit sa pagkanta ay magaling kumanta. Mas mabuti pang huwag nang bumirit sa mga debate, kung malulusutan ka rin lang naman ng mas magagandang solusyon. Tandaan, mas marami sa mga kilala sa history na malalakas ang boses ay gumawa ng giyera o naging diktador, katulad nina Napoleon, Stalin, Hitler, Marcos o kaya ang present-day Chavez ng Venezuela o si Ahmadinejad ng Iran. Tandaan, marami rin DAW sa mga malalakas ang boses ay natataguriang may sira sa utak!
3. Practical Solution for our meetings: para maiwasan ang walang hanggang daldalan, you may try the following:
a. Unahin muna ang presentation of a certain topic, problem man ito, or upcoming activity, or announcement by the person assigned. Ang lahat ay makikinig lang. Bawal ang sumabat during the presentation.
b. Magbukas ng isang round for questions kung may hindi naintindihan. I-take note ng nag-present ang mga questions. Hindi kaagad sasagot ang nag-present, hihintayin nyang matapos ang lahat ng questions.
c. Sasagutin ng nag-present ang lahat ng mga tanong. Bawal magpahabol ng tanong from others.
d. Isang round ng suggestions from anybody para sa change or improvement ng presentation. Bawal sumingit, sumabat o mangontra.
e. Dito natatapos ang isang topic. Pagkatapos nito, ang in-charge ng presentation ang magsa-summarize ng mga suggestions at ia-apply ito to make a renewed form ng presentation.
Mga kailangang alalahanin sa ganitong klaseng meeting:
* Kailangang may isang Moderator. Ang trabaho niya ay ang mag-control ng oras at panatilihing nasa topic ang usapan.
* Walang personalan. Walang sagutan. Walang tsismisan. Walang magtataas ng boses.
* As much as possible, walang botohan. At kung ang majority ay nag-decide laban sa opinion mo, obligado ka pa ring sundin ito.
Let's grow up. Let's be adults. Tama na ang pataasan ng ihi. Huwag nating gawing bunganga ang bibig. Tandaan sana lagi natin na iisa lamang ang bibig at dadalawa ang tenga at mas malaki pa ang utak kaysa sa buka ng ating bibig.
-------------------
Shitte-iru? by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA…na ang malunggay, sajina in the Indian subcontinent and moringa in English is known as a tree of life – it is an excellent source of nutrition and a natural energy booster, loaded with nutrients, vitamins and amino acids. Ang dahon at bunga ng malunggay ay parehong masustansya na puno ng bitamina c at iba pang minerals. Ang malunggay ay considered din as a herbal food. Karamihan sa atin mga Filipino ay nakalimutan na ang malunggay. Di ba ang mga matatanda noon, sabi nila ito ay magaling para sa mga buntis and for lactating mothers. Gusto kong ibahagi sa inyo ang sumusunod na isunulat ni Ginoong Mark Fritz ng Los Angeles Times: “Specifically speaking, moringa sounds like magic. It can rebuild weak bones, enrich anemic blood and enable a malnourished mother to nurse her starving baby. Ounce for ounce, it has the calcium of four glasses of milk, the vitamin C of seven oranges and the potassium of three bananas.” Sabi din ni Mr. Fritz na ang ibang doctors sa West Africa and in India uses malunggay to treat diabetes and high blood pressure, respectively. Ang malunggay ay may tripling iron of spinach, quadruple the beta carotene, na maganda para sa mga mata and effective against cancer. I drink citrus malunggay juice na nabibili sa Manila ng aking good friend na si Melba Ong. You see, malunggay or moringa is a common tree with rare power.
ALAM NYO BA…na when you sneeze, or someone sneezes, di ba you would hear someone say “Bless you.” Bakit kaya when only you sneeze and not when you cough o di kaya’y pag nag-burp ka. According to Discovery Health na sneeze responses daw originated from ancient superstitions. Bakit nga ba we say ‘Bless you’ or ‘God bless you’ when someone sneezes? Sabi nila and in other parts of the world din that saying ‘God bless you’ after someone sneezes kasi daw kadalasan a sneeze precedes illness, like cold and flu. Alamin natin kung ano ang sinasabi sa iba’t ibang bansa when someone sneezes.
Germany - gesundheit
Romans - salve means “good health to you”
Arabic countries-Alhamdulillah means “praise be to God”
Hindus - live well
Russia - bud zdorov means “be healthy” (this is oftenly said to children after they sneeze) or rosti Bolshoi means “grow big”
China - bai sui means “may you live 100 years”
(Source: Discovery Health)
ALAM NYO BA…kung ang everlasting love is for real or not? How would you know? Mahirap ito masagot lalo na sa mga hindi pa naka-experience ng real love. Yung mga in-love diyan, kadalasan ang iniisip ninyo sa boyfriend or girlfriend ninyo na siya na nga - the one, my real love. Pero paano nga ba malalaman na siya na nga? Well sabi ni Dr. Dennis Neder, isang author ng being a man in a woman’s world, na ang love ay may tatlong stages: infatuation stage; bonding stage and the familiar stage. Infatuation love, alam na ng karamihan ito – this is the stage na gusto mo to be with the person you love, na akala ng iba ito na yung real thing called real love. Yung ikalawang stage, ito yung getting to know the person well. Ang third stage is called the familiar phase ika nga ni Dr. Neder. Sa familiar stage, yung buhay ninyo ng partner mo become intertwined – alam mo na halos lahat how your partner feels about everything. Ito rin yung time you refocused sa sarili mong buhay – so there must be real love. When asked how to define love or true love, ang sagot depends on the person because love can have different meanings para sa iba’t ibang tao. When do you know that true love na pala. Ang pag-ibig o ang love comes from an open heart – a heart that is willing to love. Note that when you love someone or your partner, it does not necessarily mean na siya na yung life partner mo…IT IS STILL WHAT WE BELIEVE, DESTINY and FATE.
ALAM NYO BA…na may blog na ang JEEPNEY PRESS. You can check the following url: http://jeepney-press.blogspot.com/ sa mga ka-jeepney press volunteer writers, share this blog sa mga friends ninyo. Di ba, marami silang mapupulot na inpormasyon sa Jeepney Press, hindi tsismis artista, kundi something to learn about life, about health, about places to visit in japan and in the Philippines, about our kababayans in Japan. So mga kababayan, read Jeepney Press and you’ll find it worth reading kasi talagang very interesting.
God Bless you all and enjoy life.
No comments:
Post a Comment