PISNGI NG LANGIT ni Doc Gino
Abnormal Uterine Bleeding
Tanong: Dear Doc Gino, Good Day! Nag research po ako ng mga website na maaaring makatulong sa sitwasyon ko. Last October po, napansin ko na sobrang lakas po ng regla ko. As in umaabot sya ng 2 weeks and may kasamang cramps. November naulit na nmn po yung gnun, malakas pa din pero hndi ko nlng po bingyang pansin its because akala ko po wala lang yun. December, gnun pa din po umabot na po ng almost 1 month yung regla ko, nilagnat na din po ako so i decided then to go oby-gyne para magpa check up.
Sabi ng Doktor, kailngan ko daw po mag pa ultrasound, after ultrasound they found out na thickened daw po yung endometrial lining ko, and may bukol daw po na nakita which is they consider as uterine myomata. Binigyan po muna ako ng gamot nordette pero as i observed dok, nagpapalpitate po yung heart ko everytime na nagte-take ako ng nordette. Tinigil ko po pag inom dok, then after 3 days bumalik yung bleeding and may kasamang pananakit na po sa gilid ko. Pinabayaan ko na lang po yun, hanggang sa nawala ang regla ko at pananakit na yun sa gilid.
Now, tanong ko po sa yo dok, ano po ba tlaga pwede kong inumin para mawala na yung fibroid ko? And anong mga foods ang kailngan iwasan? Magkaka anak pa po ba kaya ako? Maraming salamat. Inaasahan ko po ang iyong pagtugon.
Doc Gino: Sa aking palagay, ang dahilan ng iyong abnormal bleeding ay ang makapal na endometrial lining ng bahay-bata na kung saan nagmumula ang buwanang dalaw. Depende sa laki at lokasyon ng myoma, maaari rin itong maging sanhi ng sobrang pagdurugo. Ang pahintu-hintong pag-inom ng iyong gamut na Nordette ay nagresulta sa withdrawal bleeding kung kaya’t naging irregular lalo ang daloy ng iyong regla.
Kung ano ang dapat kainin o iwasan upang mawala ang bukol sa matris ay wala pang natutuklasan sa panahong ito. Mas mainam kung ipagbibigay-alam mo sa iyong doktor ang sintomas na nararamdaman makatapos inumin ang gamot upang mapalitan ng nababagay para sa iyo. Kung mako-kontrol ng maaga ang lubhang pagdurugo, sa tingin ko naman ay hindi hadlang sa pagdadalang-tao.
---------------------------
PEDESTRIAN LANE by Mylene Miyata
“WIRED” Ka Ba?
Nowadays, how does the technology growth affects your appreciation of the true essence of life?
Hindi naman masama ang walang patid na pag-unlad ng bawat bagay. Malaki po ang pakinabang nating lahat sa tulong ng technology wonders. Pero, aware ba tayo na yung sobrang convenience na nalalasap natin kung minsan ay nagdudulot din ng kakulangan sa ibang aspeto ng pamumuhay natin?
Of all the advancements sprouting like mushrooms everywhere, I personally still long for the "simple life" at times. Talagang hinahanap pa rin ng sistema ko. May pagka-sadista nga ako kase I literally deprive myself of some things para lang kumuha ng escape sa fast phase ng modern life minsan e. Lahat kase ng kilos natin sa panahon ngayon para bang dumedepende na lang lage karamihan sa teknolohiya. From 0 age to senior citizen po iyan. Playstations, Nintendo DS for the kids, iPod, iPhone and iPad for Ate and Kuya. High end, state of the art houses, luxury cars for those people who can afford. Being so "wired" sometimes paralyzes me. Say for instance, communication. Well, noong unang panahon, kapag meron tayong gustong ipadalang mensahe sa mahal natin sa buhay, kailangan pa natin ang "telegrama". Bagay na kailangan pang bumilang ng ilang araw bago dumating sa kinauukulan. And at the moment na matanggap ito ng taong kinauukulan, ay talaga nga namang hindi maikakaila na kalakip ng telegramang iyon ang tunay na saloobin at damdamin ng taong pinanggalingan nito, di po ba? May excitement factor both to the sender and the recipient. Okay! yun yung noon. E, yung sa panahon natin ngayon? Kumusta naman? Not to mention the true intention everytime we intend to convey a message, the means or the channel to do so is actually "too convenient" for all. And this "too much convenience" at hand is usually the main reason why the true emotion is being looked beyond its genuine purpose. Hindi na po natin maramdaman yung sincerity na napapaloob sa kada mensaheng natatanggap natin. Kung minsan pa, iba na din po ang nagiging interpretasyon natin sa ilang mensaheng natatanggap natin. Nakakahinayang din kung iisipin dahil malayo po ang naging kaibahan ng mga epektong ito sa "human relations". The excitement is having its twist when it comes to the true meaning. Mahirap na ma-distinguish kung tama ba na ma-excite ka kase di mo naman alam kung talaga bang mean ng tao yung intention nya sayo kase i-amail nya lang, i-text nya lang yung something, andyan na mabilis pa sa jet na makakarating sayo yung message, di ba?
If we take a little while to analyze what is really going on around us, we will come to realize na minsan, gaya ng computer, kailangan din nating mag re-start, mag-refresh o mag re-boot. We have to find ways para kumuha ng temporary escape sa busy world na ginagalawan natin. Why?! Oo nga naman convenient na nga e. Nagrereklamo pa! We are all thankful and happy for what technology has done for us. Masaya tayo na dahil sa Facebook madali nating nagagawan ng koneksyon ang mga natuldukang relasyon sa mga kakilala natin noong highschool pa tayo. Pero, we really have to know when to "pause", "stop" and "go" just a few moments away from the entrapment to the "wired" life for our own sake. Furthermore, para na rin sa mga taong mahalaga sa atin. We will need that magical feeling of living a simple life once in a while po talaga. Like anything else, we really have to "recharge" ourselves regularly. Depending on the need that will arise, we got to give corresponding rest to ourselves. Be it physical, mental or any depende sa pangangailangan. Hindi po natin kailangang masugid na subaybayan ang mabilis na agos ng pag-unlad ng teknolohiya. Having to be contented at times helps a lot. Hindi po natin kailangang magkaroon ng ipod, iphone at iPad ng sabay sabay. This is the best way to sincerely appreciate the true essence of each endeavour we have in life. This is the best way to also give importance to what we are actually experiencing. We can appreciate what we have in life only if we do not drown ourselves to the package luxury of it. Magiging fulfilled po tayo minus the technology wonders paminsan minsan.
May iPad ka na ba? :-)
---------------------------
Kwento ni Nanay Anita
By Anita Sasaki
Mayroon po akong ibabahaging karanasan na di ko po malimutan at kasama nito ang saya ng naidulot sa akin.
Madalas mayroong mga tumatawag sa akin na humihingi ng tulong ukol sa Immigration.
Araw-araw ay iba-ibang mga problema ang dinudulog at nanghihingi ng tulong at payo.
Kaya iba’t-ibang tao ang aking nakakausap sa telepono. Isang araw, isa sa aking mga kausap ay humiling na kung maaari ay madalaw ko siya at ililipat na siya sa Immigration sa probinsiya. Tawagin natin siyang si Mario. Pumunta ako doon. Nakita ko siya sabay ang tatlong preso sa isang kuwarto. Sabi ng isa sa akin, “Paano po kaya ninyo kami makikilala, Inay? Ngayon lang tayo nagkita.” Sagot ko naman, “sa mga boses ninyo, makikilala ko kung sino sino kayo.”
At naunang nagtanong ang isa, “Sino po ako Inay?” Sagot ko “Si Mario ka.” Nagulat siya. "Bakit po ninyo alam?” “Eh kasi nanay ninyo ako,” sagot ko. “Ikaw si Juan na nakipag-away di ba?” Sagot niya "Opo." “At ikaw naman si Kurt di ba?” Gulat sila. Sabi ko, “Ang popogi naman nang mga anak ko.” Yon po ay totoo. Dinalhan ko sila nang mga babasahin at rosaryo. Ngunit si Mario, Biblia ang kanyang request na dalhin ko. Si Mario din lang ang aking binigyan nang pambili nang telepone card dahil mayroon siyang asawa at mga anak na nasa Pilipinas. At ang bunso niya ay may karamdaman. Kaya kailangan niyang tawagan at subaybayan sila. Lalo nag-iisa ang asawa niyang nag- aalaga sa mga anak nila. Kaya sabi ko huwag kayong mag-seselos at siya lang ang may telepone card. Si Juan ala namang tatawagan at di na niya alam kung nasaan ang apat niyang anak at asawa. Kaya ganoon medyo “stressed” kaya napapaaway. Kaya ang masasabi ko sa iyo, walang kang nakikita, wala kang naririnig at wala kang sasabihin. Para walang gulo. Ang tanong ko, “Meron ka bang uuwian sa atin?” Ang sagot niya, “Wala na nga po. Ang papa ko sumakabilang buhay na at ang mama ko po ay nasa Amerika. Ang naiwan sa Pilipinas ay ang aking lola na 82 taong gulang na po. Kaya ayaw ko rin na si lola ay mabigatan sa aking pagbalik sa Pilipinas.”
Si Kurt naman ay mayroong asawa na mayroong visa nguni't malilit pa ang mga anak, tatlong taon at isang taong gulang. Nguni't bilib din ako sa kanyang asawa na si Janice at ginawa niya lahat nang mga dapat nilang gawin kagaya ng pagpaparehistro sa kanyang mga anak dahil ala pa silang report of birth. Naghanap kami nang maipapamasahe nilang mag anak. Dahil nakakulong nga ang kanyang asawa at si Janice naman ang liliit pa ng kanyang mga anak kaya di siya makapag-hanapbuhay. Si Janice sa maikling panahon ko siyang nakasama sa pag-hahanap nang kanilang pamasahe ng mag-anak. Nakita ko na masigasig din siya sa buhay . Gagawin niya ang lahat alang alang sa kanyang mga anak at asawa. Maski na mahirap gagawin niya para lang mabuo ang kaniyang pamilya. At nasabi niya kung bakit ganoon siya. Dahil daw sa kanyang relasyon sa kanyang ina kung saan noong kunin silang magkapatid ay 9 na taong gulang pa lamang siya. Kaya di siya malapit sa kanyang ina at para siyang nahihiya. Parang ibang tao siya sa kanyang ina.
Kaya ayaw niyang mawalay ang kanyang anak at para di maparis sa kanilang magkapatid na di sila malapit sa kanilang ina. Parang sa pakiwari niya ay ibang tao ang nanay niya. Kaya mahirap man daw ay ayaw niyang magkalayo silang mag-iina.
No comments:
Post a Comment