Monday, September 5, 2011

Jeepney Press 2011 September-October Issue page 18



KWENTO Ni NANAY
by Anita Sasaki

DO YOU BELIEVE IN MIRACLES?

Narinig nyo na ba ang sinabi ni Hesus sa Matthew 28:20 na: “AKO AY KASAMA NINYO HANGGANG SA DULO NG PANAHON” (I am with you alway, (EVEN) unto the end of the world. ) Amen! If we keep these words in our hearts, we will not forget the Ascencion. If we believe that Jesus will not abandon us, we can face our struggles, problems and conflicts, full of hope, and enthusiasm.

Noon pa man, ako ay sadyang naniniwala na mayroong milagro, ngunit mas lumakas ang aking paniniwala sa milagro dahil sa aming naranasan noong nakaraang 3/11 tragedy na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nakauwi ang aking pamilya sa Pilipinas. Dahil sa trahedya na ito, nag e-mail ang aking doktor na kapatid at nagtanong lang ng: “Where are you?” at sinagot ko naman siya ng “in the house.” Sinagot lang nya ako ng, “Go to the airport and e-mail me when you’re already there.”

Isang malaking palaisipan sa akin kung paano kaming makakauwi sa Pilipinas sa napakaraming balakid na halos imposibleng mangyari. Unang-una, papano kami makakarating sa airport ng walang trains, or any public transportation, wala rin kaming sasakyan at kung meron man, malaki rin ang kakulangan ng gasolina kaya kailangan pang pumila at maghintay ng matagal. Kung makarating man kami ng airport ay wala naman kaming plane tickets at wala rin kaming mga re-entry permits, at higit sa lahat ay hindi pa rin kami sumusweldo. Lahat ng ito ay naglalaro sa aking isipan na “PAPAANO TAYO MAKAKARATING NG AIRPORT?”

Noong March 14, nakatanggap ako ng tawag mula sa aking anak-anakan dito at nag-alok na ihatid kami sa airport bago siya maubusan ng gasolina. Nagpasalamat na lang ako sa kanyang alok, sa kadahilanang wala kaming plane tickets. Kinagabihan ay tumawag muli siya at pinaalalahanan niya ako na kung hindi pa kami magpapahatid ay tuluyan na siyang mawawalan ng gasolina kaya nagtakda siya ng oras para sunduin kami kinabukasan.

Alas singko ng umaga ay sinundo niya kami ng halos mga walang gaanong dalang gamit. Dalawang gasolinahan ang hindi kami napagbentahan habang kami ay papuntang airport. Kaya kami ay nagdasal ng rosaryo habang nasa daan, at nagulat na lang kami na nasa airport na pala kami sa loob lamang ng 45 minutos na kadalasang tinatahak namin ng isang oras o mahigit pa kahit na ikumpara mo sa isang express train na isang oras at 15 minutos. Ganon pa man, kahit kami ay nasa airport na ay hindi pa rin namin alam kung anong gagawin dahil wala naman kaming plane tickets. Agad akong nag email sa kapatid ko at sinabi kong nasa airport na kami. At ang laking gulat ko dahil ang sagot sa email ko na ang departure date sa ITINE-RARY TICKETS namin ay kinabukasan pa ng umaga.

At dahil nasa airport na kami, doon na rin namin inasikaso ang aming mga re-entry permits na napakaraming tao rin ang mga nag-a-apply kaya kailangang doon na kami matulog. At kinabukasan, lumipat na kami sa terminal 1 dahil doon ang sasakyan naming eroplano.
Pag check-in namin, doon namin nalaman di kami lahat makakasakay dahil ang stopover ay GUAM. Di makakasakay ang 4 sa amin dahil wala kaming US visa. Agad kaming nag-e-mail sa agency sa Canada na nagpadala ng aming tickets at sa
awa ng Diyos ay agad naman niyang napalitan ang aming tickets ng PAL via Cebu
at naibalik din ang binayad ng aking kapatid. Hindi bale nang via Cebu, ang mahalaga ay makalipad kami papuntang Pilipinas.

Alas sais treinta ng gabi, nasa Terminal 2 na kami para mag check-in. Pero sadyang napakadaming tao sa may immigration. At doon lamang nila ma-pro-process ang re-entry permit. At dahil na rin sa dami ng mga umaalis na foreigners, napatagal lumabas ang aming mga passports.

Diyos ko po! Yan ang aking nasambit sa sobrang nerbiyos ko dahil last call na ng aming eroplano, wala pa rin sa kamay namin ang aming mga passports. Nagtatakbo na kami dahil last call na ng last call. At nang kami ay papasok na sa eroplano ay ayaw na kaming pasakayin at ibinaba na ang aming mga bagahe. Dahil dito ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at nagwala na ako at mabuti naman nang sabihin nilang maghihintay sila. At sa awa nang Diyos, pinapasok na rin kami at isa pang pasahero na maiiwan din sana. At ng nakasakay na kami, doon lang talaga ako nakahinga nang maluwag. At nang nakarating na kami sa Cebu, doon napansin nang anak ko na ang laman ng kanyang coat sa bulsa ay ang maliit na SANTO NINO DE CEBU. Doon lamang niya naalala na noong pag-alis namin ng bahay, nagmamadali kaming sinundo at dala na rin siguro ng biglaang gising namin, basta na lang siya kumuha nang imahen sa altar namin at doon namin nakita na ito pala ay ang SENOR SANTO NINO DE CEBU. Isang oras lamang kami naghintay nang eroplanong nagdala sa amin sa Manila. At pagkalapag na namin nang Manila, doon lang talaga ako nakahinga nang maluwag at walang ibang nasambit kundi: MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SENOR SANTO NINO!!! Dahil SIYA ang nag-uwi sa amin sa Pinas.
Kaya kung noon, ako ay naniniwala sa milagro, ngayon ay sampung beses pang humigit ang aking paniniwalang TALAGANG MAYROONG MILAGRO. At ang pangako nang Diyos na sinasabi NIYA .... "AKO AY KASAMA NINYO HANGANG SA DULO NANG PANAHON." (I am with you always unto the end of the world.) Amen!

---------------------

KANSAI CRUSADE
by Sally Cristobal-Takashima

Lubos ang pagpakitang gilas ng Haring Araw sa Taong 2011 ng tag-init. Angkop naman at nabigyan ng sapat na lakas at enerhiya ang mga binhing itinanim ng nakaraang Tagsibol. Magaganda ang mga bulaklak na naialay sa simbahan, mga wedding bouquet ng mga June brides ay puno ng mga kulay na wari ko ay ipinagbubunyi ang kalikasan, katiwasayan at pag-iisang dibdib ng mga bagong kasal.

Naririto na po tayo sa ika-limang pasada ng Jeepney Press. Sa madaling salita ay nakaraan na ang kalahatian ng isang taon. Sa bansang Hapon, panahon na para harapin ng mga estudyante ang hamon ng high school and university entrance examination. May kinalaman na matanggap sa isang de alta eskwela or unibersidad sa magiging estado ng isang tao sa lipunan ng kanyang kinabibilangan. Kaya naman, hindi lamang sa Japan ngunit pati na din sa maraming kalapit na bansa ang seryosong nagbibigay ng pansin sa masinop na pag-aaral ng mga bata magmula pa lang sa murang edad. Ngunit, papaano naman kung walang naghihintay na magandang trabaho. Ano naman ang masasabi ninyo? Siempre naman, there are better chances to find a job if you are luckier than most.

Nitong nakaraang pagbabalik ko sa Japan matapos magbakasyon sa lupang hinirang (via Cebu Pacific Air, siempre naman) ay nakaupo ko ang isang Japan based Tsinoy from Cebu at ang kanyang unico hijo na nasa anim na baiting ng mababang paaralan. Malumanay ang ina at mild-mannered, walang cleavage o pusod na ipinakikita para makatawag pansin.

Dahil kakaunti na ang mga Filipina na nagtatrabaho sa mizu shobai, karamihan ng mga biyaheras na nakikita natin sa mga airports ay wives of Japanese nationals. Angkop sa lugar ang kanilang asal, hindi malakas magsalita na parang bingi ang kausap. May angkop na kamalayan na ang mga taong nakaupo sa loob ng eroplano ay pare-parehong pasahero na nagbayad ng kanilang pamasahe. Ang mga Hapon pag-nagbiyahe sa ibang bansa ay madaling malito dahil siguro sa kanilang kakulangan sa pagsasalita ng wikang Ingles at sa kaalaman ng tamang asal na nararapat pairalin. Ganoon pa man, sila ay maingat sa loob ng kanilang makakaya na huwag ikahiya ang pagiging Hapon. Reputasyon at mukha ang nakataya. Balikan natin ang mag-ina na nakatabi ko sa eroplano. “Talagang masarap magbakasyon,” ang sabi ko.” Enjoy din siya
kahit na halos maubos ang 300,000 yen na dala niya at kung hindi sa pagiging caregiver niya ay marahil hindi siya sapat na makakaipon ng pera. Dahil bata pa si, tawagin natin siyang, Jacky ay hindi pa niya naaaninag ang panahon ng pagtanda. Hindi pa niya naiisip kung ano ang
hinaharap niya kung sakaling maiwan siya ng kanyang asawa. Maraming Filipina na kagaya ni Jacky na hindi iniisip na sumangguni sa isang Financial Adviser para mabigyan siya ng kaalaman para mapalago ang kanyang pera. Tama ka, even children in kindergarten know the story of “The Ant and the Grasshopper.” Which one was left in the cold when winter came, hungry and begging for something to eat. Sochira no Kikoy at Kikay, gumising at magsunog ng kilay. Huwag kagawian ang ma- short sa pera at malubog sa utang. Sayang naman ang sinanlang lupa o alahas kung ito ay hindi matubos. Bukod sa nakakayamot, nakakainis at tunay na nakakababa ng self-esteem. Siempre pa nakakahiya din. Puede din naman siguro gawing simple lang ang buhay. Tigilan na ang regular trips to Starbucks, bawasan ang shopping kahit na mag-bargain sale. Huwag paunlakan ang bawat yaya na kumain at uminom sa labas. Iwasan ang mamahaling cosmetics. Ay naku marami pang ibang paraan upang mabawasan ang gastos.

Gumising sa bagong umaga. Ang kadalasang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa ay masamang bisyo - pagsusugal, paglalasing at pambababae. Lahat ay may kaugnayan sa pera. Kawawa ang mg bata. Maaaring masira ang relasyon ng anak at magulang. Masisira ang pagtitiwala sa isa’t isa. Ito na siguro ang tinatawag na complicated relationships. Bato-bato sa langit ang tamaan ay buti nga.

Maiba tayo ng usapan. Naitanghal na ang pinakahihintay ng maraming Filipino sa Kansai. The “One Heart, One Soul for Japan Charity Concert,” a fund raising project to raise funds for the March 11th Great Northeastern Earthquake which was held on August 21st at the Osaka Abeno Kumin Kaikan. Many Japan based singers, musicians, Philippine cultural dancers have donated their talents for the success of this event. The officers and members of the Philippine Community Coordinating Council put their best effort in putting up this exciting concert. The musical program was followed by a dancing program in order to give everyone a chance to show all their dance moves. The major sponsors are ABS-CBN Japan, Inc and NTT Communications. We also take this opportunity to thank most especially Cebu Pacific Air for donating 2 Osaka-Manila-Osaka air tickets and ACT Tourist for 1 r/t air ticket to Manila and back for the raffle portion of the program. Also our sincere thanks to WOW Phil-International Co. Ltd., NT Total Care, KJenet Communications, KKubo Restaurant, Speed Money
Transfer, D & K Company World Prepaid Cards, Metrobank and Philippine National Bank for their contributions. Thank you also to Kyoto Pag-asa Filipino Community, Amagasaki Japanese Filipino Community, Knights of Rizal, Sama-Sama Community, Nippi Tomo no Kai, San Lorenzo Ruiz Japanese, Filipino Community, Philippine Womens’ Community, Nippi Tomo no Kai, Nara North-South Filipino Community, Samahan sa Kitano Community, Kayumangi Filipino Community, Kurashiki Pilipino Circle, Okayama Beautiful Family for Peace and Harmony, Tanglaw Filipino Community, Filipiniana Community, Philippine Dance Company and Mikuni Filipino Christian Community. We extend our appreciation for the contribution of Malou Mizuzawa of Sunflower Cargo, Jorge Takara of Jorex Door to Door, Susan Solon of Lapu Lapu Resto, Lisherbeth Sari Sari Store, Olie Ramos of Kubo-Phil Resto, Jose Alba Jr. of Bamboo Resto, Nora Nogami, Sonia Shigebayashi, Olive Kawaida, Bessie Vicente and Bulaluhan Resto.

Lastly, to Philippine Consul General Maria Lourdes V. Ramiro Lopez for her Inspirational Speech, Father Mario Colina for leading the Group Prayer, Jun Silva, Joy Mendez, Vicky Wakiyama, Marlon Mangila, Nixon Cacao, Maritess Kita, Carisa Sugiyama, Amy Ooi, Melvie Miyazaki, Ellen Takeuchi, Rose Kasai, Yoriko Hayashi, Susan Fuchizaki, Julima Lomocso, Katrina Fujikawa and Naito San of Cebu Pacific Airways, Osaka Office and Candice A. Iyog VP-Cebu Pacific Airways, Blessie L. Cruz and Stacy Ybud of Cebu Pacific Airways - Manila.

To one and all, let’s welcome the beauty of Autumn’s foliage. The Christmas holiday is just around the corner.


No comments:

Post a Comment