ENDAKA by Isabelita Manalastas -Watanabe
Endaka – bukang bibig ng mga businessmen, ng mga economists, ng mga politicians.
Endaka – Yen Takai – Yen Expensive.
Iyan talaga ang translation sa wikang Ingles ng Endaka. Imaginin mo na ang Yen ay isang bagay na tinitinda sa isang department store. May Yen 10,000; Yen 5,000; Yen 1,000 na papel. Kung bibilhin mo, at ang pera mo ay Yen din, walang problema. Kasi, kung may Yen 10,000 ka, makakabili ka ng isang Yen 10,000 na papel, o kaya’y dalawang tig-pa-five thousand, o kaya’y sampung tig-isang libo.
Kung turista ka naman sa Japan, at ang baon sa pag-tour mo ay US dollars, at gusto mong bumili ng isang Yen 10,000 na papel, magkano sa pera mo ang isang Yen 10,000? Kung ang palit ng US dollars sa Yen ay 78, katulad ng sa kasalukuyan, magkano ang halaga sa Yen ng iyong US$1,000 na baon?
US$1,000 x 78 = Yen 78,000 – iyan ang halaga ngayon sa Japan ng iyong US$1,000.
Noong ang exchange rate ng US dollars sa Yen ay 120, magkano ang halaga ng US$1,000?
US$1,000 x 120 = Yen 120,000, di ba?
Same US$1,000 na pera ng turista, may palit na Yen 120,000 kung pumunta siya sa Japan noong ang exchange rate ay 120. Ngayon, Yen 78,000 na lang ang palit ng kanyang US$1,000!
Siyempre, para sa turista na ito, pagkamahal-mahal lahat ng gusto niyang bilhin sa Japan, di-ba? Kasi, ang taas (takai) ng Yen kumpara sa US dollar. So yung En Takai - Yen Expensive – iyan ay depende sa kung anong currency mo ikukumpara. In other words, ang US dollar ay napakahina, kumpara sa Japanese Yen, sa kasalukuyan.
Kung wala naman palang epekto sa ating nandito sa Japan na nagsusuweldo ng Yen din, e ano naman ang pakialam natin kung Endaka man o hindi?
Heto naman ang tingnan nating example:
Kung ikaw naman ang mag-tour sa America, e di ang laki ngayon ng balor ng Yen mo against the dollar. Baligtarin lang natin iyong example sa itaas. Ikaw ang turista at may dalang Yen 78,000 na baon sa pag-tour mo. Sa exchange rate na US$ 1 = Yen 78, Isang libong dolyar na ang equivalent ng iyong kulang-kulang na walong lapad lang!
Entonces, masarap mag-abroad at mamili sa abroad, sa bansang mahina ang currency against the Yen, kapag Endaka.
Ano pa ang ganansiya nating mga tumatanggap ng Yen kapag Endaka?
Mas kaunti ang ating kailangan i-remit sa ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas, kasi mas malaki ang palit ng Yen sa Peso, kapag Endaka at kung mahina din ang Peso against the Yen. Kung may buwan-buwang sustento si Nanay na Php 10,000.00 kunwari, at ang palit ng Yen/Peso ay 0.54, kailangang magpadala lang ng Yen 18,519 (Php 10,000 divided by 0.54). Kapag bumagsak naman ang rate, dahil humina ang Yen or lumakas ang Peso or both, kunwari 0.50 na lang, mangangailan ka ng mas malaking halaga (Yen 20,000) para makapagpadala ng same halaga na Php 10,000.
Tayong mga migrant workers dito sa Japan na kumikita ng Yen ay mara-ming ganansya kapag Endaka. Pero ang mga Japanese exporters naman ay hirap-na-hirap kapag Endaka, kasi nagiging mahal ang Japanese exports in terms of the local currency sa bansa kung saan nag-e-export ang Japan.
Halimbawa: Nag-e-export ng Japanese car sa America. Ang halaga sa Yen ng kotse ay Yen 1.5 million. Kahit noong mahina ang Yen, ganoon pa rin ang halaga. Kahit ngayong Endaka, ganoon pa rin ang halaga – Yen 1.5 million pa rin. Pero kapag ang bumibili ay isang Amerikano at US$ ang pambayad niya, nagiging napakamahal ng Japanese car na ito:
Yen 1.5 million = US$19,231 @ exchange rate of US$ 1 = Yen 78
So hindi lahat masaya kapag Endaka. At kahit tayong mga Yen earners ay masaya ngayon, kung maging masama naman ang ekonomiya ng Japan dahil sa Endaka, baka ma-apektuhan din tayo in the long-term. Kung maraming exporters ang mahirapan dahil hindi na competitive ang kanilang mga exports dahil nga nagiging mahal ang products nila kapag Endaka, posibleng magbawas ng mga workers itong mga kumpanya na ito, or magbaba ng sweldo ng mga tauhan nila. Kung isa tayo sa mga empleyado ng mga hirap na Japanese exporters, siyempre, nenerbiyosin din tayo.
Pero ke Endaka o hindi man, dapat tayong matutong mag-plano ng ating mga gastusin, mag-plano paanong mag-save, dahil bukas, makalawa, hindi natin alam kung saan naman bubuhos ang ulan.
No comments:
Post a Comment