Monday, September 5, 2011

Jeepney Press 2011 September-October Issue page 08



ARANGKADA PINOY ni Yellowbelle Duaqui

Kilalanin ang “Entrepreneur”

“Leadership, moreover, involves the capacity to think the new, to grasp the essential, to act quickly, to understand by intuition. The leader acts more through his will than his intellect, more with personal authority than with original ideas; he must be willing to forgo the psychological resistances and social criticisms that always arise when new and innovative behavior is regarded as deviant and dangerous.”
--Alberto Martinelli, The Handbook of Economic Sociology

Sa Tagalog, iba-iba ang katawagan para tukuyin ang isang “entrepreneur”: negosyante, mangangalakal, mamumuhunan, kapitalista, manininda, atbp. Hindi sa lahat ng oras ang “entrepreneur” ay hinahangaan ng mga tao. Halimbawa, ang mga maliliit na entrepreneur ay madalas ituring na “eyesore” ng Kamaynilaan at dahil dito’y tinataboy sila ng mga pulis o ng MMDA sa kalye. Kinakamkam din kung minsan ang kanilang mga paninda kaya’t nahihirapan silang muling makapagsimula. Ang mga malalaki namang entrepreneur – kadalasa’y tinitingnan nang may pagkamuhi ng iba bilang taga-api ng mahihirap.

Iba-iba ang imahe ng “entrepreneur.” Ngunit sino ba talaga sila? Anong uri sila ng mga tao? Ano ang kanilang mga katangian?

Maaaring magulat ang karamihan kapag natuklasan na ang etimolohiya ng salitang “entrepreneur” ay yaong “kapitan na umuupa ng mga bayarang sundalo upang maglingkod sa mga prinsipe o bayan” noong ika-16 siglo sa Pransya. Ayon kay Martinelli sa The Handbook of Economic Sociology (1994), sa pagpasok ng ika-18 siglo lamang nagsimulang maiugnay ang salita sa mga ahenteng nangongontrata sa pampublikong paggawa, mga taong nagpapasimula ng mga makabagong pamamaraan sa agrikultura, at mga taong sumusugal ng kanilang kapital sa pamumuhunan – o sa simpleng salita, mga taong may kinalaman sa mga ekonomikong aktibidades.

Sa dinami-dami ng mga ekonomista, sosyolohista, historyador ng negosyo, at mga antropolohistang nag-aral ng “entrepreneurship” bilang isang sosyo-historikal na penomenon, ang ekonomistang si Joseph Schumpeter ang itinuturing na “theorist of entrepreneurship par excellence.” Ayon kay Schumpeter, ang pagninegosyo ay nangangailangan ng isang “partikular na personalidad at pag-uugali, na lihis sa kagawian at higit sa rasyunal na kaisipan ng isang ordinaryong tao.” Dagdag pa ni Schumpeter, bihasa ang isang negosyante sa pagtuklas at paggamit ng mga elemento ng kanyang kapaligiran tulad ng pera, agham at kalayaan upang mapakinabangan ng mga tao. Rasyunal din ang mga pagpapahalaga ng isang negosyante at kanyang kalkulasyon ay kadalasang nakatuon sa pangmatagalang bentahe. Siya rin ay may kakayahang mamuno. Ngunit kung minsan, siya ay tinuturing na isang banta ng ilang mga tao sa kanyang paligid dahil ang kanyang pagka-malikhain ay maaaring sumalungat sa kulturang umiiral. Angat sa ordinaryong mga indibidwal ang “entrepreneur” dahil kaya nitong gumawa ng paraan upang lampasan ang mga sagka o mga suliranin at matupad ang kanyang mga layunin.

Nauunawaan ng isang “entrepreneur” ang pangangailangan ng kanyang kapaligiran at kumikilos batay dito. Isang halimbawa nito ang karanasan ni John Gokongwei na kanyang inilahad sa kanyang talumpati sa 20th Ad Congress na tinanghal noong Nobyembre 2007 sa Pilipinas. Maagang naulila sa ama at nailagay sa sitwasyon na maging breadwinner ng kanyang pamilya, tinahak ni Gokongwei ang landas ng pangangalakal sa gulang na 13. Ito ay isang sipi mula sa kanyang talumpati:
“…I opened a small stall in a palengke. I chose one among several palengkes a few miles outside the city because there were fewer goods available for the people there. I woke up at five o’clock every morning for the long bicycle ride to the palengke with my basket of goods. There, I set up a table about three feet by two feet in size. I laid out my goods—soap, candles, and thread—and kept selling until everything was bought. Why these goods? Because these were hard times and this was a poor village, so people wanted and needed the basics—soap to keep them clean, candles to light the night, and thread to sew their clothes.”

Ngayon, si Gokongwei ang nagmamay-ari ng Cebu Pacific, Robina Gokongwei Corp, Sun Cellular, at marami pang ibang negosyo na naka-headquarter sa Pilipinas. Malayo ang narating ng batang tindero sa palengke ng Cebu na gumigising ng alas singko ng madaling-araw.

Ang laganap na isteryutipo sa “entrepreneurship” bilang isang abilidad o talentong nakareserba lamang sa iilang kakaibang tao o sa elitistang lipunan ay dapat hamunin. Napatunayan na ng aktwal na karanasan ng maraming tao na ito ay puwedeng anihin sa tulong ng kasipagan, pagiging malikhain at pagtitiyaga. Lahat ay posible kung ito ay pagsisikapan.

Sanggunian:
Niel Smelser and Richard Swedberg, eds. The Handbook of Economic Sociology. Princeton, New Jersey: Princeton University Press, 1994.

http://www.universalrobina.com/2008/01/12/john-gokongwei-speech-at-the-20th-ad-congress/

----------------


A Cup of Coffee by Richard Diaz Alorro

Si Harry Potter at ang mga Aral ng Buhay

I must admit that I am an avid Harry Potter fan. Simula nang mabasa ko ang Harry Potter and the Philosopher’s Stone, ang unang libro ng Harry Potter series, ay napabilang na ako sa milyon-milyong nagsubaybay at nag-abang sa paglabas ng pangalawa hanggang panghuling libro na sinulat ng British author na si Joanne Kathleen (J.K.) Rowling. I was also among the millions who was excited when the news came out that Harry Potter and his world will be put into life, through film. Pinanood ko ang lahat ng Harry Potter movies hanggang sa final installment, lahat sa big screen.

Harry Potter is a series of fantasy novels that chronicles the adventures of the young wizard Harry Potter and his bestfriends Ron Weasley and Hermione Granger, all of whom are students at the Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry. Naging sentro ng kwento ang pakikipaglaban ni Harry sa dark wizard na si Lord Voldemort na nais sumakop sa wizard world. It may not be known to everyone, but the first HP book was intended initially for children and was even awarded a best children’s book award. Sa paglipas ng pahanon, hindi lamang mga bata ang nabighani sa istorya at mga characters ng nobela. Si Harry Potter, ang ibang mga karakter at ang Hogwarts ay naging kilala sa halos lahat ng tao of every age. Naging isa sa mga most beloved stories of all time ang Harry Potter. Harry Potter has become a global brand and has placed JK Rowling to the list of the world’s billionaires and most influential people.

The 7th and the final book was divided into 2 movie installments. Pinalabas ang Part 1 noong November 19, 2010 at ang Part 2 noong July 15, 2011. For an almost a decade, most of us have witnessed the evolution of Harry Potter. Sa paglipas ng mga taon, Harry Potter evolved from a mere novel or movie character to a hero, an icon.

Ang 7 libro at 8 pelikula na bumubuo sa kwento at buhay ni Harry Potter at ng kanyang mundo ay nagwakas na. As we turn the last page of the 7th book, as the lights in the theater are turned on, may we realize that there is more to Harry Potter than magic and fantasy. Maraming makabuluhang aral sa buhay ang mapupulot sa kwento ni Harry Potter.

1. LOVE
If there is one word that would aptly describe the Harry Potter series, it would be LOVE. Mula sa unang libro hanggang sa panghuli, naging makabuluhang bahagi ng plot ang kapangyarihan ng pag-ibig. When the dark wizard Lord Voldemort attacked Harry’s family, Lily (Harry’s mother) sacrificed herself to save her son from the killing curse. Because of this great sacrifice and love, Harry was spared from death, making him the one and only ever who survived the wrath of the dark Lord Voldemort, one of the most powerful wizards of all time. The love of his mother protected Harry and guided him to destroy Lord Voldemort and to save the wizard world. Surely, love defeats even the most powerful of evils.

2. FRIENDSHIP
“No man is an island.” Isa rin sa pinaka-importanteng aral ng HP series ay ang kabuluhan ng pagkakaibigan. Maraming mga hard battles and almost impossible tasks na napagwagi-an ni Harry ang isinalaysay sa 7 books. Ngunit sa lahat ng tagumpay ni Harry Potter, naging malaking bahagi ang kanyang mga kaibigan. Hindi naging posible ang lahat without the help of his friends. Ilan sa mga halimbawa ay ang pagtulong ni Ron sa paglaro ng chess para makuha ni Harry ang sorcerer’s stone, ang pagkatuklas sa Chamber of Secrets at basilisk nang dahil sa karunungan ni Hermione, at ang pagkakuha sa diadem ni Rowena Ravenclaw nang dahil sa tulong ni Luna. We must definitely treasure our friends who are always by our side.

3. CHOICES AND ABILITY
Pinili ni Harry Potter na mapabilang sa House of Gryffindor, ang house kung saan naging kabilang din ang kanyang mga magulang na si Lily at James noong sila ay nag-aaral sa Hogwarts. Taglay ni Harry ang ibang mga katangian na angkop para mapabilang siya sa House of Slytherin kung saan galing si Lord Voldemort, but he chose to be in Gryffindor, which values courage, bravery, nerve and chivalry. He could be like Lord Voldemort but Harry chose the good side. As what Prof. Albus Dumbledore have said, “It is our choices that show what we truly are, far more than our abilities.” Our abilities may make us name but it is our choices that will define who we really are. Gaano man ka-maabilidad ang isang tao kung ang pinili niyang landas ay hindi naaayon sa kabutihan, hindi rin magiging mabuti ang kahihinatnan.

4. LOYALTY
Isa sa mga pinakadakilang katangian na mahirap mapantayan ay ang katapatan. In the story, loyalty was best exemplified by Prof. Severus Snape to Prof. Albus Dumbledore. Naging matapat si Prof. Snape kay Prof. Dumbledore mula simula hanggang sa kamatayan at matiyagang nagbantay sa kaligtasan ni Harry Potter lingid sa kaniyang kaalaman. With bravery and courage, Prof. Snape joined the league of dark Lord Voldemort just to protect Prof. Dumbledore and Harry Potter, even to the point where everyone was convinced he is a villain. He pretended to be on the dark side and sacrificed his life for love and loyalty. Definitely, in the darkest and most down moments we can see loyalty at its best.

5. COURAGE AND CONVICTION
Harry Potter was 11 years old when he discovered he is a wizard. More to that, he is the famous “the boy who lived” after surviving the killing curse by dark Lord Voldemort. Sa murang edad, the world of witches and wizards expected great things from him. He encountered enormous tasks and challenges that a child could have never imagined – troll, basilisk (giant snake), Triwizard tournament, dementors, death eaters and Lord Voldemort. But Harry Potter emerged triumphant from all of these battles. Hindi man taglay ni Harry ang lahat ng mga malalakas na magic powers, spells and curses, naging matagumpay siya sa lahat ng laban dahil sa kaniyang courage and conviction. Bilang isang bata at kasisimula pa lamang mag-aral ng magic, wala siyang ibang sandata maliban sa tiwala sa kaniyang sarili at lakas ng loob na makakaya niya ang lahat ng pagsubok na kaniyang haharapin. Strength and ability may make us go through a challenge, but it is courage and conviction that will bring us victory.

No comments:

Post a Comment