Monday, September 5, 2011

Jeepney Press 2011 September-October Issue page 20



Isang Barya Lang Po!
Sa pagkukuwento ni Alex Milan

May panibagong ‘barya’ na naman tayong pagkukuwentuhan na sa aking palagay ay aakma sa kalagayan ng karamihan. Tinukoy ko ang karamihan sapagkat mayroon din naman na ilang kababayan natin ang nakamit na ang ‘financially stable’ na rating,’ ika nga. Sila ‘yung hindi na issue ang pera sa kanilang buhay. Nabibili na nila ang gusto nilang bilhin kahit kailan o kahit saan nila ibigin. Napupuntahan nila ang lahat ng lugar na gusto nilang puntahan ng hindi iniisip ang gastusin. Ang sarap na makamtan ang ganitong kalagayan. Kung nagawa nila, magagawa mo rin kung susundin mo lang ang mga alituntuning nagtataguyod sa buhay na matagumpay. Isa sa mga ito ay ang aking ibabahagi sa kolum na ito na pinamagatan kong,

“When an emergency is a necessity.”

While it is true that faith is believing that our God can provide for all our needs, including emergencies, our Creator gave us sound mind too, to do contingency planning. This is part of being responsible. Magplano sa sarili mo para kung may ‘emergency’ may ‘fire exit’ kang malalabasan.

Sabi ni Webster, ‘emergency is defined as “a state, esp. of need for help or relief, created by some unexpected event.” Believe it or not, unexpected events are bound to happen. Tiyak ‘yon! Only the nature of them is unexpected. And more often, emergency situation requires money. And wise people make sure they have available funds to deal with such a situation.

Marami sa atin hirap magtabi ng pera para sa emergency. It seems difficult to systematically build a reserve fund for emergency as it is already a struggle to meet the daily needs. However, in order to get out of that rat-race life and move towards financial stability, one should start building reserves through savings. Regardless of your current condition, kahit pa lubog ka sa utang, puwede kang magsimulang mag-impok kahit maliit lang. Ang mahalaga na de-develop ang habit of savings.

Financial planners teach us a practical formula on how to manage our finances. That is, income less savings equals expenses. Applying this formula, one will be disciplined to live within his means and systematically set aside money to build the needed emergency fund. It may take some time, but for one’s own and his family’s protection and peace of mind, it is important that he does so, particularly during these difficult economic times. Savings now become a priority and one learns to live within his realistic means.

Savings should first build one’s emergency fund. This is the first step towards financial stability. Having an emergency fund will somehow protect you to incur unwanted debts deal with unexpected, life-threatening or loss of income situation. Unwanted debts from emergency situation put stress in the normal, everyday life of a person.

There are many information available on how to build an emergency fund, how much is needed, how to best maximize the interest income it can generate and how to best manage it. But the fundamental principle to remember is availability. The funds must be available as and when they are needed at the value you have set it aside. In other words, you have them, some in a form of cash at home, though not significant but just enough to deal with an emergency; maybe another 50% is in savings account accessible by ATM and the rest in time deposit or any account it can earn higher interest but can be withdrawn anytime you need them. The minimum amount to target is between three to six months of one’s monthly expenses. Other unexpected events, such as long-term sickness, death, accident, should be covered by insurance, which is another way of addressing unwanted emergencies.

Also, it is important to note that the use of emergency fund should ONLY be limited to financial emergencies and nothing else. Never use it for luxurious spending, like buying expensive clothes, shoes or bags during a “mall sale.” Also, whenever a portion of your emergency fund is used, build it up back to its original level as quickly as possible so you will have enough money to cover urgent expense should another emergency strike. Emergencies can happen any time and may occur one after another within a short period.

This maybe a simplistic guide but if applied with discipline, determination and dedication, this will lead towards true financial freedom. A good motto to live by: Pray, prepare and let God take over. Remember, an emergency (fund) is a necessity. For any comments or suggestions, please email me at investtoday03@gmail.com or sms or call me at 080-4385-8040.


--------------------------------

DRIVE THRU by Stephanie Jones Jallorina

“Anong Paki Mo Sa Long Hair Ko?”

Gaya ng pamosong kanta, ano nga ba? Meron nga ba?

Noong high school si Anne, todo habulan sila ng tatay niya ng gunting habang siya, lukut-lukot ang mahaba at maitim na buhok na papasa sa Pantene commercial sa tv. Hanggang sa pagtulog hawak-hawak ni Anne ang nilukot na buhok para ni isang hibla man ay walang magupitan rito. Ayon sa tatay niya, smart-looking daw ang mga babaeng mas maigsi ang buhok pero kung sa iba’y “diamonds are a girl’s bestfriend,” para kay Anne, hair is her crowning jewel.


Oo nga naman! Kasi kung si Ken ang papipiliin, mas gusto niya ang babaeng may mahabang buhok. Kahit liberal na daw ang mundo, nanatiling maraming kalalakihan pa rin ang nabibighani sa babaeng konserbatibo at simple na nakikita sa pagkakaroon ng mahabang buhok. Pansinin niyo na lang kung gaanong maraming commercial ng shampoo ang lumalabas sa tv na kahit sa tuwing oras ng kainan, gustung-gusto ipaulam ng mga shampoo companies ang produkto nila sa atin.

Pero kung si Michelle ang tatanungin, kung “what attracted you most?” ang sagot niya ay either long hair or skinhead. Uso noong 70s ang long hair maging sa mga lalaki. Kung “one-length” above the knee yung igsi ng short ng mga tatay natin sa basketball team, “one-length” din naman ang buhok nila. Uso lang eh. Sino na lang kaya sa atin ang di nakakakilala kay Bob Marley? Siguro yung ngayong henerasyon na lang. Siya lang naman kasi yung hari ng reggae na sumikat noong 80s.

Pero bukod doon, ang “Bob Marley” ay siyang kilalang tawag din sa straight braid, isang kilalang istilo ng buhok na naging uso dahil sa kilalang mang-aawit, at ginagaya ng reggae fans, at karamihan sa black community. At hindi lang dahil sa uso kung kaya’t naghahabaan ang buhok ng mga lalaki, hindi lang dahil sa gusto nila ito o para astig silang tingnan. Maraming mga tulad ng rockstar, painter at artist ang may mahabang buhok dala ng kanilang trabaho. Sa sobrang passion at atensyon na binubuhos nila sa kanilang obra maestra, nakakaligtaan na ng karamihan ang pagpapaputol ng kanilang mga buhok. Nagsisilbing security blanket nila at comfort ang mahabang buhok. Dito rin naman sa Japan, di maisasantabi ang buhok ng mga anime, na kung tawagin ko ay aloe vera hair dahil sa kapal gawa ng dye at sa iba’t ibang direksyon nakatuon, lalo na yung kay Naruto.
Pero may mga trabaho ding gaya ng pagsusundalo na sumusunod sa patakarang dapat ma-igsi ang buhok, skinhead or shaved. Ayon sa sundalong si Carl, “strictly, it is for hygenic reasons. Pero kadalasan, sa bagong mistah, it is more a rite of passage at pag tumagal na, it is honorary na lang.” At meron ding talagang nagpapa-shave ng buhok hindi lang dahil sa aesthetics o praktikal na rason na meron si Michelle. Maraming mga lalaki ang skinhead or shaved heads dahil bounded sila by their religion gaya ng mga pari noong sinaunang panahon o di kaya ng mga Buddhists during pilgrimage, o dahil sa kultura na mayroon ang mga tulad ng Hare Krishna or Hindu movement.
Ngunit kabaligtaran naman yung mga kaso ng mga taong nakakalbo primarily dahil sa genetics na karaniwan sa mga lalaki. Maraming mga batang lalaki ang nakakalbo na kaya di masasabing may pinipili itong dahilan pagkat meron ding mga research kung paano ito malalabanan. Pero malimit ito sa babae. Kaya nakakaalarma lang na ang dating makapal na buhok ni Aling Faustina (di tunay na pangalan) ay parang yung sa mga barbie doll na ngayon na tig-uumpuk-umpok na lamang. Lagasin na talaga ang buhok niya mula pagkabata pero kahit mula pa noon, di siya kakikitaan ng pagkakalbo kasi kung sa daang hibla na sumasama sa suklay niya o nahuhulog sa sahig sa tuwing magsusuklay siya, o kumakapit sa unan pagtulog niya, o sa tuwalya pagligo niya, mabilis naman daw itong nare-replenish dahil over the years, makapal pa ring tingnan. Maliban na lang noong minsang i-pony tail niya at nakita niya ngang pwedeng landing area na.
Sa simula pa lang, alam kong lihis ito sa subject ng aking drive-thru for this year, pero sa pagtatapos, parang sumakto din, thank God. Dahil isinulat ko ito, para sa mga taong biktima ng big C as in Cancer, mahirap lang isambulat ng ura-urada. Gaya ni Aling Faustina, in denial din ako kahit pa isang kakwentuhan lang niya sa buhul-buhol na buhay. Gayunpaman, kakikitaan ng katatagan at punung-puno ng pananampalataya si Aling Faustina, gasino lang ang sarili kong alalahanin. Ang denial, ang pait, ang daing sa kabila ng kinahaharap na sakit ay pawang nakatago sa hiram na mahabang buhok.
“Anong paki mo sa long hair ko?” Next time, dahan-dahan lang kapatid, dahil bawat hibla ay may istorya.


No comments:

Post a Comment