DAISUKI! by Dennis Sun
Takot! Duwag!
O sige na nga, aaminin ko na: takot ako at duwag ako! O, masaya ka na?
Daikirai ko ang pumupunta sa ospital. Hate it! Lalo na kung pumunta ka sa malaking ospital, siguradong kulang ang tatlong oras bago ka matapos. Kaya dahil dito, nagpupunta ako sa mga maliliit na pagamutan kung saan pwedeng matapos na hindi hihigit pa sa kalahating oras.
Takot akong ma-ospital dahil duwag ako. Iyan ang aking lingid na pangu-ngumpisal. Duwag ako sa ospital kaya sobra ang takot kong ma-ospital. Hate ko talagang pumasok sa loob. Ang feeling ko, baka anong mikrobyo pa ang masasagap ko at lalo pang lumala kung ano man ang sakit na nararamdaman ko.
Pero ngayon, no choice ako. Kailangan akong ma-confine sa ospital. Pero, bakit ba kailangan pang ma-ospital? Di ba pwedeng sa bahay na lang? Naku ha, as if naman meron mag-aalaga sa atin sa loob ng bahay, mansion or apartment. Alam mo naman na dito sa Japan, we are always on our own. Di tulad sa Pinas, pag nagkasakit ka, buong barangay nasa bahay mo at nakikikain sa bigay ng mga ibang may dala. Parang piesta! Ano ba yan? May sakit ka na nga, pinag-pipiestahan ka pa! I remember, yung isang tito ko, nag-lechon pa nga ng magkasakit siya! Aba, kung ganito ang laban, wala ng magugutom sa mundo kung meron nag-kakasakit. ‘Di ba? “O, pare, hindi ka pa ba linalagnat? Kasi, gutom na ako, eh!”
Pero bakit ko hate ang hospital? Kaya nga hindi ako nag-pursue ng medical career. Sige na nga, sasabihin ko na ang real reason: afraid ako sa injection! Makita ko pa lang ang karayom, nahihimatay na ako. Kapag sinasaksak na ang karayom sa katawan, hindi ako tumitingin. Pikit lang ang mga mata o tumingin sa kabilang dako.
Sabi ni friendship, you have to face what you fear. That’s why face I did. Eh kung karayom man lang, eh di, sa maramihan na! Nagpa-acupuncture ako. Hindi ko rin gusto ang umiinom ng gamot so my friend recommended acupuncture. Face your fear, Dennis! Sa first session pa lang, mahigit na kalahating daan na acupuncture needles ang tinusok sa iba’t-ibang parte ng katawan ko... from head to toe! How was it? Wala lang. And I was looking forward to the next session already. Did it work? Well, after 10 sessions, I was up and genki without taking the medications!
At kung ma-confine ka sa ospital, you have to eat the hospital food. Totoo nga ang tsismis na walang lasa ang pagkain sa ospital. Kaya FYI, hindi tsismis ito, it’s a fact! For a month and a half, the hospital food is my daily diet. OK lang sana kung limatado ang calories pero at least naman sana, lagyan ng lasa ang pagkain. Pero in fairness, they always serve balanced diet. They see to eat that you eat the right food for your health. Hindi na lang puro o-bento, Matsuya, Yoshinoya at McDo ang laman ng tiyan mo!
Kaya kung may bibisitahin kayong mga kaibigan na may sakit, magdala kayo ng malakas at mahiwagang gayuma. Bigyan ninyo sila ng toyo o patis! Magdala na rin ng lemon o kalamansi. Kung sanay na sa pagkaing Hapon, eh di umeboshi, wasabi at iba’t-ibang klaseng furikake. At kung pwede man, magdala ka na rin ng matapang na Datu Puti at malansang bagoong! Hayan, naglalaway na ako!
Kapag na confine ka sa loob ng kwarto at meron kang roommates, maghanda ka sa orchestra! UTOT dito, utot diyan, utot ngayon, utot mamaya! Ito ay dahilan sa mga iniinom na gamot. Pero ibang klase ang mga utot sa loob ng ospital. Yung isa, parang baril kung umutot. Speedy! Minsan, parang armalite. Tuluy-tuloy at walang patlang! Yung ojisan sa tabi ko, parang canyon. Talagang sabog sa pagsambulat! Magigising ka sa tapang ng tunog at bantot ng amoy! Parang gera ng mga utot sa ospital! O, lalaban ba kayo sa utot ko?
But I have another confession to make. Mali ang lahat ng akala ko sa ospital. It’s not scary. It’s not dirty. In fact, kalalabas ko pa lang ng dalawang araw sa ospital at na mi-miss ko na.. Bakit? You get the attention of your team of doctors handling your case. The nurses pamper you with everything you need. They give you your food, shampoo your hair, take your body temperature, measure your blood pressure, oxygen level, etc. They change your beddings. They clean the room. Mas bongga pa sa hotel ang service. Para kang naka bakasyon grande! Stress-free pa kasi they refrain you from working. And you have so much time to reflect about life. You get closer to God. Mawawala ang katarayan mo…kung mataray ka. Ako, mabait daw kaya lalong bumait! Naman! Pagbigyan ninyo ako kahit this time man lang.
That’s why I love the hospital! DAISUKI!
PS: Thanks to all those who visited me and prayed for my speedy recovery! I won’t mention your names at baka magalit at magtampo pa ang mga makakaligtaan ko.
Ha, ha! :-) Honto ni, arigatou!
----------------------
SA TABI LANG PO
Ni Renaliza Rogers
Lalaban ba ang Pinas?
May mga narinig akong balita na ang U.S. daw ay magpapadala ng isang Aircraft Carrier na barko sa Pilipinas para sa kung anu-anong exercises. Hindi ko alam ang buong detalye dahil hindi naman ako nanonood nga balita araw-araw. Pero ayon sa mga narinig kong balita sa propesor ko, yung nga ang plano.
Kung anu-anong teorya agad ang nabuo sa isip ko. Hindi ako isang conspiracy theorist at hindi naman ako against sa pagpapadala ng isang aircraft carrier na bapor sa mga baybayin ng Pilipinas. Yun nga lang, bakit kaya?
Masyado lang sigurong imaginative ang isipan ko kaya kung anu-ano ang naiisip ko. Hindi kaya na inihahanda na ang Pilipinas para sa laban, sakali mang hindi maganda ang kahinatnan ng issue tungkol sa Spratlys na ngayon ay pinag-aagawan ng Pilipinas at China? Is the Philippines being prepared for war? O baka panakot lang ng U.S. yun sa China? Huwag kayong papalag at malapit-lapit lang kami…
Oo nga at walang binatbat ang sandatahan ng Pilipinas sa China. Pwedeng agawin ng China ang kahit anumang gustuhin nito sa Pilipinas kung lakas lang ang pag-uusapan. Pero hindi pwedeng balewalain ang mga bansang kaalyado ng Pilipinas, katulad na lang ng U.S. na siyang World’s most Powerful Nation. Ang U.S. kasi ay mayroong espesyal na relasyon sa Pilipinas. Sakali mang masali ang Pilipinas sa isang giyera kalaban ang ibang bansa, ang U.S. ay obligadong kampihan at tulungan ang Pilipinas sa abot ng makakaya ng buong sandatahang lakas nito, pwera na lang kung ang Pilipinas ang nagsimula nito. Kaya, yun nga, hindi tayo pwedeng maghanap at magsimula ng gulo dahil hindi natin ito kakayanin at walang tutulong sa atin.
Nakasaad din naman ito sa ating Constitution na itinatakwil ng Pilipinas ang anumang pakikipaglaban sa ibang bansa, tulad na lang ng gyera pero hindi nito hahayaan na agawin na lamang ang kahit anumang talagang pag-aari nito at hindi ito aatras kung may maghamon ng away. Hindi tayo magsisimula ng gulo pero hindi tayo aatras pag tayo na ang kinawawa. O ha, bongga!
Eto naman ngayon ang issue tungkol sa pinag-aagawang Spratlys ng Pilipinas at China. Maraming isla ang Spratlys at ilan na nga lang naman ang isla sa Spratlys na pinag-aarian ng Pilipinas sa ngayon tapos gusto pang agawin ng China. Bakit? Isa sa mga dahilan ay ang mga isla na pagmamay-ari ng Pilipinas ay siyang mga islang mayaman sa langis. Kaya agaw kung agaw ang China! Pero the Philippines will not buckle down kasi atin ito. At sino ba namang loko ang papayag na lang na agawin ang isang islang mayaman sa langis?
Balik ngayon sa issue ng aircraft carrier na ipapadala ng U.S. sa Pilipinas… Mayroon kayang isinisikreto ang gobyerno sa atin para huwag tayong mag panic? Huwag naman sanang humantong sa ganoong eksena kung saan nga maglalabanan ang dalawang bansa pero mabuti na nga ring handa tayo sa anumang pwedeng mangyari. Ang aking haka-haka ay pinalakas pa ng nakaraang SONA ni pangulong Noynoy. Hindi ba’t kakabili lang ng Pilipinas ng isang Hamilton Class Cutter na bapor na pinangalanang BRP Gregorio del Pilar para i-upgrade, kahit papano (dahil hindi naman ito gaanong modernong barko), ang Philippine Navy? Diyos ko! Inihahanda na ba talaga tayo sa laban? Huwag naman po.
Pero anyways, dapat nga naman nating ipagmalaki ang ating bansa sa tapang nito at dapat din tayong magpasalamat na kaibigan natin ang pinakamalakas na bansa sa mundo na hindi tayo pababayaan sa panahon ng digmaan. May mga taong magsasabing dahil mayroon din namang mga personal na interes ang U.S. sa Pilipinas, pero wala na ako doon. Ang sa akin lang, huwag naman sanang maging totoo ang aking mga haka-haka at sana’y likha lamang ito ng isang amateur na utak tulad ng sakin. Nawa’y masyado lang active ang aking imahinasyon. O baka gutom lang to. Makakain na nga…
No comments:
Post a Comment