Monday, September 5, 2011

Jeepney Press 2011 September-October Issue page 07



PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate

CHEAP Ka Ba?

“OK lang basta masaya ako!” Ito ang usual na palusot ng mga makakapal. Nakakatakot ito. Kasi nawawalan na ng halaga ang mga dapat pahalagahan sana sa buhay. Kung hindi ito maagapan, tuluyan na tayong magiging CHEAP na tao at CHEAP na Pilipino. We have to be more alert na nagiging CHEAP na ang pagtrato sa mga tao, bagay at kaisipan na dati-rati ay hinaha-ngaan at pinapahalagahan natin. Here are some examples:

1. Ang attitude natin sa loob ng simbahan o sa anumang lugar ng pagsamba at pagdarasal.
Ang ingay! Daldalan. Tsismisan. Bungisngisan. Nagpapa-cute kahit hindi naman. Tapos yung iba kung magpapicture sa loob ng simbahan, dederetso sa lugar ng altar, ang iingay at kung mag-pose ay daig pa si Venus Raj.
Oo, agree din ako na ang Panginoon ay present kahit saan. Pero alam din naman natin na ang simbahan ay isang espesyal na lugar na kung saan dapat nating galangin ang pagkabanal nito sa pamamagitan ng tamang pananamit, paggalaw at katahimikan.
Kaya next time na pumasok sa simbahan, mag-bow nang malalim o lumuhod sa isang tuhod bago pumunta sa upuan. Pagdating sa upuan, batiin ang Diyos sa isang silent prayer at maghanda nang tahimik para sa misa. At pagkatapos ng misa, lumuhod o mag-bow sa Diyos bago lumabas.
Kapag ang simbahan ay para na ring nagiging palengke, eki (train station) o minkan-horu (town hall), ginagawa nating CHEAP ang simbahan.

2. Ang attitude natin pagdating sa pari, madre o mga tao sa simbahan.
Mas malimit ito sa mga pari.
“Father, ang pogi-pogi mo!”... “Father, nagka-girlfriend ba kayo?”... “Ay si Father mahilig sa baby oh, siguro gusto niyang magkaroon ng sariling anak!”
Puwede ba!
Alam naman nating tao rin ang pari at may sarili rin siyang mga kahinaan. Ngunit alam din naman natin na banal ang kanyang ginagawa lalo na kapag sa sarili niyang boses at kamay ay nagiging Katawan at Dugo ni Hesus ang tinapay at alak na inaalay sa Santa Misa.
Kaya huwag tayong matuwa kung si Father ay pumoporma (sa buhok o pananamit) para magmukhang “cool”, “jeprox” o “cowboy”. Huwag tayong matuwa kung si Father ay parang lalabas sa ASAP or Party Pilipinas dahil kumakanta at sumasayaw siya. Huwag tayong matuwa kung si Father ay pa-embrace-embrace o pa-beso-beso pa.
I really sound conservative here. Pero I think dapat nating tulungan ang mga pari na ito na maging conscious sila na hindi sila naging pari para magkaroon ng pogi-points sa mundo.
At kung sige pa tayo sa pagsuporta sa kanilang parang ordinaryong-matandang-binata ways, eh di ginagawa nating CHEAP ang kaparian.

3. Ang attitude natin tungkol sa sex.
Imagine, nang dahil sa sex tayo ay ipinanganak. Nang dahil sa sex, may mga anak kang handa mong ialay ang iyong buhay. Napakahalaga ng sex sa buhay ng isang tao, sapagkat dahil sa sex, may bagong buhay, may bagong tao na dumarating dito sa mundo.
Pero tingnan natin ang ating mga biruan. Ang daming sexual undertones. Para bang lagi na lang dapat may sexual jokes para maging katawa-tawa. Ang mga comedy shows na pinapanood natin, lagi na lang may reference sa mga parte ng katawan, kung malaki nga ba, o mahaba, o masikip, o wasak na. Ang mga parlor games natin sa ating mga parties, pati ba naman sa harapan ng mga bata, mga games na may kabastusan at ang mga nagtatawanan ay ang mga matatanda.
Ang hirap na tuloy magsalita. Mga ordinaryo o banal na salita ay may kasama nang malisya: “Nagpaputok sa piyesta.” “Hinipo ng Diyos.” “Kumalong ka na lang.” “May goma ka ba diyan?” (kung may rubber band ka daw!). Isang araw nga, may isang babaeng nagtanong sa akin at kitang-kita mong may malisya ang mga mata at ngiti niya, “Father, bininyagan ka na ba?” Sinagot ko siya, “Alam kong may malisya ka. Pero, oo, bininyagan na ako... noong December 25, 1970 pa!”
Let us educate our kids by showing that we respect sex at hindi lang ito isang parausan o hobby na parang katumbas ng facebook. Kung hindi, ay naku, tuloy-tuloy nang nagiging CHEAP ang sex.

4. Ang attitude natin sa ating kultura.
Nagulat ako nung makita ko ang isang video upload ng mga Pilipina na nagpa-Pandanggo sa Ilaw. Hindi man sabay-sabay at sumisigaw pa ng “Huuuuu!” habang pinapaikot ang baso na may lamang kandila. Hmmm... parang hindi ko yata narinig yan kahit sa Bayanihan Dancers. Siguro sa Tinikling, puwede pa siguro, o sa mga sayaw na mas magalaw. Nawala tuloy ang grace ng sayaw. Ano kaya ang dating nito sa mga Hapon? Hindi kaya maisip nilang pareho din ito sa mga sayaw ng mga girls sa club? Matuto sana tayo sa mga estudyante ng Tokyo University of Foreign Studies. Mas mahusay pa sila kaysa sa atin at kitang-kita ang paggalang at pagpapahalaga nila sa Kulturang Pilipino kahit sa mga kasuotan nila.
Ah, speaking of kasuotan, kung may mga kilala tayong Hapon na may Polo Barong o Barong Tagalog, sana naman ay ituro din natin ang tamang pagsuot nito. Pag summer sa Japan, makakakita ka ng mga Hapon na naka-barong tapos naka-rubber shoes, o naka-maong. Meron pa ngang tina-tuck-in ang barong niya! Akala siguro nila dahil manipis ang barong, kahit ano na lang ang pagsuot nito. Kung isuot mo ang kimono nang hindi tama, ma-o-offend din naman sila, di ba?
Dapat lang na ipagyabang natin ang Kulturang Pilipino. Pero gawin natin ito nang mahusay, maganda at kagalang-galang. Huwag tayong makuntento sa “puwede na yan” o “we tried our best naman” na mga pa-konswelo na pananalita. Kultura natin ito. Pahalagahan natin ito. At kung hindi, tayo na rin ang nauuna upang maging CHEAP ang Kulturang Pilipino.

5. Ang attitude natin sa ating sarili.
Kung hindi natin kayang galangin ang ating sarili, ano pa kaya ang maaaring matirang kagalang-galang sa puso natin? Kapag nasubo tayo sa problema, sino ang una nating kinakawawa? Sarili din natin, di ba? Kaya kahit pagod na, sobra-sobra kung magtrabaho. Kahit alam nating masama sa katawan natin, sige pa sa paninigarilyo, sige pa sa kaiinom... yung iba nga diyan, drugs pa! (At nandadamay pa ng iba!)
On the other hand, akala natin, may paggalang tayo sa ating sarili sa mga bagay na akala natin ay uso, “cool” at ginagawa ng marami. Kaya, kung mag-party, “the wilder the more fun”. Yung iba naman, pilit magpapa-sexy sa damit at kilos para lang mapansin. Yung iba naman, sinasadyang maging magaslaw o magaspang sa pananalita o sa pagkilos, kasi kulang sa pansin. O kaya kahit may asawa na, niloloko natin ang ating sarili na ok lang magkipag-ON sa iba.
Tapos ipasok pa natin dito ang mga nakikipag-chat sa internet sa mga hindi naman kaanu-ano, na kalimitang nagliligawan at nauuwi sa pakitaan ng mga parte ng katawan na hindi naman natin usually pinapakita. Kalimitang nangyayari daw ito sa mga OFW at mga nalulungkot na Pilipinong nakatira sa ibang bansa. Ganoon na ba talaga tayong kababa na sige na lang tayong magpapakita o makikipag-chat ng malalaswang bagay sa iba?
Galangin natin ang ating sarili. Let us have self-respect... at baka maging CHEAP ka na lang.

-------------------------

SHITTE IRU? by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…
na karamihan sa mga Japanese ay hindi mahilig magsuot ng relo, not even bracelets or necklaces. Yung mga kabataan siguro lalo na yung mga girls, siguro yun ang makikitaan ninyo na may suot na bracelets or kung anong mga burloloys. Observe and you know that I am almost 60% correct.

ALAM NYO BA…na may mga taong ayaw masanay sa mga bagay-bagay na pwede naman wala sa buhay nila. Gaya dito sa Japan, well, palibhasa mahirap ang parking at mahal din ang mag maintain ng kotse, for them it’s ok lang na walang kotse. Sabagay, ok naman kasi ang transport system nila.

ALAM NYO BA…na ang sarap ng feeling when you find and meet your friends again. I’d like to thank Facebook for that, too, kasi I finally found and reconnected with long lost friends and most of them are my dear and good friends.

ALAM NYO BA…na pag kayo’y nagpapadala ng pera sa Pilipinas, mas ok kung mataas ang exchange rate at mura ang charge, di po ba? Kung malaking pera ang pinadadala ninyo, malaki ang difference ng exchange rate at remittance charge. Kung kayo’y madalas magpadala, subukan ang SPEED Money Transfer Japan. Mas nakakalamang sila ng konti sa exchange rate compared sa iba. SPEED is now partnered with BPI, BDO, RCBC, LBP, AUB and Ventaja International. Pwede rin ipadala ng SPEED ang pera ninyo sa Cebuana Lhuillier, pwede rin sa M-Lhuillier, One Network Bank, Globe, Smart, etc. SPEED will also be able to service SSS payments, Philhealth insurance payments, pati na rin mga bills gaya ng Meralco, PLDT, etc. Pwede rin ang door to door (hatid sa bahay) at claim over the counter. Nakakasiguro po kayo sa rate, makakatipid sa remittance charge, at napakadali lang pong magpadala through SPEED. Kaya, ano pa ang hinihintay ninyo, sa SPEED - serbisyong Pinoy, sa presyong Pinoy!

ALAM NYO BA…na binabalak na gawin September ang simula ng mga klase sa Pilipinas. Actually, matagal ng issue ito at sabi ng karamihan dahil daw sa tag-ulan ang July and August. Kadalasan kasi walang pasok dahil nga sa typhoon o konting ulan lang baha na. So kung kayo ang tatanungin, ano sa palagay ninyo?

ALAM NYO BA…na si former Philippine President Fidel V. Ramos ay nandito sa Japan last August 3, 2011? Siya ay inimbitahan ng J.F. Oberlin University sa Yotsuya campus, para sa conferment ng kanyang Honorary Doctorate in International Studies. Ambassador and Madame Lopez, and some officers and staff of the Philippine Embassy attended the ceremony.

ALAM NYO BA… dito sa Japan, pag summer, ang mga lalaki ay mga dalang pamaypay? Yes, as in fan, not only an ordinary pamaypay o di kaya’y cardboard lang, Japanese men use folding fans. Pag malapit na ang summer, you will see in department stores folding fans of different designs and shapes. Mayroon for men and for women na folding fans. When I first saw the folding fans for men, I was amazed. The folding fan was invented in Japan around the 6th to 8th century. Ang tawag nila dito ay court fan or called as the Akomeogi named after the court women’s dress Akome. Yung mga simpleng Japanese paper fans are known as Harisen – are featured in anime at mga graphic novels. The folding fans continue to be important cultural symbol and souvenirs. Sa sobrang init ngayon sa Japan, hindi lang folding fans ang makikita mo na dala o gamit ng mga Japanese o ng karamihan, kundi, face towel din, dahil na rin sa sobrang pawis.
(Some info from Wikipedia)

Enjoy the remaining days of summer and
God bless you all!



No comments:

Post a Comment