Shoganai:
Gaijin Life
By Abie Principe
Pagtulong sa Kapwa:
Heartfelt Outreach for
East Japan
Greetings dear readers, medyo naiiba ang column na ito kung ikukumpara sa mga nakaraan kong mga isinulat. Gusto ko lang i-dedicate ang column na ito sa recently concluded CPFA event. Sa susunod, balik na uli tayo sa Gaijin Life at ang iba't ibang idiosyncrasies na kalakip nito.
Nagkaroon ng outreach event ang Chubu Philippine Friendship Association (CPFA) noong June 5 (Linggo). Ito ay ang Pagtulong sa Kapwa: Heartfelt Outreach for East Japan. Ang CPFA ay gumagawa ng event na tulad nito taun-taon, ngunit ngayon lang ito naging isang outreach event. Dahil na rin sa nangyaring lindol at tsunami noong March 11. Kaya ngayong taong ito, mayroong porsyento mula sa sponsorships at ticket sales ay ibibigay sa Philippine Embassy in Tokyo at sa Japan Red Cross, para ka kanilang mga proyekto sa pagtulong sa East Japan.
Nagpapasalamat ang CPFA sa lahat ng dumalo sa event. Lalo na kay Ambassador Manuel Lopez, from the Philippine Embassy in Tokyo, Vice Consul De Jesus, also from the Philippine Embassy in Tokyo, Vice Consul Imperial, from the Consulate General of the Philippines in Osaka, Honorary Consul General to the Philippines Masaaki Furukawa, at Tourism Attache Araceli Soriano, from the Department of Tourism in Osaka. Dumating rin ang mga members ng Consular Outreach Program from Osaka. CPFA was honored by your presence at the event.
Nagpapasalamat rin ang CPFA sa mga kapwa Pilipino na sumuporta sa event tulad ng PSJ-NC, sa kanilang dance presentation noong opening ceremony.
Masaya naman ang araw na yun, maraming mga booths, including Philippine food products distributed by Buds Corporation. Ang mga sponsors tulad ng SBI Remit, SPEED Money Transfer, PNB, AVANCE, ABS-CBN, Brastel at iba pa, ay nag set-up ng mga booths sa hallway ng NIC Annex Hall, kaya't nabigyan ng Pinoy atmosphere ang NIC sa araw na iyon.
Nagkaroon din ng documentary film showing, YANIG, courtesy of ABS-CBN, na nagpapakita ng pinsalang idinulot ng nakaraang lindol at tsunami. Pinakita rin sa documentary na ito na dapat handa rin ang Pilipinas, dahil tulad ng Japan, ang Pilipinas din ay isang earthquake-prone na bansa. Matapos ang documentary, nagsalita si Mr. Enrique Olives mula sa ABS-CBN, at nagbigay din sila ng donasyon sa CPFA, para sa East Japan relief projects. Ang donasyon ay tinanggap nina Mrs. Linda Taki, CPFA Chairman at Ms. Marita Castaneda, CPFA President.
Matapos ang documentary, nagkaroon ng Special Lecture. Ang lecturer ay si Prof. Atsumi na mula sa Osaka. Nagbigay siya ng iba't ibang impormasyon tungkol sa mga volunteers at volunteerism sa panahon ng kalamidad.
Nagkaroon din siyempre ng mga performances upang ma-entertain ang mga dumalo. Kumanta ng Gospel music ang New Life Gospel Choir, isa ka kanilang miyembro, ay miyembro rin ng CPFA, si Ms. Manami Yamada. Ang piano performance ay mula kay Ms. Yumiko Uchiyama, at belly dancing from Jansu Belly Dancing School.
At siyempre meron talagang hindi mawawala sa event na ito, ang Grand Raffle! Maraming premyong napanalunan tulad ng Outback Steakhouse meal coupons, overnight stay sa Nagoya Hilton, Mariott Hotel, and ANA Grand Court Hotel, dinner coupons and a lot more! Siyempre naman ang Grand Prize, na roundtrip ticket for two to Manila, courtesy of All Nippon Airways. Congratulations sa mga nanalo sa raffle. Maraming salamat din kay Mr. Dennis Sun, na tumulong pasayahin ang event, lalo na sa raffle draw.
Para sa taong ito, tapos na ang CPFA event, umaasa kami na sa darating na 2012, susuportahan pa rin ninyo, dear readers, and event na darating.
Maraming salamat muli!
No comments:
Post a Comment