PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni fr. bob zarate
Ang Maninilip
Nabalitaan ‘nyo ba iyung isang congressman sa US na nagpadala ng pictures niya (through Twitter) sa isang babaeng hindi naman niya tunay na kilala? Ang dating sa congressman ay naglalaro lang naman daw siya. May asawa siya. Pero through Twitter, may mga babae siyang “kinausap”. Sila ang mga babaeng nakasama niya para magkaroon ng “virtual landi-an”. Sila ang mga babaeng “ni-romansa” niya sa pamamagitan ng salita. Pati ba naman picture na naka-underwear siya na nagpapakita ng kaunting hint sa kanyang “manliness” ay pinadala niya. Ayun, napilitan siya tuloy aminin sa buong publiko na siya iyon. Hiyang-hiya siya. Buntis pa naman ang asawa niya ngayon. Ni isang beses, hindi naman siya nakipagkita sa babae. Hindi naman din niya nakausap directly on the phone. Pero ang lumalabas na opinyon ngayon sa karamihan ng mga babaeng may asawa sa Amerika ay para na rin siyang nag-adultery. Nangalunya. Nagkaroon ng kabit!
Very common na ngayon sa buong mundo ang internet. At dahil sa internet, naglipana na rin ang mga social networks. Maraming Pinoy ang napako sa Friendster noon. At nang dumating ang Facebook, mahigit 600, 000 na Pinoy ang naging members nito... and still counting! Mga real-time messaging at face-time calls ay ordinaryo na rin ngayon. “Tawagan kita sa skype!” o kaya “Nag-YM call ako sa yo, hindi ka sumagot!” ay mga common dialogue na ngayon. Bilang isang missionary dito sa Japan, hindi ko ma-imagine kung gaanong inip na inip siguro ang mga misyonero noon... nuong kuntento na lang sila sa mga sulat na inaabot ng ilang buwan kasi wala pang eroplano. Pero ngayon, real time! Ngayon, mag-text ka sa tatay mo sa Pilipinas, makukuha niya iyon in a second! Ang kinain mo ngayon sa restaurant, nakikita sa iba’t-ibang panig ng mundo kasi pinost mo sa Facebook. Ang galit mo ngayon, alam ng mga kahit hindi mo kilala kasi “isinigaw” mo siya sa Twitter.
Pero siyempre, in the very ordinary world of virtual communication, DAPAT PA RIN TAYONG MAG-INGAT at MAGKAROON NG GOOD MANNERS!
1) Sa mga Pinoy around the world, lalo na dito sa Japan, kahit sabihin nating adjusted na tayo, ay siguradong nakakaranas pa rin tayo ng lungkot at pagod. Isa sa mga indications ng stress ay ang pagtaas ng sexual urges. At dahil nag-iisa si “Juan de la Cruz” o hindi na malambing si Mister, nagiging panlabas-stress ang makipagkilala at maki-pag-chat sa Pinoy/Pinay sa ibang panig ng mundo. Marami rin akong naririnig na umaabot pa nga sa face-time chats ang mga ito... at libre na ang live show! Kung anu-ano na ang pinapakita at ginagawa. Hehehe... hindi nila alam, nire-record na pala sila ng kausap nila. Hehehe... hindi nila alam nire-record pala ang live show nila sa isa’t-isa ng isang expert sa computers in another part of the world! Kaya mag-ingat!...Hindi sa nag-re-record. Mag-ingat na huwag makipag-chat sa isang hindi mo naman kaano-ano. Pa-chat-chat ka pa, hindi mo alam nilalandi ka na pala. Ayan, puyat ka tuloy at lalo kang nagiging aburido at stressed. Hindi mo napapansin, naaadik ka sa pagcha-chat. Careful ka din dapat sa mga pictures na ina-upload mo. Dapat secured siya. Pag hindi, may ibang mga tao na kinukuha iyon at baka ginagamit na sa masamang paraan... may mga weird din diyan na nage-enjoy ng mga pictures mo siguro.
2) Ingat sa mga nilalagay mo sa iyong Facebook Status o sa Twitter. Huwag mo kaming idamay sa mga frustrations mo. Kung naghahanap ka ng consolation o mabubuhusan ng galit mo, send a personal message to a friend. In some way, ang naglalagay ng kanyang super-duper feelings ng galit sa iba sa kanyang Facebook Status o sa Twitter ay maaari na ring sabihing, Modern Cyber Iskandaloso o Iskandalosa. It’s almost the same as yung nagsisisigaw at nagmumumura sa kalye at walang pakialam kung kilala niya yung mga nakakakita sa kanya. Let us use social networks for good. Gamitin natin ito para magbigay ng good news, inspiration, clean jokes o information. Pero kung yung galit mo ang ilalagay mo, misteryoso mang sabihin, nakakahawa ang iyong negative energies!
3) Kung matagal kang naka-online sa facebook (or kung ano mang social network), that means LONELY ka. Talagang malungkot ka at ang isang hindi mo nahahawakan, nayayakap, at tunay na nakakausap (without speakers or cameras) ang nagiging konsolasyon mo. Malungkot din ang isang taong telebabad (telepono man o telebisyon). Pero mas malungkot ang “compu-babad” (may salita nga bang ganoon?). Kasi, naandyan na, may nakakausap ka, may nakikita at naririnig ka... pero hindi talaga siya iyon. Transmission lang iyon. Hindi mo talaga kaharap ang isang tunay na tao. Kaya lalo ka lang malulungkot... at lalo kang maaadik. Lagi ka na lang nakaupo. Wala kang exercise. Tataba ka. Magiging mahina ang katawan mo... at lalo ka pang malulungkot. LIMIT YOUR SOCIAL NETWORK TIME. Be disciplined. Isang oras sa umaga. Isang oras sa hapon o gabi. OK na yon. Sa ibang oras during the day, be creative! Have more time with real, living beings. Yung buhay (alive!). Yung nakakausap at sumasagot, kahit in action... plants, pets, real live friends.
Kaya pag naupo ka uli sa harapan ng computer at gusto mong mag-chat, think twice. Kahit si Hesus, sinabi Niya na ang adultery ay hindi lamang sa action, at nagsisimula ito sa isipan. You might think you’re just having fun. O katuwaan lang nga ba? Whether serious ka o hindi, ang iyong pagcha-chat or social networking ay mailalagay lamang sa TAMA o MALI. Sige, ikaw rin... baka somewhere in another part of the world, may nag-re-record ng iyong message, chat ... o live show!
(Hindi kaya kayo nagtataka bakit alam ni Father Bob ito? Well, kaya nga pari eh. Maraming pagkakataong makinig!)
------------------------------------
SHITTE IRU?
by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA… na may online ePassport application na ang Philippine Embassy Tokyo? Ito ay isang free o libreng serbisyo offered only para sa mga Pilipino na naninirahan dito sa bansang Hapon and falls under the jurisdiction of the Philippine Embassy in Tokyo. Yung jurisdiction is kung kayo ay nakatira sa may Kanto area, like Chiba, Saitama, Fukushima, Niigata, Yokohama, Sendai, Aomori, Akita and Hokkaido. Itong online ePassport ay para sa mga first time na kukuha ng passport o yung mga may intention na mag renew ng kanilang regular passport. Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang sumusunod na website: http://tokyo.philembassy.net/pponline/. Mag-apply na po kayo if your passport is less than six months validity na lang and if you do not have any trip outside of Japan kasi po it takes about 2 to 3 months bago ma-issue ang inyong ePassport. Please note din po na ang mga passports are issued in Manila kaya po it takes time bago kayo ma-isyuhan ng bagong passport.
(Source: Philippine Embassy, Tokyo)
ALAM NYO BA… na masaya ako to find my college friends after 20 plus years of no communication. Thanks to Facebook! Ngayon may contact na ulit ako sa mga college friends ko.
ALAM NYO BA… na marami ng mga companies in Japan engaged in the money transfer business? Of course, we have the two full banking Philippine banks, Metrobank Tokyo and PNB Tokyo. Then nag launch din ang Western Union followed by SBI Japan. Recently, nag launch na rin ang Speed Money Transfer Japan (SMTJ). So far, ang pinaka-mura na remittance fee ay ang SMTJ. Bakit? Well, find out yourself and visit their website:
www.smtj.co.jp or call 03-6268-8010
ALAM NYO BA…na mahirap at masakit talaga pag ikaw ay may back pain? I am actually experiencing this pain for about three weeks na niyan. Masakit and my friends said to go and see a doctor ASAP…pero parang nagsawa na rin ako sa doctor. Well, para sa mga iba diyan na may back pain o lower back pain takes various forms, from a persistent dull ache then sa parang matalim o sharp pain. Marami sa atin ang may back pain, and according to experts, four out of five people experience back pain. Maraming cause ang back pain. Suggested self-help methods for preventing back pain:
1. Get more exercise – pag nag-exercise kayo laging mag-stretch sa simula at sa huli.
2. Watch your weight – huwag masyadong magpataba para di maging strain sa likod mo.
3. Smoke – kung nagsisigarilyo ka, better stop kasi nicotine restricts the flow of nutrient containing blood to spinal discs.
4. Position sa pagtulog – pag madalas makaramdam ng sakit sa likod gaya ko, it’s best to sleep on your side na naka-bend ang iyong mga tuhod toward your chest. Kahit anong position sa pagtulog, mas maigi na gumamit ng medyo firm na mattress.
5. Bigyan pansin ang posture – tayong mga nandito sa Japan na kadalasan sumasakay ng train and during rush hours nakatayo, make sure to keep your head up and stomach in and switch feet every 5 to 15 minutes. Pag nasa office naman kayo o sa bahay, keep your knees a bit higher than your hips.
6. Pagbubuhat ng gamit – pag may bubuhatin, bend your knees and squat then hold the object close to your body as you stand.
7. Iwasan ang high heels – ito ay para sa mga kababaihan na mahilig mag high heels. Ang mga high heels can shift your center of gravity at maaaring ma-strain ang inyong lower back. One inch heel is ok. Kung mahilig talaga sa high heels, make sure lang na magdala ka ng low-heeled shoes pag ikaw ay naging uncomfortable.
8. Skinny jeans or tight fitting pants – kung maaari ay huwag magsuot ng mga damit na masikip o very tight kasi it interferes sa pagyuko, sa pag-upo o sa paglakad ninyo and may aggravate back pain.
9. Wallet – ito ay para sa mga kalalakihan na mahilig maglagay ng wallet sa may bulsa ng kanilang pants. Halimbawa, kung kayo ay mag-drive ng malayong lugar, alisin ang wallet sa may likod. As much as possible, don’t sit on an overstuffed wallet.
10. Handbag / briefcase – suggested by experts to buy bag or briefcase with a wide, adjustable strap. A bag with strap, have the strap on the opposite shoulder as it helps distribute the weight more evenly. Kung walang strap and iyong bag, switch hands in handling your bag para maiwasan ang stress sa isang side ng iyong katawan. At kung maaari lamang, huwag dalhin o ilagay sa bag ang di kinakailangan na gamit.
(Source: eMedicine Health)
Quote from Mother Teresa: Let us more and more insist on raising funds of love, of kindness, of understanding, of peace. Money will come if we seek first the Kingdom of God – the rest will be given.
No comments:
Post a Comment