DOC GINO'S PISNGI NG LANGIT
Tubig sa Baga (Pleural effusion)
Tanong (T): Hello. I just want to ask your opinion. May tubig sa baga ang father ko. Ano ang ibig sabihin noon?
Doc Gino (DG): It's like this, kung meron siyang problema sa puso, sa tingin ko ay “pleural effusion” iyon. Ibig sabihin hindi mai-“pump” nang mabuti ng puso ang dugo kung kaya naiiwan sa “lungs” ang tubig. Kung tama ang hinala ko sa kondisyon niya, “medical management” ang dapat gawin at hindi surgery.
T: Delikado ba yun?
DG: Oo, delikado iyon dahil hindi makakahinga mabuti. At kapag hindi makahinga mabuti, ang “carbon dioxide” sa katawan ay hindi makakalabas at magkakaroon ng “electrolyte imbalance” sa katawan. Pwedeng maging “comatose” dahil sa magiging “acidotic siya.” Mas magiging mataas ang “acid” sa katawan na pwedeng pumunta sa utak.
T: Ano ang “medical management”?
DG: Ang “medical management” ay puro intravenous medications at fluids lamang ang ibinibigay. Nothing surgical. Kumbaga, sa suwero pinadadaan ang mga gamut. Pero kung masyadong marami ang tubig, pwedeng magkaroon ng kaunting “surgical management like for example “thoracentesis’”, isang procedure na tutusukin ang baga ng karayom para mailabas ang tubig agad-agad. “Emergency procedure” lang iyon para makahinga siya agad, tapos “aggressive medical treatment” na.
T: What is the possibility of recovery?
DG: We have to be realistic. There is always good hope for recovery. But also, there are many risk factors like his age, and other existing illnesses.
T: Thank you. I appreciate it very much.
DG: You're welcome.
-----------------------------
PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata
Minus Man Plus Din!
Be thankful daw!
Syempre naman! Kapag umuulan ng blessings, abot abot siguro ang pasasalamat natin talaga. Alangan naman, mayamot pa tayo at manlumo, di ba?
Pero sa kabilang banda, na-try mo na bang mag-thank you sa mga unpleasant situations sa buhay mo?
Naku! Parang malabo yata yon , noh? Kase kapag down tayo, madalas...inis...galit at hinanakit ang una nating naiisip, di po ba? Aba, natural naman po iyon, di ba?
But then again, eto, medyo imposible sa karamihan pero... try kaya natin?
Halimbawa daw... ganito---Say "Thank You" pa rin daw!
1. Sa mga bagay na minimithi mong makamit pero hindi mo pa makuha hanggang ngayon. Baket? Kase daw kapag nakuha na natin lahat ng gusto natin, wala na daw tayong i-lu-look forward na pagsikapan na i-achieve sa araw-araw na pamumuhay. Tama?! Tama! :)
2. Kapag daw meron tayong bagay na hindi alam, dapat din daw magpasalamat tayo! Yun bang "Naku! Buti na lang di ko 'to alam. Salamat at may dahilan para matuto ako ulit nitong araw na 'to."
3. Sa oras ng kagipitan daw, pasalamat pa rin tayo! Dahil doon daw tayo nag-go-grow as a better person. Doon daw natin na-di-discover yung super powers natin na lampasan ito. Sukatan para magpakitang gilas. Galing, di ba?
4. Sa tuwing nagkakamali tayo, be thankful pa rin. Kase dahil din don, nagkakaroon tayo ng chance na itama ang sarili natin. Panget naman kung di ka aware na mali ka na pala, tapos sige ka lang ng sige sa buhay, di ba? Check ito sa akin! E, sayo, 'teh?
5. E yung time na pagod na pagod tayo halimbawa?
"Arigatou" pa rin ba dapat?! Opo! Thank you pa din. Nangangahulugan lamang ito na may nagawa tayong kapaki-pakinabang. Kesa naman sa wala di ba?
Hindi po talaga madaling maging "thankful" kapag nasa oras tayo ng di kanais-nais na sitwasyon sa buhay natin. Natural po iyon! Pero ang matutong magpasalamat sa gitna ng down moments natin sa buhay ay importante. Dito tayo kukuha ng kinakailangan nating lakas! Bagay na dapat pagtuunan ng pansin higit pa sa kung anumang kinakaharap natin sa pang-araw araw na pamumuhay.
Napakadaling sabihin ang salitang "thank you" sa mga panahong matiwasay at maunlad na sandali ng bawat isa sa atin. Pero, ang matutong magbilang ng blessings sa oras na gipit tayo? Malay mo ay siyang magiging daan para maisaayos ang anumang hindi kanais-nais na parte ng buhay natin.
--------------------------
KWENTO NI NANAY ANITA
by Anita Sasaki
THE FOUR SEASONS
OF OUR LIFE
Sa Pinas mayroon tayong dalawang seasons: ang tag-ulan (rainy season) at ang tag-init (sunny season). Pero sa atin sa Japan, mayroon tayong apat (4 Seasons): Winter, Spring, Summer and Fall (Autumn).
Kung tayo ay isang magsasaka, ang bawat panahon or season ang mag-didikta ng ating main activity.
Pag spring - tayo ay nasa pagtatanim. (Time to plant).
Pag summer - doon natin aalagaan ang ating mga tinanim. (We take care of what we planted).
Pag fall or autumn - panahon nang pag-aani. (Time to harvest).
Pag winter - iniha-handa natin ang lupa para sa susunod na taniman. (We renew the land for the next planting).
Ang apat na pahanon na ito ay gaya nang ating paglalakbay sa buhay. (These four seasons are reflections of our life journey.)
SPRING - is our youth from ages 1 to 20. Panahon nang pagtatanim. (Season for Planting).
SUMMER - is adulthood, ages 21 to 40. Panahon nang pagta-trabaho (Season for Working).
FALL or AUTUMN is maturity - ages 41 to 60. Panahon nang pag-aani. (Season for Harvest).
WINTER represents senior years - ages 61 to 100. Panahon nang pag-hahanda. (Season for Renewal).
Sa bawat panahon nang ating buhay ay iba-iba rin ang ating dinaraanan o karanasan. (But these seasons aren't black and white because in each area of our life, we could be going through different seasons.) Ibibigay ko na halimbawa: ang sarili ko. Ako ngayon ay 63 taong gulang (pero sabi nila ang boses ko parang 16 taong gulang (biro lang po). Sinimulan ko mag- tanim sa spiritual na buhay ko noong 30 taong gulang ako. (I started to plant in my spiritual life when I was 30.)
Ngayon nararamdaman ko nasa FALL or AUTUMN na ako nang aking spiritual na buhay. Umaani na ako nang mga tinanim ko at nadarama ko na nalalapit na ako sa WINTER sa dahilan na ang pinagkakaabalahan ko na ay kung ano ang maiiwan kong magandang aral para sa mga susunod na henerasyon para sa mga kabataan. (Now I feel I'm in the FALL or AUTUMN of my spiritual life. I'm harvesting what I've planted all these years. And I am greatly moving towards WINTER - because my pre- occupation now is to leave a legacy for the next generation.)
But in my financial life, I am still in my “Summer.” I began working when I was in my middle twenties about 26 yrs old. I was a single parent then. God has blessed me so much, but at this stage of my financial life, I am still working hard towards my big harvest. My dream : To start the FEAST in Japan. I am positive we can have it soon. NOW. In my life now because I got married when I was very, very young (talagang bata pa), I am in the "Summer" of my family life --- because I’m still building relationships with my grandchildren and the CASTLE Youth - not my biological children -- dahil nag harvest na ako sa kanila.
Let me ask you : In each area of your life, what season are you in? Nasa anong panahon kayo nang buhay ninyo? If you know of the season you are in, you'll know your "mode of engagement" or how you will approach that specific area of your life. Gusto nang Diyos na mabuhay tayo nang maayos kahit saang panahon nang ating buhay. (God wants us to live our life fully in whatever season we are in.)
The Bible says: He is like a tree planted by streams of water that yields its fruit in its season. In all that he does, he prospers. (Psalms 1:3)
No comments:
Post a Comment