Monday, July 11, 2011

Jeepney Press July-August page 20



ISANG BARYA LANG PO
sa pagkukwento ni Alex Milan

Ang barya na kadalasang hindi pinapansin ay napakahalaga. Walang `buo` kung wala ang barya. Ganoon din sa buhay, ang mga tila maliliit, payak o pangkaraniwang bagay ang bumubuo sa napakagandang kabuuan ng mundong ating ginagalawan.
Sa unang serye ng kolum na ito, ating ibabahagi ang isang `barya` na kapakipakinabang sa bawat isang magulang na nagsisikap mapalaki ang kaniyang mga anak ng matagumpay at hindi pasaway. Ito ay ibinahagi ng aking kapatid na si Bishop Jonel Milan sa mga magulang na dumadalo sa Parenting Institute sa aming simbahan sa Bulacan.
Ang bawat bata ay nakatalagang magtagumpay. Sa katotohanan, ito ay nagsimula sa kanyang matagumpay na pagkakabuo sa sinapupunan ng kanyang ina at pagsilang o pagkapanganak pa lamang sa mundong ibabaw.
Ganoon pa man, marami ang nagiging hadlang para matahak ng bawat bata ang tagumpay sa buhay. Isa rito ay ang kanilang pagiging pasaway.
Mahalagang matutunan ng bawat magulang o tumatayong magulang tulad ng mga guro kung paano harapin ang pagiging pasaway ng bawat bata upang hindi mahadlangan ang kanilang pagtahak sa daan ng pagtatagumpay sa buhay.
Ang mga sumusunod ay mungkahi para sa mga magulang na seryoso sa pangarap niyang makita ang mga anak na natatamasa ng totoong tagumpay sa buhay. Para madaling matandaan, gagamitin natin ang salitang P-A-S-A-W-A-Y bilang acronym.
P – ASENSIYA ay pahabain
Ang mahina o maikling pasenya ng magulang sa mga anak ay malaking hadlang sa pagiging epektibong gabay sa mga anak.
A- LAMIN ang pinanggagali-ngan ng pasaway na gawi
Bawat gawi ng mga anak ay mayroong dahilan o pinanggagalingan. Mahalagang maunawaan muna ng mga magulang ito para sa kanilang epektibong pag-gabay. Nauugat ang dahilan ng mga gawing pasaway kaya nalulutas ito.
S – AMAHAN ang mga bata sa kanilang nararamdaman
Ang damdamin sa likod ng bawat gawi o gawaing pasaway ay mayroong malaking papel sa pagka “outgrow” nila ng mabilis sa mga ito. Mapapansin na karaniwan na sa pagtanda nila ay nagma-mature ang karamihan sa kanila kung hindi man lahat.
A – KAYIN silang dahan-dahan sa katuwiran
Nagiging madali na sa mga magulang ang pag-aakay sa kanila sa mga alternatibo at higit na mabuting gawi o ugali nila kung ang mga magulang ay mayroong maliwanag na pinapahalagahan. Mga prinsipyo at batayang katotohanan sa kanilang mga paniniwala at gawi.
W – AG na huwag susuko sa pakikitungo sa anak
Maraming magulang na dala ng kadesperaduhan ay sumusuko (give up) sa kanilang anak. Nananawa na raw sila o pagod na dahil sa mga di umano ay pagmamatigas sa mga pasaway na gawain. Sino pa ang magtitiyaga kung ang mismong mga magulang ang susuko sa hamong maging gabay sa kanila. Baka naman ang kailangan lamang ay humanap ng mas higit na mabisang paraan ng pakikitungo sa kanila.
A – MINING hindi lamang ikaw ang nakakaalam ng lahat ng tama
Walang magulang na maituturing na eksperto na sa pagmamagulang kundi iyong mga hindi tumitigil sa pagpapaunlad ng kanilang sarili sa gampaning nabanggit. Ang pagpapakumbaba at pag-amin sa sarili na hindi lahat ng matuwid at tama ay lubusan ng alam o nagagawa ng mga magulang ang susi ng paglalakbay ng mga bata sa pagtatagumpay na kasama ang kanilang mga magulang.
Y – UMUKO ng magkasama palagi sa Dios sa pananalangin
Siyempre, ang sukdulang kapahayagan ng pagpapakumbaba ay ang palagiang pananalangin ng buong pamilya sa pangunguna ng magulang.
PASAWAY...lahat ng anak ay mayroong ganitong tendensiya. Ang mabuting pagha-handle nito ang susi para hindi ito maging hadlang sa tagumpay na buhay na kanilang patunguhan. Sa totoo lang, maging ang mga magulang sa kanilang kabataan ay naging pasaway din… ang ilang magulang nga, kahit hanggang ngayon eh may pagka pasaway pa rin.
Isang barya lang po na hatid ay paalala! Huwag po tayong pasaway. Hanggang sa susunod na 'barya'.
------------------------------

DRIVE-THRU
by Stephanie Jones Jallorina

FARENJER

“Farenjer,” that is how we endear tourists or non-Filipinos coming into our country. Here in Japan, we are that Farenjer. So, ilang taon ka ng Farenjer dito sa Japan? Or siguro sa mga Bisaya, naitanong mo na ba? “Paano mo nalamang Parenjir ako? Siguro sa paglakad ko ano?” That’s a good joke, no offense to Bisaya like me!

Yung iba sa atin, antagal ng nandito. Dito na nag-asawa, tumanda, nagka-apo, yung iba, permanent resident na nga kungdi man TNT (pasintabi po, pero ingat pa rin po mga kapatid lalo na ngayon na mainit tayo sa “immi”). Pero gayunpaman, sa hinaba-haba ng panahon, Farenjer pa rin ba tayong maitatawag?

When we were struck by a huge earthquake and tsunami, and had scare of radiation fall-out, many of us hurried home. Together with millions of other Farenjer here in Japan, I experienced falling in line, waiting for long queues and brushing elbows with those who needed re-entry permit. The airport seemed like an Olympic arena of Farenjer young and old who cheered and prayed not for their country team to win a game but for them to finally get out of Japan. Di man ligtas o ligtas sa Pilipinas, umalis pa rin tayo para lang makasama ang ating mga pamilya. Iniwan natin ang bansang naging pangalawang tahanan natin ng walang kaabug-abog. Yes, we feel for our Japanese employers who became our friends and family but we care more for our own. Afterall, they are the main reason why we are here.

Jeepney Press family with its last issue, the Hope Edition, is one with everyone of us who were scared, who felt helpless and at some point lost hope. It was an unlikely welcome for Spring which was always believed as the season of hope, of birth, of new beginning. I guess, change is inevitable, climate or otherwise. But after a huge storm in our lives, we can always change for the better. Ang pagbabago ay laging, at dapat tuluy-tuloy, para sa mas mabuti at matatag na “tayo.” Minsan nga lang mahirap magsimula, kung mag-isa. Kaya siguro ang magandang isunod sa hope, ay “unity” o pagkakaisa.
Last weekend, I was at Nagano to attend a Labor Union Summit for Migrant Worker’s here in Japan. It was an informative gathering attended by around 150 office, house and school employees all over Japan, and participated by six foreign nationals – Bangladesh, Brazil, Khirghiz Republic, Myanmar, Philippines, and Turkey - presenting their country of origin. Had it not because of an on-call duty, an Iranian should have been there, too, to showcase his country’s beauty and value. I was there to fill-in for a former colleague who was supposed to represent our country. I was there to present Philippine’s condition, demography and country profile. Para makita ang iba’t ibang bansa na naroroon at mapalibutan ng mas maraming Hapon, nakakapanatag ng loob at nakakagaan ng pakiramdam. Para akong nasa isang UN conference, kahit di pa man ako nadalo partikular sa ganun. How each country pride on their innate glory, and how thankful we were to Japanese who took us in, for us to better our lives, help our families, and finance our country, healed the wounds created by us for just leaving them in their time of need. Our sharing of our country’s condition and best practices has strengthened us, encouraged us and united us in pursuit of building a better and safer Japan. Constrained by language and the only one to have a translator for Nihonggo, I was not feeling “Farenjer” anymore. In life, once you made choices, you will no longer be alienated to anything or anyone. Kung pinili mong bumalik dito, manirahan dito, magtrabaho dito, panindigan mo. Gumagaan ang trabaho kung isinasapuso mo. Nagiging pamilyar ang isang tao, kung kinikilala mo, tinatanggap mo, minamahal mo. Iba-iba man ang bansang pinanggalingan natin, o di kaya probinsyang tinubuan, wag sana tayong maging Farenjer o Parenjir sa isa’t isa. Ang kapatid ay kapatid, pang-habang buhay.
Tanong nung taga-Khirghiz Republic, ang tumulong sa akin na ma-i-translate kung gaano ka busy sa pagtatanim ang mga tao sa Baguio kung kayat mababa ang crime rate doon (totoo, yun ang isa sa mga interesanteng ibinahagi sa akin ng mga Hapong nagawi at nakarinig ukol sa Baguio), “Bakit kayong mga Pilipino, pag nagkita, ang haba ng “greetings” na animo’y matagal na di nagkita? Kinakamusta ang trabaho, ang pamilya, ang ginawa buong araw. Tapos pagdating sa kanya-kanyang bahay, magtatawagan, kakamustahin kung nakauwi ng mabuti o hindi?” Sagot ko, “Kasi ganun kami magmahalan at magmalasakit sa isa’t-isa. Minsan kahit hindi lubusang kilala, natural sa amin ang pahalagahan nang di na maging iba sa amin ang aming nakakasalamuha.”

Tama ako hindi ba? Nagulat ako dahil kung may maisasabi man tungkol sa atin ang mga Farenjer bukod doon sa “adik sa pekchuran,” ito yung isa sa magagandang narinig ko patungkol sa Pilipino, na agad kong ini-apply pagkadating ng bahay. Iyong magpasalamat muli sa pagtulong nyang pag-translate at para i-check kung nakauwi siya ng mabuti. Dahil siya, ako, tayo, hindi na Farenjer sa isa’t isa.


No comments:

Post a Comment