DAISUKI
by Dennis Sun
"Pawis na pawis! Super init! As in, HOT-sui!"
Why am I complaining about the heat? As of writing this article, it's only the first week of June and we haven't celebrated Independence Day yet. Ang sagot po diyan ay, init-na-init ako sa loob ng sauna. Linalabas ko po ang dumi ng katawan sa pagpawis sa loob ng sauna.
Love ko ang sauna! Daisuki! It's a good thing that there is a sauna in our gym. Kahit pinawisan na ako sa workout, lusub pa rin ako sa sauna for more sweating out! And even if I get a free use of the sauna at the gym, I still make it a point to go to spas to dip in the onsen and medicinal herbal baths.
Sa Pinas, hindi masyadong uso ang sauna. Eh paano naman, mainit na sa atin. Hindi ka pa nga lumalabas ng bahay, pawis na pawis ka na. I remember when I was still a college student, I used to take shower 4 times a day. I was telling this fact to my Japanese friends and they couldn't believe it. Sabay wika nila, "Shinjirarenai!" Sabi ko, hindi lang ako. Most Pinoys are like that.
It's actually good for the body to sweat. It's an effective way of flushing out the toxins and other diseases inside our body. Tayong wala sa Pinas at nasa Japan, kapag tag-lamig, hindi tayo pinapawisan. Kaya ang magandang gawin ay mag-sauna para mailabas ang mga lason at ibang masamang kemikal sa loob ng katawan. Going to the sauna is not actually a luxury but a necessity to maintain good health. Tandaan mo yan!
Last April, nagkasakit po ako. Nagkaroon ako ng asthma. Akala ko noon, mga bata lang ang nagkakaroon ng sakit na ito. Kankenai pala ang age. Since first time kong na experience ang sakit na ito, ang hirap pala. I remember my classmate in high school, he had to skip school for several weeks to months because of his asthma. Sabi ko sa sarili ko, "Swerte naman niya at hindi na niya kailangan pang pumasok sa iskul." Pero now I know better. Ang hirap huminga. Masakit sa dibdib. Pagod lagi at minsan, walang tigil ang ubo. Para kang nahihimatay lagi. Ngayon nga, walang masyadong boses ang lumalabas kapag ako'y nagsasalita. Good-bye my diva career! Puro whisper na lang muna ako ngayon with my husky voice.
With my asthma illness, magpapahinga muna sana ako sa pag-sauna. Pero according to Mister Google, maganda ang sauna and spa for the asthmatics like me. Studies have shown that those with breathing problems can find relief from a visit to my beloved sauna and spa. Yehey! Sabi ko na nga ba e!
Kagabi, I went to this nice spa for a total relaxation. I was inside the sauna and there was this Indian decent Malaysian guy who started talking to me. A Mombusho scholar based in Osaka and has been living in Japan for the past 8 months, he complained that people in Osaka are a bit cold. I was a bit surprised because Kansai-jins are among the friendliest people in Japan. I told him he needs to live in Tokyo and see how colder people can be in the Kanto region. Perhaps he was compa-ring the Osakans to Malaysians. Alam mo naman tayong mga southeast Asians, we are very warm-hearted people. I have many Kansai friends and they are so friendly, funny and talkative even! Go further down south and enter the Kyushu region and they get even friendlier. Pagdating mo sa Okinawa, parang nasa Pilipinas ka na. If you want to go to the Philippines without leaving Japan, I suggest you go to Okinawa. It's the tropical paradise of Japan!
I noticed that many of my PInoy friends don't buy travel insurance when going back home to our country. Isang linggo man o isang buwan kayo sa Pinas, maraming pwedeng mangyari. If you have travel insurance, you have coverage for accidents, illness, injury, theft and marami pang iba. Even death! You can buy these travel insurance at travel companies or even inside the airports in Japan. Ang friend kong si Jena, nag-collapse dahil sa sobrang pagod sa Maynila noong umuwi siya last March. Sinugod siya sa Makati Med Hospital at binigyan ng maraming test. Umabot ng mahigit na 5 lapad ang nagastos. Swerte ni Jena, ang nagbayad ay ang travel insurance. No cash needed!
Minsan, kahit gaano ka maging careful sa buhay, hindi maiiwasan ang aksidente o sakit. Kaya it pays to be prepared. Ako nga, I am very conscious of my health that I go to the gym and watch what I eat pero nagka-asthma. Si Lani naman na walang exercise, laging lasing every weekend, chain smoker at walang pakialam sa kinakain pero genking-genki. Ganyan ba talaga ang buhay? Saan ba pwedeng mag-reklamo? I want to file a major-major complaint!
Payo ni nanay, "What's important is you try to enjoy life and accept it for what it is. If life gives you lemons, make lemonade. Kung binigyan ka ng kalamansi, make kalamansi juice! At kung wala naman binigay ang life sa you, eh di, mag-diet ka na lang!" Aray ko po!
----------------
SA TABI LANG PO
ni Renaliza Rogers
Trip Lang
Sadyang mapagbiro tayong mga Pinoy. Likas sa atin ang mang alaska, mang asar at mag biro sa mga kamag-anak o kaibigan na malapit sa atin. Parte na ng ating kultura ang mag biruan at mag tawanan. Pero minsan ang biro nasosobrahan at nauuwi na sa pikunan at hindi pagkakaintindihan. Ang isang harmless na biro na minsan ginawa dahil “trip lang” or para tumawa ang lahat ay dapat ding ilagay sa tama.
Maraming beses na ako nag biro at nang asar ng kaibigan o kamag-anak. Wala lang, trip ko lang. Masaya kasi eh at ang sarap tumawa sa paggawa ng kalokohan. Kung kilala kita, siguro sasabihin mo na talagang malakas akong mang asar at palabiro talaga ako. Sa dinami-dami na ng beses na nang-asar ako, andami ko na ring nasaksihan. Merong tumatawa lang, merong kinakabahan, merong napapraning, merong napipikon at merong ding mga umiiiyak. Ang pinaka-fulfilling yata ay kung ma-achieve mo ang desired result mo which is usually ay ang kabahan, mapraning, or in extreme cases, maiyak ang binibiro mo. Ang pinaka masahol ay kung mapikon ang inaasar mo. Dalawa lang ang ibig sabihin nun, sobra na ang pang-aasar mo or hindi marunong sumakay sa biro ang napili mong biktima. Kaya't bago mag-biro, pumili ng taong bibiktimahin at sukatin mo muna kung talaga bang close kayo o hindi. Huwag magbibiro sa hindi mo ka-close at feeling close ka lang at baka ika'y masapok.
Naalala ko nung isang linggo, kumain ako at dalawang kaibigan ko sa labas. Noong pauwi na kami, nadaanan ng aming sasakyan ang mag syotang medyo nagtatampuhan. Aba'y ano ba naman ang pumasok sa mga kukote namin at napag-isipan naming pag-tripan. Ibinaba ko ng kaunti ang tinted na bintana at sumigaw ng, “Huwag kang magpapaloko sa kanya day! Lolokohin ka lang niyan!” Sabay apak sa gasolinador ng kaibigan ko. Tawanan kami ng tawanan habang papalayo sa mag syota. Nang nilingon ko aba'y nag-away na sila ng tuluyan at malayo na ang distansya ng lakad ng babae sa lalaki na walang nagawa kundi kamutin na lamang ang ulo niya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa mag syota. Hindi ko alam kung naayos nila yun or tuluyan silang naghiwalay. Medyo nakunsensya din ako pero naisip kong sobra naman kakitid ng isipan ng babae kung hihiwalayan niya ang boypren niya dahil lang sa mga walang magawa sa buhay.
Isa pang kalokohang nagawa ko noong bata pa ako ay ang maging kakonchaba ng kapatid ko sa gagawin niyang kalokohan. Hinagisan niya ng laruang ahas ang tiyahin naming nakikipag daldalan sa katabi. Sus! Anong talon nga kawawang babae. Napasigaw pa sa sobrang kaba. Biruin mo, very realistic-looking pa naman yung itim na laruang ahas na yun. Eh menopausal pa naman ang tiyahin naming yun. Naku anong kaba niya samantalang kami eh tulo laway na sa kaka halakhak. Eh pano kung inatake sa puso yun? Masisisi mo bang ang isang dose at isang otso anyos na mga bata? Kapag naiisip ko ngayon natatawa pa rin ako at nakukunsensya. Actually accomplice lang naman ako sa kalokohan ng kapatid ko pero ako ang ate, dapat pinagsabihan ko siya. Pero, oh well...good memories.
Isa pang “prank” o trip na nagawa ko ay noong nagkaroon ako ng ringback sa cellphone ko noong 3rd year high-school ako. Ang ringback ay yung kapag may tumawag sayo, hindi normal na “ring ring ring” ang maririnig ng tumatawag kundi isang kanta or taong nagsasalita at kung anu-ano pa, depende kung ano ang ringback mo. Nagkataon na ang sakin noon ay si Piolo Pascual na nagsasalita at nag he-hello. Tumawag ang aking ina tatlong beses na hindi ko nasagot dahil ibinababa. Nung pang apat ay dali-dali kong sinagot pagkaring na pagkaring. Aba'y excited na excited ang ina ko na nagsabing “Ay anak! Hindi ko alam kung anong nai-dial kong number pero si Piolo ang sumagot! Naku, na save ko kaya ang number? Si Piolo talaga anak!” Sumakit lang ang panga ko sa kakatawa.
Ang mga naikwento ko sa itaas ay medyo mild lang na kalokohan sa dami ng nagawa ko. Pero may ibang kalokohang nauuwi sa masama. Tulad noong pinahiran ng Pau d'Arco pain reliever ng kaibigan ko ang isang natutulog na kasamahan namin. Hindi na yun nakakatawa at nauwi sa pikunan at suntukan nang mamaga ang mata ng kawawang tao. Meron ding nauuwi sa kamatayan tulad nung biruin ng magkakatropa ang isang binata na nakita nilang may ibang kinakasama ang nobya. Lingid sa kaalaman nilang may depression problem pala itong biniro na nauwi sa pagpapakamatay kinabukasan.
Kaya nga naman, kahit katuwaan lang ang pagbibiro, siguraduhing walang masasaktan o masisirang pagsasamahan dahil dito. Siguraduhin ding alam mo kung hanggang saan ka dapat magbiro at kung kelan mo na dapat bawiin at sabihing “joke lang” bago pa lumala ang sitwasyon. Pumili ng dapat biruin at kung anong klaseng biro, hindi yung below the belt or delikado para everybody happy. Tulad ngayon, wala akong magawa. Tumatawag ang lola ko at sinasagot ko ang telepono. Binaba niya na naman. Di bale, pangalawang tawag niya pa lang naman. Tatawag uli yun at sasagot uli ako ng,“Thank you for calling Jollibee! May I take your order?”
No comments:
Post a Comment