KANSHA ALKANSHA
by PING-KU
Iisa lang ang buhay mo,
kumilos ka, gamitin mo.
At kung may nais ang puso mo,
mangarap ka't abutin mo.
Upang ito'y makamit mo.
Magsikap ka , Simulan mo.
“Magsimula Ka”
(Titik at Musika ni Gines Tan,
Inawit ni Leo Valdez, 1981)
Sa dami ng kailangan gawin sa isang araw ay ewan ko ba kung paano akong nakumbinsi ng aking asawa na mag-sine. Di ko naman kilala ang mga artista pero pumayag na rin ako dahil na-intriga ako sa istorya. Ang titulo ng pelikula ay 「もし高校野球の女子マネージャーがドラッカーの『マネジメント』を読んだら」(Moshi Kōkō Yakyū no Joshi Manager ga Drucker no "Management" o Yondara) o “Moshidora”. “Kung ang Manager na babae ng Hayskul Baseball Team ay nagbasa ng “Management” ni Drucker”. Hanep, ang haba! Pero ano nga kaya ang mangyayari kung ang isang hayskul na estudyante ay nagbabasa ng mga libro tulad ng “Management” at i-apply ito sa mga pang-araw-araw na gawain? Teka muna, sino nga ba si Drucker kamo?
Si Peter Ferdinand Drucker ay kilala bilang “ama ng modernong management”. Ang kanyang mga libro ay isinalin sa mahigit 30 na wika. Dito sa Hapon, si Drucker ay maraming taga-hanga. Upang idaos ang 100th year ni Drucker, noong 2009 inilathala ng Diamond Publishing ang nobelang Moshidora na isinulat ni G. Natsumi Iwasaki at naging best-seller ito. Lalong naging popular ito noong lumabas ang manga version noong Disyembre 2010 at noong Abril 2011 pinalabas sa NHK ang anime series version. Nitong nakaraang Hunyo 2011 ay pinalabas sa sine ang Moshidora at si Atsuko Maeda ang gumanap na bida sa pelikula.
Di ako kumbinsado sa pag-arte ni Maeda (sana’y mas bibo at sporty ang artista na gumanap na bida). Nguni’t kilatisin na lang natin ang mapupulot na aral dito. Ang bida ay si Minami Kawashima, isang 3rd year hayskul na babae. Ang unang eksena sa pelikula ay sa isang ospital. Binibisita ni Minami ang kanyang matalik na kaibigan na si Yuki Miyata. May malubhang sakit si Yuki at nag-volunteer si Minami na pumalit sa kanya bilang manager ng baseball team ng kanilang eskwela. Di niya nais biguin at saktan ang loob ni Yuki, kaya’t nangako siya na magsusumikap siyang gampanan ang responsibilidad ng pagiging manager. Ngunit walang alam si Minami sa pagiging manager ng baseball team. At nabigla siya na kaunti ang nageensayo at walang disiplina ang mga miyembro ng team nila. Ano ang magagawa niya bilang manager ng team?
Pumunta siya sa bookstore para maghanap ng libro tungkol sa pagiging manager. Ang nirekomenda sa kanya ay ang librong “Management” ni Drucker. Noong una ay di niya maintindihan kung paano gamitin ito para sa baseball team ng eskuwela nila. Kahit nakita niya na malubha ang problema ng team nila, di siya umiwas sa kanyang tungkulin. Eto ang kanyang natutunan mula kay Drucker:
Isang importanteng kwalipikasyon ng manager: Pagiging tapat at determinado
Ayon kay Drucker, halos lahat ng kailangang gawin ng isang manager ay matutunan sa trabaho at pakikitungo sa mga tao sa organisasyon. Nguni’t isa lamang mahalagang katuringan ang kailangan niya mula sa simula: hindi talino nguni’t pagiging tapat at determinasyon sa trabaho. 資質が一つだけある。才能ではない。真摯さである。
『顧客に感動を与えるための組織』というのが、野球部の定義だったんだ!Napaisip sina Minami at Yuki tungkol sa pagtakda ng layunin o bisyon para sa team. Ano nga ba ang baseball team? Sino ang nakikinabang sa paglalaro nila? Ano ang pakay ng team? Ang tinakdang layon o misyon ni Minami para sa team nila ay ang makalaro sa Koshien upang mabigyan ng galak at tuwa ang mga manonood at baseball fans. Para sa Hapon, ang Koshien ay mecca para sa hayskul baseball.
Ang tao ang pinakamahalagang yaman ng isang organisasyon
人は最大の資産である。人を生かす! 大切は繋いで行こう。Naintindihan ni Minami na ang susi ng tagumpay ng team nila ay ang maunawaan ng lahat na ang bawa’t isang tao ay mahalagang kayamanan ng team. Oo, iba-iba ang diskarte ng mga tao at may mga mahirap pakisamahan o di magaling makitungo sa iba. Kailangang alamin ng manager ang mga lakas at kahinaan ng bawat isa at humanap ng paraan upang magamit ang mga ito para gumaling at magtagumpay ang team.
Pasibulin ang potensyal ng bawa’t isa. Para makarating sila sa Koshien, kailangang mahusay ang komunikasyon at teamwork at maging disiplinado sa pag-ensayo. Kung ang lahat ay magkaisa upang makamit ang layunin at bisyon ng team, ang susunod na kailangan gawin ng manager ay suriin at planuhin ang mga gawain upang masigurado na ang lahat ng kanilang hirap ay magbunga. Ang payo mula sa mga eksperto ay mahalaga rin. Dapat malaman ng manager ang mga pamamaraan, mga kasangkapan o tools na kinakailangan sa proseso. At higit sa lahat ay, mabigyan ng direksyon, balanse sa panga-ngailangan ng quality at dami, itakda ang mga standard sa team upang i-motivate at maging responsible sa ensayo ang bawa’t miyembro ng team.
Innovation
イノベーションとは、新しい満足を生み出すことである。組織の外にもたらす変化であること、つまり既存の常識をガラリと変えてこれまでにない価値を創造しなければいけない。Nakakatuwang makita ang bawa’t isa sa team na nagbabago dahil sa pag-uudyok ni Minami. Mula sa coach na si Makoto Kachi na mahina sa komunikasyon. At si Masayoshi Nikai na isa sa mga player na may hilig sa management at naging sounding board ni Minami para sa mga konsepto ni Drucker. Nagtulungan ang top management ng team na sina Coach Kachi, Minami at Nikai na planuhin ang innovation ng team. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang club upang makakuha ng suporta. Halimbawa, sa pagplano ng mga meals ng team, sinuportahan sila ng homemakers club at nagkaroon sila ng regular na tasting sessions. At ang kapalit sa pagpapa-kain sa mga manlalaro ay ang pagsagot sa mga katanungan at pagbibigay ng feedback tungkol sa lasa, quality, presentation, etc. ng pagkain na hinanda. Mula naman sa track and field club ay binigyan ang mga baseball na manlalaro ng tips at joint training sa tamang paraan ng pagtakbo. At mula sa cheering club naman ay di lang pinaganda ang mga cheers, kundi ay gumawa sila ng mga special cheers para sa bawa’t player lalo na para sa ace pitcher na si Keiichiro Asano. Pag may error na nagawa ang pitcher, pinapalitan nila ang cheer para mabalik ang tiwala sa sarili ng pitcher at mag-concentrate muli sa kanyang laro.
Proseso o Resulta?
Isa sa paborito kong eksena ay ang diskusyon nila Yuki at Minami sa ospital tungkol sa alin ang mas mahalaga: ang proseso upang makamit ang layunin o ang pagtagumpay sa pagkamit ng resulta. Sabi ni Yuki na kahit di makapunta sa Koshien ang team ay naniniwala pa rin siya sa galing ng team at para sa kanya mas importante ang proseso na nagkaisa ang lahat para maabot ang pangarap nila. Nag-isip si Minami at naalala ang mga salita ni Drucker, 「組織構造は,組織の中の人間や組織単位の関心を,努力でなく成果に向けさせなければならない。成果こそ,すべての活動の目的である。」 Importante ito, kaya’t tingnan natin ang original na sinulat ni Drucker: "Organization structure should direct the vision of individuals and of managerial units toward performance rather than toward efforts. And it should direct vision toward results, that is, toward the performance of the entire enterprise. Performance is the end which all activities serve." (Drucker,1986 p.380)Sabi ni Minami: “Tungkulin ko bilang manager ang siguraduhin na ang team ay manalo sa mga laro hanggang sa makarating sa Koshien at mabigyan ng kagalakan ang lahat ng mga manonood at tagahanga ng baseball. Nagkukulang sa determinasyon ang mga taong nagsasabi na mas mahalaga ang proseso kaysa sa pagtatagumpay na matupad ang pangarap.” Gusto ko ang eksena na ito dahil pinakita na natuto ang bida na i-aplay ang nabasa kay Drucker sa paggawa ng sariling opinion at desisyon sa trabaho niya.
Ang pinakagusto ko na eksena sa anime (na di ginamit sa pelikula) ay ang pagbisita ni Nikai kay Yuki sa ospital. Humihina ang loob ni Nikai dahil bagama’t nagbabago na ang mga team mate niya ay sa tingin niya di pa rin kaya nilang umabot sa Koshien. Ang sagot ni Yuki ay, “Para di magsisi, gawin lahat ng kaya. Gawin ang magagawa ngayon.” 「絶対後悔したくないって。自分にできる事を精一杯頑張りたい。今,自分にできること。」
Magsimula ka,
tuparin ang pangarap mong tunay.
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay, baka masanay.
Sayang naman ang buhay,
mawawalan ng saysay.
“Magsimula Ka”
(Titik at Musika ni Gines Tan,
Inawit ni Leo Valdez, 1981)
Mga sipi ay mula sa:
1)「もし高校野球の女子マネージャーがドラッカーの『マネジメント』を読んだら」岩崎夏海[著]ダイヤモンド社, 2009.
2) Drucker, P. F. Management: Tasks, responsibilities, practices. Truman Talley Books, New York, 1986).
No comments:
Post a Comment