K by Amelia Iriarte-Kohno
Sa mahaba at mainit na panahon ng tag-araw at sa kalagitnaan na ng buwan ng Setyembre, ay isang ginhawa ang maimbita ng iyong mag-anak na mag-bakasyon ng isang linggo sa Okinawa, lugar na kung saan ang kalikasan, lalo na't ang dagat at buhangin ay isang kaaya-ayang pasyalan. Pinaunlakan ko ang imbitasyong ito na sumama sa pamilya ng aking anak upang kasama silang lumayo sa nakakapagod na pang-araw-araw na mga gawain sa siyudad.
Isang kaginhawaan din ang makita at makasama ang malambing, mapagmahal at kagiliw-giliw kong apo na mamasyal sa isang lugar na napapaligiran ng kalikasan. Relaxing in a natural environment would be a welcome experience only a "happy soul" could describe. At dahil katatapos lang ng "radiation" ko sa lalamunan, I had to keep healthy (physically and mentally) for the next "chemotherapy" of my lymph nodes, scheduled for October.
Ang isang linggo ay madaling lumipas sapagkat masaya kaming naglalakbay at dahil sa kagandahang loob ng aking anak na si Aimi, na staff ng isang travel agency, ay maayos ang lahat na araw-araw naming schedule. Malaki din ang naitulong ng sasakyan na ginamit namin during our stay. Takaomi, my son-in-law, and Aimi took turns driving- visiting tourist spots, looking for souvenir items, eating at places serving traditional and local delicacies like the "agu" pork dish, usually served with "orion" beer or the sophistica-tedly made local white wine. It was relaxing by simply driving through Okinawa's mostly two-way roads where the beautiful sea view was everywhere. We were lucky it was "sunny" all the time.
Noong makita ko ang mga magaganda at iba-ibang pulo mula sa talampas/bangin ng Manzamo Cape, ay naala-ala ko ang ating "Hundred Islands " sa Pangasinan. Madali naming mapuntahan ang magandang tanawin na ito dahil malapit sa Meditteranean-style Resort Hotel na tinitirahan naming hotel.
At habang ang mga magulang ni Angie ay abala sa snorkeling, wake-boarding, and other marine sports, na hindi puedeng isama ang batang wala pang tatlong taon, kami at ang Auntie ni Takaomi na si Hatsue, ang in-charge sa bata. The three of us were spending a wonderful time either at the white, sandy beach or sa paligid ng hotel. Marami din palang nakakatuwang magagawa ang mga Lola kapag ang kasama mo ay isang cute at madaldal na bata. Nakalimutan ko tuloy na katatapos ko pala ng aking pagpapagamot sa aking karamdaman at kinakai-langang mag-rest. I even joined a 4-hour fishing cruise after a half-day of "reef-walking." Ang dami talagang mapipiliang tours, if one had the energy!
Aside from our own tours like visits to the Okinawa Churaumi Aquarium, Emerald Beach, Shurijo Castle Park, and others, we joined almost all activities mentioned in the hotel's brochure - an evening of dancing, singing with local people on the beach, making candles near the turtle pool, dolphin watching, snorkeling, cruising to a designated marine area to watch and feed the beautiful and colorful fishes. With such daily tours, no wonder the fish were fat and actively moving with the sound of boat-loads of hotel guests approaching.
At isa sa mga karanasang di ko makakalimutan sa aking buhay ay ang pagkakataong makasali sa "sea walking" tour. Ito ang isa sa mga pinili ng aking anak na gawain sa aming pamamasyal sa Okinawa, ang ipasubok at makita ang pusod ng dagat. Wala akong ideya kung ano itong pinili ng anak ko. Ng isuot sa aking ulo ang isang malaki at mabigat na helmet (tumitimbang ng 35 kilos) ay parang gusto ko ng umurong.
Di ko lubos maisip na ako na may karamdaman, at paminsan-minsan ay hirap huminga, ang makakaranas ng napakayaman at kakaibang pangyayaring ito. Para akong nasa ibang mundo. Nakita ng aking mga mata ang kailaliman ng napakagandang karagatan sa loob ng dalawampung minuto. Ang Poong Maykapal lamang ang may Kapangyarihang gumaya ng kaiga-igayang bagay na kagaya ng dagat!
No comments:
Post a Comment