Pisngi Ng Langit
ni Doc Gino
Ibig Nang Mabuntis
Tanong (T): Dear Doc Gino, nabasa ko po ung column nyo, so kaya po nainganyo naman ako mag tanong sa inyo. gusto ko po kc malaman kung ano ang dapat gawin para mabuntis agad. kc po nag li-live-in na po kami ng bf ko. pareho na po namin gusto mgkababy. 1 yr na po kaming nagsasama pero hindi pa rin po kami makabuo. nagtanong naman po ako sa mga kaanak ko na kung may lahi po ba kaming baog. sabi naman nila wala daw po. at tinanong ko rin po ang asawa ko kung ganon din ba sya. hndi rin po ang sagot nya. hindi po kaya ako ang baog? Sport minded po ako. madami akong nilalaro. sanhi rin po ba kaya un ng hindi ko pagbuntis? may konting bisyo rin po ako. nagsmoke at sometimes i drink? lahat po ba un sanhi ng di ko pag buntis? ano po ba ang dapat kong gawin? ano po ba ang mga sanhi ng hindi pagbubuntis ng isang babae. sana po matulungan nyo ako sa katanungan kong ito. maraming salamat po! good luck sa inyo. and more power po!
Doc Gino (DG): Isang taon pa lamang kayo nagsasama, ano kaya ang dahilan kung bakit kayo nagmamadaling magka-baby? Ilang taon ka na ba? Buwan-buwan ba ang dating ng iyong regla?
Maraming dahilan kung bakit hindi nagbubuntis kaagad. Hindi lamang ang babae ang dapat suriin, ang mga lalaki ay gayun din. Isa sa masasabi kong dahilan sa iyong kaso ay ang iyong pagiging aktibo. Ang pagiging aktibo ng katawan gaya ng mga atleta ay nagsasanhi ng anovulation kung saan hindi nangigitlog bawa't buwan ang babae kung kaya't ang regla ay hindi rin buwanan kung dumating. Kapag hininto ang sobrang pagkaaktibo, manunumbalik ang pagiging regular na pangingitlog at nagbubuntis na agad.
Ang stress na magbuntis agad ay maaaring maging sanhi rin ng hindi pagbubuntis. Kung kaya't mas makabubuting mag-enjoy muna kayo sa inyong pagsasama. Sa ganitong sistema, mas mababawasan ang stress at malamang ay magbuntis agad. Kahit walang direktang ebidensiya, ang mga nabanggit mong bisyo ay maaaring maging sanhi ng hindi pagbubuntis.
(T): salamat mo sa pag-sagot ng aking mga katanungan. 24 na po ako at ang asawa ko naman ay 29. gusto na po kc ng magulang ng asawa ko ng apo beside parang nasasabik ako sa baby. auko po kcng magbuntis ng mejo may edad na. kc feeling ko parang ang hirap ng ganon. regular po ang regla ko. minsan pa nga po 2 beses sa isang buwan. di ko nga maintindihan eh kung bakit ganon! nadadaan po ba sa hilot ang pagbubuntis agad? marami po kcng nagsasabi na ipataas ko daw po ang matres ko dahil baka mamaba lang. effective po kaya un? salamat po!
DG: Ang bahay bata ay natural lamang na maging mababa kapag hindi buntis. Hindi nakatutulong ang hilot upang itaas ito. Gaya ng mga nabanggit, ang pagbabago ng lifestyle at pagbabawas ng stress ay isa sa mga makatutulong upang magdalang-tao. Mas makabubuti kung makipagkonsulta ng harapan sa isang bihasa sa Infertility upang masuring mabuti kayong dalawa.
-------------------------------------
KWENTO NI NANAY ANITA
There is no such thing as COINCI- DENCE. Things happen because it is God's will. Walang bagay na nang- yari dahil sa nagkataon lang. Nangyayari ang mga bagay-bagay dahil ito ay nakatakdang mang- yayari.
At ang maibabahagi ko lang ay dapat lagi tayong magpakumbaba. Sabi nga, laging ilapat ang mga paa sa lupa at bahala ang Diyos ang magtataas sa iyo. Ilang beses ko na itong nasubukan. Hindi natin dapat gustuhin na palaging sikat at bida. At maski sa maliit na bagay na nagawa ay gusto palaging mapa- rangalan at mapasalamatan. Para sa akin, hindi ito ang dapat. Mana- himik lamang tayo at alam ng ating TAGAPAGLIKHA kung ano ang ating mga ginawa. Wala tayong maitatago sa KANYA. Hindi kailangan na parangalan tayo o palakpakan sa mga bagay na ating ginawa dito sa mundo. Dahil mawawala ang merito natin. Hintayin na lang natin sa ating pagharap sa ating MAYKAPAL at doon Niya tayo bibiyayaan. Hindi ang yaman o material na bagay ang ating iipunin dito sa mundo kundi ang mga mabubuting bagay nating ginagawa nang walang hinihintay na kapalit ang siya nating ipunin maigi. At pagharap natin sa ating MAY- KAPAL, bahala na SIYANG mag- parangal sa atin. At napakaganda ng ating paghaharap sa ating MAY- KAPAL. Maikli lamang itong buhay dito sa mundo, kaya huwag natin sayangin ang bawat sandali nito. "Life is too short to fool around." Let us always share the best we can from the talents that God has given to us. Hindi ang pansamantalang yaman ang ating panghahawakan dahil lahat nito ay mawawala. Lahat nang bagay na nakikita at nahaha- wakan, lahat nito ay may katapusan. Ngunit ang hindi natin nakikita o nahahawakan, ang ating nararam- daman, ito ang PANGHABANG- BUHAY.
Halimbawa, minsan nakikita natin na sa mga kabataan ngayon na napaka- ganda o napaka-pogi. Pero pagkalipas nang ilang taon, itong panlabas na anyo ay nawawala o nagbabago. Halimbawa na lang si Elizabeth Taylor o ang ating dating First Lady, Imelda Marcos. Napakagaganda nila noong kabataan nila diba? Ngayon tignan ninyo ang larawan nila. Maganda pa naman pero iba na po, diba? Maski sa mga lalake sa lumang pelikula... napakagwapo ni Dante Rivero o si Marlon Brando pero tignan ninyo ang kanilang hitsura nang tumanda na sila. Ibang -iba na po, diba? Nawala na yong pagkagu- wapo at pagka macho.
Sa ating mga sarili, tignan ninyo ang larawan ng mga bata pa. Pasuotin ninyo nang maski maliit na brillante napaka ganda sa kanilang mga kamay. Pero kung ako kunwari ang pasusuotin mo, kahit 3 karats na brillante, ito ay hindi nagandang tignan dahil ang mga kamay o daliri ay kulubot na, bali- baliko pa ang iba dahil mayroon nang arthritis. Maski anong ganda ang isuot ganun parin siya. Sa mukha din, ang ganda pag bata pa. Pero ngayon, 65 o 70 taong gulang na, maski na ang pinaka- mahal na foundation or make-up ilagay nila, wala nang ganda di po ba? At kulubot na ang balat nila at namumuo-muo na lang ang make up sa mukha nila.
Ito po ay napag-uusapan lamang. Masakit na katotohanan. GOD BLESS. Maligayang Pasko sa lahat!
MALIGAYANG PASKO PO AT NAWAY MASAGANA ANG ATING BAGONG TAON !!!
-------------------------------------
PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata
“Ginintuan! Minahin Ito!"
Gaano nga ba kaimportante sa tao ang marunong magtiis sa buhay?
Sa ating mga Pilipino, hindi ba pangkaraniwan ang magtiis? Pero, saang aspeto at anong level nga ba nito ang bonggang-bongga lang para sumakto sa timpla ng panahon? Well, subukan nating balikan ang ilang pangyayari nitong mga nakalipas na araw. Saan at papaano nga ba natin nasusukat at naipapakita ang husay nating magtiis sa araw- araw?
Eto ang ilan sa mga halimbawa. Try po nating pagbasihan.
1. Sa Buhay Mag-asawa
Kailan kaya huling nasukat ang husay nating magtiis? Teka, ilan taon ka na nga bang kasal? Limang taon? Sampung taon? Alam naman nating lahat na hindi lamang umiikot sa kaligayahan ang buhay may-asawa, di po ba? Kanya-kanyang oras ang mga pagsubok ng isang mag-asawa pagdating sa samut-saring hamon at dagok ng buhay, di ba? Kailangan pa ba natin itong isa-isahin? Kaya nga karamihan ay nauuwi na lang sa hiwalayan, di po ba? Pero, kung ikaw ay kasal na ng higit pa sa isa, dalawa o tatlong dekada ngayon... "Omedetou Gozaimasu po!" Hindi ganon kadali ang ganyang talent! "Sore ga kekkon desu!"
2. Sa Pagpapalaki ng Anak
Isa pa sa mga malulupit na hamon ng buhay - ang maging isang magulang. Lalo na kung wala tayo sa sakop ng mga kulturang nakasanayan natin. Una sa lahat, dito sa Japan, iba ang uri ng pagpapalaki sa anak. Merong magaganda at di kagandahang pagkakaiba. Kung ano man po ang mga yon, try na lang nating isipin ng pakonti-konti. Saan nga ba iba? Paano nga ba nagkaiba? Pero, sa lahat ng kaibahang ito, napuna ko talaga ang husay ng paghuhubog nila ng ugaling pagtitiis sa bata. Halimbawa minsan, sa loob ng supermarket, kumuha ng dalawang "oyatsu" ang bata. Kadalasan kong naririnig sa mga Haponesang nanay sasabihin sa bata: Ikko dake da yo!" Kung sa atin pa yan sa Pinas, karamihan ganito. "Okay, sige anak!" sabay shoot sa loob ng pushcart. Good luck naman po sa batang hindi gaanong na-ensayong mag-gaman na di kunin ang isa sa dalawang nais nitong bilin sa supermarket.
3. At ang paborito ng karamihan, Sa Trabaho
May mga pagkakataon ba kung saan minsan, na-ba-bad-trip ka sa ka-trabaho mo?! Kasi may konting di kanais-nais na taglay na pag-uugali?! Ijiwaru?! Inggitera?! Mapangutya?! Kakaloka, di ba? Ano naman kaya ang unang pumapasok sa isip mo kapag nakakasalamuha ng ganitong klase ng nilalang sa mundo? Aba! Kung may kapangyarihan ka nga lang bang mag-magic at isaayos itong ganitong klase ng tao sa paligid mo. Malamang magiging kaaya- aya ang kapaligiran. Pero, ang totoo, hindi ganon eh! Napakahirap kayang makipagkapwa-tao sa mga di masyadong marunong isaayos ang sarili nila kung minsan. Halimbawa, ganon nga. Anong choice mo? Mag-resign? Makipag-away? Hirap talaga, noh? Eh kung, magsawalang kibo ka na lang? Na-try mo na ba yun? Yun bang magtiis? Dahil nagti-timpi ka at pinag-aaralan mong tanggapin ang katotohanan na kagustuhan talaga minsan ng ilan sa atin ang maging ganong uri ng tao? Kumusta naman ang feeling? Mas magaan kaya para sayo? Susubukan mo kaya? At sya na stressful siguro kaya ini-stress ka din? Kumusta naman? Sabe nga ng isang haponesa sa akin... "Gaman dekiru hito wa, doko demo irerareru yo!" Kulit lang talaga minsan ng iba sa atin, di ba? Pero, ganon na talaga sila eh! Sino ba ang madadagdagan ng guhit sa mukha bandang huli, di po ba?
May choice pa ba tayo? Maliban na magtiis?
Tama po kayo kaylangan magtiis.
ReplyDelete