Thursday, November 11, 2010

Jeepney Press 2010 November-December Page 10



CONNECTIONS by Richard Diaz Alorro

Nobel Mania

Oktubre 6, 2010, Martes, nang i-announce ng Nobel Prize Committee ang Nobel Prize for Chemistry para sa taong 2010. Ang buong Hokkaido University, or perhaps even the whole of Japan, ay nagalak nang napabilang sa mga napara-ngalan si Prof. Akira Suzuki, emeritus professor ng Hokkaido University. Si Prof. Suzuki ay naging propesor sa Department of Applied Chemistry ng Hokkaido University noong 1973 at nagretiro noong 1994. Kasama ni Prof. Suzuki sa award na ito sina Prof. Richard F. Heck ng University of Delaware (USA) at isa pang Japanese na si Prof. Ei-ichi Negishi ng Purdue University (USA). The three Nobel Chemistry laureates were awarded for their work on "palladium-catalyzed cross couplings in organic synthesis." Naging instant celebrity si Prof. Suzuki at ang Hokkaido University dahil sa parangal na ito. Isang press conference ang ginanap sa Hokkaido University na dinaluhan ng iba’t ibang TV stations at media personnel.

Si Prof. Akira Suzuki ang kauna-unahang Nobel laureate na nanggaling sa Hokkaido University. Ang pagkapanalo niya ng Nobel Prize in Chemistry ay naghatid din ng kauna-unahang Nobel Prize sa unibersidad. Lubos na natuwa at very proud ang buong unibersidad sa parangal na ito at nagmistulang piyesta ang pagsalubong kay Prof. Suzuki nang ito’y dumalaw sa university upang i-meet ang mga staff at students. As of now, Hokkaido University takes pride as one of the few universities and institutions in Japan with Nobel laureates. Kabilang na ang Hokkaido University sa hanay ng mga unibersidad na may Nobel winners, gaya ng University of Tokyo, Nagoya University, Kyoto University, Tokyo University of Education, University of Tsukuba, at iba pa.

Ang buwan ng Oktubre ay sinasabing buwan ng Nobel Prize dahil sa buwang ito pinipili at ina-announce ang mga winners para sa prestigious na Nobel Prize. Ano nga ba ang Nobel Prize at bakit itinuturing itong pinaka-mahalagang parangal sa buong mundo sa larangan ng physics, chemistry, physiology or medicine, economics, literature, and peace building?

Kada taon simula noong 1901, ang Nobel Prize ay iginagawad sa mga tao o institusyon na nagtagumpay sa larangan ng physics, chemistry, physiology o medicine, literature and for peace. Ang Nobel Prize ay isang pandaigdigang parangal na pinangangasiwaan ng Nobel Foundation sa Stockholm, Sweden. Noong 1968, itinaguyod ng Sveriges Riksbank and Sveriges Riksbank Prize in Economic Sciences in Memory of Alfred Nobel, na ngayon ay mas kilala sa Nobel Prize for Economics. Aside from honor and prestige, ang mga Nobel winners ay nakakatanggap din ng medal, personal diploma at cash award depende sa income ng foundation sa nasabing taon (about 10 million Swedish Kronor or US$1.5 million para sa taong 2009 at 2010) na paghahatian ng mga nanalo sa bawat kategoriya. Ang Nobel Prize ay itinaguyod ni Alfred Nobel, isang Swedish chemist na nag-imbento ng dinamita. Nakasaad sa last will and testament ni Alfred Nobel na nilagdaan niya noong November 27, 1895, na ibigay ang malaking bahagi ng kanyang kayamanan sa pagpaparangal sa mga dakilang kontribusyon sa larangan ng physics, chemistry, medicine at literature. Iginawad ang kauna-unahang Nobel Prize noong 1901 at hanggang ngayon ay patuloy na kinikilala sa buong mundo at minimithi ng mga scientists, economists, politicians, at mga peace advocates. Sa ngayon, umaabot na sa 840 ang mga Nobel laureates (817 individuals at 23 organizations). Maliit na bahagi lamang ng bilang na ito ang mga babaeng nabigyan ng Nobel Prize (41). Kabilang sa hanay ng mga Nobel winners ay sina Albert Einstine (1921, Physics), Barack Obama (2009, Peace), Nelson Mandela (1993, Peace), Marie Curie (1903, Physics; 1911, Chemistry), at Mother Teresa (1979, Peace). Idinadaos ang awarding ceremony para sa lahat ng Nobel Prizes sa Stockholm, Sweden, usually sa ika-10 ng Disyembre, ang anibersaryo ng pagkamatay ni Alfred Nobel. Ang Nobel Peace Prize naman ay ginaganap sa Oslo, Norway.

Masasabing labing-walong (18) Nobel Prizes na ang nakamit ng bansang Hapon kung bibilangin ang lahat ng winners na may Japanese ethnicity. Kasama na sa bilang na ito si Prof. Suzuki. Sa mahigit isandaang taon ng gawad Nobel, wala pang Pilipino na nabigyan ng prestihiyosong Nobel Prize. Ang yumaong Pres. Corazon C. Aquino ay sinasabing naging nominado para sa Nobel Peace Prize at karapat-dapat na nanalo ngunit di nagawaran ng award.

Ang Nobel Prize ay simbolo ng estado ng isang bansa. Isinasalamin ng parangal na ito kung gaano pinapahalagahan ng isang bansa ang scientific development at peace advocacy. Karamihan sa Nobel laureates, lalo na sa larangan ng siyensya, ay nanggaling sa mga mauunlad na bansa tulad ng USA, UK, Germany, at Japan. Ang mga bansa ding ito ang nangu-nguna sa advancement ng science at technology at naniniwala na ang paglinang at pagtaguyod ng aktibong research and development ay isang mabisang paraan para sa kaunlaran. Ang isang unibersidad na may Nobel laureate ay tumataas ang antas at nakikilala sa mundo. Nagiging mabenta din ang isang institusyon kung saan nabibilang ang isang Nobel laureate at maaring maraming estudyante ang maghaha-ngad na makapasok sa pamantasan na ito. Ito’y iilan lamang sa mga mabuting nagagawa ng Nobel Prize sa akademya.

Sa kasalukuyang estado ng Pilipinas, malayo pa ang ating lalakbayin upang makasungkit tayo ng Nobel Prize. Mayaman sa talented and skilled scientists and technologists ang Pilipinas ngunit mas piniling mangibang bansa upang malinang at magamit ng husto ang naangking kahusayan. Kulang ang Pilipinas sa facilities para maigawa ang isang world-class na research na pwede nating maikumpara sa mga outputs ng developed countries. Iilan lang din ang mga published papers ng Pilipinas sa mga international scientific journals kumpara sa ibang mga bansa sa Asya. Kung ipagpatuloy ng ating pamahalaan ang pagbawas sa budget ng edukasyon, agham at teknolohiya, darating ang panahon na maiiwan tayo ng ating mga kapit-bansa sa Asya. Sabihin na nating mahusay ang mga Pilipino sa paglikha ng mga alternative procedures, ngunit sa panahon ngayon, hindi na pwede ang pwede na; dapat may maayos na pasilidad at policies para sa pagsagawa ng research. Kaakibat ng pag-unlad ang aktibong research and development. Naway maging inspirasyon natin ang Nobel Prize, hindi lamang para sa karangalan kundi para maiahon ang nalulugmok nating science and technology status.
Source: www.nobelprize.org

No comments:

Post a Comment