did u studIED ENGLISH beri wel?
Nang dumating ang FACEBOOOK, biglang dumami sa buong mundo ang gumagamit ng Social Network site na katulad nito. At dahil sa social network na ito, marami sa buong mundo ang nakakakita ng mga inilalagay na post or “shout-out” sa ating mga pages. May mga napansin ako hindi lamang sa mga Pinoy facebook friends ko, kundi sa mga friends ng mga friends din nila ang mga common English mistakes na kalimitan ay naririnig ko rin sa mga Pinoy dito sa Japan. Matagal na akong nagpipigil. Hindi na ako makatiis. Nagtataka ako kung kulang ba sa pagka-istrikto ang kanilang mga English teachers o talagang hindi lang sila nakikinig sa klase noong araw na iyon. Kaya lulubus-lubusin ko na ang pagkakataong nakakasulat ako dito sa Jeepney Press upang itama ang 5 sa mga kalimitang pagkakamali ng mga Pinoy sa English. Bato-bato sa langit... tamaan sana kayo!
1. “Thanks God!”
Huwag mag-alala. Maraming Pinoy ang nagkakamali dito. Kung sa bagay, malapit ang "Thanks God!" sa sinasabi nating Tagalog na "Salamat sa Diyos!" lalo na sa Santa Misa kasi ang English nito ay "Thanks be to God!" Mali ang "Thanks God!" Ang tama ay THANK GOD!... THANK... kahit isang pasasalamat lang tama na sa Diyos 'yon! Huwag mo nang gawing plural pa ang pag- Thank You sa Diyos. Tandaan, THANK GOD!
2. They're... Their... There
Ma-elementary, ma-high school, ma-college pa nga, hindi ko talaga maintindihan bakit nagkakamali dito. Easy lang naman ang guideline nito:
Sila ay = They're
(Sila ay mababait sa akin. They're nice to me.)
Ang kanilang = Their
(Ang kanilang boses ay magaganda!
Their voices are good!)
Doon = There
(Magkita tayo doon.
Let us meet there.)
3. To + verb ... Walang -ed!
Kapag gumagamit ng TO at sinusundan ito ng verb (isang salitang nagsasaad ng pagkilos) huwag nang lagyan pa ng -ed sa huli lalo na kung ang gusto mong sabihin ay nakaraan na.
Ang bait-bait mo at pinakinggan mo ang problem ko!
You were very kind to listened to my problem! (MALI!)
You were very kind to listen to my problem! (TAMA!)
Tandaan, kapag gumagamit ng TO, walang past tense na kasunod!
4. Did + verb... At wala ring -ed!
The same problem. Dahil ginagamit natin ang DID na ka-partner ng isang verb na nakaraan na (past tense), may tendency talagang lagyan ito ng -ed. Di bale sana kung wala namang DID. Pero kung gagamit ka ng DID, as is lang ang verb, walang change, walang buntot.
Pinanood mo ba yung pelikula?
Did you watched the movie? (MALI!)
Did you watch the movie? (TAMA!)
Kaya hindi “What did I done wrong?” ha!
5. Watch your spelling!
Kung ang problema ng mga Japanese ay pagkalimot nila kung paano isulat ang ilang kanji nang dahil sa computer at cellphones, ang Pinoy naman ay humihina na sa good grammar at lalo na sa spelling. "Hir na me, wer na u?" ika nga ng text message. Naaalala ko tuloy ang sinabi ng mga anak ng yumaong Cory Aquino. Si Cory daw kung mag-text, walang shortcut at proper grammar pa! Imagine, at her age, ang tiyaga niyang mag-text ng tamang grammar at spelling kahit mahahabang words. Ang mali kasi,
pag nakasa- nayan, lagi siyang mali. Pero ang mali, kayang-kaya pa ring itama. Be careful! Check your spelling!
Siguro naiisip ng iba, “Bakit ba pakialamero itong si Fr. Bob sa English ko! Eh, mga Pilipino naman tayo! Hindi naman tayo Amerikano! Pati ba naman spelling papatulan! wat nman pkalam nya?! dis s me! aq ang mgddcyd sa say k!”
Well, language is language. And language is evolving. Pero what is important is that we must also have respect for the language. Maraming nagagalit kapag mali ang spelling o pronunciation ng pangalan niya. Ganoon din ang language. Language is the mirror of the people who use it. People treat you well if you use the language well. Kaya, ganbatte kudasai! Itaas ang bandila ng Pinoy! Ipakita sa mundo na seryoso tayo sa mga napag-aralan natin... at kasama na diyan ang English!
--------------------
SHITTE-IRU? by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA…na beauty can be defined differently from different cultures and ages? Sa ancient Chinese literature, ang tinatawag nila magandang binibini o beautiful woman ay yung medyo payat and fragile. Ang paa ay maliit, looks frail na parang may sakit. Pero nung T’ang Dynasty na, ang isang ideal and beautiful woman o isang magandang binibini is someone voluptuous at mukhang genki, healthy looking. Kahit naman sa ibang bansa, they see plump women to be beautiful. This may mean differently for countries na kung saan ang mga matatangkad at payat na models ay siyang tinatawag nilang beautiful. In Japan, ang definition ng beauty seems to vary din. Noong panahon ng Edo era, ang magandang binibini had long faces, thin eyes and malapad and protruding chins. But after the World War II, elegant and well-proportioned women were considered attractive. For all the women out there, sometimes you get confused why there are such different standards in a society regarding women’s beauty. Basta, to all the women out there, stay beautiful, and most importantly...always be beautiful inside.
ALAM NYO BA…na I had an opportunity to meet and see in person the owner of Mikimoto, the originator of cultured pearls? Their main shop or honten is located in Ginza 4-chome. It’s one of the shops that I try to visit whenever I am within the vicinity of Ginza. Baka magtanong kayo bakit ko na-meet in person? Madame Sumiko Mikimoto hosted a buffet dinner in honor of Ambassador and Madame Domingo L. Siazon, Jr. This is a welcome party for them, not as diplomats but as good friends. The party was by invitation only and nabigyan ako ng privilege to be part of the party. Madame Sumiko Mikimoto is very down to earth woman, a woman with grace and very simple. She is already 85 years pero di siya mukhang 85. Here are some photos taken during the event.
ALAM NYO BA…that as we grow older and lalo na pag maraming problema o maraming obligasyon sa buhay, people tend to be very sensitive? No man is an island, walang perfect na tao kaya ok lang to be sensitive pero mas maganda if you can control being very sensitive lalo’t may mga nasasaktan kang mga tao. So medyo cool lang po tayo, think muna before you react or say something bad…what if sa iyo gawin iyon, ano kaya mararamdaman mo?
ALAM NYO BA…na according to the book of God’s little lessons on life, happiness flow from within? Sa mga taong feeling nila na end of the world na at palaging malungkot o parang galit sa mundo, bakit di na lang ninyo try to be happy, choose to smile and think of good things. You will not be happy when you have a bitter heart, galit ka sa kapwa mo, galit ka sa mundo, sa mga bagay-bagay na di maganda na nangyayari sa buhay mo…forget about that. Instead na magalit o sumimangot ka o umiyak, try harder to be happy. You yourself can make you truly happy. So kaibigan, ano ang gusto mo – to be happy or not to be happy….well, for me, decide to be happy and be thankful for all the blessings that you have.
ALAM NYO BA…that it is hard, challenging pero masaya to be a mother? As a mother of three children, I found that it is really not an easy task to be a mother, lalo na for me with a full time job. As my children grow to be teenagers, I sometimes experienced difficult things hard to understand. But one thing that makes me strong to deal with them is through prayer and hearing mass every Sunday. I am glad that with God’s help, my children know that the important factor in their life is their Catholic faith, learning about Jesus Christ and with constant reminder (kahit na makulitan pa sila) that they pray all the time.
ALAM NYO BA…that we had a very successful Philippine Investment Seminar that was held last October 6, 2010 at Hotel New Otani? The main speakers were DTI Undersecterary & BOI Managing Head Cristino L. Panlilio and PEZA Director General Lilia B. de Lima. The presentation of Undersecretary Panlilio covered a brief description of current key macro-economic indicators, on how the Philippines particularly the economy continues to move forward as the world economy recovers from the recent financial crisis. He also talked about why it is good to invest in the Philippines, etc. while Director General de Lima talked about the investment incentives and advantages of locating in the Philippine Economic Zone Authority. We had a total of 300 participants.
No comments:
Post a Comment