Arangkada Pinoy
by Yellowbelle Duaqui
Pasko Para Sa Mga Bata
Isa sa pinakamarangal at pinakamabuting katangian ng mga Filipino ay ang pagiging mapagkalinga sa kapwa. Ang “Paskong Pinoy sa Bahay-Ampunan” na inilunsad ng Purple Heart Society-Ephphatha sa Red Brick Warehouse sa Yokohama noong Disyembre 5, 2010 ay isang pagkakataong naipamalas ang katangiang ito. Sa temang “Ephphatha,” isang salitang Ebreo na nangangahulugang “Open!” (Mark 7: 34-35), nagbukas ng puso ang mga ninang at ninong na karamihan ay mga Filipino upang pasayahin ang mga batang Hapon mula sa bahay-ampunan.
Papangalanan kong Little Prince ang batang naging “inaanak” ko sa araw na iyon. Masayahin, malambing at makuwentong bata si Little Prince. Mahilig siya sa DS gaming at gumuhit ng anime. Mukha ring madali siyang matuto ng wika, dahil batay sa aming kuwentuhan, nalaman kong marami na siyang nalalamang salita at pangungusap sa Ingles at mahusay ang pik-ap nya sa ilang pagbating Filipino na itinuro ko sa kanya.
Karamihan sa atin ay touchy kapag nagpapahayag ng apeksyon sa kapwa. Ngunit nagulat pa rin ako kapag kusa niyang kinukuha ang aking kamay noong kami ay naglalakad patungo sa palaruan ng mga bata. Kapag nagpapakuha ng litrato, ni wala siyang reklamo kapag siya ay inaakbayan ko. Kaya ang sabi ko sa sarili, sinong magulang ang nasa tamang huwisyo ang ilalagak ang sariling anak sa isang bahay-ampunan at pakakawalan ang ganitong uri ng bata – mapagmahal, matalino, at mabait?
Bago ako tumungo sa Japan, nagkaroon ako ng pagkakataon sa Pilipinas na makapunta sa Hospicio de San Jose sa Quiapo. Ang mga batang kinakalinga sa bahay-ampunan na ito ay salat sa materyal na bagay at suportang pinansyal – mga bagay na naibibigay marahil sa mga batang Hapon na inabandona ng kanilang magulang. Ngunit sagana man sa materyal na bagay, mukhang mas salat sa init ng pagmamahal ang mga batang Hapong nakilala ko noong hapong iyon.
Malawak ang sakop ng salitang “kalinga” sa kulturang Filipino. Malinaw na ito ay binibigay ng buong puso, ng may pagmamahal, para sa mga taong abandonado, maysakit, ulila, sa mga mahihina o mga nilalang na walang kakayahang tulungan ang sarili. Kaya naman kung kulturang Filipino lamang ang ating pagbabatayan, pinakamahalaga sa pagbibigay ng kalinga ay ang pagbibigay ng sarili (kasama na rito ang init, pagmamahal, at simpatya) sa taong pinaglalaanan nito. Ngunit hindi rin maikakaila na, kung minsan, higit na napapatunayan ang pagmamahal kung naibibigay nang maayos ang pangangailangan ng mga taong mahihina. Sa kabilang dako naman, kahit na umaapaw ang pagbibigay ng mga materyal na bagay, hungkag din ito kung hindi naman naipaparamdam ng magulang ang kanilang pagmamahal.
Sabi nila, ang Pasko daw ay para sa mga bata. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito? Napakadaling malunod sa pagbaha ng mga komoditi at handaan sa panahon ng Kapaskuhan. At napa-kadali ring mabura ang tunay na diwa nito.
Sa likod ng isip natin, lalo na ang mga ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, batid natin ang kuwento ng isang batang isinilang sa isang payak na lunan at lumaking sagana sa pagmamahal ng mga butihing magulang. Siya ang nagsilbing patunay ng pagmamahal ng Panginoon para sa sangkatauhan. Ang pinakamahalagang mensahe niya ay hindi kayamanan sa mundo, kung hindi ay pagbibigay ng pag-ibig para sa kapwa tao.
Pakiramdam ko habang nakikilahok sa “Paskong Pinoy sa Bahay-Ampunan”, buhay ang pagmamahal na ito. Naging buhay na salita ang Ephphata. Sana ay dumami pa ang ganitong mga aktibidades mula sa mga migranteng Filipino sa Japan dahil mukhang ito ang kailangan ng bayang ito mula sa atin.
--------------------------------
Short-Cuts
By Farah Trofeo-
Ishizawa
First Cut –
First and foremost, greetings in the languages some of us know (hope they are right): Happy New Year! Feliz Ano-Nuevo ! Akemashite Omedeto ! Manigong Bagong Taon! Bonne Annee ! and Felice Anno Nuovo !
Second Cut –
How was the past year for you? Were you happy? Were you contented? What are your plans for this year?
Third Cut-
The year 2010 came and went so fast. And thank God, if you are reading this, like me, you too, “survived” ! It was quite a year, a busy one, but a happy one.
Fourth Cut-
The year of the Rabbit ! Ever since I was a child, my friends gave me the name “koneho” because of my beautiful two front teeth, that is why I am full of hope for this is my year! Anyway, I hope that this year will be much better for you and me.
Fifth Cut-
The past year, I have been showered with kindness in so many little and simple ways, but I guess the most important thing – is realizing and appreciating these thoughtful gestures of “kindness” - like the driver of the bus warning me before getting off the bus, to be careful of the speeding bicycle; that old lady in the grocery who made me go ahead at the cash register because I had only one merchandise with me; and those students who offer to carry my stuff in school. Very simple gestures that mean so much because they are genuine.
Sixth Cut-
Thoughtfulness, kindness, and that honest feeling of wanting to help comes from the heart. Have you done your share? It is never too late to start. Start with your family and friends – and before you know it – you will begin to feel good because you have spread “kindness.”
Seventh Cut-
As for us here in Japan, maybe all of us can try to co-exist with our Japanese families and friends in a more harmonious way by trying to adapt to their culture. Try not to be too loud or become a “meiwaku” - try our best to “blend” with their norms and traditions. Most of all, we must try to have good relationships with everyone around us.
Eighth Cut-
May everyone find hope you and happiness in the simple things. Stay happy! Stay contended – remember – life, after all, depends on how we live it.
Feel good with everything and everyone around us.
God Bless – Mama Mary loves us !
No comments:
Post a Comment